The One-On-One...

Fast Break Through Your Heart

 

 

Lunes ng umaga medyo malamig dahil umaambon sa labas, halos lahat ng estudyante ayaw na ayaw ang salitang Monday, ibig sabihin kasi magsisimula nanaman ang long weekdays. Kadalasan sa mga estudyante ay tinatamad pumasok tuwing lunes pero si Sooyoung masaya siya tuwing lunes, ibig sabihin makikita at makakasama niya nanaman si Yuri. Kahit si Sooyoung ay tinatamad ring pumasok tuwing lunes pero ngayon eto siya pumapasok. Wala naman siya pakialam sa academics, excited lang siya sa basic training nila ni Yuri. Medyo naiilang parin si Sooyoung sa bago niyang gupit pakiramdam niya kasi kitang-kita na ngayon pati ang kaluluwa niya, dati sa tuwing nahihiya siya ay pwede lang niya itago sa likod ng buhok niya ang kanyang mukha. Pag may estudyante siyang nakakasalubong ay napapalingon talaga sa direksyon ni Sooyoung mapababaeng estudyante o lalaking estudyante pa yan. Wala siyang makita na bakas ng takot sa mga mukha ng mga ito. Nihindi rin siya tinitingnan ng masama ng mga babaeng estudyante. Mukhang natutuwa ang mga ito sa naging pagbabago niya. Aminin man ni Sooyoung, masarap pala sa pakiramdam ng hindi kinakatakutan na parang mabangis na halimaw.

 

Kanina pa palinga-linga si Sooyoung sa paligid hinahanap niya ang isang partikular na babae na inaasam niyang makita pero hindi niya ito mahanap hanggang sumagi sa kanyang paningin ang isang babae na nakasuot ng unipormi pang first year. Hindi niya maintindihan para itong pamilyar sa kanya pero sigurado siya na ito ang unang beses na makita niya ang dalaga. Nakatingin ito sa direksyon ni Sooyoung medyo ngumingiti ito pero hindi siya sigurado kung nakangiti ito sa kanya o may ningingitian itong kakilala malapit sa direksyon ni Sooyoung. Isa din itong first year tulad niya, maganda ito, mahaba at diretso ang buhok nito at maputi parang may pagkakahawig ito kay Yuri ngunit mas slim ito. Hindi siya sigurado kung ito ang kababatang kapatid ni Yuri na palagi niyang tinutukoy o talaga magkahawig lang talaga sila. Dahil madami naman magkakamukha sa South Korea pero hindi naman sila magkakamag-anak. Pinutol niya ang kanyang tingin sa estranghera tsaka nagpatuloy maglakad papunta sa classroom niya. Pasimple siyang lumingon rito para hindi siya mahalata at nakompirma niya na sa kanya talaga ito nakatingin.

 

Nang makarating sa classroom si Sooyoung ay agad siya sinalubong ng mga kaibigan niya pati na rin ang mga kaklase niya ay nakatingin rin sa kanya. Abot tenga ang mga ngiti ni Minho at Jonghyun na para bang nakakaloko. Hindi niya pinansin ang mga ito, tsaka dumiretso siya sa armchair niya agad nagtipon-tipon si Xiumin, Suho, Jonghyun at Minho sa upuan ni Sooyoung. Si Suho ay nakaupo sa katabing upuan ni Sooyoung habang si Xiumin naman ay nakaupo sa upuan niya sa tabi ni Sooyoung nakaupo naman sa ibabaw ng backrest ng armchair si Minho at Jonghyun sa harap ng upuan ni Sooyoung.

 

"Hyung, ano ba naman yan? Ngayon lamang nalang ako ng isang paligo sayo. Dati sampong paligo ang lamang ko ngayon isa nalang." biro ni Minho habang naiiling tsaka tumawa si Suho at Jonghyun.

 

"At sino naman may sabi sayo, Minho. Na ikaw ang pinakagwapo sa grupo natin? Mas gwapo naman ako kaysa sayo." pambubuska ni Jonghyun kay Minho.

 

"Maghunos-dili nga kayong dalawa, kinikilabutan na ako sa pinagsasabi niyong dalawa eh." nakangising sagot ni Sooyoung habang pabiro niyang hinahampas ng libro si Minho at Jonghyun.

 

"Soo, ang dami dumadaan mga grupo ng babae sa labas ng classroom natin oh. Nakatingin pa sila sa direksyon natin bakit kaya?" pangaasar ni Jonghyun kay Sooyoung.

 

"Wala akong pakialam sa kanila." seryosong sagot ni Sooyoung habang nilalagay sa ilalim ng upuan niya ang dala niyang gym bag na may lamang sando, shorts, underwear, tualya, face towel, extra t-shirt, skinny jeans at hooded jacket para suotin niya pauwi mamaya at isang malaking plastic bottled water.

 

"Hala, si Yuri-nim." bulaslas ni Minho habang nakatingin sa nakabukas na pintuan.

 

Nagdadalawang isip tumingin si Minho dahil alam niya may pagkaprankster din itong pinsan niya pero dahil kanina pa niya ito inaasam makita mabilis nag angat ng tingin si Sooyoung tsaka palihim na tumawa si Xiumin at Suho habang si Jonghyun naman ay napahagikhik nang malakas. Nang mapagtanto niya na niloloko lang pala siya ng magaling niyang pinsan na kaibigan niya na si Minho ay agad siyang tumayo tsaka hineadlock niya si Minho sa kili-kili niya na para bang nagwrewrestling pero hindi naman ito seryoso parang kulitan lang nila magpinsan. Kahit ang mga kaklase nila nanunood sa kanilang magpinsan ay nakikitawanan rin.

 

"Hyung ayuko na!" pagmamakaawa ni Minho habang pulang-pula na ang kanyang mukha.

 

"Magdusa ka, Minho!" sigaw ni Sooyoung habang hiniheadlock niya parin ito.

 

Maya-maya nagdilang-anghel si Minho talagang dumaan si Yuri sa classroom nila nakatingin ito sa bintana ng classroom nila at agad niyang nakita si Sooyoung. May kasama itong dalawang babae na mga second year rin may dala silang mga nakapile na folder. Agad pinakawalan ni Sooyoung si Minho tsaka tumakbo palabas ng classroom. Sinundan lang nila ng tingin si Sooyoung habang napapailing. Hindi kasi nila inaakalang magiging ganito ang kaibigan nila nang dahil sa isang babae. Masaya naman sila para sa kaibigan nila dahil nagiging positibo na paningin nito sa mundo pero hindi naman nila maiwasan magaalala lalo na ngayong nalaman nila mula kay Sooyoung na lihim na palang umiibig si Yuri sa isang binata na may girlfriend na.

 

"Annyeonghaseyo Yuri-ssi." bati ni Sooyoung kay Yuri habang nakangiti tsaka agad niyang kinuha ang dalang folder ni Yuri. "Ako na magdadala niyan."

 

"H-Hindi na Sooyoung-ssi magaan lang naman yan." pagtanggi ni Yuri ngunit huli na ang lahat dahil nakuha na ni Sooyoung ang mga bitbit niyang folder kaya hindi na nakipagtalo si Yuri. Sumikdo ang dibdib ni Yuri nang makita niya si Sooyoung.

 

Sa totoo lang nagboluntaryo lang din si Yuri na tulongan ang mga kaklase niya. Gusto niya talaga pumunta sa palapag ng mga first year para makita si Sooyoung ngunit nahihiya siya dahil wala siyang sapat na dahilan. Gusto niya kasi alamin kung pumasok ba ang matangkad na binata para siguradohin na makakapunta ito sa basic training nilang dalawa mamayang hapon. Gusto niya din sana isauli ang ipinahiram niyang panyo, nilabhan niya ito kahapon dahil punong-puno ito ng mantsa ng chocolate ice cream. Nilagyan pa niya ito ng cologne para maging mabango ito pero ngayon nagdadalawang isip siya kung ibibigay niya ito o hindi. Baka kasi magalit ito dahil nilagyan niya ng pabango ang panyo nito.

 

"Sya nga pala Sooyoung-ssi, siya si Jung Haru at Son Eunhee mga kaklase ko sila." nakangiting pinakilala ni Yuri ang mga kaklase niya kay Sooyoung. "Haru-ssi, Eunhee-ssi siya naman si Choi Sooyoung ang bagong membro ng SM Bears."

 

"Annyeonghaseyo!" naiilang na bati ng dalawang kaklase ni Yuri kay Sooyoung. "Actually kilala na namin siya."

 

"Annyeonghaseyo.." bati rin ni Sooyoung tsaka binalik niya ulit ang paningin niya kay Yuri.

 

Hindi na nagtanong si Yuri kung saan nila nakilala si Sooyoung dahil nahahalata niya base sa kinikilos ng dalawang kaklase niya na hindi nila gusto si Sooyoung. Alam ni Yuri kung gaano kapangit ang reputasyon ng matangkad na binata kaya hindi niya maiwasan malungkot para sa binata dahil nahuhusgahan siya kaagad ng ibang tao. Alam ni Yuri mabait talaga si Sooyoung ngunit tinatago niya lang ito sa kaloob-looban niya hindi niya maintindihan kung bakit.

 

Napangiti si Sooyoung nang mapansin niya ang nakaipit sa buhok ni Yuri ang maliit na kulay pula na may polka dots na kulay puti na ribbon. Kung hindi siya nagkakamali ribbon ito ng isang sikat na animated character na si Minnie Mouse. Hindi nakatali ang buhok nito ngayon, hindi tulad ng karaniwang ayos nito sa araw-araw. Nakalugay ang buhok ni Yuri, malaya itong nililipad ng hangin. Napakaganda nito at gusto niya ito sabihin sa dalaga ngunit nahihiya siya.

 

Nang maihatid na nila sa First Year Class 3 ang dala nilang folder naglakad sila pabalik sa nilalakaran nila. Nauna si Sooyoung at Yuri habang ang dalawang kaklase ni Yuri ay naglalakad sa likod nilang dalawa, pansin ni Sooyoung nagbubulongan ang mga ito pero hindi niya nalang ito pinapansin. Wala ng ibang mahalaga sa kanya ngayon kung hindi ang babaeng nasa tabi niya, wala na siyang pakialam sa nakapalibot sa kanilang dalawa.

 

"Sooyoung-ssi sya nga pala, ito na yung panyo mo. Ako mismo naglaba niyan." nahihiyang sabi ni Yuri habang inaabot ang hawak niyang panyo kay Sooyoung. "Maraming salamat."

 

"Aish sinasabi ko naman sayo hindi mo naman kailangan labhan yan dahil nagpapalaundry naman ako. Pero salamat." nakangiting sabi ni Sooyoung tsaka tinanggap niya ang panyo na inaabot ni Yuri. Pinipigilan niya ang sarili niya na amoyin ang panyo dahil baka maweirdohan sa kanya si Yuri.

 

"Walang anuman." nakangiting sagot ni Yuri. "Sana dalasan mo pa ang pag ngiti, Sooyoung-ssi. Dahil napaka-cute mong ngumiti." sa isip ni Yuri habang nakatingin sa side facade ni Sooyoung. Nanggigigil si Yuri dahil ang taba ng pisngi ni Sooyoung pagngumingiti.

 

Binaling ni Yuri ang kanyang paningin sa ibang direksyon, baka kasi mahuli siya ni Sooyoung nakatitig sa kanya at kung ano pa iisipin nito. Parehong natahimik si Yuri at Sooyoung habang may ngiti sa mukha, walang may gusto magsalita tila inii-enjoy lang nilang dalawa ang kapayapaan sa pagitan nilang dalawa.

 

Nang makarating si Sooyoung at Yuri sa labas ng classroom. Huminto muna si Sooyoung sa labas ng classroom nila tsaka hinarap niya si Yuri. Napahinto rin ang dalawang kaklase ni Yuri at tahimik silang pinanood. Hinawakan ni Sooyoung ribbon ni Yuri. Nagtataka si Yuri sa kinikilos ni Sooyoung.

 

"Ang ganda.. Ang ganda ng ribbon mo." nakangiting puna ni Sooyoung tsaka naglakad siya papasok sa classroom nila.

