CHAPTER V.

UNTITLED, 2017

It's been 1 month simula nung nagsasabay kami sa pag uwi ni sir Veo, at ilang araw nalang at birthday na niya.

Mas lalo kaming nagiging close at mas lalo akong nahuhulog sa kanya.

Sino ba naman ang hindi mahuhulog sa pagiging clingy niya?

..Na everytime nasa UV express kami nakasakay eh sumasandal siya sa balikat ko at sinisiksik pa ang mukha niya sa leeg ko.

..Na lagi niya akong pinupuri at binu-boost ang self-esteem ko.

..Na proud na proud sa akin nung sinabi ko sa kanya na running for Laude ako at siya pa talaga ang nagbalita kanila mam Jennie at mam Chu.

Naalala ko nga yung time na yun na mas hyper pa siya sa pag kwento nun sa dalawa..

"Guys! Guess what!"

"What?" Bored na tanong ni mam Jendeuk. Na hindi man lang siya tinitingnan.

"Running for Laude si Mochi!"

"Who the f is Mochi?!" Iritadong tanong ni mam Jendeuk kay Moch- este sir Veo.

"Si Lisa!"

"Hahahaha! Ang baduy naman ng Mochi, Veo! Kadiri ka!" Tatawa tawang asar ni mam Chu kay sir Veo habang si mam Jen ay halatang nagpipigil ng tawa.

"Anong masama sa Mochi?"

"Wala namang masama sa Mochi. Ang masama, yung ang tanda mo na, ganyang tawagan pa ang naiisip mo. Punyeta. Hahahaha!" Ayan na. Nag-umpisa na ding mang-asar si mam Jen.

"Ah basta! Maganda yung Mochi. Kasing ganda ni Lisa." Sabi ni sir Veo sabay tingin sa akin at tinaas baba pa ang kilay niya.

"Tama na nga yan. Hahahaha! By the way, congrats Lisa! Naks, saan pakain mo? Magpapakain ka na ba?" Bati ni mam Chu sa akin.

"Huh? Wala pa po. Di pa naman final yung grades po." Pa-humble kong sabi.

"Ano ka ba?! Claim it! Deserve mo yun!" - mam Jen

"Yeah! Yan nga din sabi ko sa kanya Jen eh. Ayaw maniwala." Gatong naman ni sir Veo.

"Eh mahirap kasi umasa."

"Simula pa naman umaasa ka na man na diba? Ngayon ka pa ba susuko?"

Napatingin ako kay mam Jen na halatang iba ang nais iparating ng sinasabi..

 

"Lisa! Ano na gift mo sa birthday ni Veo?" Rosé's question brought me back to reality.

"H-huh?"

"Wala ka man lang regalo sa kanya? Paano ka niyan sasagutin?" Like, seriously Rosé?!

"Luh? Ano ako yung nanliligaw?"

"Ay hindi ba?!"

"Aish. Plano ko sana siya lutuan ng adobo. Gusto niya daw kasi matikman yung luto kong adobo."

"Ay wow. Yun lang?"

"Di ko nga alam kung ano ang gusto niya eh."

"Gawan mo nalang ng letter."

"Eh yun nga balak ko kasabay ng adobo, pero naisip ko din is kung bigyan ko kaya siya ng belt since mahilig naman siya dun?"

"Pwede na din. Naks, nagpapalakas talaga sa nililigawan niya oh."

"Kaso yung date ng birthday niya eh yung date na tapos na ko sa OJT ko."

"Hala, oo nga pala. Iiwan mo na ako. So sad beb."

"Yeah. Pero, ano kaya kung labas tayo that day?!"

"Hmmm. Nice idea. Ako, ikaw, sir Veo, mam Jen, mam Chu at Bobby."

"Call! Sabihin ko kanila mam Jen."

--

"Taraaa! Trinoma tayo! Timezone!" Sang-ayon agad ni mam Chu sa yaya ko sa kanila habang si mam Jen eh mukhang nag-iisip pa.

"What's that guys?! Mag Trinoma kayo? Kailan? Sama ako!" OMG! Mam Chu, don't you da--

"Sige Hans! Sama ka! The more, the manier!" My gahd! Napa-mental facepalm ako kay mam JiSoo. Hindi dahil sa english niya kundi sa pag-agree niya na sumama si Hanbin.

"Good! Hahahaha! Kailan ba yun?"

"Sa Friday na! After office. Sabay sabay tayo ha?"

"Sure. Thanks sa pagpayag Lodi." Wt?! Kung alam mo lang Hanbin, kanina pa ko kumontra sa isip ko.

"Hehehe. Wala yun senpai. Sige na, akyat ka na dun. Hanap ka na ni boss Yang "

"Hahahaha. Sige. See you guys! Update niyo nalang ako. Bye!" Hay salamat at umakyat na ang lalaking yun.

"So, dadaan ka pa dito sa office sa Friday?" Tanong ni mam Jen.

"Uhm, yup! Galing naman ako sa school that day so, along the way naman. Keri na."

"So, ok. See you then."

 

--

 

June 02 6:45 am

It's Veo's birthday.

Maaga akong gumising para magluto ng request niyang adobo.

Yung letter, kagabi ko pa nagawa. Grabe, never ko na-imagine na aabot ako sa point na gagawa ako ng letter for him.

Hayst.

*Toot*

1 Message Received

From: Mochi ❤

Good Morning Mochi! See you later! Yung adobo ko ha? I'm dying to taste your adobo. :) Ingat! Mwuah.

Mwuah?

WTF?!

"Bakit ganyan ka Veo?! Mas lalo tuloy akong nahuhulog sa'yo eh! Aish!"

Di ko na siya nireplyan at tinapos na ang niluluto ko.

8:08 am

Umalis na ako papuntang University para ayusin yung mga papers for graduation. In-announce na rin nila na kasama nga ako sa mga Laude.

"Congratulations Lalisa!" Bambam, my bestfriend greeted and hugged me.

"Thank you Bammie!" I hugged him back.

"So, celebrate tayo! Tara! Saan?"

"Sorry best. May lakad kasi ako ngayon eh."

"Saan naman?"

"Birthday kasi niya ngayon. Lalabas kami with our friends."

"Birthday nung sir Veo mo? Hmm. Sige. Pagbibigyan kita ngayon best ha. Pero alam mo namang di ko gusto yang ginagawa niyo. Mali yan best eh. May girlfriend yung tao--"

"Alam ko best. Alam ko. Basta, hayaan mo muna ako. Please?"

"Hay! Ewan ko sa'yo Lalice. Basta sinasabi ko sa'yo. Pag ikaw umiyak ng dahil sa kanya, masasapak ko talaga ang mokong na yun."

"Thank you bestfriend! Love na love mo talaga ako. Hahaha! Sige, una na ako ha? Dadaan pa ko sa YGS eh. Bye best! Labyu!" I kissed him sa cheeks na kinaasim ng mukha niya.

2:30 PM

Nakarating na ako sa office. Nakabili na rin ako ng belt. Pero tinago ko yun sa backpack ko.

Dumiretso ako sa counter nila mam Jendeuk at doon nagpahinga.

"Hey! Mukhang pagod na pagod ka Lisa huh?" Pansin sa akin ni sir French.

Tiningnan lang ako ni Mam Jendeuk since medyo busy siya sa ginagawa niya ganun din si mam Chu.

3 o'clock habang nasa pantry kami, nakita kong umaakyat sa hagdan sila mam Sana, yung friend ni sir Veo from Medical department, na may dalang cake while si sir Jim naman eh nag vivideo. Mam Chu approached them.

"Sana! Para kay Veo yan?"

"Yep! Padala ni Sue. Pinakisuyuan kami."

Si Sue.

I looked away from them.

Mam Jendeuk patted my back.

"Andiyan ba si Veo sa taas?"

"Oo! Tara puntahan natin!" Yaya ni mam Chu sa kanila.

They're singing 'Happy Birthday' habang umaakyat sa hagdan.

Nagpaiwan ako sa pantry mag-isa. Di ko kayang makita yung reaction niya towards his girlfriend's surprise.

A few minutes later, bumaba na sila. Kinuwento ni Mam Jendeuk ang naging reaction ni sir Veo. And it hurts me pero di ko pinahalata sa kaniya.

5 o'clock came and hinihintay namin nila Rosé, Mam Chu at Mam Jendeuk ang boys.

"Wait lang huh? Magbibihis lang ako."

I went to the comfort room and changed my top into a black and gray shirt with 'Queen' print.

When I went back to mam Jendeuk's place, I was shookt.

"Oh? Nag-usap ba kayo ng susuotin?" Puna ni Bobby sa suot namin ni sir Veo.

Paano ba naman, naka-black and grey 3/4 shirt din siya.

"Ayieee. Soulmate." Dagdag na asar ni Bobby.

"Guys, sorry late ako. Tara na?" Ngayon lang ako magpapasalamat talaga sa'yo Hanbin. Jusko!

Me, mam Jendeuk, mam Chu, Bobby, sir Veo, sir Hanbin and Rosé rode a bus going to Trinoma.

Kami ni sir Veo ang magkatabi sa seat, so, I managed to give him his presents. Sa sobrang tuwa niya eh nayakap niya ako bigla. But saglit lang naman.

Pagdating sa mall ay dumiretso na kami sa Timezone.

We played basketball, tekken and took snapshots.

Then napagpasyahan naming mag-videoke.

At first, kaming tatlo nila mam Jendeuk at sir Veo palang ang nasa booth kasi yung iba nasa kabilang small room pa at tinatapos ang kanta.

Spell awkward.

Si sir Veo ang unang pumili ng kanta. And he chose Crazy For You.

While he's singing, I can't contain my smile. Lakas talaga ng tama ko sa lalaki na to.

Saktong pagtapos ng kanta niya ang pagpasok ng iba sa booth.

Napuno ng kantahan, tawanan at asaran ang booth.

"Ano kaya ang magandang kanta?" Tanong ko sa katabi kong si Mam Jendeuk.

"Try mo yung Why Can't It Be" mam Jendeuk answered.

"Di ko alam yun eh."

"Chu, alam mo yung Why Can't It Be?"

"Hindi eh." Mam Chu answered and balik na ulit sa pakikipaglambingan kay Bobby.

"Hayst. Wag na nga."

Naghanap nalang ako ng ibang kanta nang..

"Oh mag Dubidubidapdap daw si Hanbin!" Asar ni mam Jen kay Hanbin.

"Hoy wala akong sinasabi ah." Tanggi naman ni Hanbin pero sinamaan lang siya nang tingin ni Mam Jen. So ayun, napakanta nalang talaga siya ng Dubidubidapdap.

"Wooh! Ang saya saya Kyah Will! Isa kang RapGod Hanbin!" Tawang tawa si mam Jendeuk sa ginawa ni Hanbin.

"Tara! Kain na tayo guys! 10 na. Baka sarado na yung mga store." Yaya ni mam Chu sa amin.

Sa foodcourt na kami nakakain since sarado na nga ang mga fast-food stores.

Pareho kami ng pinagbilhan ni sir Veo kaya pagbalik namin sa table ay iba na naman ang tingin sa amin ng 4. While si Hanbin ay walang idea sa nangyayari.

After we finished eating, napagpasyahan naming magsiuwian na pero bago kami lumabas eh napag-desisyunan nilang bumili pa ng ice cream sa DQ. Lahat sila bumili doon maliban sa amin ni sir Hanbin.

"Lisa, pwede ka ba makausap?"

"Hmm? Sige."

Naglakad lakad lang kami sa paligid ng DQ pero medyo malayo kanila sir Veo.

Nakita ko na nakatingin sa amin si mam Jendeuk habang magkatabi silang nakatayo ni sir Veo at Rosé at hinihintay sina Bobby at mam Chu bumalik.

"Anong meron sa inyo ni Veo?" Tanong sa akin ni Hanbin.

"Huh? W-wala ah. Issue ka." Deny ko sa kanya.

"Wag mo na itago Lisa. Kahit di mo aminin, ramdam ko na merong something between you and Veo."

At dahil no choice na ako, kinuwento ko sa kanya lahat. Simula umpisa. At as expected, kagaya ni mam Jen, pinagalitan niya din ako. Pero bago kami bumalik sa barkada,

"Sige, hahayaan muna kita sa kung ano ang gusto mo at sa kung saan ka masaya. Pero Lisa, tandaan mo, kapag hindi ka niya sinalo, andito ako para sa'yo. Handa akong saluhin ka. But for now, just let me be your friend."

Nang makabalik na kami sa grupo ay sabay-sabay na kaming lumabas ng mall.

Sumabay si Rosé kanila Bobby at mam Chu umuwi.

Si Hanbin at mam Jendeuk naman ang sabay umuwi.

At as usual, kami naman ni sir Veo.

While nasa UV ...

Sir Veo looked me directly in the eyes and said "Mochi, thank you for this day. I really appreciate your effort. Thank you so much."

Then he leaned his head on my shoulder and took a nap.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet