Bangkilan

Tadhana (Fate)

3

Bangkilan

           

            Isang karerang wala namang patutunguhan. Isang larong walang katapusan.

            Ito ang nararamdaman ko sa mga panahong ngayon. Yung tila habol ka nang habol sa isang bagay na kahit kailan man ay di magiging iyo. Hanggang kailan kaya ako maghahabol ng hangin? Kailan kaya ako titigil sa kahibangan ko? Isang mapait na ngiti lang ang kaya kong isagot sa sarili ko. Sagot sa tanong na ako rin naman ang gumawa. Nandito na ako sa dulo ng kawalan babalik pa ako sa punto uno? Para ano pa? Para saan pa? Andito na ako sa lugar na walang balikan at walang ayawan bakit ko pa babalikan ang isang bagay na matagal ko nang tinalikuran.

            Nakatingin ako sa reflection ko sa ilog at napatawa ako ng walang kaligayahan. Para sa isang halimaw na katulad ko may lugar pa ba sa liwanag? Para sa mga nilalang na isinumpa at kinalimutan na ang kabutihan may pagasa pa bang nagaabang?

            Sandra.

            Namumuo nanaman ang mga luha sa aking mga mata. Tuwing naalala ko siya. Olivia. Ano kaya ang iniisip mo sa mga huling sandali mo sa mundo? Kinamumuhian mo kaya ako? Nagsisisi kabang nakilala mo ako? Ako kahit kailan hindi ko pagsisisihan na nakilala kita. Ikaw ang pinakamagandang bagay na dumating sa mundo kong madilim. Ikaw na liwanag.... ikaw na naging pagasa.

            “Totoo ka ba? Naririnig mo kaya ako?” tanong ko sa langit. Tanong ko sa Dios na pinaniniwalaan ni Olivia. Nakatitig ako sa langit habang nakaluhod sa putik.

            “Bakit mo ba kami hinahayaang mabuhay sa mundong ito?!”

            “Pakikinggan mo kaya ako kung magdarasal ako sayo?” hindi ko alam kung bakit ko Siya kinakausap. Ako na tao ng dilim wala akong karapatan tawagin man lamang ang Dios, ni sambitin man lamang ang pangalan niya ay hindi ko dapat ginagawa ang prebilehiyong iyon ay para lamang sa mga tao. Isa akong halimaw at nakahanda na para sa akin ang impyerno kung saan dapat mapunta ang lahat ng mga masasamang elemento.

            Isa akong bangkilan at wala akong lugar sa langit. Isa akong nilalang na pumapaslang ng iba, tao man o kapwa kaya bakit ba ako pakikinggan ng Maykapal?

            “Sandra alam mo napakabait Niya? Wala Siyang katumbas sa kabaitan.”

            “Via. Walang kapatawaran ang ginawa ko sa kanya. Alam kong alam Mo yon pero ito nalang ang alam kong paraan para hindi ako mawala sa sarili, ang kausapin Ka kahit na alam kong hindi mo ako pakikinggan.”

            Dahan-dahan akong tumayo sa putik at nagpatuloy sa pagalakad, kung saan ako patungo hindi ko alam. Kung bakit ko ito ginagawa hindi ko rin maipaliwanag. Andito ako ngayon nagalalakbay na walang patutunguhan patuloy na kinakausap ang Dios na alam kong nakatira sa liwanag.

            “Baliw na ba ako Panginoon? Dahil sa lahat ng pwede kong kausapin ay Ikaw pa ang aking napili? Diba dapat sa diablo ako nakikipag-usap hindi Sayo? Pero kasi ayoko na sa dilim pagod na pagod na ako sa kadiliman, ayoko ko na at alam kong Ikaw lang ang kayang humila sa akin sa liwanag.”

            Ramdam ko ang pagbagsak ko sa putik dahil sa lakas ng ulan. Siguro ito ang sagot sa mga tanong ko. Wag kong hanapin ang isang bagay na hindi naman para sa akin. Pero kahit na gusto kong sumuko ang boses ni Olivia ang palaging bumabalik sa akin, boses niyang nagsasabing wag akong tumigil. Boses niyang nagsasabing may Dios na nagmamahal sa lahat, nagmamahal sa mundo na kanyang nilikha. May pagasa sa dulo nang madilim na daanan at aabutin ko yun kahit na mamatay ako sa pagtakbo dahil lahat naman tayo ay lilisanin din ang mundong ito sa panahon na itinakda pero mas nanaisin kong mamatay na hinahanap ang liwanag kaysa mamatay sa loob ng kadiliman.

 

            Bakit ba ako nandito? Sa dami dami nang simbahang pwede kung puntahan dito pa sa simbahang sinabi niyang wag na wag kong papasukin pero ito lang ang simbahang alam ko. Ito lang ang simbahang itinuro sa aming mga bangkilan. Dinig ko ang kampana at ang dasal ng mga taong tila isang kantang paulit – ulit at parang walang katapusan. Lumapit ako sa lalagyan ng agua bendita, ang utak ko sumisigaw na baliw kana! Umalis kana at wag mong hawakan iyan pero matigas ang ulo ko at iyon inilubog ang daliri ko sa tubig na sinasabing sagrado. Ramdam ko ang sakit, sakit na bumabalot sa daliri kong na susunog. Dali-dali akong umalis sa harapan ng simbahan dahil baka mapansin ako ng mga tao.

            “Baliw kana Sandra.” Yun ang sabi ko sa sarili ko. Baliw na kung baliw pero hindi ako titigil. Mamatay na kung mamatay pero hahanapin ko Siya, hahanapin ko ang Dios.

           

            “Ay kay gandang bata ere. Madalas kitang nakikita dito sa simbahan ah ikaw ba ay dayo?” tanong ang isang matandang babae sa akin. Mag-iisang buwan narin ako sa lugar na ito at maipagmamalaki kung sabihin na wala ng inda sa akin ang agua bendita masaktan man ako sa paghawak ay kaya ko ng hindi sumigaw kung nababasa nito.

            “Opo dayo po ako dito.” Yun lamang ang maisagot ko sa matanda.

            “Abay buti kapa iha ang mga kaedad mo ngayon puro facebook at internet laang ang alam wala ng paki sa Dios at sa pagsisimba.” Sangayon naman ako sa sinabi niya. Ang mga kabataan ngayon na kaedad ko binabalewala ang prebilehiyong ibinigay sa kanila. Sana ako nalang sila yung makakapasok sa simbahan at makakapagkuros ng hindi nahihirapan at nasusugatan, yung nagagawang makinig sa mga pulong ng Dios na hindi dumudugo ang tenga at ilong. Sana naging tao nalang ako...

 

            Sa ilalalim ng belo ko ay natatago ko ang pagdurugo ng tenga ko hindi ko na mabilang ilang beses kong sinubukang makinig sa isang misa pero sa kalagitnaan ng sermon ay kinakailangan ko ng lumabas dahil hindi na kaya ng katawan ko.

            Humiga ako sa kama ng inn na tinitirahan ko at napaisip panahon na para lumisan muli. Nakakahalata narin ang mga tao na parati akong lumalabas sa kalagitnaan ng misa.

            “Via sana alam ko kung saan ka nagsisimba noon.” Wika ko sa hangin.

            “Sinubukan ko nanaman makinig sa mga pulong Mo Panginoon kaso wala e, not for my ears kaya iyon lumabas naman ako ng wala sa oras. Lilipat nanaman ako ng ibang lugar kasi alam ko nagtaka na ang mga tao.” Ewan ko ba kung bakit ko ginangawa ito yung kausapin ang Dios pero wala akong magagawa eh Siya at ako lang ang nasa roadtrip na ito, ang ironic no? Hinahanap ko Siya pero Siya rin ang kinakausap ko at palagay ko kasama ko sa bawat araw na nagigising akong buhay.

            Hindi ko masasabing nasa liwanag na ako pero ito ang sigurado ko wala na ako sa dilim. Simula ng naglakabay ako para hanapin Siya naging mas magaan ang pakiramdam ko at hinding – hindi ko ipagpapalit ang nararamdaman kong ito sa kahit anong kapangyarihang makukuha ko sa pagiging bangkilan ko. Nasa pagitan siguro ako ngayon ng liwanag at dilim purgatoryo kung tawagin ng mga katoliko pero ika nga ni Via hindi yun totoo. Sa totoo lang gusto kong pasukin sana ang iba pang simbahan kaso mahirap hindi naman bukas tulad ang katolikong simbahan ang ibang simbahan na andito sa Pilipinas, mahirap sumalo sa kanila kaya eto nagtyatyaga ako sa simbahang katoliko kahit na alam kong kung buhay si Via eh magagalit yun.

 

            “Apo may sakit kaba na nararamdaman?” tanong ni lola Ising sa akin. Siya yung matandang babaeng laging kumakausap sa akin sa simbahan.

            “Siguro po kung iisipin ninyong sakit tong kondisyon ko eh di meron po.” Sagot ko sa kanya habang nakaupo kami sa may park. Siya lang ang kinakausap kong tao dito sa Sto. Nino maliban sa may-ari ng inn na tinitirahan ko at sa mga nagsisilbi duon sa inn.

            “Ikaw ba ay may masamang espiritu sa iyong katawan?” bigla niyang tanong. Natahimik ako.

            “Ay napapansin ko kasi na mailap ka pagdating sa mga salita ng Dios at tuwing binabasa na ang Biblia ey lumalabas kana.”

            Halos maiyak ako sa sinabi niya napansin pala niya pero bakit kahit na alam niya na may problema sa akin ay nagpatuloy parin siya sa pakikipag usap sa akin?

            “Sa totoo lang lolo Ising gustong – gusto ko hong makinig sa mga salita ng Dios kaso itong katawan ko ayaw eh.” Sinabi ko sa kanya nang buong katotohanan.

            “Ikaw ba ay na possess or mas pa duon ikaw ba ay mangkukulam? Kasi may kakilala akong ganyan mangkukulam siya dati eh gusto niyang magbago kaso mahirap, kahit ang inang simbahan ay walang nagawa para sa kanya sa halip ay pinagtabuyan pa siya.”

            “So ang ibig niyo po bang sabihin ay wala ng pag-asa?” gusto kong idagdag na Lola Ising mas malala pa po ako sa mangkukulam.

            “With Christ all things are possible.” Sabi niya sa sakin na pangiti. “Hindi siya natulungan ng simbahang katoliko pero may ibang simbahang nakatulong sa kanya. Isang pastor sa isang maliit na simbahan sa may San Isidro ang nakatulong sa kanya. Gusto mo ba ipakilala kita sa pastor na yon?”

            Hindi ako makapaniwala sa sinasabi ni Lola Ising.

            “Lola Ising bakit niyo po ako tinutulungan kahit na alam niyong naiiba ako?” nagatataka kong tanong sa kanya.

            “Kasi apo alam ko ang pakiramdam na gusto mo ng magbago pero walang tumutulong sa iyo. Ako alam kong kaya kitang tulungan kaya tutulungan kita.”

 

           

            “Maraming salamat ho talaga lola Ising.” Naluluha kong sabi sa kanya habang papasakay ako sa bus papuntang San Isidro.

            “Hay nako ikaw na bata ka wala iyon hala ito dalhin mo ito regalo ko na sa iyo.” Sabi niya sa akin sabay abot sa isang maliit na nakabalot na bagay.

            “Rosario po ba ito?” tanong ko habang tinitignan ang balot na balot na bagay.

            “Buksan mo nalang pagdating mo dun sa iyong tutuluyan mas mahalaga pa iyan kaysa sa ano pang rosaryo. Sige ha magingat ka.” Sabi niya sa akin at kumaway ako ng pamamaalam sa kanya habang papaalis na ang bus. Nakita ko siyang nakangiti hanggang sa dahan – dahan ng naglaho dahil sa layo na ng bus. Sinilip ko ang nasa loob ng nakabalot na bagay at napaiyak ako sa munting regalo ni lola Ising sa akin. Ito ay isang maliit na Biblia na kung saan ay nakaukit ang pangalan na Sandra. Alam niyang mahihirapan akong hawakan ang Biblia kaya eto binalot niya nang pagkarami – rami para hindia ko mapaso sa paghawak.

            Tumingin ako sa papalubog na araw at napangiti sa sarili sabay sabi sa mga katagang ipinaalala ni lola Ising sa akin. Kahit na dumugo ulit ang ilong ko at tenga ko hinding – hindi ako magsasawang banggitin ang mga salitang iyon.

            “Kay Kristo walang impossible.”

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
lonergirl
#1
Chapter 2: Jom, wow.


Ang intense, epecially nang pinatay ni Trina si Olivia. Ang lakas ni Trina na kinaya niyang patayin ang Elder~ Napaka inconsiderate naman ang parents niya, si bestfriend pa ang pinakain xD pero bet yung madugong pyestabni Trina at ang mga Kaibingan ng nanat niya.

Si Pablo naman~ okay lang siya. He got cheated off. Pero at least focused siya sa trabaho niya~ looking forward.

Pasensya hindi mahaba ang comment kasi naninibago ako sa Filipino.