CHAPTER II.

UNTITLED, 2017

It's been 3 weeks simula nung nagstart ako nang OJT dito sa YGS. And everything is doing well naman. Akala ko mahihirapan ako ng sobra, pero, nope! Enjoyment ang nafi-feel ko. Para akong naka-tagpo ng family with my co-OJTs and our supervisors.

 

Ayun si mam Chu, madaldal at makulit pa din, si Mam Jennie naman, surprise! Magkasundo na kami! And mas close na nga kami compared kay mam Chu. Si Rosé, ayun, ini-English pa din ako. Minsan nga naiinis na sa amin si mam Chu, wala na daw siyang maintindihan sa pinag-uusapan namin. And, lastly, si sir Veo, yung crush ko na nasa 3rd floor. Close pala silang tatlo nila mam Chu at mam Jennie.

 

Lagi nga yun natambay dito sa may pwesto namin. Ewan ko ba kung bakit. Siguro para mang-gulo sa dalawa niyang kaibigan. Bale, napag-alaman ko pala na may girlfriend si sir Veo na nasa Taiwan. 6 years na sila. Ang hindi ko lang maintindihan, bakit nakikipag-flirt si sir Veo sa isang OJT na si Irene. Na-iisue na nga sila kaya nilipat ng department si Irene eh.

 

"Lalice, if ever that guy will show some affection towards you, don't assume that he really likes you, ok?" Pangaral sa akin ni Rosé.

 

"How can I do that? Eh wala pa nga siyang ginagawa, asadong asado na akong magiging kami."

 

"Just a friendly reminder beb, don't fall for that kind of guy. Kita mo nga, alam ng lahat na he has a girlfriend already but he keeps on flirting to other girls."

 

"He's just being friendly."

 

"He's just being flirty kamo."

 

"Ano ka ba Rosa, bakit ba napunta dito ang usapan natin? Ni hindi nga ko kinakausap nun, i-flirt pa kaya--"

 

"Hi Lisa! Nakita mo ba si Jendeuk?" Tanong ng aking prince charming, este ni sir Veo.

 

"Ah.. eh.."

 

"Oh Veo! Ano na naman ginagawa mo dito? Hinahanap ka na dun sa post mo, nag-iikot ka na naman daw." Bungad ni mam Jennie kay sir Veo pagdating niya galing sa hindi ko alam kung saan.

 

"Grabe naman sila, wala pa nga akong 5mins na nawawala. Haay. Sige akyat na muna ako." Paalam ni sir Veo sabay alis.

 

"Yo Lice! Pwede ka daw ba mag-OT mamaya? Idadagdag daw yun sa training hours na na-accumulate mo. Ikaw din pala Rosé."

 

 

"Ahh, ok lang.. Itetext ko nalang si dada na mag-OT ako. Rosé, ikaw, mag OT ka?"

 

 

"Sure! Libre naman ata ang pagkain, right mam Jendeuk?"

 

"Yeah! Mag-order nalang tayo mamaya. Lisa, ikaw na mag-order ha?"

 

"Hi guys! Ano pinag-uusapan ninyo?" Tanong ng bagong dating ma si mam Chu sabay upo sa may post niya.

 

"May OT tayo Chu. Mag order nalang tayo mamaya ng dinner." Si mam Jennie na ang sumagot.

 

"Wag na! Kain nalang tayo sa Mang Inasal after! Namimiss ko na ang chicken nila dun. OMG! Excited na ko!" suggestion ni mam Chu na nag clasp pa ng kamay. Kulang nalang pumalakpak pa.

 

"Hayst. Ok fine." Sang-ayon ni mam Jendeuk sa kanya.

 

After OT

 

"Tara na guys! Gutom na ko!" Yaya ni mam Chu. Nagpapapadyak pa. Di mo halatang excited kumain ng chicken. Ako din naman excited eh. First time namin kakain sa labas nila mam and Rosé na magkakasama.

 

"Guys, nagtext si Veo, nasa baba pa daw siya with Irene. Sama daw sila sa Mang Inasal." Sabi ni mam Jendeuk habang nag-aayos ng gamit.

 

"Eh di maganda! Madami tayo!"

 

"Nice!" Sagot din ni Rosé sabay tingin na nang-aasar sa akin.

 

"Tara na!"

 

Pagbaba namin, naabutan namin ang dalawa na seryosong nag-uusap.

 

"Tara na Veo, gutom na ko!" Putol ni mam Chu sa pag-uusap ng dalawa.

 

Pagdating sa Mang Inasal, naghanap muna kami ng table at nag-stay muna doon bago umorder.

 

At kung sinu-swerte ka nga naman, sa tapat ko pa nakapwesto si sir Veo.

 

Ang seating arrangement namin is

 

Ako - Rosé - Chu

Veo - Irene - Jendeuk

 

"So guys, ano order ninyo?" Sir Veo asked. Siya na ang nag-presinta na mag-order since siya lang ang nag-iisang lalaki sa grupo namin.

