Simula

To Remember


HUMINGA ako ng malalim bago ko itapak ang mga paa ko sa malamig na railings. Nanginginig man ang katawan ko'y hindi ako nagpadala rito. 

Nagsimulang tumulo ang mga luha ko nang maalala ko ang mukha niya. Ang taong dahilan kung bakit ako naging masaya noon, na siya ring dahilan kung bakit ako nalulunod sa sakit at kalungkutan ngayon.

Limang taon na ang lumipas at limang taon na rin akong nagtitiis. Hindi ko na kaya ang isa pang taon na wala siya. Pagod na pagod na rin ako sa mga masasakit na salitang itinatapon ng mga taong nakapalibot sa akin. Mga panghuhusgang wala namang basehan. 

“Mukhang inosente, pero nasa loob ang kulo ng babaeng iyan.” 

“Malandi ka! ‘Di ba nagpakama ka sa isang member ng basketball team noong highschool ka pa.”

“Minjoo Kim, ang na nakipag one night stand sa boyfriend ng student council president.”

“Kaya raw isang taon na tumigil sa pag-aaral iyang si Minjoo ay dahil sa nabuntis siya, at ipinalaglag pa ang bata.”

“Sana ikaw na lang ang namatay, Min...”

Ngumiti ako ng mapait nang makita ang papalubog na araw. Gusto ko munang makita ang paglubog nito bago ako tumalon dito sa building na kinatatayuan ko. Bago ko tapusin ang walang kwenta kong buhay. 

Dahan-dahang ipinikit ko ang aking mga mata at inalala ang magaganda niyang ngiti. Ang paulit-ulit niyang sinasabi kapag magkasama kami...

Yakap niya ako habang sinasabi sa akin na, “I love you, Minmin. 'Wag na wag mo kong iwan. Promise 'yan ha?” 

“Promise...” kaya susunod na ako sayo diyan ngayon, mahal ko. Handang handa na ako.

Akmang tatalon na ako nang maramdaman ang dalawang kamay sa magkabilang side ng baywang ko. Bago pa man ako maka react ay maingat na ako nitong naibaba sa semento. Isa na namang panira sa plano ko.

Napadilat ako at nilingon ito, pero wala akong makita dahil sa napuno na ng luha ang mga mata ko. Sino naman kaya ito?

“If you're planning to kill yourself. Please, 'wag dito sa building ng club ko,” anito. Pamilyar sa akin ang boses niya.

Bumilis bigla ang pagtibok ng puso ko. Napahawak ako sa railings na tinapakan ko kanina. Hindi ko mawari ang nararamdaman ko ngayon. Hilong hilo ako. 

“H-hey, you okay?”

Hindi ko na siya nasagot dahil unti-unti kong naramdaman ang pagbigat ng mga mata ko at napahiga na lamang ako sa semento. May sinasabi pa siya sa akin, pero hindi ko na siya maintindihan.

Napapikit ako at tuluyan na nga akong nawalan ng malay.

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
yudaengdaeng_
#1
hello pls add tagalog or whatever language you're writing in to your tag so that people who can't understand it won't click on it only to be disappointed because it's not in English. thank you.
baejoohyunswife #2
Chapter 2: Yayyy. Add izone to the tahmgs to para mahanap agad. Hehehe btw cant wait for the next update
baejoohyunswife #3
Wahhh cant wait