The Boy Friend

Lullabies From Noane

 

 

Rosie

 

 

Ibang klase rin talaga ang isang iyon. Napailing ako habang tinatanaw ang papalayong bulto ni Kingkong papuntang boys dorm. KingKong ang tawag ko kay Jared sa utak ko dahil malaki siyang damulag na naghahariharian sa school. Ang yabang kase, nakakasira ng mood ang hangin sa paligid niya.

I was still giving him the mean look when he caught me looking. Tila ba ikinagulat niya ang makita akong sinasamaan siya ng tingin.

Pero nakarecover siya at mabilis na sumilay ang douchebag smirk sa mukha niya. "Good night, Jagi!" Bati niya na parang pinapaalam pa sa buong campus.

I answered him with a sarcastic grin and raised my middle finger. Tuluyan na kong dumerecho sa girls dorm bago pa may ibang makakita sa inasal ko. Buti na lang at konti lang kaming magsestay ngayong Sunday. Paniguradong dagsaan ng lahat bukas dahil first day.

This was supposed to be a peaceful and relaxing night yet sinira ng unggoy na iyon ang gabi ko! Eto yung time na hinihiling ko na sana andito si Jessie para may mapagsabihan ako ng mga rants ko sa mga kamalian ng mundo. Natuon ang mata ko sa ref at automatic na nawala ang inis ko kay Kingkong. Sinabi sakin ni Jessie na dumaan siya sa school nung Saturday after she landed from Japan. And true to her word, she really brought me some local Japanese food!

"JESSILOU KIM I LOVE YOU!" Itinaas ko ang box ng onigiri at nagpaikot ikot papunta sa table ko. I pulled my phone and sent her heart emojis along with my selfie kasama ang pasalubong niya. I know simple lang ang onigiri pero onigiri 'to ng Japan. So it means it's oishi as .

I decided to open my laptop to turn on some jams. Nilibot ko ang tingin sa kabuoan ng kwarto at hindi ko mapigilang mamiss ang school. Some part of me is sad that vacation is over but the other part is also telling me that I am excited. I opened my curtains and the magnificent view of the campus' lagoon welcomed my senses. Apart from the dancing lights by the skyscrapers of Gangnam, kitang kita ko rin ang  tubig na parang may stars sa lagoon. Maybe I'll go down by the bridge for a walk later...

Me and Jessie were lucky to be given this corner of the girls' dorm. Pero dahil nasa far end ng building ang room namin, kami ang may pinakamaliit na kwarto sa fifth floor. Fair deal, we don't need a huge closet naman, for us two, enough na ang space na to dahil low profile kami ni Jess. The rest of the rooms kasi, may malaking walk-in closet sa room, pero yung mga rooms sa corners wala. Simpleng closet lang pero complete pa rin sa bathroom and kitchen. But having a room at the corner has its own perks. Bukod sa magandang view ng lagoon, tanaw din mula sa bintana ang pool ng girls dorm, ang star dome at ang malaking building ng YG.

"Wait for me, I'll be coming for you!" I said while looking at the bright lights surrounding the rooftop of the company. YG kasi ang target kong company once nakadebut ako. I'm excited to excel at my career, more importantly I'm also determined to find out who's behind the songs and mashups I'm exchanging with lately. Sa klase kasi ng mga narereceive kong mashups from my anonymous penpal, parang taga YG entertainment siya.

I bit my lip while I open the unread email flashing on my desktop.

Napatingin ako sa vanity mirror across my desk. I checked my face at nakita kong kinikilig ang maganda kong mukha.

Nagemail na naman kasi siya.

Noane: I'm back at school. I hope you had a pleasant vacation.

I squealed before typing in a reply.

Star Girl: I had actually :) I sent you some mash ups over the chuseok break...

Noane: Yeah, pinakinggan ko nga. You're really a pure blood musician, ang galing mo Star Girl!

Noane: Pero, pansin ko lang, mukhang puro hugot yung pinagmamash up mo. ㅋㅋㅋ...

Star Girl: You're right! Hugot from KDramas!

Noane: Ah right.

Noane: Gong Yoo slave ka nga pala XD

Star Girl: At least alam kong kaya niya akong ipaglaban! XD

Noane: Tss, pag nakita mo ko, malalaman mong kaya din kitang agawin sa kanya :P

"AAAAAAAAAAAAH!" Umikot ikot ang swivel chair ko sa sobrang kilig. Nilalandi na naman ako ng lalaking to!

Hindi ko talaga inexpect na aabot kami sa ganito...

Nagsimula kasi iyan nung first year ko. I can still remember my sunny and cold first day at Star Academy...

Hinatid ako noon ng parents ko and tulad ng new trainees, hindi ko magawang hindi mamangha sa karangyaan ng Star Academy campus.

Sa labas ng malalaking gold and black iron gates ay merong wide screen curved monitor na nasa labas na nagdidisplay ng mga successful kpop group alumni nang mga nakaraang taon.

"Ang laki ng school mo Chai," Manghang sabi ni Mommy sa unahan. Pagpasok namin ay natagpuan namin ang statue ni Lady Andromeda, ang symbolic statue ng school, sa harap ng main building kung saan ito'y nagsilbing rotunda para sa mga sasakyang dumadaan. Nang makalapit kami ng tuluyan sa harapan ng main building ay doon ko pa lang nakita ang ibang mga estudyante na nasa loob.

The aesthetic of the school, the fine-cut shrubs and trees, the lagoon surrounding the property, the majestic renaissance-themed buildings and the high fashioned students, all of it was too much to take in for my first day. I can't believe a place like this exists in Gangnam! At hindi ko alam kung saan ako mas kakabahan...sa pakikipagfriends ba o sa pagpeperform sa mga taong alam ko'y kalebel ko ng talento.

Hindi ako mahiyaing tao pero ramdam ko na nanlalamig ang kamay ko marahil dahil sa jitters ng first day of school.

"M-mommy, pwede bang samahan mo ko?"

Natawa sakin si Mommy na para bang nagbibiro ako. "Kaya mo yan anak. I know you can do it, so you have to believe in yourself too."

"Chai, yung mga bilin namin sa'yo ng mommy mo wag mong kalilimutan. Tumawag ka kahit once a day ha, and always follow the rules!"

That's my dad. He's a lawyer. So he pretty much values the law.

"Yes po dad." Sagot ko at lumabas na ng sasakyan. May guard na hindi mukhang guard dahil sa marangyang uniporme nito ang lumapit sakin at tinulungan ako sa pagbaba ng gamit ko sa likod ng sasakyan. Pagkatapos no'n ay binaba ni Daddy ang bintana para magpaalam na sa'kin.

"Anak, you can do this. I know you'll get there, just believe it." Sabi ni Daddy.

Pinigilan kong maiyak dahil mabilis akong maging emotional. "Opo, opo! Umalis na po kayo, baka di na ko matuloy nyan!"

"Bye anaaaak! Galingan mo!"

Pinanood kong lumayo ang sasakyan nina mommy bago ako humarap sa malaking glass door ng main building ng school. Sabi sa mga nabasa kong articles, ang dalawang building sa magkabilang tabi ng main building ay piano-shaped daw kung titingnan sa itaas. Bumaling ako sa kanan at nakita ko ang ibang girls na lumalabas sa building na iyon. Sa kaliwang building naman ay mga lalaki ang naroon. Mabuti na lang at hindi required maguniform sa Star Academy, though kung hindi ka ganun ka-stylish ay mahuhuli ka ng fashion police. Iyon kasi ang nakasaad sa hand book na binasa ko kagabi.

Napatingin ako sa suot ko at di ko maiwasang ikumpara ang ayos ko sa mga babaeng nakita ko kanina. Ang gaganda nila at parang artista na ang dating. Naka all-black kasi ako ngayon. Cropped top shirt from Supreme and jogger pants from Vetements. My shoes are from Vans and a vintage guitar pendant necklace was hanging from my neck. Ganito lang ang style ko. Di ako flashy.

Pag-pasok ko sa main building ay hindi nga ako nagkamali. Kung maganda na ang hitsura nito sa labas ay mas maganda at marangya ito sa loob. There were three chandeliers hanging from the ceiling. And the floor was made from marble! At sure ako if nakaheels ako ngayon, mageecho ang tunog nito sa magkabilang dulo ng floor.

