Chapter II.

Chasing You
Please Subscribe to read the full chapter

[ Kristel's POV ]


"I can't, sweetheart. I am also needed-"

Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ay narinig namin ang tunog ng isang pagsabog. Si Fairylle ay bigla namang lumapit sa akin at ipinipilit na magtago sa katawan kong hindi rin naman siya kaya itago. (;¬_¬) 

"Ate Kristel.. I'm scared po." My heart suddenly ached for this kid. Huminga ako  ng malalim at tumingin sa mga mata niyang maluha luha na.

"Baby. Do you trust me?" Tinanggal ko kaagad ang swiss knife at hairpin na nakatago sa bulsa ko. Nang makita ko ang kanyang pagtango, inilagay ko ito sa kanyang bulsa.

"Whatever happens, I will protect you. In the incident that something went wrong, I want you to use what I gave you to survive. Kung hindi man kakayanin na umatake, kahit magtago ka ng maigi. It will help a lot. Do you understand?" Hinaplos ko ang pisngi ni Fairylle. I would want her to be safe. She's still so young and innocent. Why would they want her to be traumatized? 

Binuhat ko si Fairylle at kinuha ang isang backpack niya na may laman ng damit kung sakali na magkaroon ng ganitong sitwasyon. 

Nag-aalala ako kung saan dadaan. Nasa akin ang bata at ayoko naman na dumating sa punto na magkagipitan at makuha si Fairylle. Sinilip ko paligid mula sa bintana. Wala namang tao sa ibaba kaya napagdesisyunan ko na doon na dumaan.

Pagkalanding sa damuhan, naramdaman ko medyo masakit pala tumalon mula sa mataas na lugar. Buti na lang at naaalala ko pa kung saan ang garahe nitong bahay nila.

Binuksan ko ang kotse at pinagana ang makina. Iniupo ko si Fairylle sa passenger seat.

"Fai. Listen to Ate. Babalikan ko sila kuya mo doon. If someone came and hindi siya isa sa amin, dont open the door. Better lock this door okay?" 

Sinipat ko kung nilock nga ba ni Fairylle ang pinto at buti na lang matalino siyang bata.

'May limang lalaki pero ito na ba lahat...' 

Bahala na.

Pumasok ako sa side door ng bahay at nakita ang nagitla na lalaki. Bubunot palang siya ng baril ay naibato ko na ang chopping board. 

Lumapit ako sa kanya at maiging tinuhudan ang *toot* niya bago siya hinila sa gilid.

"Ilan kayo na sumugod dito?"

Hindi ako inimik at ang nakakainis pa ay ngumiti ito. 

"Magsasalita ka ba?"

"Papatayin kita pag nagsalita ako."

Ψ(`◇´)Ψ

Agad akong nagpagpag pagkatapos itong puruhan. Hindi ko alam kung kaya ba ng konsensiya ko na pumatay pero kung hindi ko gagawin, kami ang mapapahamak. Kinuha ko ang baril at kutsilyo nito na nakatago.

"M-mina-manyak m-mo ako..." sabi ng lalaki

Binatukan ko ito na siya naman dahilan ng pagkauntog nito. "Heh."

Hinanap ko sila CC, Cade at Labyrinth at una kong nakita si CC. 

"CC!" Tawag ko sa kanya. Lumapit siya sa akin at saka ako hinatak. "Kanina ka pa hinahanap ni Labyrinth. Asan daw si Fairylle?"

"Nandoon na siya sa sasakyan. Binalikan ko lang kayo para makaalis na." Sagot ko sa kanya. Nang makita namin si Cade, nagulat kami at wala si Labyrinth. 

"Cade? Si Labyrinth?" Tanong ni CC. Kumunot ang noo ni Cade.

"Nagkahiwalay kami. Buti nahanap mo si Kristel. Tara na." Sabi ni Cade habang humahakbang na papunta sa pintuan.

"Mauna na kayo sa garahe. Nasa sasakyan na si Fairylle. Hahanapin ko lang si Labyrinth. In case na mauna siya makapunta sa garahe kesa sa akin, bumusina lang kayo ng isa."

Bago pa sila makakontra ay pumunta na akong hagdan para tignan kung nandoon ba si Labyrinth.

"Katapusan mo na." Nanlamig ang kalamnan ko. Mapapahamak si Labyrinth. Napapaligiran siya ng tatlong kalalakihan na may baril. Hindi ako makalapit.

"Fairylle tara na." Pagpapanggap ko na kunwari ay tumatakas. Narinig ko na palapit na sa akin ang isa sa tatlo kaya agad kong inihanda ang baril sa kamay ko. Itinututok ko sa kanya at bumagsak siya. 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
CrimsonXin
Uhm. This story will be in another language. If you are interested in translating my work, it will be my pleasure. I'm also a bit weary if I should write an update for my other stories. Hmmm.

Comments

You must be logged in to comment
Chanbaek641 #1
This is really good!!!