 

"Ano daw?" sa isip ni Yuri habang hinahawakan niya ang kanyang buhok kung saan siya hinawakan ni Sooyoung tsaka nakapa niya maliit na ribbon. Agad namula ang magkabilang pisngi ni Yuri tsaka sumikdo nanaman ang kanyang dibdib kaya nagpatuloy siya sa paglalakad papunta sa hagdanan papunta sa palapag ng second year.

 

Kaninang umaga kasi habang naglalakad si Yuri at Yoona papunta sa bus stop ay nilagyan siya ng kababatang kapatid niya ng hairclip na hugis ribbon. Ito ang birthday present ni Yoona sa kanya last year pero niminsan hindi pa niya ito naisuot dahil nahihiya siya, kaya sa pilitan niya itong kinabit sa buhok ni Yuri kaninang umaga. Balak niya sana ito tanggalin nang maghiwalay silang dalawa sa corridor kanina pero nawala na sa isip niya. Gusto niya naman ito dahil paborito niya si Mickey Mouse at girlfriend ni Mickey si Minnie ngunit nahihiya siya suotin ito dahil baka asarin lang siya dahil may pagkaboyish siya. Pero ngayon binanggit ito ni Sooyoung parang ayaw na niya itong tanggalin.

 

"Yuri-ssi may something ba kayong dalawang?" seryosong tanong ni Haru habang tinatabihan ni Haru at Eunhee si Yuri.

 

"W-Wala no? Ano bang pinagsasabi niyo?" nauutal na sagot ni Yuri habang inaayos ang itsura niya.

 

"Mabuti naman kung ganon. Dahil alam mo ba narinig ko mula sa kababata kong kapatid na lalaki. Nakakatakot daw talaga ang Choi Sooyoung na yan." pagkwento ni Eunhee. "Dati magkaklase ang kapatid kong lalaki at si Choi Sooyoung sa middleschool. Palagi daw siya pinapatawag sa Juvenile Court dahil palagi nalang siya nasasangkot sa iba't-ibang klase na gulo."

 

"Sinabi mo pa, Eunhee-ssi. Kaya nga nagtataka talaga kami sayo kung bakit ka nakikipagkaibigan sa kanya eh. Eh kahit nga ang step-mother niya pinapatulan niya, kaya nga pinalayas siya ng papa niya sa kanila." dinagdagan ni Haru ang kwento ni Eunhee.

 

"Step mother? May step mother si Sooyoung?" sa isip ni Yuri.

 

"Kasi maliban sa apat kong kaibigan, ikaw lang ang nakaalam ng birthday ko. Kahit si papa hindi niya alam ang birthday ko." naalala ni Yuri ang sinabi ni Sooyoung noong nakaraang sabado.

 

Nalungkot si Yuri dahil hindi naman ganon ang pagkakakilala ni Yuri kay Sooyoung. Sa totoo lang napakagentle nito na tao at maalahanin pa. Pasaway pero mabait din naman, masaya din ito kausap. Hindi niya maintindihan kung bakit ganito kasama ang tingin sa kanya ng ibang tao. Siguro nga nagawa niya ito noon pero lahat ng tao ay may karapatan naman magbago diba? Sa pagkakaalam niya may pinagdadaanan din ito tulad niya at yun ang gusto niyang alamin.

 

"Puro hearsay lang naman ang alam niyo. Subukan niyo kaya muna kilalanin si Sooyoung bago kayo magsalita ng masama tungkol sa kanya." iritadong bulaslas ni Yuri tsaka tumalikod at iniwan niya ang dalawang kaklase niya napatigagal sa kinatatayuan nila.

 

Nang tumunog na ang school bell ay nagsibalikan na Suho, Jonghyun at Minho sa kinauupuan nila. Kinuha ni Sooyoung ang panyo na sinauli sa kanya ni Yuri mula sa bulsa niya tsaka inamoy-amoy niya ito, hindi mapigilan ni Sooyoung na kiligin nang mapansin niya pareho ang amoy ng panyo niya at ang cologne na ginagamit ni Yuri. Mukhang nilagyan ito ng cologne ni Yuri at gustong-gusto niya ito. Ilang minuto ang dumaan sila tumunog ang bell ay pumasok na si Teacher Jang. Nasa pintuan pa lang ito ay agad na niya napansin ang pagbabago sa itsura ni Sooyoung napangiti ito tsaka nag thumbs up ito kay Sooyoung na parang isang proud na tatay.

 

"Oh mabuti naman Choi Sooyoung-ssi at naisipan mo na magpagupit?" sabi ni teacher Jang habang nilalagay sa desk niya ang kanyang mga bitbit na gamit gaya ng laptop, libro at ballpen.

 

"Nagkaroon lang ng oras Jang seonsaengnim." katwiran ni Sooyoung habang kinakamot ang likod ng ulo niya medyo naiirita na siya dahil inulan na siya ng pangangantsaw mula sa mga kaibigan niya tapos ngayon ang homerun teacher niya nanaman.

 

"Diba dati ko pa sinasabi sayo, mas lilitaw ang kagwapohan mo kung maikli ang buhok mo, diba class?" tanong ni Teacher Jang at agad siya pinuri ng mga kaklase niya. Naiirita lang lalo si Sooyoung dahil puro lalaki ang pumupuri sa kanya.

 

Mukhang magiging mahaba ang araw na ito para kay Sooyoung. Naisip niya kailangan na niya ihanda ang sarili niya dahil sigurado pauulanan din siya ng pangaasar mula kay sa Diciplinary Teacher na Coach niya na si Kim Sooro.

 

 

Lunchbreak na hindi parin humihinto sa pag ulan, nagsusungit parin ang panahon. Kaya nagdesisyon nalang si Yuri at Sunny na maglunch sa Cafeteria ng eskwelahan nila. Nagpaalam si Yoona na maglulunch sa mall kasama ang mga kaklase niya dahil birthday ng isang kaklase niya kaya ito silang dalawa lang ni Sunny ang magkasama. Parehong ayaw ni Yuri at Sunny sa Cafeteria dahil magulo. Lahat ng gangsters ng eskwelahan ito ay nagtitipon-tipon sa Cafeteria kaya nga ayaw na ayaw nila tumambay dito. Naghanap ng upuan si Sunny at Yuri na malayo sa mataong parte ng Cafeteria at naupo sila sa pinakadulo wala masyadong estudyante tumatambay dito dahil malayong-malayo ito sa counter. Nang makahanap ng table ay agad naupo si Yuri tsaka umupo rin si Sunny sa harapan niya. Minsan napagkakamalan sila ng ibang tao na magkarelasyon dahil palagi silang magkasama pero wala silang pakialam sa opinyon ng ibang tao.

 

Dahil palagi namang may dala na sobra-sobrang pagkain si Sunny kaya hindi na sila bumibili ng pagkain sa Cafeteria. Yung nga lang malamig na ang mga ulam ni Sunny pero masarap parin naman ito kahit malamig na ito dahil luto ito ng ina ni Sunny. Kahit si Sunny ay masarap rin naman magluto, mas marunong pa nga itong magluto kaysa sa kanya pero pumapayag naman siyang matuto magluto. Medyo tahimik silang dalawa ngayon dahil wala ang kababatang kapatid niya. Nilabas ni Sunny mula sa bag niya ang mga container ng pagkain na nakabalot sa malalaking supot. Napangiti si Yuri nang makakita siya ng supot, naalala niya kasi ang kinuwento ni Sooyoung sa kanya noong nakaraang sabado.

 

"Oh bakit nakangiti ka dyan?" nagtatakang tanong ni Sunny habang sinusundan ang paningin ni Yuri kung hindi siya nagkakamali nakatingin ang kaibigan niya sa supot ng container.

 

"Wala may naalala lang ako." sagot ni Yuri habang kinakagat ang sarili niyang dila para mapigilan ang sarili tumawa. Sa tuwing naalala niya kasi ang kinuwento ni Sooyoung sa kanya ay hindi niya mapigilan ang sarili na tumawa.

 

"Baka naman kasi kaya masaya ka dahil pumasok na si Taeyeon-ssi?" pabirong tanong ni Sunny habang inoobserbahan niya ang reaksyon ng kaibigan.