Parang bangko ang first floor. Ang daming window counters sa loob at iyong mga staff parang hindi mukhang staff kasi ang gaganda at ang guguwapo nila. At nakakatakot din silang lapitan kasi parang ang seryoso nila sa mga ginagawa nila. Sa gitna ng mga ito ay merong eleganteng staircase at lobby area na carpeted. Amoy mamahalin din sa loob, parang hotel lang at hindi admin building ng school.

"Is this the window for new students?"

Napalingon ako sa lalaking nagsalita. Nasa window 8 siya at kagaya ko ay mukhang hindi niya rin alam ang gagawin. Malapit nang mag 9:30, ibig sabihin magsisimula na ang performance evaluation.

Kailangan ko nang makarating sa Star Dome at kung hindi ako magtatanong kung nasaan iyon dito ay baka maligaw ako at mamiss ang chance ko na mapapunta sa advance class. Kailangan ko rin palang ilagay ang mga gamit ko sa dorm. At di ko pa rin alam kung saan ang room ko! For the love of rabbits, I can't screw up my first day!

I made cute little steps towards kuya na mukhang tsundere at nilakasan ang loob na magtanong. I scanned his porma from head to toe. Low key din ang isang to. His black snapback says Balenciaga, a simple white shirt from YSL and pants na sa wari ko ay branded din. Low key nga, low key mayaman. I glanced at his shoes at nakita kong naka Vans din siya.

"Um, excuse me, first year ka rin?" I said cutely, tapping lightly on his shoulder.

He took something from the lady in window 8 bago humarap sakin. Nagulat ako nang lumingon siya. Ang strong ng features ng mukha niya. Di ko alam kung magka-age kami pero ang liit ng mukha niya. Kamukha niya yung mga lalaki na masungit sa anime! Actually kamukha niya si Lee Syaoran!

"Oo. Kukuha ka rin ng schedule?" Nakangiti naman siya ngayon! Shocks, hindi ko type ang face niya pero ang guwapo niya.

"Ah, oo. And, pupuntahan ko rin yung Star Dome. Alam mo ba kung saan iyon?"

"Yep! Gusto mo sabay na tayo? Ilagay ko lang yung gamit ko sa room."

"Oh thank goodness!"

"Thomas Ylo Lee nga pala, but you can just call me TY."

"Rosie Park."
 

Thomas was my first friend in Star Ac. He told me his brother was an alumnus so he had visited the school a few times. I also learned that his brother was the famous Taylor Mori Lee of the kpop band Shinee.

Nang makuha ko na ang schedule ko at nailagay ko na rin ang gamit sa room ko ay sumabay na ko kay Thomas papuntang Star Dome. Buti na lang talaga kinausap ko siya, although sa likod lang ng main building ang dome, manliliit ako kung magpupunta akong magisa doon. Sobrang laki ng campus at ayokong maging loner sa first day.

Nakarating kami sa dome at natagpuan doon ang iba pang mga new students. We were just on time nang magsalita ang headmaster na si Mr. Bang.

"It's a good day isn't it? A bit chilly but the sun is out there. So, welcome first years!" Sabi ni Mr. Bang sa mahigit-kumulang na benteng trainees at humalakhak habang hawak ang belly niya.

In fairness, hindi ko ineexpect na ang isang kagaya niya na jolly ang magiging head master ng isang legendary school. Mas ineexpect ko pa iyon dun sa isang teacher na nakaupo sa dulo na mukhang ipinagdadamot ang ngiti.

"Pst, Thomas, kilala mo ba iyong teacher na iyon?" Turo ko sa isang pormal na lalaki na katabi ng mentor na Cheetah ang pangalan.

"Sino jan?"

"Yun o, yung mukhang inasiman ng tiyan."

Muntik nang maibuga ni Thomas ang ininom na tubig sa sinabi ko.

"Hindi ko alam kung tatawa ako o ano sa sinabi mo." Pagiling niya.

"So, sino nga siya?"

"Siya si Master Psy. Ang pinaka terror na mentor dito. Sabi ni Kuya, dumadaan daw sa karayom ang mga estudyante niyan."

"Ah. Hard core. Well, we still got a long way before we encounter him, right?"

"You said it." Sabi niya at nilapit ang kamay sakin para umapir.

Inisa-isa ko ang mga mentor sa likod ni Mr. Bang na ngayon ay nagsasalita tungkol sa seven rules ng school. I was half listening to whatever he's saying because I was busy taking in the people behind him.

There were eight mentors kasama na si Mr. Bang. There's Taeyeon of the legendary SNSD, the famous rapper Cheetah, music producers ADELA and Pdogg, the famous superstar Rain and dancer Mina Myoung and the one that was called Psy. Ayon kay Thomas, Mr. Bang and Psy only teaches the advanced third year and fourth year classes so hindi namin sila makakasalamuha at the beginning of our year.

Tiningnan ko ulit si Psy at umiwas ako ng tingin ng makita kong nakatingin rin siya sakin.

"O, ba't umasim yang mukha mo?" Tanong sakin ni Thomas. Nakita kong haharap siya sa unahan pero pinigilan ko siya.

"No, don't look their way. Malalaman niyang pinaguusapan natin siya!"

"Huh?" Pero tumingin pa rin ang mokong.

"Uy, nakatingin sa dereksyon natin si Master Psy."

"Sabi nang wag kang tumingin eh!"

Nang matapos ang mahabang speech ni head master Bang, ay sinimulan na ang hinihintay ng lahat. Ang advanced evaluation performance.

First day pa lang pero ang kapal na ng tension sa buong dome. Hindi ko masyadong maapreciate ang lugar dahil wala pa sa kalahati ang ginagamit naming space at hindi naman bukas ang mga ilaw sa likod. Maliban sa ilang strobe lights sa ceiling, tanging isang malaking spotlight lang ang buhay na nagsisilbing liwanag ng stage. 

"So, if you think you deserve an advanced placement, you can change our minds if you're brave enough to show us what you got!" Pangeencourage ni Mr. Bang.

I've heard about this before. Bago pa ko pumasok ay alam ko na ang system ng advanced placement ng Star Academy. Once pumasa ka sa evaluation para dito, aadvance ang level mo ng 6 months at mapapadali ang graduation or sa school na ito, "debut" ng isang student trainee. Pag natanggap ka kasi sa school, you're level will automatically placed at 1. So lahat ng bago sa school is considered as first years regardless of age. Pero kaya mong makontrol ang level mo if papasa ka sa advanced placement evaluations.

Hindi sa pagmamayabang pero feeling ko, makakapasa ako sa evaluation ngayon. The school has three types of advanced evaluations. First is yung nagaganap ngayon para sa amin; second is the KCon evaluation in the US; and third is a public performance in the streets. The third one was the easiest to do and the most common option for most trainees, but mentors are pickiest at that. The first one that we're having today was believed to be the most nerve-wracking but it's also where the mentors give out huge chances.

I can't explain it but I feel lucky today.

"Sa mga sasabak, pakibigay ng usb or pakibluetooth sa tech room ang inyong evaluation piece sa likod ng stage. Pagkatapos niyo doon, please give us your student ID and wait for your number to be called. That's all and good luck!"

And the lights above us dramatically swerved on stage joining the spot light  matapos magpahayag ni head master Bang.

Huminga ako ng malalim at nakita ko ang paglingon ni Thomas sakin.

"Sasalang ka?" Sabi niya ng may pagkamangha.

"Yes. How about you, handsome?" Compliment ko while I said it with sarcasm.

"Okay na sana, tatanggapin ko na sana na gwapo ako kaso...may contrast yung salita at yung mukha mo eh."

"Problema mo sa mukha ko?" I nudged his shoulder playfully, glad that I found a friend like him.

"Tss, pumunta ka na nga lang!"

"You won't give it a shot?"

"Nah, I'll pass."

"Ch. Weak." Bulong ko pero pinarinig ko pa rin.

"I heard that! Good luck"















 

/Cast

Thomas Lee - TY of NCT

/Fun Facts

YG Entertainment is actually located near the Han river and it's not in Gangnam. If you're new to Kpop, YG is the company that manages some of the legendary groups like Big Bang and 2ne1. Also, it's the entertainment company that debuted third generation's most popular girl group, Black Pink, who's main vocal Rose is this fanfic's lead protagonist. 


 

I'm soooo worried about this fic. Tagal na nung huli kong story na Tagalog huhu. Sorry guys, but I hope you'll read this ^_^

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet