CHAPTER IV.

UNTITLED, 2017

"Ano po yung pag-uusapan natin mam Jen?"

Yes. Si mam Jen lang yung nireplyan ko sa kanilang tatlo.

Bakit kamo?

Una, inis parin ako kay sir Veo.

Pangalawa, naubusan ako ng pangreply kay sir Hanbin. Hahaha.

"Do you really like Veo?" Tanong niya sa akin while looking straight to my eyes. Ang ganda talaga nito ni mam Jen.

Pero, sa totoo lang, ang pinakagusto kong part ng mukha ni mam Jen is yung mata niya. Yung kapag tumingin siya sa'yo kasi eh tagos hanggang kaluluwa. Ang cute pa ng nunal niya sa may ilalim ng kaliwang kilay niya.

"Hey Lisa! Nakikinig ka ba?"

"H-ha?"

"Aish. Tinatanong kasi kita kung gusto mo talaga si Veo."

"O-oo. P-pero crush lang naman mam Jen." Di na ko nagsinungaling sa kanya dahil alam ko naman na di niya ako titigilan if ever.

"Diba sabay kayo kagabi? Anong nangyari?"

"H-ha? W-wala naman."

"Paanong wala?"

"A-ano ba dapat ang mangyari?"

"Wala. Malay ko ba kung umamin ka na."

"Hala siya? Mam Jen, di ako ganun ah.."

"Bakit? Malay ko nga diba?"

"Naman eh! Tsaka kausap niya buong biyahe si Sue." Napayuko ako nang ikwento ko yun. Nabuo na naman ang inis kay sir Veo ng naalala ko na naman ang nangyari.

"Yan. Wala pa nga, nasasaktan ka na."

"Di nam-" di ko natapos ang sasabihin ko ng hawakan ni mam Jen ang kamay ko.

"Whatever happens. Andito lang ako to support you. Pag sinaktan ka ni Veo, ako ang makakalaban niya." Seryosong sabi ni mam Jen habang mahigpit na hawak ang kamay ko. Di ko alam pero, may iba akong naramdaman sa hawak niyang 'yon.

"Alam mo, bagay sa'yo yung kanta ni Nina."

"Alin mam Jen?"

"Somewhere down the road. You've got the right love at the wrong time."

Napaisip ako. Oo nga. I've got the right love for sir Veo, pero mali ang panahon. Kasi may iba siyang mahal.

"Pero paano mo masasabing tama ang pagmamahal mo sa kanya kung umpisa pa lang ay may mali na?"

Tama siya, paano nga ba?

--

"Oh Veo! Bakit kasabay ka na naman sa amin?" Tanong ni Mam Chu kay sir Veo.

"Nangako kasi ako dito kay Lisa na araw-araw ko na siya sasabayan pag-uwi eh." Ngiting ngiting sabi ni sir Veo kay mam Chu.

"Oh, tutal sabay sabay naman ulit tayo, tara, eat out tayo!" Yaya ni mam Chu.

At yun nga, nagpunta kami sa Mcdo sa loob ng Victory Mall.

"Ako na mag-oorder para sa atin Lisa." Presinta ni sir Veo.

"Huh? Ah, sige po. Salamat. One piece chicken with drinks lang ang akin." Sabi ko ng order ko sa kanya sabay abot ng 100Php.

"Sige guys, order muna kami ha? Tara na Chu."

"Wait lang guys ha? Samahan ko lang tong si Bobby mag order. Shunga shunga kasi minsan eh." - mam Chu

"Grabe siya sakin oh. Tara na nga."

Bumaba na silang tatlo at kami nalang ni mam Jen ang naiwan sa table.

"Hay naku, may kinikilig na naman dito."

"Ha? Wala kaya."

"Wala ba? Alam ko meron eh."

"Haaay. Tama na nga mam Jen!"

"May napipikon! Hahahaha!"

Di ko talaga alam dito kay mam Jen eh. Minsan masungit at pinapangaralan ako, tapos ngayon naman, pinupush niya ako sa nararamdaman ko kay sir Veo.

Di nalang ako umimik at kinalikot ang cellphone ko hanggamg sa dumating sila sir Veo, mam Chu at Bobby.

Magkatabi si mam Chu at Bobby samantalang kami nila sir Veo at mam Jen ang magkakatabi.

Napapagitnaan ako ng dalawa.

"Lisaaa! Happy meal ang binili ko ha? Ang cute kasi ng free toys eh. Minions!"

"Hala? Kulang binayad ko."

"Okay lang. Hahahaha. Natutuwa ako sa Minions eh. Tingnan mo oh, kamukha mo pag dumidila." At inilapit pa niya sa akin yung minion niya.

Narinig kong tumikhim si Mam Jen. At nang nilingon ko siya ay nakita kong nagtititigan silang tatlo nila mam Chu at Bobby. Mukhang alam na ng dalawa ang nangyayari. Haaay.

Nagpatuloy kami sa pagkain ng biglang..

"We've got the right love at the time..." 🎢

Napalingon agad ako kay mam Jen at nakita ko siyang nakatingin din sa akin nang nakakaloko.

Pagtingin ko din kanila Bobby at Chu ay ganoong tingin din ang salubong nila sa akin at sabay sabay kaming natawa. Si sir Veo eh naguguluhang napatingin nalang sa amin.

"Oy. Bakit kayo tumatawa?"

"Hahahaha. Wala! Favorite song kasi ni Lisa yang tumutugtog." Sagot ni mam Jen.

"Uh? Favorite mo si Nina?"

Aish. Bakit ang manhid mo po?

"Ha? O-oo. Ganda ng boses eh."

"Sabagay. Maganda nga." Sabay ngiti sa akin.

"Wooh! Somewhere down the roaaad"Β mga loko loko talaga tong tatlo at sinabayan pa ang kanta.

Aish. Sir Veo, kung alam mo lang.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet