Halimaw

Tadhana (Fate)

1

Halimaw

            Dugo. Isang kwartong punong – puno ng dugo at ang amoy nito ang pumupuno sa pagkatao ko.

            Ito ang bumungad sa mga mata ko sa oras ng aking padilat sa isang napakalalim na pagtulog. Nasa isang malamig na lugar ako, isang malamig at basang lugar. Madilim dito at tanging ang tunog nang umaagos na tubig ang naririnig ko. Malamang malapit ako sa may canal. Naramdaman ko ang ihip ang hangin at biglang lumiwanag ang buong lugar. Ang nagtatagong buwan ay lumabas na mula sa mga ulap at halos mawala ako sa sarili ng makita ko ang nasa harapan ko. Tumigil ang aking paghinga at sumikip ang aking dibdib. Isa lang itong masamang panaginip. Hindi ito totoo. Hindi ito totoo! sabi ko sa aking sarili. Pero ang buwan ay tila nangungutya sa akin at lalo pa itong lumiwanag, mas lalo kong nakita ang gutay – gutay na katawan na nasa harapan ko.

            Pumatay ako ng tao. Pumatay ako! Hindi maalis sa porma ng bangkay sa aking mga mata. Half – eaten, a half – eaten human. Yun ang nakikita ko. Umakyat sa lalamunan ko ang laman ng aking sikmura at isinuka ko ang aking kinain. Isunuka ko ang mga laman loob at karne ng taong walang awa kong nilapa. Ayoko nito! Ayokong maging halimaw! Hindi ako halimaw! Hawak hawak ko ang ulo ko na gusto ng sumabog sa sakit habang dahan – dahan nitong inaalala kong paano ko pinaslang at nilamon ang kaawa – awa kong biktima.

            Tumama sa kanang mata ko ang kinang ng isang metal na bagay at napatayo ako mula sa pagkakayuko upang tignan ito. Pinulot ko mula sa sanaw ng dugo ang isang bracelet at himinto sa pagtibok ang aking puso habang hawak hawak ito.

            Olivia.

            Ito ang nakasulat sa simpleng bracelet na gawa sa pilak. Sa mga mahihinang yapak ay dahan dahan kong nilapitan ang nakatalikod na bangkay. Nanginging ang mga kamay ko habang ihinaharap ko ito papunta sa akin.

            Nandilim ang aking paningin, ang buong katawan ko ay naging kasing lamig ng yelo, lahat ng tama sa aking pagkatao ay naglaho at sa mga panahong iyon naging mas masahol pa ako sa halimaw. Gusto kong sumigaw, gusto kong umiyak, gusto kong magwala pero hindi ako makagalaw, at ang mga mata ko’y hindi maalis sa kalunos – lunos na katawan ng isang batang babaeng kasing edad ko lamang.

            Hindi maalis sa kawatan ang pinakamamahal kong kaibigan na si Olivia.

            Pinatay ko siya...

            Kinain ko siya...

            Isa akong halimaw...

            Isang halimaw...

           

            “Sandra kahit ano kapa ito ang tatandaan mo mahal kita at tanggap ko kung ano ka. Alam kong mabuti ka. Alam kong mabait ka. I love you best friend.”

            Bumalik sa akin ang mga salitang sinabi sa akin ni Olivia sa may tambayan namin. At sa pagbalik ng mga alaala namin ay bumalik din ang aking tinig. Buong lakas akong sumigaw sa buwan at sa gabi, buong lakas kong inilabas ang sakit at paghihinagpis. Ang hinanaing na hindi makalabas kanina sa aking pagkatao ay nagaalab na pumawala.

            “Olivia!!!!!!!!!!!!” sigaw ko na buong buo ng pagsisisi habang akay akay ang natitira sa kanyang kaawa – awa katawan.

            Isa akong halimaw. Wala akong kwentang nilalalang. Hindi na dapat ako mabuhay sa mundo. Wala kong awang pinaslang ang kaisa – isang taong naglakas loob na mahalin at tanggapin ako ng buong - buo. Hindi mapapalitan ng kahit anong halaga ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

            Bumalik sa pagtatago ang buwan sa likod ng mga ulap at sa pagkawala ng liwanag ay dahan – dahan kong naiintindihan ang lahat ng karumal-dumal na kasamaan na nangyari. Habang akap akap ang kanyang katawan ay lalong nagdidilim ang aking pagkatao.

            Nawawala si Olivia kinidnap daw sabi ng mga magulang niya pero walang halagang hinihingi ang mga dumukot sa kanya. Sumagi sa aking isipan ang mala demonyong ngiti ng aking mga magulang. Bumalik sa isip ko ang alaala kagabi ng may ipainom si Mama sa akin habang sinasabing nakita na daw nila ang matalik kong kaibigan. Ang tanga tanga ko dahil naliwala akong kaya nilang bigyan ng pagkalinga ang isang tao. Inutil ako na iisipin magiging mabait sila sa kaibigan ko dahil sa mahal ko siya. Nagkamali ako ng nagtiwala ako sa isang aswang.

            Sila ang may kagagawan ng lahat ng ito. Sila ang dumukot kay Olivia! Ginawa siyang pain, ginawang pagkain para sa anak nilang katulad nila, katulad nilang aswang. Sana hindi ako naniwala sa kanila! Sana hindi ako pumunta sa hapunang iyon sa paniniwalang makikita ko si Olivia. Pero kahit ilang sana pa ang tumakbo sa isip ko hindi na nito mababago ang ngayon. Hindi na maibabalik ang buhay ng kaibigan ko.

 

            Dugo. Kasing kulay ng dugo ang nagliliyab na apoy na kasalukuyang sumusunog sa piitan kung saan ko ginawa ang kasuklam – suklam na pagpaslang sa pinakamamahal ko.

            Palaging sinasabi sa akin ni Olivia na gusto niyang i-cremate pag namatay na siya, gusto niyang tangayin ng hangin ang mga abo niya para tuluyan ng makawala sa hawlang tinatawag niyang buhay. Uuwi daw siya sa langit kung saan naghihintay ang Diyos sa kanya.

            “Ang sure mo sa langit ha.” Pabiro kong sabi noon.

            “Of course I have Christ kaya.” Sagot naman niya.

            Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya pero isa lang ang alam ko ngayon mapapanatag ang loob ko tuwing iisipin kong nakauwi na siya sa langit, na malayo na siya sa dilim. Malayo na siya sa akin.

            “This is the only thing I can do for you Via.” Wika ko sa hangin, wika ko sa kanya.

            Habang pinagmamasdan kong binabalot ng mga alab ang katawan niya ay nararamdaman ko ang pagkabuo ng dilim sa puso ko. At sa tuluyang pagkalaho ng katawan niya sa layab ng apoy ay nagsimula na akong maglakad papalayo sa kanya, papalayo sa alam kong tama.

            Hindi maganda ang maghiganti yun ang lagi niyang sabi sa akin pero ngayong wala na siya sino ang pipigil sa galit ko at puot para sa mga taong may kagagawan nang lahat ng ito?

 

            I was drenched in blood as I made my way through the great hall ng bahay namin. Punong – puno ito ng mga bisita, mga halimaw na kagaya ko mas lalo lumakas ang pagnanais kong magwala, ang gusto kong maramadaman nila ang sakit na dinarama ko ngayon.

            Punong – puno ako ng dugo mula ulo hanggang paa halos di mo na nga maaninag ang mukha ko at katawan pero wala akong pake ang nasa isip ko lang ngayon ay magbabayad silang lahat. Halimaw ba ang gusto ninyo? Pwes halimaw ang ibibigay ko halimaw na kumakain ang kapwa niya halimaw!

            Sa pagpasok ko ay mga magulang ko ang una kong nakita nakangiti sila halatang alam nila ang nangyari.

            “Trina darling! How was your sleep? You had a good dinner last night.” Tanong ni Mama, halos lamunin ng pula ang mata ko ng marinig ko ang mga sinabi niya. Si papa naman ay nakangiti lang.

            “I told you diba humans are the best meals walang tatalo sa tao right my wonderful guests?” pagpapatuloy ni mama na sinangayunan naman ng mga bisita namin. “Lalo na ang taong pinataba ng pagmamahal.”

            “Princess come here at umupo ka sa tabi ni papa.” Sabi ni papa sa akin.

            I smirked. “Tama ka mama masarap nga ang tao.” Sagot ko na di gumagalaw sa pagkakatayo. Ngumiti si mama na para bang tuwang tuwa akala ba niya dahil sa ginawa niya mas magiging normal na ako, na magiging normal na aswang na talaga ako, yung aswang na hindi kaibigan ang tingin sa tao kung di patabaing karne lang na hinahain sa hapag kainan? Nagkakamali siya...

            “Pero meron mas masarap pa sa tao.” Sabi ko.

            “Huh? Meron pa ba di ba ang tao ang the best meat? Ano ang mas masarap sa tao?” nagtatakang tanong ni mama sa akin nagtawa ang aming mga panauhin.

            “Kapwa ASWANG!” sigaw ko sabay labas ng mga talon ng katawan ko na wangis nang napakaraming galamay. Sinungaban ko siya at sinigurado kong masusugatan siya ng labis. Bago pa ako mapigilan ni papa ay malaking pinsala na ang nagawa ko sa kanyang kamay. Tinulungan ni papa si mama at ako naman ay ibinaling ang attensyon ko sa mga taong nagimbal sa nangyari mabilis ko isinara ang pinto at inisa isa ko silang dinakmal. Isa isang ginutay – gutay na parang laruan kong manika na kung pinagsawaan ko na ay sisirain at itatapon.

            Pagmasdan niyo kung paano ko patayin na parang hayop ang mga kaibigang malalapit sa inyo, mga aswang na pinahahalagahan ninyo.

            “Trina WAG!!!!!” sigaw ni mama habang dinaklop ko ang pinakamalapit niyang kaibigan ang best friend niyang si Tita Elena. Sinigurado kong ihaharap ko sa kanya ang pinakamamahal niyang kaibigan.

            “Trina wag! Maawa ka!” pagmamakaawa niya sa akin habang siya ay duguan. Si tita Elena ang isa sa pinakamahinang Bangkilan sa kanilang mga nakakatanda.

            “Maawa?! Bakit ma naawa kaba kay OLIVIA? Naawa kaba sa best friend ko nung ginawa mo siyang tupa na ipalalamon sa halimaw?!! Huh? Naawa ka ba sa akin nung ipakain mo sa akin ang sarili kong KAIBIGAN?!!!

            Hinimay ko nang daghan – dahan ang aking biktima bago pasabugin sa nakaparaming parte ang kanyang kawatan.

 

            Dugo. Abot bukong – bukong ang lalim ang dugo na dumanak sa great hall ng bahay namin. Kakarampot lang sa mga bisita ng araw na iyon ang natirang buhay. Nagmistulang basurahan ng laman loob ang pinakaiingatan na great hall nila mama at papa.

Walang silang magawa nung ako ay nagwala sabi nga ni papa ako ang pinakamalakas sa aming magkakapatid. Natigil nalang ako sa pagkatay sa mga kalahi namin ng dumating si kuya Rafael na walang kaalam – alam sa mga nangyayari. Nadatnan niya akong balot ng dugo at kinakain ang puso ng isa sa mga pinakamatandang elder ng mga Bangkilan. Sinubukan nila akong pigilan pero naging pagkain lamang sila.

            Niyakap ako ni kuya Rafael at natigil ako sa paghahasik ng lagim.

            “Tama na baby girl ano bang ginagawa mo?!” sigaw niya sa akin.

            “Kung malalaman to ni Olivia magagalit yun!” puna niya sa akin.

            “Patay na si Olivia. Pinatay ko siya.” Wika ko sa kanyang mga bisig bago ako lumipad palayo sa kanyang at palabas ng bintana.

            “Katrina!!” dinig ko ang nahihinagpis na sigaw ni papa pero wala nang ano pang bagay ang makakapigil sa akin.

            Nilisan ko ang pamilya namin at tuluyan kong iiwanan ang mundong kinalakihan ko.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
lonergirl
#1
Chapter 2: Jom, wow.


Ang intense, epecially nang pinatay ni Trina si Olivia. Ang lakas ni Trina na kinaya niyang patayin ang Elder~ Napaka inconsiderate naman ang parents niya, si bestfriend pa ang pinakain xD pero bet yung madugong pyestabni Trina at ang mga Kaibingan ng nanat niya.

Si Pablo naman~ okay lang siya. He got cheated off. Pero at least focused siya sa trabaho niya~ looking forward.

Pasensya hindi mahaba ang comment kasi naninibago ako sa Filipino.