The Roommate

Lullabies From Noane

 

 

Jared King

 

 

(heavy beats playing)

Imma do you dirty,

You think you love me now,

I think you should be worried~

Sweet music! Ang galing talaga ni Star Girl. Napapapush up ako sa sahig ng wala sa oras. Nagawa niya kasing mas hot ang kanta ni Kehlani na niremix niya. Day by day ms lalu lang akong nacucurious sa kanya. Ang talented kasi! Kung may ireregard man ako na sing galing ko sa music, it's got to be her.

The bus ride from the airport market was refreshing. Met some fellow trainees and I couldn't help but get excited for tomorrow. Kababalik ko lang sa dorm galing sa chuseok break and before anything else, I made sure to check on her kaya ngayon, magkachat kami.

Over the holiday break wala kaming ginawa kundi magexchange ng musical ideas. Kagaya ngayon. I was playing her mixes na pinadala niya just two days ago and even up until now I couldn't get over it. We have the same taste, or mas tama na...naimpluwensyahan ko siya...

Star Girl: I had actually J I sent you some mash ups over the chuseok break...

Noane: Yeah, pinakinggan ko, you're really a pure blooded musician, ang galing mo Star Girl!

Noane: Pero, pansin ko lang, mukhang puro hugot yung pinagmamash up mo. Kekeke...

Totoo iyon. Mahilig siya sa American artists, at kundi ako nagkakamali sa pagkatranslate ko sa lyrics ng kanta na niremix niya, it's about the bad girl warning the boys that it's not going to be easy loving her. It's quite interesting actually. Di ko tuloy maiwasang mapaisip kung bad girl nga ba siya.

Star Girl: You're right! Hugot from KDramas!

Bad girl? I guess not since she's more of a drama geek.

Noane: Ah right.

Noane: Gong Yoo slave ka nga pala.

She told me before that she's an avid fan of the drama Goblin.

Star Girl: At least alam kong kaya niya akong ipaglaban! XD

I chuckled at her reply. Ang cute niya.

Well, di ko alam kung anong hitsura niya pero mag tithree years na kami magka-chat at pwede ko ng masabi na cute ang personality niya. Ang sure ko lang, alam ko na taga Star Academy din siya...eh sa star academy chat group kami nagkakilala, malamang studyante siya dito.

Noane: Tss, pag nakita mo ko, malalaman mong kaya din kitang agawin sa kanya :P

Kiligin ka please!

Star Girl: No way! Di mo kalevel si Gong Yoo.

I badly wanted to meet her in person. Nung una I'm in it just for her company. I'm sure ganon din siya. It was a harmless online thing dahil we're both into music and we love talking about it. But nowadays I found myself thinking of her and taking this relationship into the next level...

Noane: What if I prove it to you?

Star Girl: ( ̄□ ̄;)!!

Star Girl: What is that supposed to mean? You gonna send me a pic?

I howled in laughter. Her humor is one of the best things about her. Patulan ko kaya ang banter niya? I shook my head. Star girl isn't a dude. Nah, next time na lang, baka matakot pa to saken.

Noane: ROFL

I sent her an email with a picture of our headmaster and labeled it as dickpic.jpg.

Star Girl: Ang mean mo!

I smiled chastely at what she replied. Would she still like me even after meeting me?

Noane: But seriously what I meant was... let's meet up.

Star Girl: is typing...

Star Girl: ...

It's already been too long and I think masyado nang overdue kung patatagalin pa namin to. I regretted that time nung una niya kong chinat at pinagwalang bahala ko ang mga katanungan niya tungkol sakin.

It was my first day in Star Academy nung nakilala ko si Star Girl. Kagagaling ko lang sa Busan, ang hometown ko at pinuntahan ko pa si Mama sa ospital kaya nahuli ako sa advanced placement evaluations. Buti na lang rin at good mood tong si Mr. Bang or else, goodbye opportunity na ko.

Mukhang nagustohan naman ng mga mentors ang performance ko kaya chill lang ako ng idismiss na kami ni Mr. Bang. After that, tinawagan ko ang best friend kong si Van dahil sabi niya kanina imeet up ko daw siya sa may South exit. Nakakailang tawag na ko ng makareceive ako ng text.

Vanvan: Sorry pre, emergency. I just found out Liliana enrolled in Star Academy's west campus.

.

