Prologue

Lullabies From Noane

ARE YOU QUALIFIED TO BE A STAR TRAINEE?

Star Academy is looking for aspiring talents!

Join the prestigious academy and you can be the next Kpop Superstar!

--  Do you have a passion for music? --

o I can sing/rap

o I can dance

o I write meaningful lyrics

o I produce sweet beats

o I play an instrument

o I just love music!

If you check any one of those boxes then drop us a line or send us a video!

Email us at: info.startrainee

For more details, visit our website at starac.com or call our hotline at 01-771-777.

It was like only yesterday when Rosie submitted an entry, and now looking at her school's poster by the bus stop made her feel nostalgic.

"Hay, may pasok na naman bukas." Rosie sighed. Naupo siya sa may dulo ng bench para bigyang space ang ibang pasaherong naghihintay sa susunod na bus. She took in Seoul's peaceful but colorful night. It was hard to believe that a city like this, small and crowded as it is, can narrow down 200 students into successful artists. Lahat yata ng sumisikat na kpop groups and solo artists ay nagaral sa Star Academy.

For example, yung EXO and APINK, kakagraduate lang nila last year sa Star Ac. and now that they've sign up under different companies, sureball na talaga ang kasikatan at tagumpay nila ngayon kahit six months pa lang sila sa industriya.

"Omg, alam niyo ba nagsubmit ako dito?"

Napataas ang kilay ni Rosie sa nagsalita. May mga babaeng nagkumpulan sa tapat ng poster na kanina lang ay tinitingnan din niya.

"Oh my god, Yuki! Nakapasa ka ba?"

"Actually, bukas na ang induction ng newcomers. And actually, dapat doon na ko magsestay tonight. Pero kasi hindi naman ako prepared na iwan agad sina Mama..."

"Shocks, ang swerte. 2 years na ako nagpapadala ng video sa kanila, ni wala man lang feedback."

Napangiti si Rosie, seeing her 15-year-old self in the lucky girl. Kung totoo nga na nakapasok ito, then magkikita sila bukas. Natatanaw na niya na ang paparating na bus patungo sa Star Academy ng di niya napigilang magosyoso sa grupo ng mga babaeng siguro'y mas bata sa kaniya ng dalawang taon.

"That's a good decision you know," Napatingin sa kanya ang mga tweens. Ang iba sa kanila ay napanganga dahil namumukhaan siya. May mga trainees kasi sa Star Ac na kahit di pa ganap na artista ay sikat na. At isa na si Rosie dun. "Star Academy is a luxurious school at kung gaano ka-high standard ito sa labas pa lang ng campus gate, ganun din ang ineexpect nila sa mga star trainees. So kung ako sa'yo, susulitin ko na ang gabing ito." Nginitian niya ang mga bata at nagpakilala bago sumampa sa exclusive Black bus ng Star Academy. "Rosie Park nga pala. See you at school."

Naiwan niyang nakatulala ang cute girl na nagpakilalang si Yuki Song sa bus stop. Nakaupo na siya sa loob ng bus ng makita itong kumakaway kahit sobrang tinted ng bus na sinasakyan niya. "She's so cute." Nang makalayo na sila ay kinuha niya sa bag niya ang earphones. Nanggaling pa siya sa Jeju kaya mejo namamagod na rin siya. Di niya na rin inalintana na tingnan ang ibang trainees na nasa bus. Anyway, no one greeted her so she assumed that her friends weren't inside.

It will take them an hour and a half from Gimpo airport papuntang Gangnam kung nasan ang naturang campus, kaya naman nais niyang umidlip kahit 30 minutes lang. Nakapagrelax siya ng husto ng mag-chuseok, ang thanksgiving sa Korea. At kahit gusto pa niyang makasama ang pamilya ay kailangan niyang bumalik sa Seoul para ipagpatuloy ang training. Thinking about school and her future made her sleepy. If she's anything like her friend Jessie, she would've turned up at campus tomorrow. But Rosie is excited for other things and that thing involves boys and anonymous crushes. 

She was slowly drifting into sleep pero wala pang 10 minutes ay naistorbo na kagad ang beauty sleep niya. Nangmagstop ang bus sa last station, pumasok ang dalawang taong nagpapakulo ng dugo niya.

Pagkapasok pa lang ng dalawa ay naghiyawang parang mga aso ang mga lalaking kasama ni Rosie sa bus.

"STAR ACADEMY HERE WE GOOOOO!!!" Sigaw ni Julian Park.

"AND THE KING ARRIVES! Wooooohoooo!" Rinig niyang sigaw ni Luke Hwang sa likod pagkatapos makita si Jared King Jeon at si Julian Park na humahakbang papanhik sa bus at inaapiran ang mga katropa nila.

Narinig niya naman ang bulungan ng kabatch niyang si Somi at Chunlee sa harapan ng upuan niya, "Alam mo ba nakapasa si Jared at si Julian sa level-up evaluation last year."

"What?"

"So, they're a senior now?"

"They're amazing! Like 'daebak' girl, kaya akitin mo na yan bago pa maahas ng iba. I heard he's still single."

Rosie shut her eyes tightly closed. Ayaw niyang mastress hangga't hindi pa natatapos ang araw na ito.

Pero hindi pa natatapos ang ingay ng mga lalake ay di niya na napigilang magsalita. "We're going to school, not a frat house."

"Oooh" Kantyaw ni Julian na sinisiko ang bewang ni Jared. Nataon pang tumigil ang dalawa sa tapat ni Rosie kaya narinig ng mga nito ang daing niya.

"If it isn't the regal princess, Ms. Rosie Park. It's nice to see you too." Jared winked at her.

"Bro, sa likod na ko ah. Ms. Rosie," Paalam ni Julian kay Rosie at nakipag fist bump kay Jared.

"Pwede ba Jared, tigiltigilan mo ko." Pakiusap ni Rosie at tumingin sa labas. Tuluyan na kasing naupo si Jared sa tabi niya at dahil may kalakihan ang katawan nito ay nakuha nito halos kalahati ng upuan niya.

"Di mo ba ko namiss babe?"

"OMG sila ba?" Rinig ni Rosie na bulungan ng nasa harap niya. Nang magtama ang mata nila ni Somi ay umiwas ang mata nito.

"Huwag ka ngang gumawa ng issue. My god, ayokong malink sa'yo!" Rosie admitted bluntly. Wala siyang pakealam kay Jared pero may pakialam siya sa rules and the rules says no to dating. Even if it's fake news, she didn't want any bad publicity going on about her, lalu na't di pa sya nagdedebut.

Besides kung may idedate man siyang studyante sa Star Ac, alam niyang hindi kagaya ng tipo ni Jared iyon.

"Wow, chill lang tayo babe. Kinakamusta lang kita galit ka na agad?" Pangugulit pa nito.

"Huwag mo kong tawaging babe!"

"Eh anung gusto mo? 'Jagi'?"

At naghiyawan ang mga alipores ng lalaki. 'Jagi' ay short for 'Jagiya' na ang ibig sabihin ay "darling." Pumikit na lang si Rosie at hindi pinansin ang mga kantyaw ng mga kasama.

"Uy, uy, jagi, wag mo naman akong tulugan. Mahaba pa biyahe natin, magkwentuhan muna tayo," Pangaasar ni Jared habang pigil na pigil ang tawa. Sa loob ng dalawang taon ay wala na siyang pinapansing ibang babae kundi si Rosie. Pero hindi dahil trip niya ito, kundi dahil ito lang ang babaeng naaasar niya na masungit at di binibigyang malisya ang pangaasar niya dito.

Hindi na makapaghintay si Rosie na makarating sa dorm at tuluyan nang makaalis sa tabi ng pinakasikat na trainee sa Star Academy.
 

Si Jared King Jeon. 






 

/ Cast /

Rosie - Rose of Blackpink

Jared - JK of BTS

Julian - JM of BTS

Luke - Lucas of NCT

Yuki - Yuqi of GIDLE
 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet