Stall #2

IZ*ONE MARKET: Ang palengkeng punong puno ng pasabog.

Pangalawang araw na ng matumal na benta ng IZ*MARKET, pangalawang araw na din na sinabi nila Nako na lahat ng stocks ay napupunta sa MOA o Momol of Asia. Dahil sa wala naman silang magawa ay maaga ulit sila nagsara, at saktong sabay sabay sila nag silabasan ng mga pwesto nila kaya chumansing na si Chaeyeon na mayayang mag date si Eunbi.

Nilapitan niya si Eunbi na nagliligpit at ngumiti ng pagkalandi landi, "hi beb." Bati ni Chaeyeon kay Eunbi, lumingon naman si Eunbi at nginitian din ito pabalik at may extra landi. "Oh beb, sabay na tayo pumunta kayla Hyewon." Sabi ni Eunbi at ibinalik ang tingin niya sa kaniyang bag, umiling si Chaeyeon at hinawakan ang kamay ni Eunbi. Nagulat naman si ate niyo Eunbi dahil nagpakabold ang kanyang jowa, pero syempre pigil harot siya para kunwari di kinikilig. "Beb, ano kasi... gusto ko tayong dalawa muna." Tinaasan niya ng kilay si Chaeyeon dahil di niya maintindihan ang iniimply ng gaga kasi puro utal, "beb diretsohin mo na, alam mo namang di ako patient diba?"


"Beb date tayo sa Momol of Asia."

"Anong momol of asia?!" Sigaw ni Wonyoung at pumagitna sakanilang dalawa, "nak ano ginagawa mo dito?" Tanong ni Eunbi sa anak at inaalis siya sa gitna nila ni Chaeyeon, "hihingi lang sana ako ng sampu kasi nagkayayaan pong mag computer shop." Pumamewang si Wonyoung at dinuro duro si Chaeyeon, "gusto mo bang ma food poison nanay ko ha?!" Nanlaki ang mata ni Chaeyeon at napakamot ng ulo, don't misunderstand wala siya kuto nalilito lang. "Anong food poisoning? Ano meron?" Umirap at nagbuntong hininga si Wonyoung bago ulit bumalik sa posing niya, "under fire sila dahil sa food poisoning! Bumula daw bibig ng nanay ni Miru kahapon akala nila may rabies na pero na food poison lang!"


"Lumalawak bokabyulari ng anak ko ah, define under fire."

"Nasa ilalim sila ng apoy po. Eh basta! Wag na wag mo dun dadalhin nanay namin kung ayaw mong ikaw yung sunod kong ipa-chopchop kay Ate Nako!" Nang humarap na si Wonyoung sa kanyang nanay biglang nagiba ang mood neto at biglang ngumiti ng pagkatamis-tamis, "nay yung sampu ko po." Bumuntong hininga si Eunbi at binigyan ng bente si Wonyoung, "thank you nay sa extra!" Bago siya umalis hindi niya kinalimutang irapan si Chaeyeon nang nilagpasan niya 'to.


"Tara nalang pala kayla Hyewon beb."

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
winter003
#1
Ay gusto ko to hahahahahahahaha
purkinotplory
#2
Chapter 2: tara sa Momol of Asia..
HeyArkitek
#3
Chapter 1: gagi aabangan q 2 HAHAHAHAHAHAHAHA
purkinotplory
#4
Chapter 1: So introduce lang toh.. inaabangan ko pa naman.. tuloy mo lang dadami din subs. mo.. good luck.. :) (*_*)
purkinotplory
#5
Haha ..can't wait for the first chapter.. Sana may baklaan na magaganap..charrot