Liliana just got out from a rehab facility dahil sa hindi magandang trauma na nangyari sa kanya three months ago. At hindi ko alam kung makakabuti ba o hindi para sa kanya ang makihalubilo sa ibang tao. She is my other best friend. She's a foreigner from Thailand and came to Korea when she was 10 years old. Me and Van befriended her in middle school because she always got bullied by her classmates.

Vanvan: Nagpalipat na lang ako ng campus.

Ako: Ano?! Asan ka ngayon, magkita tayo!

Susunod ba ko? Pero mas malaki ang chance ko dito sa Seoul. Pero kung sa Busan naman ako magtretraining kahit konti ang opportunities ng pagdebut hindi rin masama dahil mas mababantayan ko si Mama.... Lumipat na lang rin kaya ako?

, pano ba to?

"Um, excuse me, you're Jared King right? Can...can we pose for a selfie?" Sabi ng babaeng maputi at nilabas na ang cellphone niya. Tatanggi sana ako kaya lang nakakapit na siya sa braso ko at kumuha na ng picture.

Hindi man lang ako nakangiti ng maayos.

Mayamaya pa ay nagsilapitan na ang iba pang babae sa paligid at nagpapicture sakin. Bigla akong pinagpawisan kaya naman kinuha ko ang panyo sa likod ng pants ko pero sa pagkuha ko noon ay sumama ang usbng pula at nahulog sa floor. Kagad ko itong pinulot at pinagbigyan ang mga babaeng nagpapaselfie sakin.

Naks, bakit feeling ko ang guwapo ko dito samantalang sa school naman sa probinsya walang gumaganito sakin? Ah, alam ko na, kaibigan ko nga pala si Van. Mas guwapo yon sakin eh, mas pansinin siya ng babae kaya nagmumukha akong invisible katabi siya.

Hindi na lang ako lilipat.

Alam kong iniisip niyo...oportunista ako. Pero hindi naman sa gago ako...okay, sabihin na natin na mas guwapo si Van, mas matangkad ng 1 cm at mas soulful ang boses kaysa sakin pero alam ko rin naman na may sarili akong charm!

Isa pa...ayoko pong maging third wheel sa kanila ni Liliana. Ang gagong iyon akala yata niya di ko nahahalata, eh siya na lang ata ang hindi nakakaalam na nafofall na siya kay baby Lili. Kung tutuusin tinutulungan ko pa nga si Van. If something good comes out from all of these, then he can owe it to me.

Ngayon, I'll be taking my chances without anyone from my past. At sisiguraduhin kong hindi ko na kakailanganin pang maging dependent sa iba. This time, I'm going to be successful on my own at kung magtatagumpay ako, masasabi kong nakaya ko yon na hindi ako nanghihingi ng tulong ng ibang tao.

Inabot ako ng 30 minutes sa Star Dome dahil literal na dinagsa ako ng mga babae. Ang iba sa kanila ay galing sa higher year. Hanggang paglabas ko ay may humahabol pang ibang babae kaya naman hindi na ko nakapaglunch ng nagpatawag ng meeting sa dorm.

Pagpanhik ko sa fifth floor ay nakita kong busy ang lahat na nagbubuhat ng bangko paakyat sa rooftop. So sa rooftop ang meeting?

Pumasok ako sa kwarto at namamangha pa rin sa kalakihan nito. Nakaakyat na ko rito kanina ng inakyat ko ang maleta ko pero hindi pa rin ako sanay. Sinabi sakin ng babae sa window 8 na compared sa ibang rooms, maliit daw ang kwarto namin ng roommate ko. Dahil sa far end daw yung room at katabi ng fire exit pero sulit naman daw dahil maganda ang view. Kung maliit ang tawag nila sa kwarto namin edi pano pa kaya yung apartment namin sa Busan na pag nasagi mo ang isang bagay ay may kasunod na masasagi at mababasag! Para sakin, ay napakalaki na ng kwartong ito.

Paglapit ko sa modern style na glass panel ng kwarto ay nakita ko ang maliit na lalakeng nasobrahan ng muscles na nakahiga sa kama ko. Nauna ako sa kanya kaya ako sa baba. Dun dapat siya sa top bunk! Ayoko sa lahat, yung humihiga sa kama ko. Lalu na at hindi ko naman kaanuano.

Tumikhim ako dahil mukhang hindi niya ako napansin. Busy siyang naglalaro sa cellphone niya. Nakita ko ang isang blue na knapsack na nakapatong sa table ko at binagsak iyon sa floor.

Napatayo si little man. Hindi naman pala siya ganun kaliit. Maybe around 5'9? 5'8?

"Omo, hi!" Bati niya at pinasadahan ng tingin ang bag niyang nasa sahig.

Tiningnan ko lang ang kamay niyang nakaextend.

"Julian Mico Park nga pala." Ang laki ng ngiti niya at nawala rin ang mata niya sabay ng pagngiti niya.

"Jared King Jeon." Pakilala ko at tinanggap na rin ang kamay niya. "Sorry nabitiwan ko, ilalagay ko lang sana sa kama mo." Pageexplain ko kahit wala akong pakialam kung magalit siya dahil halos ibalibag ko na yung bag niya.

"Ah, don't worry about it." Pagabot niya sa bag niya. Nakita ko naman na inayos niya ang kama ko bago siya sumampa sa kama niya. "I was about to go upstairs kaso wala pa kong kakilala eh...so I figured hintayin na lang kita para may kasabay ako..."

Ano 'to, kinder?

"Yung nakilala ko kasi kanina, iniwan ako. Lumipat ng school." Sabi niya na nakakuha ng atensyon ko. Kanina lang wala akong pakialam kung tao ba siya o bibwit pero dahil sa sinabi niya, baka maging friends kami.

"Lumipat ng school? Kakastart pa lang ng first day?" Sabi ko, naninigurado. Mukha kasing iisang tao lang ang iniisip namin.

"Oo, emergency daw. Sinamahan ko siya kanina sa bus stop papuntang Gimpo Airport kasi hindi daw niya kabisado ang Seoul. Sayang nga eh, mukhang mabait pa naman yun. Ang galante rin, nilibre pa ko ng lunch."

There's no doubt he was talking about Van.

"Van ba pangalan?" Tanong ko habang tinatanaw ang view mula sa bintana namin. Ang laki ng campus na ito. Pwede kayang magsagwan sa lagoon? Ang saya siguro non. Too bad, Van's not here. If he's here, then it's going to be the two of us messing with the rules.

"Theo V-" Natigilan siya at hinarap ako. "Kilala mo si Theo?"

Napatawa ako sa tanong niya. It was like he's asking me if I came here to train my singing skills.

"He's my best friend." Sabi ko at pinakita ang wallpaper naming tatlo nina Liliana.

"Woah, small world!"

Tiningnan niya ang wallpaper ko at nang mapansin kong napapatagal na ang tingin niya sa cellphone ko, ibinalik ko na lang ito sa bulsa bago pa matunaw iyon sa titig niya.

"So, pano, um punta na tayo sa taas?" Pagaaya niya ng makababa galing sa bunk bed at kinuha ang isang stool sa counter top sa kitchen ng room namin para dalhin sa itaas.

"Hey man, have you always liked following the rules?" Tanong ko bago pa siya tuluyang makalabas ng kwarto. Hindi na ko nagdala ng upuan.

Binalingan niya ako at ngumiti ng nakakaloko, "Bakit, mukha ba kong mabait?"

I shrugged. "I don't know, are you a then, cause you look like one?" Sabi ng utak ko.

"I'm not that good. I have a crazy side but you can trust me." Sabi niya at nagpatuloy sa pinto.

Naghubad na ko ng shirt at nilabas ang laptop sa camouflage kong bag. Wala pang tatlong segundo ay bumalik siya sa may puwesto ko.

"What the man?" Sabi niya nang may pagkaamuse sa mukha ng makitang hindi ako pupunta sa meeting.

"I'm not that good too. As for my crazy side, well you're looking at one." Tinanguan ko siya at binuhay ang laptop clearly showing no interest in whatever it is happening upstairs.

Narinig ko ang tawa niya na parang hindi makapaniwala sa inaasal ko. "Tss, una na ko. Balitaan na lang kita."

"Wimp!"

"It's good to make friends in the first day!" Pahabol niya mula sa may pinto.

Although my roommate is probably a saint, I have a feeling that we'll get along great real soon.

"Just so you know, I'll get you back for throwing my bag. I won't go easy on you." Huling habilin niya habang nakadungaw sa pinto.

"Was that a threat?"

Hindi na siya sumagot at sumaludo lang sakin bago umalis.

Baka mali ako sa pagaakalang santo siya. Baka nga mas demonyo pa yun sakin. 





 

A/N

How long have you been an Army?/ Blink? Did you made any unexpected friendships? I know I did.

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet