Mga bida-bidang tauhan.

IZ*ONE MARKET: Ang palengkeng punong puno ng pasabog.

EUNBI GOMEZ: 


 

- Vendor ng isda at karne

- Laging fresh ang tinda at virus free

- Pagod na siya sa totoo lang

- Dakilang chismosa ng IZ*MARKET

- Madaming suki kasi fresh na nga ang kanyang mga tinda, mura pa

- Nanay nina Nako Gomez at Wonyoung Gomez

- Jowa niya yung katabi niyang vegetable vendor na si Chaeyeon Martinez

 

CHAEYEON MARTINEZ:

- Vendor ng gulay at rekado

- Saksakan ng kadaldalan kaya madami din benta

- Magaling sa sales talk pero mas magaling sa harutan

- Palaging nababara ni Wonyoung at Nako nang di sa oras

- Bigla bigla nalang nagi-isplit habang hawak paninda niya pag may dadaan na namimili

- Masyadong maligalig

 

SAKURA DIMAWARI:

- Vendor din ng gulay kaya bestie sila ni Chaeyeon 

- Bagay last name niya sakaniya kasi hindi mawari mga pinagiisip niya minsan

- Madami chix nahahakot kahit palpak kumindat kasi bawing bawi sa charms

- Isa pang maharot pero loyal

- Dinadaan niya sa panghaharot ang pag tinda pag magaganda namimili 

- Pag madami tao nagd-dance number sila ni Chaeyeon para hakot suki

YENA MAGDALENA:

- Vendor ng mga iba’t ibang klase ng itlog

- Maharot din pero kay Yuri Salonga lang.

- Matalino pag dating sa mga gimmick saka kalokohan

- Di marunong mag sales talk kaya tinutulungan siya ni Yuri habang natungo lang siya sa gilid

- May sideline na roasted bibe at kwek-kwek

- Makikipagaway kay Sakura pag walang magawa

 

HYEWON DIMAGUIBA:

- Nagiisang may-ari ng sari-sari store na parang grocery sa IZ*VILLAGE

- Kalaro ni Yena at Sakura sa Mobile Legends pag wala masiyado nabili

- Kadalasan nauubos tinda dahil sa kakakain nila ni Minjoo 

- Di uso mag react sakaniya kaya palagi blank mukha pwera lang kung may pagkain o may pangdidirian siya

- Mukhang mahinhin pero malutong magmura at mang trashtalk

- Allergic sa nangungutang

 

MINJOO PEREZ: 

- Pinsan ni Hyewon na lagi tambay sa tindahan niya

- May Zoo sa katawan kaya di na kailangan gumastos para pumuntang Manila Zoo

- Maganda pero siya no.1 source ng memes nila sa IZ*VILLAGE

- Nagiging pabebe pag nasa paligid si Chaewon

- Silang dalawa ni Hyewon dahilan kung bakit palaging nauubusan ng pagkain sa tindahan

- Ginagawang pang attract ng customer saka pangtaboy ng mangungutang ni Hyewon 

 

YURI SALONGA:

- Hindi siya kamag-anak ni Lea Salonga pero keri niyang tapatan ‘to sa biritan

- Every year nasali ng singing competition sa barangay, every year siya din champion

- Kasama ni Yena magtinda ng itlog 

- Magaling mag-benta kasi dinadaan sa pambobola

- Laging ka-chismis si Eunbi kasi isa pa 'tong mahilig sa chismis

- Kilalang kilala sa buong village kasi maingay

 

CHAEWON SALONGA:

- Crush ng bayan kaya palaging may fans na naka-aligid

- Tagabuhat ng mga stock kasama si Yujin at Nako 

- Overall walang ginagawa pag walang restocking

- Laging tambay sa tindahan ni Hyewon para lumaklak ng sprite saka para masilayan na din si Minjoo

- Kapatid ni Yuri + ka-duet niya sa mga singing competition sa barangay

- Nasama kay Hitomi pag nagp-patrol siya sa barangay

 

HITOMI RAMOS:

- Anak ng barangay captain kaya takot lahat sakaniya 

- Siya pinagbantay ng IZ*MARKET kahit tahimik doon kasi mema-utos lang daw papa niya

- Palagi minomolestya ni Nako pisngi niya pero okay lang daw kasi cruxx naman niya

- Mabait saka tahimik lang pero mahal na mahal siya ng mga tropa niya lalo na si Aling Eunbi

- Adik sa buko juice saka tinapay

- Kayang pumatay pag ginusto niya

NAKO GOMEZ:

- Panganay na anak ni Eunbi kung saan naman ni Wonyoung kademonyohan niya

- Cute and smol but teribol

- Tagabuhat ng mga stock kasama sina Chaewon at Yujin

- Mas malakas pa sa mas matatangkad sakaniya

- G na g asarin si Hitomi para di sya mahalatang cruxx din niya 

- Protective sila ni Yujin kay Wonyoung kahit mas matangkad sakanila

 

WONYOUNG GOMEZ:

- Bunsong anak ni Eunbi na wagas magtaray pagdating kay Chaeyeon

- Maganda at matangkad kaya madaming umaaligid pero protektado ni Yujin at Nako

- Masipag magbantay ng stall pag wala si Eunbi

- May major crush kay Yujin kaya nagiging pabebe pag kasama siya

- Mabait na anak at kapatid, amen

- Pero may ugaling demonyo din kasi mana sa ate

 

YUJIN CASTILLO:

- Isa pang crush ng bayan

- Tagabuhat ng mga stock kasama sina Nako at Chaewon

- Di siya makapag-hokage moves kay Wonyoung dahil masyadong strict si Nako saka Aling Eunbi

- Malakas sapak kapag nakalaklak ng milo

- Dating kasali sa track and field kaya madali niyang natatakasan mga fans niya pag nakita siya

- Nagsisilbing happy pill ng IZ*MARKET

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
winter003
#1
Ay gusto ko to hahahahahahahaha
purkinotplory
#2
Chapter 2: tara sa Momol of Asia..
HeyArkitek
#3
Chapter 1: gagi aabangan q 2 HAHAHAHAHAHAHAHA
purkinotplory
#4
Chapter 1: So introduce lang toh.. inaabangan ko pa naman.. tuloy mo lang dadami din subs. mo.. good luck.. :) (*_*)
purkinotplory
#5
Haha ..can't wait for the first chapter.. Sana may baklaan na magaganap..charrot