Chapter V.

Chasing You
Please Subscribe to read the full chapter

Nagising si Kristel na nasa kwarto na. Hindi na siya nakakain kagabi kasi nauna ang tulog sa kanya. Hindi tuloy niya nakita ang inis ni Labyrinth dahil hindi nito makikita ang effort niya sa pagluluto. Kung nainis man si Labyrinth, mas lamang pa rin ang pag-aalala niya dito kaya binuhat niya ito at inihiga ng ayos sa kama. 

Hindi maunawaan ni Kristel kung bakit pakiramdam niya nagiging battleground na yung bahay at kahit siya ay hilong hilo na. Napilitan tuloy siyang magpunta ng mini library para lang magkaroon ng katahimikan at doon niya nakita si Labyrinth na tahimik na nagbabasa... o natutulog?

Nakatakip lamang pala ang libro sa mukha nito at himbing na natutulog. 'Kakaiba rin'

Naupo siya sa katapat nitong upuan upang gayahin din ito. Ano pa bang ibang gagawin niya doon. 

Hindi niya akalain na paglalaruan siya ng mga "bata" at ikukulong silang dalawa ayon na rin sa signal ng isa pang "bata".

Nang magising siya, nagulat na lang siya at magkatabi na sila ni Labyrinth at nakatitig ito sa kanya. 

。◕‿◕。 Labyrinth
(つд⊂) Kristel

"Bakit ka ganyan?" Tanong ni Kristel na parang wala lang sa kanya ang pagiging malapit ni Labyrinth pero ang puso niya ito na naman sa doki doki. 

"Wala naman. Tinitignan ko lang kung paano ka matutulog kung tatakpan ko ilong mo."

Hindi halatang amuse na amuse sa kanya ang lesheng bata. 

"May tulo laway ka pa o." 

Pupunasan na sana ni Kristel ang tinutukoy nitong tulong laway niya pero naunahan siya ni Labyrinth.

"Akin na nga yang kamay mo." Nagtataka siya kung bakit naman ito gagawin ni Labyrinth eh ubod ng arte nito. Hinawakan niyang maigi ang kamay nito at pinunasan gamit ang panyo niya. 

Doon niya lang narealize na malambot ang palad ni Labyrinth. Parang isang babae. 

"Anong parang babae?" Tanong ni Labyrinth sa kanya na hindi naman niya akalain na masasabi niya pala ang nasa utak niya.

"Hehe. Yung kamay mo. Ang lambot parang babae."

Hindi pa siya nakuntento at hinawakan din niya ang buhok nito. Napag-alaman din niyang malambot ang buhok nito.

"Ano bang ginagawa mo?"

Hindi niya pinansin. Tuloy tuloy lang siya sa paggulo sa buhok nito hanggang sa hinawakan nito ang pulsuhan niya at pinatong ang noo sa noo niya.

"Pag ako hindi nakapagtimpi, Kristelein.." May pagbabanta ang tono nito kaya naman napalunok siya ng laway na fresh from her sleep. 

Nanahimik siya at pinilit na huminga ng malalim hanggang sa bitawan nito ang pulso niya at umiwas sa kanya ng tingin.

"Bakit pala andito ka?"
"Bakit andito ka rin?"
"Nauna ako magtanong."
"Kasi ano..."
"Ano?"

"Ang ingay kasi nila tapos nakita kong natutulog ka dito kaya ginaya kita. Hehe." 

Dahil sa sagot na yun ay napitik ang noo niya.

"Aray!" (╥﹏╥)

Lumapit ito sa pinto at sinubukan itong buksan. Wala siyang alam sa pagkakasara ng pinto kaya nagulat siya ng hindi mabuksan ni Labyrinth ang pinto.

"Natrap ba tayo dito?"
"Parang ganon." 

Lumapit siya sa bintana at binuksan ito. Akmang tatalon na nang pigilan siya nito.

"Anong gagawin mo?"
"Tatakbo, tatalon, sisigaw ang pangalan mo. Hehehe. Tatalon!" 

Sinara ni Labyrinth ang bintana at hinatak siya pabalik ng upuan.

"Okay ka lang ba? Sino bang normal ang tatalon dyan?"
"Sino ba kasi may sabing tatalon ako?"

Napafacepalm na lang si Labyrinth. 

"Wag na nga tayo mag-usap."

Tinalikuran siya ni Labyrinth at for some reason, ayaw niya non. Siguro sensitive lang siya ngayon pero di niya talaga gusto na isipin na hindi sila mag-uusap o better yet magkagalit sila ulit.

"Usap tayo." Pangungulit niya dito pero hindi nagpapatinag. Bakit ba kasi minsan may topak itong lalaki na to! Gus

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
CrimsonXin
Uhm. This story will be in another language. If you are interested in translating my work, it will be my pleasure. I'm also a bit weary if I should write an update for my other stories. Hmmm.

Comments

You must be logged in to comment
Chanbaek641 #1
This is really good!!!