Chapter 3

Panaginip Lang
Please Subscribe to read the full chapter

Sa dalawang araw na nagdaan, walang Irene ang nagpakita or nagparamdam kay Seulgi. Nakontento lang din sa paglalagi sa kanyang apartment,  minsan maglalakad lakad sa dalampasigan, nagmumuni muni. Sinusubukang kalimutan muna ang buhay sa siyudad, ang nakakapagod na buhay nya sa Maynila.

 

Pero nagtagumpay man sya sa bagay na yun, may isang babae naman na gumugulo sa isip nya—si Irene.

 

Napabuntong hininga na naman sya ng malalim lalo’t palubog na naman ang araw, wala pa rin syang naririnig mula rito.

“Ano na kaya nangyare sa multong yun?” kausap nya sa sarili

“Why do I even bother myself? I’m here to enjoy, to treat myself, to rest and to forget about everything. Tsk. She’s not that beautiful para pagtuunan ng  pansin."

 

 "Not that beautiful ka dyan Seulgi. ” Tuloy ba pagkausap nya sa sarili

 

 

Napahiga sya sa buhangin ang nag-iisip ng kanyang magiging hapunan. Kausap ang hangin or maybe ang sarili.

“Lalabas na naman ba ako para kumain? Nakakatamad. Hmmm. May instant noodles at mga delata pa naman ako dun. Or should I cook eggs insteas? Huwag na, magalit pa si Irene kapag pinakialaman ko mga gamit nya.”

 

“Ahhhhhh! Mababaliw akoooooooo! Umalis ka sa ulo kooooooo!”

 

Hanggang isang idea ang pumasok sa isip nya.

“Let’s see kung di ka pa lalabas sa gagawin ko”

 

Lumusong sa tubig si Seulgi.

Damang dama nya ang lamig na nanunuot sa  kanyang balat.

 

 Napagtanto nya, hindi yata magandang idea ang ginagawa nya ngayon. Sino ang tangang magswiswimming sa less than 10’ na temperature ng tubig?

 

Huli na ang lahat, kasi hanggang bewang na nya ang tubig, basa na rin ang kanyang shorts.

 ‘Sayang effort’ 

 

 

“Shet lamig…bbbrrrrrrrrrrr”

Palalim nang palalim habang pumapalaot sya, pababa din nang pababa ang temperatura. Dito na nya isasagawa ang plano nyang magpanggap na nalulunod. 

 

“Saklolooooooooooooo!!!”

 

“Help!!!!!”

 

 

“Ireneeeeeeeeee!!!”

 

 

Sa kabutihang palad may isang bata namimingwit ng isda sa may batuhan malapit sa ‘kinalulunuran’ nya

 

“Taaaaang!!! May nalulunod” sigaw ng bata sa tatay nyang hawak hawak pa lang ang lambat na ihahagis sana

 

Narealize ni Seulgi ang mga susunod na magaganap. Kaya bigla na lang syang lumangoy palapit sa pangpang at ang pagplaplanong pagpapanggap na nalulunod ay napunta sa wala. Nakaistorbo lang sya ng mag amang nangingisda ng panghapunan.

 

Pupungas pungas pa ang mag ama na lumapit kay Seulgi

 

“Iha, okay ka lang ba, nakita ka naming parang nalulunod kaya dali dali kaming sumaklolo.”

 

“Ah eh, sorry po, akala ko kasi malalim, mababaw pa lang pala.” Nahihiyang sambit ni Seulgi

 

Tumango na lang ang matanda pinaalalahanan sya na wag lalangoy kapag palubog na ang araw, bukod sa hindi stable ang alon, malakas din daw ang current sa banda roon.

 

..

 

“Achooooooooo!” malakas na bahing nya

“Brrrrrr. Magkakasakit pa yata ako dahil sa paglusong ko sa tubig kanina. Bakit ko ba naisip na lilitaw ka kapag nalulunod ako? Ano care mo”

 

“At bakit ba napapadalas ang pagkausap ko sa sarili ko nitong mga nakaraang araw? Nababaliw na yata talaga ako? Achoooo!” tuloy na pag sneeze pa nya

 

At dahil sa unti unting pagbigat ng pakiramdam nya, ang balak nyang paglabas para kumain ay di na natuloy. Bagkus natulog na lamang ito.

 

..

 

“Ngayon pa talaga  ako linagnat?” naiinis na tugon nya sa sarili nang magising sya ng alas 2 sa madaling araw

 

Hindi sya makabangon man lang para uminom ng tubig.

“Tu..b…ig…”

At kahit ba subukan nyang bumangon para kumuha ng maiinom pampawi ang uhaw, hindi nakikisama ang naghihina nyang katawan.

At sa unang pagkakataon mula nang dumating sya dito sa La Union. Tumulo ang luha nya.

Dahil ba ito sa pagkauhaw nya o yung pakiramdam ng pagiging hopeless. O malungkot lang talaga mag isa?

 

 

 

Naalimpungatan si Seulgi na may bimpo na sa kanyang noo. May mahinang kalampag ng kubyertos na nanggagaling sa kusina na tila ba may nagluluto. Sinubukan nyang igalaw ang katawan pero sa bawat galaw ng kalamnan nya pakiramdam nya matutumba lang sya.

 

“Gising ka na pala? Don’t move, I’ll bring your food here”

 

“I….irene”

 

It was Irene. Namalayan ni Seulgi kaninang madaling araw na tila ba pinupunasan sya. Akala nya panaginip  at akala nya pinupunasan sya dahil patay na sya? Totoo pala, este yung may nagpupunas sa kanya.

 

Napagtanto din nyang semi- sya sa suot nyang sando at maikling cotton shorts. Pero hindi na nya pinagtuunan ng pansin yun. Mas nangingibabaw ang kontentong pakiramdam nya na may isang taong nasa apartment nya ngayon inaalagaan sya, multo man ito o ano.

 

“Kamusta na pakiramdam mo?” puno ng pag aalalang tugon ni Irene habang nilalagay sa kanyang side table ang sopas na niluto nya.

 

“Kaya mo bang bumangon? I mean umupo para kumain?”

 

Tumango lang sya.

 

“Tu…tubig.”

 

 

“Ah oo nga pala, ito ito, drink up” sabay dahan dahan na pinapainom sa kanya ni Irene ang isang basong tubig

 

“Thank you.”

 

 

Ngumiti lamang ito

 

‘Kailan pa natutong ngumiti tong multong to?’

 

“Kailangan mong kumain muna bago  makainom ng gamot kaya open your mouth, aaaaahhhh”

 

“You d..dont…nee”

 

“Come on, eat up. Kailangan mong lumakas. You don’t need to return this favor, you don’t need to help me. I won’t stress you up again. Maybe you got sick dahil sa pangungulit ko. Di na ako magpapakita ulit.” Malungkot na tugon ni Irene

 

“It’s not like that Irene.”

 

“Please. Kumain ka na.”

 

“Promise me first that we’ll talk after.”

 

“Seul. No need.”

 

 

“Seul?”

 

“I mean Seulgi, Ms. Kang Seulgi. You know I’m not yet finished” medyo tarantang sagot nya

 

“No, I like that. Call me that” nangingiting sagot ni Seulgi

 

 

Naubos nang wala sa oras ang isang mangkok ng sopas.

 

“Ito lang yata ang may sakit na may gana kumain.” Kausap ni Irene sa sarili habang hinuhugasan ang pinagkainan.

 

Hindi lang nya alam kung gaano kagalak si Seulgi dahil pagkalipas ng ilang araw nagpakita na sya dito.

Hindi lang nya alam na kahit papaano, namiss din ni Seulgi ang pag aasaran at pagsasagutan nila.

 

 

“Seulgi!!!”

 

Nangiti lang sya habang nakatayo sa balcony ng kwarto nya

 

“Bakit ka na tumayo? May sakit ka pa! Back to bed! You need to rest”

 

‘Why is she so hot when angry?’ Seulgi thought

‘Namumula pa. Hindi naman yata to multo?’

 

 

“Seulgi? Are you okay? I said you need to rest.”

 

“I need the sunlight”

 

“Tugaw ka ngarud”

 

“Huh?”

 

“I said umupo ka”

 

“You just said something in Ilocano, or something like that. Ilocana ka!”

 

“Of course I am, taga dito ako. Taga dito ako?”

 

“Yeah, taga dito. So we’ll start looking for clues here in La Union kung anong nangyare sayo kung bakit ako lang nakakita sayo.”

 

“Seulgi, I told you. You don’t need to.”

 

“But I want to. I want to help you Irene.” Sincere na tugon ni Seulgi

 

“Why?”

 

 

“Just because” Ano nga ba. Come on, think fast Seulgi

 

“Because?”

 

 

“Do I need a reason?”

“Of course. You don’t help a stranger without a reason.”

 

“But you helped me too, you cooked for me, you fed me, you took care of me.”

 

“I..I mean.”

 

“Just accept my help, ako lang naman nakakita sayo diba?”

 

“Why do you have an answer to everything? Are you a la

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
akosimithi
Wow. Nagulat ako sa positive response ng mga pinoy readers dito. Thank you thank you. Let me know your thoughts sa flow ng story... SAlamat sa mga upvotes and comments. Let's support the girls' comeback , stream Bad Boy :)

Comments

You must be logged in to comment
ZERO2_ZERO
#1
Chapter 4: 🥲🥲🥲🥲
SeulRene2910 #2
Update na po jebal 🤧🤧🤧🤧😢😢😢😢😢😢
SeulRene2910 #3
Otornim ano na hahahah
jmjslrn #4
Chapter 3: still hoping for update💕
jmjslrn #5
Chapter 3: HAHAHAHA still epic asf🤣
jmjslrn #6
Chapter 2: @otor kelan kaya?
jmjslrn #7
Chapter 2: kaya pala pamilyar🤣
Goeynceilove
42 streak #8
Author-nim kailan mo iupdate ito?
waiting with respect 🙏❤️
iamriou_
1159 streak #9
Otornim. Update ka na. 🥺
kang_ddeul
#10
Chapter 4: hala sya huhuhu update pls otor! huhu nakakahook yung flow ng story. roller coaster ride of emotions!!! huhu