To Fall
Description
Hindi maintindihan ni Sakura kung bakit siya laging iniiwan ng mga taong mahal niya. Todo naman siya kung magmahal. Binibigay niya lahat sa mga ito pwera ang puri niya. Sobra sobra pa nga pero bakit hindi ito sapat. Nawawalan na siya ng pag-asa sa lovelife niya. Susuko na sana siya nang makilala niya ang president ng isang secret club sa school nila na makakapagpabago ng takbo ng lovelife niya.
"Pagod ka na bang maiwan? Gusto mo bang maranasang ikaw naman ang mang-iwan?" nakangising tanong ng isang magandang babae na biglang sumulpot sa harap niya.
Pinaningkitan niya ito ng mga mata. Napaisip siya bigla sa mga sinabi nito. "Ako? mang-iiwan?" nasabi niya sa sarili niya.
"Kung gusto mong maranasan ang mang-iwan pwede mo akong puntahan sa secret room. Here." Inabot sa kanya ang isang maliit na papel. Nakasulat doon kung saan makikita ang secret room nila.
Magsasalita na sana siya nang biglang mawala ang babae. "Weird," kunot noo niyang sabi at tinignan ulit ang papel na hawak niya.
"Ano ba ang mayroon sa secret club na to..."
Ano nga ba ang mayroon sa secret club na iyon? Anong pagbabago ba ang magagawa nito sa lovelife niya? Paano kung ang pagpasok niya sa club na iyon ay maging dahilan ng pag-ungkat sa nakaraan niya na pilit niya nang ibinabaon sa limot? Anong gagawin niya? Mararanasan niya na rin kaya ang mang-iwan o siya pa rin ang maiiwan?
Foreword
Yay! May Kkuchaen/Chaekura fanfic na rin ako! May 15 chapters na rin 'to, eh. Huhu! Sana magustuhan niyo kahit madami tong mali mali. Hwag niyo na lamg din pala pansinin iyong mga pangalan ng ibang characters dito ha esp sa boys, di ko kasi alam ipapangalan sa kanila lols. Enjoy!
Comments