Chapter I.

Chasing You
Please Subscribe to read the full chapter

Ang maligayang araw ni Kristel para mag-mall ay napunta sa humahangos sila ni CC papuntang parking lot habang bitbit ang isang cute na bata. Hindi niya maintindihan kung sino ang may balat sa pwet, siya ba o ang dalawang kasama niya?

"CC, sa kotse ko na lang. Ako na bahala." Sabi niya habang papunta sa pinagparkingan niya.

Naramdaman niyang humigpit ang yakap nitong si Fairylle sa leeg kaya tinapik nito ang likod ng bata. "Wag ka matakot. Hindi kita pababayaan."

Nang makalapit sila sa kotse agad niyang iniayos si Fairylle sa passenger seat. Binuksan naman ni CC ang pinto sa backseat at naupo. Nagmamadali niyang inimaneho ang kotse. Buti na lang at hindi ito nagpahatid ngayon sa driver nila.

Inihiga niya ng tuluyan ang kinauupuan ni Fairylle at inayos ang seatbelt nito. Pagkaraan ay inabot ang unan sa kanya. 

"Matulog ka muna, Fairylle. Magiging okay rin lahat." Ginulo ni Kristel ang buhok nito at nakita ang kanyang maingat na pagtungo. Napakacute na bata. Kung pwede lang kagatin.... at pumasok ang demonyito niyang kuya sa isip niya. Di bale na.

"CC, ano bang nangyayari?" Tanong nito ng makitang tapos na siya sa tinatype niya sa laptop. 

"Mukhang may gusto kumuha kay Fairylle. Kung hindi ako nagkakamali dahil ito sa paghahanap ng susunod na mamamahala sa kompanya nila." Sagot ni CC na malayo ang tingin. Mukhang malala ang sitwasyon.

At sumakit ang ulo ng dalaga.... Ang hirap talaga pag usaping pera at posisyon at kapangyarihan. Minsan parang sumpa na mayroon kang ganon.

"Kung gayon, anong plano?"

"Kailangan natin pumuntang isla. Nandoon si Labyrinth ngayon."

"Sige. Ihahatid ko kayo doon. May kailangan lang tayong iligaw."

Napansin niya na may nakasunod sa kanila kanina pa pero para makasiguro naisipan niya na iligaw ang mga ito. Nang mapansin na hindi na sila nakasunod, bumalik na siya sa daan papunta sa airport.

Makaraos ay binigyan na siya ng go signal na pwede na sila sa helipad. Buhat buhat si Fairylle at magkahawak kamay sila ni CC. Saglitang biyahe lamang ay nakarating na sila sa isla na tinutuluyan ngayon ng bakulaw este kuya ni Fairylle.

"Madam." Sabi ng nag-assist sa kanila papunta. "Salamat. Pakisabi na lang na paki-ingat yung sasakyan ko. Babalik din ako agad."

"Tara na?" Aya sa kanya ni CC at tsaka siya sumama papasok. Hindi maipagkakaila na mayaman talaga ang mga Maude. Kung tutuusin, hindi pa niya nakikita yung kabuuan ng assets nila dahil panigurado naman hindi lahat gusto nakabuyangyang ang yaman nila.

As far as Labyrinth Maude is concerned, alam niya meron itong sariling kompanya na itinatag at pinamamahalaan. Very open itong humalili sa magulang nito at kung hindi ganoon ang personalidad ng lalaki, mababaon sila ng mga kalaban ng hindi nila namamalayan.

"CC." Ang boses na iyon ay nanggaling sa kapatid ni CC, si Cade. Katabi nito ang numero unong ayaw niya makita pero wala naman siyang magagawa kundi ang mag-iwas ng tingin para hindi sumama ang araw.

"Cade! Labyrinth! Sorry I wasn't capable enough to protect Fairylle. If it weren't for Kristel, baka nakidnap na kami kanina."

Nakita niyang pinisil ni Cade ang balat na nasa pagitan ng kanyang kilay tsaka tumaas ang sulok ng labi. "CC, hindi ka kid kaya hindi ka makikidnap. Anyway, it was truly a close call. Who would have thought that the enemy will be more than willing to use its manforce just to stop this."

"It's good enough na nakaligtas kayo sa clutches ng mga iyon. If not, you'd be dead or better yet tortured." Sabi ni Labyrinth. "Bakit mo t

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
CrimsonXin
Uhm. This story will be in another language. If you are interested in translating my work, it will be my pleasure. I'm also a bit weary if I should write an update for my other stories. Hmmm.

Comments

You must be logged in to comment
Chanbaek641 #1
This is really good!!!