 

"The usual V sa amin ni Chu, then dagdagan mo ng 3 regular Halo-halo." Sabi ni mam Jendeuk kay sir Veo

 

"Hala, ang lakas mo naman maghalo-halo Deukie" puna ni mam Chu.

 

"Hindi sa akin yun lahat Chichu. Kay Rosé yun at Lisa." Paliwanag ni mam Jen "kumakain naman kayo ng Halo-halo, right?" Tanong naman niya sa amin while looking at me and Rosé.

 

"Yes mam. Basta ba libre eh." Rosé joked at her.

 

"Oo naman, how bout you Lisa?" Baling sa akin ni mam Jendeuk

 

"Uhm, ok naman po."

 

"That's good!" Mam Jendeuk said and smiled.

 

"So, ano ang order ninyo Lisa?" Tanong naman ngayon ni sir Veo

 

"PM1 po sa amin ni Rosé. Yung drinks po parehong coke zero." Sabi ko sabay abot nang bayad namin ni Roseann

 

"Ok! Copy!" Sir Veo exclaimed sabay tayo

 

"Tara Ye!" Yaya niya kay Irene at sabay silang bumaba para umorder 

 

"Ehem! Wag masyadong dibdibin beb, baka di mo masulit ang unli rice" bulong ni Rosé sa akin. Ingat na ingat para di marinig ng dalawa na busy sa kanya kanyang phone.

 

 

Pagdating ng mga order namin ay hindi ko na nga pinansin pansamantala ang dalawa sa harap ko na grabe maglandian. Kulang nalang eh magsubuan. Pakshet!

 

"Hinay-hinay lang Lalice baka mabilaukan ka" bulong na puna ni Rosé.

 

"I'm fine." I answered at hindi na nga pinansin ang paligid.

 

 

After namin kumain, nagpahinga lang kami saglit, nagkwentuhan ng kung anu-ano at nag-picture taking.

 

After that, nagkaya-yaan na kaming umuwi kasi late na rin masyado.

 

Pagbaba namin ay saktong ang lakas ng ulan. Yung apat, si mam Jen, Chu, Rosé at Irene ay pare-pareho ng way. So it'll leave me and sir Veo to cross the overpass para sumakay ng bus pa-SM North.

 

At ang napaka-ganda pang nangyari, WALA SIYANG DALANG PAYONG! So magkasukob kami sa payong ko. Oh Lord! Thank you so much!

 

Hindi kami nag-uusap while walking at habang naghihintay ng bus.

 

We waited for atleast 15 minutes bago may maparang bus si sir Veo.

 

"Tara na Lice!" Sabay patay ng payong at hatak sa akin pasakay ng bus.

 

"Haay salamat nakasakay din tayo! Akala ko mabubulok na tayo doon. Grabe basang basa ako!" Sabi ni sir Veo while wiping his wet hair. Parang di rin kasi siya nakapayong kasi more on ako ang pinayungan niya.

 

"Eto oh, gamitin mo din tong panyo ko." Sabay abot ko ng pink ko na panyo per tinitigan niya lang iyon "wag ka mag-alala malinis yan. Di ko pa nagagamit buong araw"

 

He just smiled at me and poked my right arm. "Ikaw na gumamit niyan. Tingnan mo, basa ka din"

 

Tiningnan ko ang arm ko na kinulbit niya and basa nga iyon. So, di ko na ininsist ang offer ko sa kanya.

 

"Ticket." Agaw atensyon ng kundoktor sa amin.

 

Dumukot siya ng pera sa bulsa niya at nagbayad. "SM North po isa." Sabi niya sa kundoktor. "Oy, magbayad ka na." Baling niya sa akin.

 

At hindi manlang ako nilibre. Charot. Kahit pakitang tao manlang. Hahaha

 

"Manong bayad ho. Isang SM North din po." Abot ko ng bayad sa kundoktor na halos nakabusangot.

 

"Brad, di mo kasi nilibre syota mo. Tingnan mo nakasimangot na."

 

"Di ko siya syota manong." sagot naman ng mokong

 

"Ay hindi ba? Akala ko syota mo eh." Aba't malisyoso tong kundoktor na to

 

Pagkaalis ng kundoktor, kung ano ano lang ang napag-usapan namin ng mokong. Puro ka-weirduhan lang. Kakaiba din mag-isip ang loko, buti nasasakyan ko ang mga ino-open niyang topic kaya di naman kami na-bored pareho.

 

Padating namin sa sakayan ng fx pa-Novaliches, doon lang namin nalaman na pareho ang sasakyan namin. So, extended ang time ko with him. Puro kalokohan ang mga lumalabas sa bibig, pero mas madalas, may sense naman.

 

Napag-alaman ko na MedTech pala ang course na natapos niya. Pero dahil gusto niya mag-explore sa different field, nag-apply siya sa marketing firm.

 

"Malapit na pala ako bumaba. By the way, thanks sa company. I really enjoyed talking to you. Hope na hindi ito ang last, Lisa."

 

"Oo naman sir Veo."

 

"So paano, b-bye! And goodnight!"

 

"Bye din! Goodnight!"

 

 

"Manong para!"

 

 

Pagdating ko sa bahay, tulog na sila dada kaya dumiretso na ako sa kwarto ko, nag freshen up and went to bed.

 

Di ako maka-tulog so I decided to browse the net. I opened my Facebook app. And to my surprise, there's a friend request coming from

 

 

 

 

 

Sir Veo and a confirmation notification coming from

 

 

 

 

sir Ben.

 

"Tangina?! Kelan ako nag friend request dito kay sir Ben?!" I blurted out.

 

Hindi ko talaga maalala kung kailan ako nag friend request doon sa mayabang na yun. Ni hindi ko nga vinu-view ang profile niya.

 

*Messenger tone*

 

Hans Ben Quinn: Hi fan! 😂 Lodi mo talaga ako, ano?

 

"Arrgghh! Eto na nga ba sinasabi ko eh. Magyayabang na naman ang mokong."

 

Lalice Mnbn: Sorry sir, pero nagkamali lang ako ng click. Don't worry. You can unfriend me naman.

 

 

Hans Ben: Sus! Kunwari ka pa Lalice! Hahaha! If I know, ang tagal mong hinihintay i-aaccept kita. Pang almost 1,000th request ka. Meaning, matagal mo na akong lodi, even before we met.

 

Lalice: What?! What the hell are you talking about?

 

Hans Ben: Are you a fan of a cosplayer?

 

Lalice: Huh?!

 

Hans Ben: May na-meet ka bang poging cosplayer ni Spiderman at Peter Parker last Toy Con?

 

"Oh My God! Wag niyang sabihin na siya yun..."

 

*Flashback*

 

"Sheeeeet! Baaaaam! May cosplayer ni Spiderman o! Tara dali!" tili ko sabay hatak sa bestfriend kong si Bambam papalapit kay Spiderman.

 

"Teka lang naman Lice! Araaay!" Reklamo ni Bambam. Nababangga na kasi namin ang ilang attendees ng convention.

 

"Kailangan natin magmadali Bam! Habang wala pa masyadong fangirls na nagpapa-picture!"

 

Todo takbo na kami ni Bam papalapit kay Spiderman na busy sa pag-pose with his fangirls.

 

"Senpaaaai!" Sigaw ko para makuha ang attention niya. Mahirap na baka maunahan pa ako.

 

"Aish. Nakakahiya ka Lalice!" Bulong sa akin ni Bambam habang hingal na hingal. Tsk. Weak.

 

"Senpai, picture?" Tanong ko kay Spiderman.

 

"Sure. Come here!"

 

"Bam! Picturan mo kami, dali!" Utos ko kay Bambam sabay abot sa kanya ng digicam ko.

 

Lumapit ako kay Spidey baby and we both posed for a photo. Nakailang shots din kami hanggang sa may naisip akong idea.

 

"Uhm, can I have a request? I asked Spiderman.

 

"Sure! What's your request?"

 

"Can I have a picture with you, as Peter Parker?"

 

Buong akala ko di siya papayag pero..

 

"That's it? Sure. I'll take half of my mask off." Tinanggal nga niya ang kalahati ng mask niya as Spiderman, and revealed half of his face na medyo hawig talaga si Peter Parker.

 

"Wow. You really looked like Peter Parker, but, a--"

 

"Singkit one? Hahaha. Thanks for the compliment. Let's take a picture already. The contest is about to start."

 

So, another set of poses and voila! I'm satisfied.

 

"Thank you so much senpai! One last question."

 

"You're welcome. What's your question?"

 

"May I know your Facebook name?"

 

"Just search Quinn HanBin. How bout you? What's your name?"

 

"Lisa. Lisa Manoban."

 

"Nice to meet you Lisa. Gotta go!"

 

"Bye senpaaaai! See you next time!"

 

*End of flashback*

 

Holy !

 

*messenger tone*

 

Hans Ben: Well, my beautiful fan, be proud of yourself. 'Cause senpai noticed you. Hahahaha!

 

I logged off. Without even replying.

 

The next few days, iniiwasan kong magkasalubong kami ni sir Ben, Hans Ben, Hanbin o ano pa man ang panagalan niya. Shet. Nakakahiya!

 

"Lice!"

 

"Ay butiki!" I almost drop all the papers that I'm sorting. 

 

"Grabe namang description sa akin nun Lisa. Na-hurt ako ah."

 

"Naku. Sorry sir Veo. Di ko sinasadya. Nagulat lang talaga ako." I even held my head down. Grabeng kahihiyan to. Kainis!

 

"Hahaha! Joke lang Lisa. Kaw naman. Patola ka." Then he touched my chin at iniangat ang ulo ko. "May ibibigay ako sa'yo"

 

"Ano?"

 

"Eto oh." Abot ng isang bagay na nakabalot sa scratch paper. "Hope you'll like it." Then he left.

 

"What's that Lisa?"

 

 

"Ay pusa!"

 

 

Uso ba talaga mang-gulat ngayon?!

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet