CHAPTER III.

UNTITLED, 2017


"So, bakit ka nga binigyan ni Veo nitong chocolate?" Ma'am Jennie asked. Ang cold ng boses niya habang hawak hawak yung chocolate na binigay ni sir Veo.

Yes. Chocolate yung laman nung inabot sakin ni sir Veo. At imbes na ako ang nagbukas nun, si Ma'am Jendeuk ang gumawa. Ang saya diba?

"Hindi ko nga alam Ma'am Jennie. Kung alam ko lang eh di sana kanina ko pa sinabi ang dahilan." Medyo inis nang sagot ko sa kanya. Kanina pa kasi siya paulit-ulit ng tanong.

"Anong naramdaman mo nung binigay niya to sa'yo?" Medyo kalmado nang tanong ni Ma'am Jennie.

Pero yung tanong niya, WTF?! May alam na ba siya?!

"H-ha?! Ano pinagsasabi mo diyan Ma'am Jen? Hehehe" maang maangam ko kasabay pa ng isang pilit na tawa. Sana maniwala siya. 

"Alam mo Lalice, halata ka eh. May gusto ka kay Veo. Halata sa mga tingin mo sa kanya." OmyGod! Ganoon na ba ako ka-transparent? "Ang sa akin lang Lisa, alalay lang sa damdamin. May girlfriend si Veo. Kaya sana, habang hindi pa malalim 'yang nararamdaman mo sa kanya, tigilan mo na." Dire-diretsong sabi ni Ma'am Jen sabay abot ng chocolate at bumalik na sa pwesto niya.

--

"Rosé, bakit ganoon?! Noong isang linggo, binigyan niya pa ako ng chocolate tapos ngayon, isang linggo na niya akong hindi pinapansin?!" Ngawa ko kay Rosé na ngayon ay nagsuksok na ng earphone sa magkabila niyang tenga.

"Ano ba naman yan Rosa!" hinatak ko ang earphone niya kaya naman sinamaan ako ng tingin ng loka.

"Ano ba?!" Iritang sabi ni Rosé.

"Beb! Di niya ako pinapansin!" Ulit ko sa aking sentiment.

"Eh ano naman kung hindi ka niya pinapansin?! Ano ka ba niya?! Ano ba kayo?! May kayo ba?!" Aba't?! May dalaw ba 'tong si Rosé at ang init ng ulo?

"Oo nga! Kayo ba?" OmyGod!

"Ah eh.. Hahaha! Ma'am Jen, may iuutos ba kayo?" Patanong na sabi ni Rosa ng makita si Ma'am Jennie.

"Ah, eto Rosé pakipapirmahan kay Boss Yang. Thank you." Utos ni Ma'am Jen kay Rosé sabay abot ng mga papers.

Pag-alis ni Rosé ay tyaka ako hinarap ni Ma'am Jennie.

"So, ano yung drina-drama mo kay Rosé?"

"Huh? Wala yun. Kaw talaga Ma'am Jendeuk."

"Ano naman kung hindi ka niya pinapansin? Di ba nga mas maganda yun? Kasi siya na mismo ang lumalayo sa'yo para di ka na mahulog pa sa kanya?" Eto na naman po siya. "Lalice, hindi ba sinabi ko na sa'yo na wag kang mahuhulog sa kaniya?"

"O-Oo. H-hindi naman a--"

"Yun naman pala eh. Eh ano tong ginagawa mo? Hinahayaan mo yung sarili mong mahulog sa kanya kahit alam mong wala kang pag-asa."

"Masama bang magka-crush? Crush lang Ma'am Jen ipagkakait ninyo pa?"

"Madami pang iba diyan Lalice."

"Madami pa pero hindi sila ang gusto ko."

Natigilan si Ma'am Jennie. Tinitigan niya ako sa mata and she takes a deep breath.

"Ok. Kung yan ang gusto mo. Siguraduhin mo lang na di ka iiyak ng dahil sa kanya." Yun lang ang sinabi ni Ma'am Jen at umalis na.

Nang uwian, parang walang sagutang nangyari sa amin ni Ma'am Jennie. Sabay-sabay kami nina Rosé, Ma'am Chu, Ma'am Jennie at Sir Veo na umuwi. Habang nasa jeep ay masaya kaming nagkukwentuhan.

Pagdating namin sa terminal ng jeep ay nagpaalam na ako sa kanila na sasakay na ako, pero laking gulat ko nang sumakay din si Sir Veo sa sinasakyan kong jeep.

Wala sa loob kong tiningnan ang direksyon nila Ma'am Jennie na ngayon ay walang emosyong nakatingin lang sa amin.

"Nagmamadali ka naman masyado. Di mo ko hinintay bago sumakay." Agaw atensiyon sa akin ni Sir Veo.

"Ah, eh sorry Sir. Nakalimutan ko na same way lang po pala tayo." Paliwanag ko sa kanya.

"Hahaha. Ganun ba? Sige, araw-araw na ko sasabay sa'yo."

"H-huh? Di naman--"

*Tenenentenenen tenenentenenen*

"Uh, hello mahal? Kamusta na?" Yeah right. Di ko na nga natapos ang sasabihin ko sa kanya kasi ayun, tumawag na ang "mahal" niya. Buong biyahe halos ay magkausap sila through video call at nakalimutan na nga lang niya na may kakilala siyang kasabay.

"Uhm Lalice, pasensya na huh? Di na kita nakausap. Ngayon lang kasi tumawag ngayong araw si Sue. Namiss ko talaga siya, sige ha. Malapit na ko bumaba. Bukas ulit." Mahabang paliwanag ni Sir Veo na hindi ko na nasagot dahil pumara na siya at bumaba.

Tinatamad pa akong umuwi so, imbes na sa tapat ng subdivision namin ako bumaba, sa SM Novaliches nalang ako dumiretso.

Naglalakad lakad lang ako sa loob ng mall, pumapasok sa store pero wala namang binibili hanggang sa..

"Lisa!" Isang pamilyar na boses ang tumawag sa pangalan ko pero di ako lumingon agad. Kasi di lang naman ako ang Lisa sa Pinas noh. Hahaha

"Hoy Lalisa Manoban! Pa-peymus ka na ngayon at di ka na namamansin?! Di mo na nga ako pinapansin sa office pati ba naman dito?!"

Lumingon ako sa lapastangang tumawag ng pangalan ko.

"Ano bang trip mo ha HanBin at sinusundan mo ko hanggang dito?!"

"Aba't Hanbin nalang tawag mo sakin?!"

"Oo! Bakit?! Wala naman tayo sa office ah?!"

"Hahahaha. Nga naman. So, tara! Nuod tayo sine!"

"Ha? Ayoko nga. Wala akong pera."

"Libre ko naman! Ticket, popcorn, cola at yakap."

"Tss. Kahit wala nang yakap, dude."

"So, pumapayag ka na?"

"Ano ba papanuorin natin?"

"Boss Baby."

"What?! Boss Baby?!"

"Ha? Bakit ayaw mo ba nun?" Nakita kong nalungkot siya sa reaction ko.

"Anong ayaw? Eh gustong gusto ko na nga panuorin yun." Pagkasabi ko nun ay ako na mismo ang humatak sa kanya papuntang ticketing. Bumili na din kami ng snacks and drinks.

After the movie.

"Thanks for this night Lalice." Sinserong sabi ni Sir Hanbin.

"Di sir, ako dapat mag thank you sa'yo."

"Bakit may sir na naman?"

"Huh? Eh, wala naman. Hehehe. T-Thank you Hanbin."

"Better."

"Ah, sige, uwi na ako ha? Thank you ulit. Bye!" Sumakay na ko ulit ng jeep pa-uwi.

Habang nasa daan, napangiti ako ng maalala ang nangyari kanina.

Nakakatuwa kasama si sir Hanbin. Kahit papaano eh nakalimutan ko ang kabadtripan ko ng dahil kay Sir Veo kanina.

Pagdating ko sa bahay, umakyat ako agad sa kwarto at chinarge ang phone ko.

*toot*

"Hmm? Sino kaya itong nagtext?"

*toot*

*toot*

1st message

From: YGS - Veo King

Sorry Lalice 'bout kanina.


2nd message

From: YGS - Hanbin senpai

Thanks ulit, my Lodi Lisa.


3rd message

From: Jendeuk Ganda :)

Let's talk tomorrow.


Sa kanilang tatlo na nagtext, ang nireplyan ko lang ay si...

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet