Chapter 1

To Remember

To Remember 
Chapter 1 

 

 

“ANO na naman ba ang pumasok diyan sa utak mo, Minmin? Nababaliw ka na ba talaga? Ilang beses mo pa bang gagawin ang bagay na iyon? Mabuti na lang talaga at nakita ka nila Chaewon, kundi ay binuburol ka na ngayon!” galit na bungad sa akin ng nakatatanda kong kapatid na si ate Eunbi.


Kakagising ko pa nga lang, pero sinalubong na agad ako nito ng sermon. Kinurot pa niya ang tagiliran ko.


Humiga na lang ako ulit at ipinikit muli ang aking mga mata. Ayaw kong sagutin ang mga tanong ni ate sa akin dahil alam naman na niya ang sagot doon. Alam na alam niya kung bakit ko ito ginagawa. 


Narinig ko ang malalim na paghinga nito bago siya umupo sa sofa na nasa tabi ng kamang kinahihigaan ko ngayon.


Nanatiling nakapikit ang aking mga mata habang inalala ang mga nangyari kahapon. Makakasama ko na sana siya kung hindi lang dumating ang babaeng iyon. Hindi ko man lang nakita ang mukha niya. 


Naramdaman ko ang paghaplos ni ate Eunbi sa ulo ko. Napadilat ako.


“Ate, sinong nagdala sa akin dito kahapon?” tanong ko sa kanya.


“Sinabi ko na sa'yo kanina, ‘di ba? Sila Chaewon nga.” 


Kunot noo ko siyang nilingon. “So...sila rin ba ang nakakita sa akin no—”


“—Oo, sila ang nakakita sa'yo at humatak sa'yo para di matuloy iyong balak mo doon,” malumanay niyang pagtuloy sa sasabihin ko sana.


Ah, kaya pala pamilyar ang boses na iyon sa akin. Pero...

 

“If you're planning to kill yourself. Please, 'wag dito sa building ng club ko.” 


Biglang pumasok sa isipan ko ang sinabi niyang iyon. Kay Chaewon ba talaga ang boses na iyon? At anong club ba iyong tinutukoy niya? 


“Huwag mo na isipin iyon, Minmin. Ang mahalaga ay okay ka. Anyway, tumawag sa akin kanina ang therapist mo. Sabi ni doc Sakura ay pupuntahan ka raw niya mamaya sa bahay.” 


Tumango na lang ako. Paniguradong mapapagalitan na naman ako ni doc mamaya.

 

 

***


Tahimik na kumakain ako ngayon dito sa rooftop ng Fine Arts Department. Pinili kong kumain dito dahil alam kong ako na naman ang pag-uusapan kapag sa cafeteria ako kumain. Nasanay na rin naman ako. Madalas ako ang laman ng tsismis at bulungan ng mga estudyante rito sa University. Minsan nga ay napasama ako sa hot issue ng Underground Website. 


Buong akala nila ay wala lang sa akin ang mga sinasabi nila dahil magaling akong magpanggap. Para saan pa't acting ang kinuha kong major kung hindi ko ito gagamitin. Pero hindi nila alam na sobra sobra na akong nasasaktan, na ilang taon na akong naghihirap. Sa isang pagkakamali ko na iyon ay nawala sa akin ang buhay na nakagisnan ko noon. Nakalimutan ko na kung sino ako noon. Iyong dating masiglahin na ako ay matagal nang nawala. Kung noon ay genuine ang sayang nararamdaman ko, ngayon ay puro na lang ito pagpapanggap. 


Napalingon ako sa left side ko nang naupo roon ang kaibigan kong si Chaewon. Mukhang kakagaling lang nito sa pagtakbo dahil medyo hinihingal siya.


Nginitian niya ako. Umiwas lang ako ng tingin at kinain ang sandwhich na nasa harapan ko.


“Allergy ka talaga sa pag smile, ‘no?” may bahid ng pagtatampo ang pagkakasabi nito sa akin.


“Oo, kaya ‘wag mo na ako ngitian,” sagot ko.


Mahinang kinurot ako nito sa balikat, pero hindi ko ito pinansin.


“Kamusta ka na nga pala? Mabuti na lang at behave ka ngayon. Kinabahan pa ako nang mapansing wala ka na sa classroom. Akala ko iba na naman ang maaabutan ko rito sa rooftop.” Nag-aalalang saad niya sabay sandal sa balikat ko.


“Tagal mo kasi umihi.”


“Aba, ang bilis ko lang kaya. Ikaw itong hindi makapaghintay, eh. Hindi ko na tuloy nadaanan si Yuri dahil sa pagmamadali ko.”


“Kumain ka na,” pag-iiba ko ng usapan.


“Omg! Concern ka na ba sa akin ngayon, Min? Pinapakain mo na ako. Huhu.” 


“Ayoko lang ng maingay.” 


Umayos ito ng upo. “Are you really my friend? Ang harsh mo talaga sa akin, Minmin.” 


Nagpatuloy lang ako sa pagkain na parang wala akong narinig. Alam kong ang sama ko ng kaibigan sa kanila ni Yuri, pero wala akong magawa dahil ito ang naging epekto sa akin ng nakaraan ko. 


“Chaewon...” pagtawag ko sa kanya. Nilingon niya ako habang ngumunguya siya.


“Hm?” nakangiti na naman ito sa akin.


“Ikaw...Ikaw ba iyong pumigil sa akin noong isang araw?” 


Napatigil siya saglit sa pagnguya.


Ilang sandali pa'y tipid na ngumiti siya at tumango sa akin. Pansin kong biglang nag-iba ang ngiti nito. Hindi na tulad ng kanina na abot hanggang mata. 


“Nakita ka ng isang kakilala ko na papunta sa lumang building na iyon kaya sinundan ka kaagad namin ni Yuri. And then, we saw you nga.” 


“Nakaya mo kong buhatin?” Umiwas siya ng tingin sa akin. May hindi sinasabi sa akin ang babaeng ito. 


Alam ko kasi kapag may hindi siya sinasabi. Iiwas na lang kasi siya bigla tapos ay parang may kinakausap siya sa hangin.


“W-wala ka bang tiwala sa amin ni Yuri? Aba, lalakas kaya naming dalawa!” 


Magsasalita pa sana ako nang biglang may umakbay sa amin ni Chae.


“Halo halo sa mga beautiful and talented kong friends.” Masayang bati ni Yuri sa amin sabay halik sa pisngi namin ni Chae.


“Yuck! Yuri naman, tsansing na 'yan ha!” ani chae sabay pahid ng pisngi niya. 


“Arte mo naman, thirdwheel!” 


Thirdwheel ang tawag ni Yuri kay Chaewon dahil madalas siyang sumasama kapag may date ang isa sa amin. Si Chaewon ang dakilang thirdwheel sa aming magkakaibigan. Bukod kasi kina Chaewon at Yuri, may iba pa kaming ka close. Sina Yena, na girlfriend ni Yuri. Si Miu na nasa Japan ngayon at inaayos pa ang mga papeles nila para makabalik dito sa Pilipinas. At si Hyewon na hindi ko alam kung nasaan ngayon. Siguro'y nasa Coffee shop nila iyon at inuubos ang mga cake nila.


Napailing na lang ako. 

 

Kahit sobrang negatibo ko sa buhay, itong dalawang kaibigan ko na 'to, kasama pa ang tatlo ko pang kaibigan ay nananatili pa ring positibo. Nanatili sila sa side ko. Nagbago ako, pero sila? Never silang nagbago at never silang napagod sa akin. Hindi nila ako iniwan kahit alam nilang gustong gusto ko nang mawala. 


“By the way, highway, pretty friends. Gusto niyo ba sumama sa akin mamaya? Mag bar tayo at magpakasasa sa mga inumin doon! Ano?” nakangiting aya sa amin ni Yuri. 


Bar? Hindi naman ako mamamatay doon. 


Nasapak siya ni Chae at tinignan siya nito ng masama. “Gaga! Gusto mo bang ma issue na naman itong Minmin natin? Alam mo namang mga maliliit ang utak ng ibang estudyante rito sa atin. Baka malagay na naman sa hot issue itong baby girl natin kapag nag bar siya. Para pa naman silang mga pinya sa dami ng mata nila. At kapag nangyari iyon ay baka hindi ko na mapigilan ang sarili kong tanggalin ang mga dila ng mga iyon!” 


“Ay oo nga, ‘no. Sorry, friend. Sige, sa bahay ko na lang tayo mag lasing!” nasapak ulit siya ni Chae. 


“Sasama ako.” Ako naman ang sinamaan ng tingin ni Chae.


“Okay ka lang ba baby girl? O baka naiwan lang iyong utak mo doon sa lumang building kaya ka sasama rito kay Yuri. Mag-isip ka nga!” 


“Hayaan na natin siya, Chae. Sasama rin naman sila Yena at Hyewon, eh. Kaya ikaw, sumama ka na rin. Baka makahanap ka pa roon ng magiging ka love team mo. Eh ‘di, no more thirdwheel na.” 


Tiningnan ako ni Chae na parang naghihintay ng susunod kong sasabihin. 


Tumango ako. “Wala akong gagawing masama. Sumama ka na rin.” 


Napailing siya at walang nagawa. Niyakap siya ni Yuri. 


“Alam ko namang hindi mo mahihindian si Minmin natin, eh!” 


“Tumahimik ka nga, Yuri! Basta ha, saglit lang tayo roon. And please, walang boys ha. Jusko. Mabibigti ako ni ate Eunbi dahil sa inyo.” 


Sa kanilang lima, si Chaewon ang pinaka pinagkakatiwalaan ng ate ko sa akin dahil alam niyang siya ang pinaka matured sa kanila. Kung tutuusin para na rin siyang nanay namin dahil ang seryoso niya sa buhay. 

 


Pagkatapos naming mag lunch ay bumalik na kami sa mga klase namin. 


Hindi ko maiwasan na isipin ang pagpunta namin sa bar mamaya. Ano kayang magandang gawin doon? 


Napangiti ako nang may maisip akong ideya. Sisiguraduhin kong wala ng makakahadlang sa gagawin kong iyon.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
yudaengdaeng_
#1
hello pls add tagalog or whatever language you're writing in to your tag so that people who can't understand it won't click on it only to be disappointed because it's not in English. thank you.
baejoohyunswife #2
Chapter 2: Yayyy. Add izone to the tahmgs to para mahanap agad. Hehehe btw cant wait for the next update
baejoohyunswife #3
Wahhh cant wait