One Awkward Day..

Fast Break Through Your Heart

 

 

Kinabukasan, byernes ng umaga. Minamasahe ni Sooyoung ang kanyang pilipisan habang naglalakad papasok sa SM High. Masakit na masakit talaga ang ulo niya at medyo nahihilo pa siya dahil sa kakulangan sa pagtulog. Hindi kasi siya makatulog kagabi dahil naririnig niya buong magdamag ang ingay na likha ng pagtalbog ng bola. Wala naman talaga siya planong pumasok sa eskwelahan ngunit gusto niya makita ang dalagang mula sa antas na second year. Kaya kahit hindi maganda ang pakiramdam niya ay pumasok parin siya.

 

Ilang minuto nalang ang natira bago tumunog ang school bell kaya kadalasan sa nakakasabay niyang estudyante ay nagmamadali maglakad dahil sa takot malate. Ngunit si Sooyoung wala siyang pakialam kung malalate siya o hindi, ang mahalaga pumasok siya para lang makasama si Yuri mamaya sa special training nila. Sana magiging okay na ang pakiramdam niya mamayang hapon para makasama niya ang dalagang inaasam niyang makita.

 

Habang naglalakad si Sooyoung sa corridor ay may napapansin siya. Lahat ng estudyante na nakatambay sa may pintuan at bintana ng  classroom nila o mga estudyante na nakakasabay niya maglakad ay napapalingon sa kanyang direksyon niya. Hindi niya alam kung bakit. Dati sa tuwing dadaan siya iniiwasan ng mga ito makipag-eye contact sa kanya dahil sa takot sa kanya. Ngayon parang wala siyang maramdaman na takot mula sa kanila. Gusto ito pagsisindakin ni Sooyoung ngunit wala siyang lakas para gawin ito kaya pinalampas niya nalang muna ito at minumura niya nalang ang mga ito sa kanyang isipan.

 

Pagkadating ni Sooyoung sa pintuan ng classroom nila ay tsaka tumunog ang school bell hudyat na magsisimula na ang morning class. Nang buksan niya ang pintuan agad bumungad sa kanya ang kaklase niyang sinusuot ang school blazer niya ang laki ng ngiti nito ng makita siya nito. Isa sa dahilan kung bakita naiirita pumasok sa eskwelahan si Sooyoung dahil magkahiwalay ang classroom ng babae estudyante sa lalaki estudyante, kaya puro lalaki ang kaklase niya, lalaki rin ang teacher nila kaya pag lumalabas lang siya ng classroom nila makakakita ng babaeng estudyante.

 

"Sooyoung-ssi, alam ko hindi tayo magkasundo pero gusto ko lang sabihin sayo na congrats dahil nakasali ka sa SM Bears." manginignginig na wika ng kaklase niya.

 

Nang marinig yun ni Sooyoung ay para siyang binuhosan ng malamig na yelo. "Paano mo nalaman ang tungkol dyan?" seryosong tanong ni Sooyoung.

 

"T-Tungkol saan?" nauutal na balik-tanong ng kaklase niya. Napatingin sa direksyon nila ang ibang kaklase nila kasali na doon ang apat niyang kaibigan.

 

"Tungkol sa pagsali ko sa SM Bears." kumunot ang noo ni Sooyoung habang nakatitig sa kaklase niya.

 

"Dito niya nalaman na sumali ka sa SM Bears." sabi ni Xiumin sabay abot sa hawak niyang newspaper. Kada araw ay may matatanggap na newspaper ang lahat ng estudyante ng SM High ngunit lahat ng laman nito ay related lang sa eskwelahan nila. Dito mo rin mababasa pag may announcement ang eskwelahan.

 

"Sino ba ang walang hiya na gumawa ng article na ito?!" matigas na tanong ni Sooyoung habang walang awang nilapirot ang newspaper. Natakot ang kaklase ni Sooyoung kaya umupo nalang ito sa armchair niya na parang walang nangyari.

 

Dahil wala namang locker si Sooyoung kaya kahit isang beses hindi pa siya nakakatanggap ng newspaper na nanggaling sa eskwelahan nila. Hindi niya aakalain na isang araw magiging laman siya ng article ng isang newspaper. Nagagalit siya dahil may sira ulong kumukuha ng larawan niya ng walang pahintulot at pangalawa paano kung mabasa ito ng walang kwenta niyang ama? Baka iisipin lang nito lalo na hindi na niya kailangan ng guidance nito dahil maganda naman ang pinaggagawa niya sa eskwelahan. Hayop talagang nakasulat pa dito ang iilan sa mga impormasyon niya, kung mula sa anong section siya, kung ilang taon na siya, ang height at timbang niya.

 

May ideya naman si Xiumin, Suho, Jonghyun at Minho kung sino ang may gawa nito pero mas minabuti nalang nila na hindi ito sabihin kay Sooyoung dahil baka kung anong gawin niya rito. Kilala nila si Sooyoung, kahit babae ay hindi nito sinasanto. Mabuti nalang hindi binasa ni Sooyoung ang pangalan ng student journalist na nakasulat sa ilalim ng article. Nalaman nila na isa ring first year ang journalist na ito at membro ito ng Journalist Club. Malakas ang kutob nila na ang babaeng palihim na kumukuha ng litrato ni Sooyoung kahapon at ang babaeng journalist na ito ay iisa.

 

"Wag kang magaalala, Soo. Hindi ito makakarating kay Uncle Choi." tinatapik ni Suho ang balikat ni Sooyoung.

 

"Oo nga, hyung. Kami na ang bahala." dagdag ni Minho.

 

"Maupo na tayo dahil magsisimula na ang klase." kalmadong wika ni Xiumin habang ngumingiti kay Sooyoung.

 

"Okay.." napabuntong-hininga nalang si Sooyoung tsaka umupo.

 

Im Yoona
First Year, Student Journalist

 

Nang matapos ang morning class ni Yuri agad siyang dumiretso sa classroom ng kababata niyang kapatid. Pupuntahan niya ito dahil gusto niya sabay silang kumain ng tanghalian at gusto niya sana ito pagsabihan. Ang kababatang kapatid niya nalang ang tanging tinuturing niyang pamilya kahit na half sister niya lang ito kaya ayaw niya ito mapahamak dahil sa pinaggagawa nito. Dahil hindi sa lahat ng oras kaya niya itong protektahan.

 

Nang mapadaan si Yuri sa classroom ni Sooyoung ay hinanap niya ito ngunit wala ng tao sa classroom nila baka nasa Cafeteria ito o baka umuwi sa bahay o dorm niya o baka sa malapit na malls o restaurant ito kumakain ng lunch. Ilang classroom lang ang pagitan mula sa classroom ng matangkad na binata at sa classroom ng kababatang kapatid niya nakarating na siya sa labas ng classsroom ng kapatid niya.

 

Nang buksan niya ang pintuan agad niyang nakita ang bestfriend niya na si Sunny nakaupo ito sa bakanteng upuan sa tabi ng kababata niyang kapatid. Halos sabay silang dalawa napalingon sa direksyon ni Yuri. Nang makita siya ng kababatang kapatid niya ay agad siya nito sinalubong ng yakap. Malambing talaga ang kababata niyang kapatid at napakaganda nito kaya kahit fifteen years old pa lang ito ay madami na itong manliligaw. Magkasalungat kasi silang dalawa kung siya ay boyish, ang kababatang kapatid niya naman ay napakababae kung kumilos, kung siya mahilig sa basketball ito naman ay mahilig sumali sa mga pageant sa eskwelahan nila at kung siya ay burara, ito naman ay napaka-organisado. Kaya proud na proud siya na naging kapatid niya ito.

 

"Unnie, bakit ang tagal mo? Kanina pa ako nagugutom." nakasimangot na sabi ng kababata niyang kapatid.

 

"Pasensya ka na, Yoong kailangan ko pa kasing isauli ang hiniram ko na libro sa library kaya natagalan ako." malumanay na sagot ni Yuri sa kababata niyang kapatid. "Tara maglunch na tayo?"

 

"Unnie may dalang lunch si Sunny oppa." hinawakan ni Yoona ang dalang supot ni Sunny at pinakita ito kay Yuri.

 

Lingid sa kaalaman ng magkapatid mabilis ang pagtibok ng puso ni Sunny, aksidente kasi nahawakan ni Yoona ang kamay ni Sunny. Matagal na may gusto si Sunny kay Yoona ngunit hindi niya lang ito masabi dahil kababatang kapatid ito ng bestfriend niya. Hindi niya aakalain na la-laki na ganito kaganda ang batang palagi niya sinasamahan noon.

 

"Tamang-tama sa Park nalang tayo maglunch dahil sigurado ako puno na ang mga table sa Cafeteria." suhesyon ni Yuri.

 

"Mabuti pa nga." tipid na sagot ni Sunny.

 

"Tamang-tama madami akong makikita na subject sa Park." sagot ni Yoona habang maingat kinukuha sa bag niya ang kanyang DSLR.

 

"Maiba nga tayo, Yoong." naging seryoso ang tinig ni Yuri napatingin si Yoona sa nakatatanda niyang kapatid habang si Sunny ay lumilipad nanaman ang kanyang isipan.

 

"Bakit unnie?" inosenteng tanong ni Yoona.

 

"Yoong pwede ba tumigil ka na sa pagkuha ng larawan ng ibang tao na walang pahintulot? Baka ikakapahamak mo yan." nagaalalang payo ni Yuri habang tinatapik ang likod ng kababatang kapatid.

 

"Pero unnie ganon naman talaga trabaho naming mga journalist club. Kami ang taga pahayag ng mga bagong pangyayari sa eskwelahan natin." nakangiting sagot ni Yoona.

 

"Pero Yoong.." protesta ni Yuri agad naman siya siningitan ni Sunny.

 

"Yul wag kang magaalala, hindi ko hahayaan mapahamak si Yoong." nakangiting sabi ni Sunny pero tinapunan lang siya ng masama ni Yuri. "Syempre parang kapatid ko na rin si Yoong." dagdag ni Sunny habang napapakamot sa ulo niya.

 

"Salamat Sunny oppa!" sabi ni Yoona habang niyayakap ang braso ni Sunny. Agad namula ang pisngi ni Sunny.

 

Nang makarating sila sa SM High Park may nakita silang iilan na estudyante na babae at lalaki parang nagdadate habang kumakain ng lunch. Agad pinagpag ni Sunny ang upuan para makaupo si Yoona at Yuri tsaka isa-isa nilatag ang mga dala niyang pagkain. Sa totoo lang pinaghandaan niya talaga ito dahil medyo namimiss niya si Yoona, napakaabala na niya kasi at minsan niya nalang ito makita.

 

"Alam mo unnie.. Yung bagong membro ng SM Bears, yung matangkad na first year, medyo gwapo siya." nakangiting komento ni Yoona habang tinitingnan ang litrato na kinuha niya kahapon sa Indoor Basketball Court.

 

"Crush mo?" may halong panunudyo na tanong ni Yuri habang tinatanggal ang balot na tissue sa chopsticks niya.

 

"Hindi ah. Sinabi ko lang medyo gwapo siya, hindi ko sinabi na crush ko siya." agad pinagtanggol ni Yoona ang sarili niya.

 

"Defensive.." bulong ni Sunny at narinig naman ito ni Yoona.

 

"Oppa!"

 


Pagkatapos ng lunch break nagdesisyon si Sooyoung na hindi nalang pumasok sa afternoon class niya para matulog sa library. Gustong-gusto niya muna kasi matulog pero ayaw niyang umuwi sa bahay nila dahil may basic training sila ni Yuri mamaya pagkatapos ng afternoon class nila. Nagbilin siya kay Suho na gisingin siya pagkatapos ng afternoon class baka kasi mapasobra ang tulog niya at hindi siya makasipot sa basic training.

 

Nang makarating siya sa pinakadulo na bahagi ng library ay kumuha siya ng dalawang libro mula sa shelf para magsilbing unan niya. Kampante si Sooyoung na walang estudyante makakakita sa kanya doon dahil minsan lang may pumunta ang estudyante sa bahagi na yun. Minsan noong pangalawang beses siyang natulog sa library ay may nahuli siyang nagtatalik na mga estudyante mga third year ang mga ito pero hindi niya ito sinumbong sa librarian o sa diciplinary teacher dahil buhay nila yun at wala siyang pakialam.

 

Hinubad ni Sooyoung ang kanyang school blazer at niluwagan ang necktie niya tsaka humiga sa sahig. Pinasak niya sa tenga niya ang kanyang noise cancelling headphones para sigurado walang makakaabala sa pagtulog niya. Napakapayapa ng pakiramdam niya at ilang minuto ang dumaan nakatulog na siya kaagad.

 


Sa kalagitnaan ng klase ni Yuri ay nakaramdam siya ng antok. Kanina pa talaga inaantok si Yuri ngunit ayaw niya bastosin ang teacher niya kaya kahit inaantok na ang diwa niya ay pinilit niya parin makinig sa teacher niya. Napatingin si Yuri sa katabing bakanteng upuan na pagmamay-ari ni Tiffany ang kaibigan at kaklase niya na pinanganak sa Amerika. Si Tiffany rin ang girlfriend ng matagal na niyang crush na si Kim Taeyeon mukhang hindi rin makakapunta si Taeyeon sa practice game nila mamaya. Nagpaalam kasi si Taeyeon nauuwi siya sa Jeonju, sa Hometown niya kasama si Tiffany. Mukhang ipapakilala na ito sa mga magulang ni Taeyeon. Kahit masakit ay masaya naman si Yuri para sa kaibigan niyang si Tiffany.

 

Isa-isa binasa ni Yuri ang application form ng membro ng SM Bears at hindi niya kinalimutan na takpan ito mula kay Teacher Kim Haneul para hindi siya mapagalitan. Napansin niya kulang ang application form, wala ang application form ni Choi Sooyoung. Kaninang umaga finill up niya ang application form ni Sooyoung dahil nagbulontaryo siya rito na siya na gagawa ng application form ng matangkad na binata. Mukhang naiwala niya ito. May kopya ng impormasyon ng binata si Yuri at pwede naman siya humingi ulit ng application form kay Coach Kim ngunit gustong-gusto niya ito hanapin. Iniisip niya ng mabuti kung saan niya ito nailagay at naalala niya ang libro na sinuli niya sa library. Sa tingin niya nandoon ang application form ni Sooyoung.

 

Tinaas ni Yuri ang kanyang kamay para kunin ang attensyon ni Teacher Kim at nagtagumpay naman siya. Tumayo siya sa bago nagsalita. "Kim seonsaengnim pwede ko ba tawagan ang papa ko emergency lang." pagsisinungaling ni Yuri.

 

"Arasseo, pero wag masyadong mataga Kwon Yuri-ssi." nakangiting sagot ni Teacher Kim.

 

"Neh, kamsahamnida." tapos yumuko si Yuri tsaka dali-daling lumabas sa classroom nila.

 

Patakbo siyang pumunta sa library. Nagmamadali siya para hindi mapansin ni Teacher Kim na umalis siya saglit. Nang makapasok siya sa library sinilip niya muna ang librarian na kasulukuyan natutulog. Agad siyang dumiretso sa shelf kung saan niya sinuli ang libro kanina, sa pinakahuli na shelf ng library.

 

Maingat si Yuri na hindi siya makalikha ng ingay dahil napakatahimik sa library baka magising ang librarian. Nang makarating siya sa panglimang huling shelf ay agad niya hinanap ang libro pero hindi niya ito mahanap. Iniisip niya ng mabuti kung saan niya ito nilagay at ng maalala agad siya nagsquat para hanapin sa ilalim na bahagi ng shelf ang libro ngunit wala ito. Mukhang may humiram na ng libro na yun, susuko na sana sa paghahanap si Yuri ng mapansin niya ang bakanteng lalagyan ng libro at nakita niya mula sa bakante espasyo ang likod ng shelf. May nakita siyang estudyante na lalaki na natutulog sa likuran at pamilyar ito sa kanya. Ito si Choi Sooyoung ang bagong membro ng basketball team nila.

 

"Aish.. Napakapasaway talaga." sa isip ni Yuri habang napailing-iling. Nilapitan niya ito para gisingin.

 

Nagsquat siya sa gilid nito at ilang segundo siya natigilan. Mukhang napakahimbing ng tulog nito at nakangiti pa ito habang natutulog. Naalala niya sinabi ng kababata niyang kapatid kanina. Tinititigan niya ang mukha nito, sa lahat ng Gangster na nakaengkwentro niya ito lang ang may mapulang labi, kadalasan kasi sa Gangster ay mahilig magyosi kaya maitim na ang labi nila. Pansin niya kahit mahaba ang buhok nito ay gwapo rin pala ito at mukha rin itong mabait. May mga peklat ito sa pisngi at noo ngunit hindi ito halata sa malayo dahil medyo tanned ang kutis nito tulad niya. Ito ang unang beses natitigan niya ang mukha nito at sa malapitan pa. Nagdesisyon siya na hindi nalang ito gigisingin dahil mukhang masarap ang tulog nito pero mali ang pagkacutting-classes, mamaya sa basic training nila pagsasabihan niya ito.

 

Napadaan ang paningin ni Yuri sa gilid ng ulo ng binata at nakita niya ang libro na hinahanap-hanap niya. Ginawa niya pala itong unan kaya hindi niya ito mahanap sa shelf. Dahan-dahan hinawakan ni Yuri ang ulo ni Sooyoung para kunin ang libro mula sa pagkakaunan ni Sooyoung nang bigla siyang mawalan ng balanse tsaka muntik ng mapabagsak sa ibabaw ni Sooyoung. Mabuti nalang para itong mantika kung matulog hanggang ngayon hindi parin ito nagigising ngunit si Yuri ay kasing pula na ng kamatis sa sobrang pamumula. Talagang nagising ang diwa niya dahil sa nangyari.

 

Sinubukan niya ulit i-angat ang ulo ni Sooyoung tsaka kinuha kaagad ang libro at tinukod niya ang kanyang na may hawak na libro sa sahig para hindi mawalan ng balanse ulit. Maingat niya binitawan ang ulo ni Sooyoung at nang magtagumpay tumayo siya at hinanap ang application form mula sa pagkakaipit sa libro. Agad niya naman ito nahanap. Sinuli niya sa shelf ang libro tsaka dali-daling umalis sa library. Nang makalabas hindi na muna siya bumalik sa classroom niya pumunta muna siya sa comfort room para maghilamos ng mukha. Nag init kasi ang mukha niya kaya gusto niya maghilamos ng mukha.

 


Alas tres na ng magising si Sooyoung, isang oras pa bago matapos ang afternoon class nila. Pansin niya ng magising siya isang libro nalang ang unan niya pero binalewala niya nalang ito. Baka iisang libro lang talaga kinuha niya at akala niya lang dalawa. Inunat ni Sooyoung ang kanyang kamay tsaka humikab. Hinubad niya ang noise cancelling headphones niya tsaka nilagay ito sa bag niya. Pinagpag niya ang kanyang uniform tsaka tumayo na para umalis na. Pinapagpag niya ang school blazer niya habang naglalakad palabas ng library wala siyang pakialam kung lumilikha siya ng ingay.

 

"Anong ginagawa mo dito? May klase pa ngayon ha?" sabi ng librarian habang tinuturo siya gamit ang book divider.

 

Hindi ito pinansin ni Sooyoung na parang walang naririnig o nakita. Lumabas lang siya sa library na parang walang nangyari. Napailing-iling nalang ang librarian habang pinapile ang mga libro.

 

Nagdesisyon si Sooyoung na tumambay muna sa Indoor Basketball Court para doon nalang maghintay matapos ang afternoon class. Nang makarating binuksan niya ang malaking double door. Mukhang wala namang tao dahil hindi naman nakabukas ang mga bintana.

 

Dahil sa pag aakalang mag isa lang siya sa malaking silid na yun hindi na siya pumunta sa locker room para magbihis, tinanggal niya ang butones ng polo niya tsaka hinubad niya rin ang sapatos niya. Inunbuckle niya ang belt niya tsaka hinubad ang pantalon niya. Nakasando at underwear nalang siya ng biglang bumukas ang malaking double door. Lumitaw sa likod ng malaking pintuan si Yuri, nanlaki ang mga mata nito tsaka tumili ng napalakas dahil sarado ang mga binata umalingawngaw ang tili nito sa buong Indoor Basketball Court, para mabingi si Sooyoung dahil sa tili nito. Tumalikod si Sooyoung tsaka itinaas ulit ang pantalon niya na kasulukuyan nasa sahig na kasabay nun sinara ulit ni Yuri ang malaking pintuan.

 

"S-S-Sabihin mo pag tapos ka na, Sooyoung-ssi." boses ni Yuri mula sa labas.

 

"O-Okay na. Sa locker room nalang ako magbibihis pasensya ka na Yuri-ssi." hiyang-hiya na sagot ni Sooyoung.

 

"A-Anong ibig sabihin mo sa okay na? P-Pwede na ako pumasok?" boses ulit ni Yuri.

 

"O-Oo pwede na." nauutal din na sagot ni Sooyoung.

 

Dahan-dahan bumukas ang malaking pintuan tsaka dahan-dahan lumabas sa likod ng pintuan si Yuri. Nakayuko ang ulo nito tila nahihiya. Dahan-dahan siya nag angat ng paningin at nakita niya si Sooyoung nakapantalon na pero nakayapak lang ito at nakasando. Pinulot ni Sooyoung ang kanyang mga gamit tsaka naglakad papunta sa locker area na eksklusibo para sa mga membro ng basketball team.

 

Nang mawala si Sooyoung sa paningin niya ay napabuga nalang hangin si Yuri habang pinipikit ang kanyang mata lingid sa kaalaman ni Yuri ganun rin ang unang ginawa ni Sooyoung mula sa loob ng locker room. Maya-maya natatawa nalang si Yuri dahil para tinutulak talaga siya ng tadhana sa matangkad na binata.

 

"Puso wag kang masyadong mag react kasing edad niya lang ang kababatang kong kapatid. Wag mo lagyan ng malisya." sabi sa sarili ni Yuri habang hinahawakan ang dibdib niya.

 

"Si Taeyeon-ssi ang mahal mo. Okay?" sa isip ulit ni Yuri.

 


Habang nagbabasic training si Sooyoung, kanina pa sila hindi nagkikiboan ni Yuri. Kanina pa tahimik si Yuri habang si Sooyoung naman ay kanina pa nagnanakaw tingin kay Yuri. Pakiramdam ni Sooyoung wala na siyang mukha na maihaharap kay Yuri. Hanggang sa matapos ang practice game at basic training nila hindi parin sila nagkikiboan ni Yuri. Lingid sa kaalaman nilang dalawa, inoobserbahan pala silang dalawa ni Sunny.

 

Nang maglakad si Sooyoung papunta sa locker room agad sumunod si Sunny tsaka nilock niya ang pintuan. Nakarinig siya ng kalabog mula sa labas pero hindi niya ito pinansin. Gusto niya makausap sa pribado si Sooyoung at ito lang ang nakikita niyang paraan para makausap ito sa pribadong lugar. Kumunot ang noo ni Sooyoung ng mapansin niya silang dalawa lang ang nasa locker room.

 

"Sabihin mo nga sa akin, Choi Sooyoung-ssi.." walang paligoy-ligoy na panimula ni Sunny. "May gusto ka ba sa bestfriend ko? Kay Yuri?"

 

"A-Ano? H-Hindi ah!" pagtanggi ni Sooyoung.

 

"Wag ka ng magkakaila, tayong dalawa lang naman ang nandito." nakangiting sabi ni Sunny. "Halata naman sa mga titig mo sa kanya. Hindi ko nga lang alam kung ang titig na yun ay pagmamahal o titig na hinuhubaran na sa kanyang isipan." may halong panunudyo na sabi ni Sunny habang tinatabihan niya si Sooyoung.

 

"Hindi ah, malaki ang respeto ko sa bestfriend mo." depensa ni Sooyoung habang hinuhubad ang sando at shorts niya.

 

"Binibiro lang kita." tsaka pabirong siniko ni Sunny si Sooyoung. Hindi parin tumitigil ang kalabog sa pintuan pero hindi pa siya tapos sa sasabihin niya. "Alam mo boto naman ako sayo, sana ikaw na ang magliligtas sa bestfriend ko sa pagiging one-sided love."

 

"One-sided love?" alam naman ni Sooyoung ang ibig sabihin ng salitang yan. Ang ibig sabihin niya kung paano siya naging One-sided love.

 

"Umiibig si Yuri sa lalaking may girlfriend na." diretsahan na sagot ni Sunny.

 

Natigilan si Sooyoung. Hindi maiwasan makaramdam ng sakit si Sooyoung ng marinig niya ang sinabi nito. Para bang sinaksak ang puso ni Sooyoung. Pero masaya parin siya dahil may bagong natuklasan siya tungkol sa dalaga.

 

"Kung gusto mo mapansin ka ni Yuri. Simulan mo sa pagpapagupit. Gusto ni Yuri ang lalaking malinis tingnan." dagdag ni Sunny.

 

"Bakit mo ba sinasabi sa akin ito?" seryosong tanong ni Sooyoung.

 

"Kasi nga boto nga ako sayo. Deserve ni Yuri na tingnan siya sa paraan na gusto niya tingnan siya ng taong lihim niyang iniibig. Pero kahit kailan hindi niya maiibigay yun." malungkot na sagot ni Sunny. "Alam ko gustong-gusto mo si Yuri."

 

"Maari ko bang malaman ang pangalan ng lalaking yun?" seryoso parin ang tinig ni Sooyoung habang pumapasok sa isa sa mga cubicle kung saan naliligo ang mga players.

 

"Kim Taeyeon, membro rin siya ng SM Bears. Sa katunayan siya ang Ace Player ng team natin." agad na sagot ni Sunny habang kinukuha ang tuwalya sa bag niya.

 

"Grabe ang tangkad mo, mukhang mas matangkad ka pa kay Taeyeon oppa." naalala niya sinabi ni Yuri noong una silang nagkita sa corridor.

 

"Ahh.." binuksan ni Sooyoung ang shower. Nakatulala si Sooyoung habang nakatitig sa shower iniisip niya ang sinabi ni Sunny.

 

Alam na alam niya ang nararamdaman ni Yuri dahil maging siya ay na one-sided love na rin. Noong nasa Middle School o Junior High pa lang siya kay Ahn Sohee. Talaga bang susugal siya sa isang bagay na wala naman talagang kasiguradohan? O Titigil nalang siya habang maaga pa?

 


Alas otso na ng makaalis si Yuri, Yoona at Sunny sa SM High. Medyo nagabihan sila dahil hinihintay pa nilang dalawa matapos ang magsulat ng article si Yoona. Naglalakad lang silang tatlo dahil maganda naman ang panahon, may malaking buwan at madaming bituin sa langit. Kanina pa tahimik si Yuri, kanina pa ito napapansin ni Sunny hindi niya lang malaman kung dahil ito kay Taeyeon o talagang pagod lang si Yuri. Kilala niya si Yuri alam niya pag may gumugulo sa isip niya.

 

Nang makarating silang tatlo sa bahay ng mga Kwon agad pumasok si Yoona sa bahay nila. Hindi na niya ito inabala dahil mukhang gutom na gutom na talaga ito. Papasok na sana si Yuri ng hindi nagpapaalam mukhang nakalimutan niya na magkasama silang tatlo kaya pinigilan niya ito pumasok sa bahay nila. Tiningnan lang siya ni Yuri habang blangko ang ekspresyon hindi niya talaga ito mabasa.

 

"Yul may problema ka ba?" nagaalalang tanong ni Sunny tsaka umupo siya lagpas bewang na brick wall nila Yuri.

 

Umupo rin si Yuri sa tabi ni Sunny. "Kanina hinanap ko ang application form ni Sooyoung-ssi. Nakalimutan ko inipit ko pala yun sa libro na hiniram ko sa library pumunta ako sa library at nakita ko si Sooyoung-ssi natutulog." huminto muna si Yuri para lumunok ng laway.

 

"Tapos? Hindi naman yun ang unang beses na nakakita ka ng estudyanteng natutulog diba?" tanong ni Sunny habang nakangiti.

 

"Pero class hours yun hindi na lunchbreak." agad na sagot ni Yuri. "Nilapitan ko siya at tiningnan ko ang mukha niya tapo—" natigilan si Yuri ng marinig niyang tumawa si Sunny.

 

"Oportunista ka na pala Yul." natatawang sabi ni Sunny.

 

"Yah pwede bang makinig ka muna?" naiiritang sabi ni Yuri.

 

"Sorry.." sabi ni Sunny habang tinataas sa ere ang magkabilang kamay niya.

 

"Wala naman akong nararamdaman noong tingnan ko ang mukha niya pero noong napansin ko hinihigaan niya ang hinahanap ko na libro. Kinuha ko ang libro at nawalan ako ng balanse kamuntikan na akong bumagsak sa ibabaw ni Sooyoung-ssi." namumula nanaman ang mukha ni Yuri habang dinidetalye ang pangyayari.

 

"First time kitang nakita namumula, Yul." komento ni Sunny habang nakatitig sa side facade ng kaibigan. Kahit isang beses hindi pa niya nakikitang namumula si Yuri habang kinukwento niya si Taeyeon ngayon pa lang.

 

"Sinong hindi mamumula eh nakakahiya ang nangyari sa akin." depensa ni Yuri. "Maaga natapos ang klase ko kanina kaya dumiretso na ako sa Indoor Basketball Court, nakita ko nanaman siya, Sunny. This time naghuhubad siya ng uniform niya. Akala niya siguro na mag isa lang siya kaya hindi na siya nag abala magbihis sa locker area." sabi ni Yuri habang tinatakpan ang mukha niya sa sobrang hiya.

 

"Yul, hindi mo ba napapansin? Parang tadhana na gumagawa ng paraan para makalimutan mo na si Taeyeon." nakangiting sabi ni Sunny. Si Yuri naman ang napatitig sa side facade ni Sunny.

 

"Sa tingin ko naman bagay naman kayo ni Sooyoung-ssi." may halong panunudyo na sabi ni Sunny. 

 

"Tigil-tigilan mo nga ako Lee Soonkyu." tumayo na si Yuri mula sa pagkakaupo niya. "Sya nga pala, pwede mo ba ako samahan bukas? May basic training kasi kami ni Sooyoung-ssi bukas."

 

"Kaya mo na yan, Yul. Dati ka namang MVP sa Women's Basketball League." pagtanggi ni Sunny.

 

"Hindi naman yan ang issue eh." napabuga ng hangin si Yuri.

 

"Ano? Dahil ang totoo sayo lang naman may malisya ang nangyari kanina sa Library at Indoor Basketball Court?" walang pagaatubiling tanong ni Sunny.

 

"Kung ayaw mo edi wag dami mo pa sinasabi eh." sagot ni Yuri tsaka tinalikuran ang kaibigan niya.

 

"Natatakot ka ba kay Sooyoung-ssi? Wag kang magaalala hindi naman talaga siya mukhang nakakatakot. Pag may ginawa yun tawagan mo lang ako kaagad bubugbogin ko yun." natatawang sabi ni Sunny tsaka tumalikod na rin para umuwi na sa kanila na hindi naman kalayuan sa bahay nila ni Yuri.

 

"Sus para namang kaya mo talaga siya." nakitawa na rin si Yuri.

 

"Payat nun, babaliin ko yun eh." biro ni Sunny habang naglalakad palayo.

 

"Mag ingat ka Sunny." pahabol na sigaw ni Yuri.

 

"Sila ang mag ingat sa akin." natatawang sigaw ni Sunny habang naglalakad palayo.

 

Hinatid muna ng tingin ni Yuri si Sunny bago pumasok sa bahay nila. Masaya siya dahil naging kaibigan niya si Sunny, kung may lalaking bersyon siya sigurado si Sunny ito. Matagal na niyang kaibigan si Sunny, mga bata pa lang sila ay magkapit-bahay na talaga sila. Si Sunny ang kumausap sa uncle niya na founder ng SM Junior High at Senior High na bigyan siya ng scholarship. Silang dalawa ng kababata niyang kapatid. Malaki talaga utang na loob niya sa kaibigan niya.

 

Nang mawala si Sunny sa paningin niya, nagsimulang maghubad ng sapatos si Yuri bago pumasok sa bahay nila. Nakakapagod talaga ang araw na ito para sa kanya. Ngunit masaya siya dahil unti-unti na niya nakikilala ang bagong membro ng SM Bears. Naniniwala talaga siyang magiging Super Rookie ito balang araw sa kabila ng pagiging bagohan nito.

 


Nang gabing yun wala sa kanilang ni Sooyoung ang nakatulog ng maaga. Pareho sila pa iba-iba ng position sa kama ngunit wala kay si Sooyoung o Yuri ang dinalaw ng antok. Naiisip ni Sooyoung ang sinasabi sa kanya ni Sunny habang si Yuri naman ay pinagiisipan din ang sinabi sa kanya ni Sunny.

 

"Yul, hindi mo ba napapansin? Parang tadhana na gumagawa ng paraan para makalimutan mo na si Taeyeon." naalala ni Yuri ang sinabi ni Sunny kanina.

 

"Bakit ba hindi parin ako bumibitaw kay Taeyeon? Wala naman akong pinanghahawakan sa kanya." bulong ni Yuri habang nakatitig siya sa kisame ng kwarto niya.

 

"Hindi ko na alam." bulong ulit ni Yuri tsaka bumuntong hininga.

 

"Umiibig si Yuri sa lalaking may girlfriend na." naalala ni Sooyoung ang sinabi ni Sunny kanina sa locker room.

 

"Aish.. Ano ba yan, hindi pa nga ako nagsisimula sablay na kaagad." sabi ni Sooyoung habang sinusuntok ang unan niya.

 

"Taecyeon, Taeyeon magkatunog ang pangalan. Parehong bwesit sa buhay ko." matigas na sabi ni Sooyoung.

 

"Gago ka Taeyeon, kung sino ka mang hayop ka babasagin ko yang pagmumukha mo." sinuntok ni Sooyoung ng napakalakas ang malapit na pader sa kama niya.

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
colleenorcullo
I don't know what to do now .. RIP Kim Jonghyun .. :'c

Comments

You must be logged in to comment
itsmecarylann
#1
Chapter 3: Ah mah gah tawang-tawa ako kay Sooyoung ee
jaekwons
#2
omg adaptation ba ito ng slam dunk?? hahaha, cute