Mangangayam

Tadhana (Fate)

4

Mangangayam

           

            Ang buhay bang nawala na may pag-asa bang mawabi ulit?

            Walang akong matandaan maliban sa papunta kami ni kuya Raul sa Urdaneta para pigilan ang isang jeep na punong-puno ng mga aswang, nagkaalitan kami sa sasakyan tungkol kay Isabel at bigla kaming inambush ng mga aswang.

            Nakahiga ako ngayon sa ICU ng kampo maraming dugo ang nawala sa akin at mamala daw ang tama ko sa ulo yung ang dinig kong sabi ni Dr. Angeles ang resident doctor ng kampo. Kita ko si nanay na aligaga na ang mukha.

            “Dok kailan ba magigising ang anak ko? Magiisang linggo na siyang walang malay.” Dinig dinig ko ang kaba at takot sa boses niya. Isang linggo. Grabe isang linggo na ako nakaratay dito sa ICU. Gusto kung sumigaw kay nanay na ok na ako pero bago pa ako nakabitaw ng isang salita ay narinig ko na ang sigaw ni Rosemary.

            “Nanay gising na si kuya!”

            Narinig ko nalang ang nagmamadaling yapak ng maraming tao at sa isang minuto ay napabalibutan na ako ng mga taong malapit sa akin.

            “Anak! Pablo anak!” mangiyak-ngiyak na sabi ni nanay sabay akap sa akin. Nahigpitan niya ang akap niya sa akin at naipit ang sugat ko.

            “Aray nay sugat ko.” Daing ko. Bumitaw si nanay at umupo malapit sa higaan ko. Lumapit si Dr. Angeles sakin at sinimulan ang iba’t iba niyang tests para macheck-up ang katawan ko.

            “Well he seems to be recovering.”  Narinig ko ang pagbuntong hininga ni nanay,  nila Rosemary at kuya Miguel and ngayon ko lang napansin na nasa tabi ko.

            “Anak may gusto ka bang kainin?” tanong ni nanay pagalis ni Dr. Angeles.

            “Nay kakagising pa lang niya pagkain na agad gusto niya ibigay sa kanya.” Di pagsangayon ni kuya Miguel kay nanay.

            “Ano ka ba Miguel isang linggo siyang tulog so syempre gutom ang kapatid mo.”

            “Nay dapat sabaw muna ang kainin niya.”

            “Sino ba ang nanay sa ating dalawa?” naiiritang tanong ni nanay.

            “Nay gusto ko lang ng tubig.” Sabi ko para matapos na ang away nilang dalawa.

 

            “Asan si kuya Raul Maring?” tanong ko sa kapatid kong babae na nagbabalat ng mansanas.

            “Ah si kuya... tanong mo nalang kay nanay.” Natataranta niyang sagot.

            “Seryoso ka Maring? Ang dali – dali lang nung tanong ko ba’t kailangan ko pang itanong kay nanay. Ano asan si kuya Raul?”

            “Ah basta kay nanay mo itanong.” Lumapit siya sa akin at iniabot ang mansanas.

            “Ngayon gising kana gusto mo tawagin ko si ate Isabel?” masayang tanong ni Rosemary sa akin. Sa pagbanggit ng pangalan niya ay parang naging yelo ang dugo ko.

            “Wag. Ayoko siyang makita.” Malamig kong sabi.

            “Huh bakit ah bahala tatawagin ko si ate Isabel.” Sabi ni Rosemary sabay tayo.

            “Rosemary sabi ng wag mong tawagin! Ayoko siyang makita!” nagulat ang kapatid ko ng sumigaw na ako.

            Nabigla din ang mga taong papasok sana kwarto ko. Mga tropa ko sina Marco, Felipe, Jose, Roberto, Tomas, Raffy, Maylene, Jacintha at ang taong ayaw kong makita si Isabel. Tinitignan ako ni Isabel na nagtataka at parang nasaksaktan, siya pa ang may ganang masaktan.

            “Pablo..ayaw mo akong makita.” Naiiyak niyang tanong pero bato na ang puso ko.

            “Obvious ba sisigawan ko ba ang kapatid ko kung hindi?” inis kong sabi.

            Umiyak na lumabas si Isabel na sinundan naman nila Razel, Maylene at Jacintha.

            “Tol ano yun?” nagtataka tanong ni Marco.

            “Basta ayoko siyang makita.” Malamig kong sagot.

            Nanahimik nalang ang iba pa naming tropa dahil alam nila kung paano ako magalit.

 

 

            Kandila. Ang daming puting kandila sa lamay ni kuya. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa mga panahong ito, galit, pagkasaya o paghihinayang? Sa totoo lang parang yung tatlo yun ang nagahahlo-halo ngayon sa puso ko.

            Galit ako dahil namatay si kuya sa ganung paraan tang-ina kung hindi kami nagaaway ng mga panahong yun sa sasakyan eh di sana napansin ko na patibong lang ang lahat, na ambush lang ang lahat. Kung di kay Isabel hindi kami magaaway ni kuya. Buhay pa sana siya ngayon.

            Saya. Ipokrito ako kung di ko aanimin na nakakaramdam ako ng konting saya dahil sa wala na siya, dahil sa wakas na bigyan ng hustiya ang pagtatarantado nila sa akin sana nga kasama nalang si Isabel para masaya na ang buhay ko. Pero ang sayang nararamdaman ko ay ikinahihiya ko rin dahil kapatid ko yun kahit na minahal ko yung hinayupak na babaeng yun handa akong ibigay siya kay kuya. Kung sa tutuusin nga hihiwalayan ko na siya para magsama sila ni kuya kung nakabalik lang kaming walang galos sa kampo pero wala eh.

            Habang tinitignan ko ang kabaong ni kuya mabilis na bumabalot sa puso ko ang panghihinayang sana lang sana lang kung hindi ako nahuli siguro nagawa kong ilabas si kuya sa sasakyan. Kung sana hindi ako nahuli...

            “Kuya andito si ate Isabel ayaw mo ba talaga siyang makausap?”

            “Rosemary isa pa at tatamaan ka talaga sa akin.” Inis kong sagot sa kanya. Tumahimik na siya agad.

            “Kuya ano ba kasing nangyari sa inyong dalawa? Diba mahal na mahal mo si ate Isabel?” inosenteng tanong ng kapatid kong walang kaalam-alam sa mundo.

            Oo noon sobra ko siyang minahal, handa ibigay lahat para sa kanya kahit buhay ko pa. Tuwing makikipaglaban ako sa mga aswang siya ang parati kong iniisip, lumalaban ako para makauwi ng ligtas at maayos sa kanya pero ano ang iginanti niya? Niloko niya ako habang nagbubuwis buhay ako para sa kampo at para sa mga tao, maligaya siyang nagpapasarap sa piling ng kuya ko.

            Katahimikan ang sagot ko sa tanong Rosemary, sensyas na iyon para tigilan na niya ang kakatanong.

 

            “Tol bukas na libing kuya Raul?” Tanong ni Marco sa kin. Hindi ko pinansin ang tanong niya at nagpatuloy sa pagtitig sa buwan na buong-buo at sobrang liwanag.

            “Ang laki ng buwan no?” tanong ko.

            “Full moon eh.” Sagot niya habang umuupo sa tabi ko. “Grabe ha sa lahat talaga ng tatambayan mo sa bubong talaga ng kampo?”

            “Tahimik dito eh, walang Maring na tanong nang tanong kung bakit ayaw kung kausapin ang ..” gusto ko talagang sabihing higad pero wala nalang akong sinabi para wala ng masyadong gulo. “At wala ring babae lapit nang lapit sa akin at iyak ng iyak na akala naman niya may magbabago. Walang nanay na halos lagyan ako ng diaper sa kakaatupag sa akin.”

            “Si Isabel ba yang babaeng tinutukoy mo? Tol nagaway ba kayo? Hindi namin maintindihan kung bakit isang iglap nalang ayaw mo siyang kausapin.” Nagtatakang tanong ni Marco. “Alam mo hindi ka namin maiintindihan kung di mo sasabihin sa amin kung ano ang problema? Eh syempre dahil hindi namin alam kung bakit ka nagkakaganyan eh di magtatanong at magtatanong kami.”

            “Niloko niya ko.”

            Ramdam ko ang pagtahimik ng paligid.

            “Niloko pano tol?” kalmang tanong ni Marco.

            “Kaibigan ba kita o hindi? Kakasabi ko lang na niloko niya ako tapos ganyan lang ang reaksiyon mo.” Naiinis kung tanong.

            “Tol mainit na ang ulo mo alangan naman sabayan ko?”

            Uminit nga talaga ang ulo ko kaya tumayo nalang ako at bumaba mula sa bubong.

            “Tol! Hoy Pablo!”

 

            Dahas. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa mga oras na to. Libing na ni kuya Raul bukas at hento ako pinagmamasdan ang iba’t ibang mga armas sa bodega ng kampo. Sa bawat kinang ng metal mula sa iba’t ibang sandata ay nabubuo sa kaibuturan ko ang pagnanais na maghiganti sa mga aswang kasi kung tutuosin lang naman hindi ganito ang buhay namin, buhay ko kung wala sila sa mundo. Hindi kakailanganin ng sangkatauhan ang mga mangangayam kung walang mga aswang. Nadako ang mata ko sa isang mahabang kris na naaalala kong paboritong gamitin ni kuya nung kabataan niya. Ang kris na yun ang kumbaga lucky charm niya kung tawagin pero nakapagtataka na matapos ng laban niya sa bangkilan ay hindi na niya ito ginamit ulit.

            “Wala pa ngang isang linggo galing sa aksidente mo eh laban na agad ang iniisip?”

            Napalingon ako sa pinanggagalingan ng boses at nakita ko si kuya Miguel na papalapit.

            “Tol pahinga ka naman, oh tignan mo hindi pa ganap na naghihilom yang mga sugat mo may malaki kapang pasa sa pisngi.” Sabi ni kuya sabay turo sa namamaga kong kaliwang pisngi.

            “Paano ako magpapahinga kuya kung alam kong naggagala naman sa bilog na buwan ang mga aswang. Lecheng buhay naman ito eh! Hindi sana nagkaganon kung di dahil sa mga salot na kampon ng satanas na mga yan!” galit kong sabi habang hawak-hawak ang kris.

            “Walang magagawa ang init ng ulo Pablo sa sitwasyon natin. May mga bagay talaga sa mundo na kailangan natin tanggapin. Masakit man pero masaya ako na nakapagpahinga na nang tuluyan si Raul.”

            “Naririnig mo ba ang sarili mo kuya? Bakit ka magiging masaya sa pagkamatay ng kapatid natin?!”

            “Maraming bagay ang di mo alam... isa na dun ang tungkol sa nakaraan ni Raul, bata ka pa nung nangyari lahat kaya wala kang maalala.” Sabi ni kuya Miguel na tila malalim ang iniisip.

            “Naalala ko dinukot ako ng mga asawang tapos dumating kayo nila kuya at yun yung panahon na nakaharap niya yung bangkilan.” Tandang –tanda ko pa iyon oo bata pa ako ng nangyari yun pero mayroon na akong alam sa mundong ginagalawan namin.

            “Yun lang ang alam mo... yun lang...” naglakad palabas ng bodega si kuya Miguel na ang lalim ng iniisip. Ano ba ang hindi ko alam? Ano bang nakaraan ni kuya Raul ang itinatago nila sa akin?

            “Minsan mas halimaw pa sa halimaw ang tao...”

            Napahawak ako sa ulo ko nang maalala ko ang mga katagang iyon, saan iyon galing at bakit di mapanatag ang loob ko ng maalala yun.

             Kailangan ko ng sagot at alam kong hindi ko ito madaling mahahanap.

           

           

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
lonergirl
#1
Chapter 2: Jom, wow.


Ang intense, epecially nang pinatay ni Trina si Olivia. Ang lakas ni Trina na kinaya niyang patayin ang Elder~ Napaka inconsiderate naman ang parents niya, si bestfriend pa ang pinakain xD pero bet yung madugong pyestabni Trina at ang mga Kaibingan ng nanat niya.

Si Pablo naman~ okay lang siya. He got cheated off. Pero at least focused siya sa trabaho niya~ looking forward.

Pasensya hindi mahaba ang comment kasi naninibago ako sa Filipino.