 

"Ano? Hindi ah." sagot ni Yuri habang umiiling. Kumuha ng container si Yuri tsaka tinanggalan niya ito ng supot tsaka tiniklop niya ang supot ng ilang beses tsaka nilagay ito sa bag niya habang may ngiti sa mukha.

 

"Okay, may namiss ba ako?" kunot-noo na tanong ni Sunny. May kakaiba sa itsura ng kaibigan niya ngunit hindi niya matukoy kung ano ito. "Bakit parang ang blooming mo ngayon?"

 

"Nako, Sunny. Gutom lang yan, kumain ka nalang dyan kung anu-ano na iniisip mo eh." sabi ni Yuri habang kumukuha ng disposable chopsticks na nasa loob ng bag ni Sunny. "Nagkita kami ni Taeyeon-ssi noong nakaraan na sabado nanggaling siya sa dorm ni Tiffany at napadaan siya sa bahay namin. Kaya alam ko na papasok na siya ngayon." dagdag ni Yuri.

 

"Kaya nagpapaganda ka ngayon?" tanong ni Sunny na may halong panunudyo.

 

Kinukulit ni Sunny ang kaibigan niya dahil may napapansin siya kay Yuri. Hindi na kumikinang ang mata ng dalaga sa tuwing binabanggit niya ang pangalan ni Taeyeon. Dati pagbinabanggit niya ang pangalan ni Taeyeon ay kumikinang na ang mata niya at natataranta ito, naprapraning baka may makarinig sa kanila pero ngayon para balewala lang ito sa kanya. Sa katunayan mas napapangiti pa siya habang nakatingin sa supot kaysa pag usapan si Taeyeon. May kung ano sa supot na nagpapasaya sa kaibigan niya at gustong-gusto niya itong alamin.

 

"Hindi naman ako nagpapaganda, nakalimutan ko lang itali ang buhok ko at nilagyan ni Yoong ng hairclip ang buhok ko kaninang umaga." sagot ni Yuri habang pinipindot niya ang pisngi ni Sunny gamit ang chopsticks na may wrapper pa na gawa sa papel.

 

"Ay yun pala. Hindi pala nakatali ang buhok mo ngayon." sabi ni Sunny habang kumukuha din disposable chopsticks tsaka tinanggalan ito ng wrapper.

 

"Wow ha? Mabuti naman at napansin mo na ngayon." may pagkasarkastikong pagkakasabi ni Yuri habang binubuksan ang mga container.

 

"Sooyoung-ssi?" bulaslas ni Sunny habang nakatitingin sa likuran ni Yuri. Hindi makapaniwala si Sunny na talagang susundin nito ang payo niya na magpagupit, hindi niya aakalaing ganon nito kagusto ang kaibigan niya para unti-unting talikuran ang pagiging gangster nito.

 

"Ha?" nagtatakang sinundan ni Yuri ang paningin ng kaibigan at nakita niya si Sooyoung kasama ang kaibigan niyang si Suho naglalakad ang mga ito papunta sa direksyon nila ni Sunny at Yuri.

 

Nilipat ni Sunny ang paningin niya mula kay Sooyoung papunta sa kaibigan niya, inoobserbahan niya ang ekspresyon ng kaibigan habang nakatingin ito kay Sooyoung. Kumikinang ang mata nito at naging maaliwalas din ang mukha nito. Hindi man direktang sabihin sa kanya ni Yuri, ay alam niya ang matangkad na binata ang dahilan kung bakit masaya ang kaibigan niya. Ramdam yun ni Sunny. Hindi pa niya nakikita na naging ganito kasaya ang kaibigan niya.

 

"Hi Yuri-nim, Sunny-nim pwede ba kami makisalo sa inyo ng table sa inyo?" nakangiting bumati si Suho sa kanilang dalawa.

 

"Madami pa bakanteng table pero sige makisalo na kayo sa amin para mas masaya." sabi ni Sunny habang umuusog at ganon din ang ginawa ni Yuri. Umupo si Sooyoung sa tabi ni Yuri habang si Suho naman ay umupo sa harap ni Sooyoung.

 

"Ayos ng buhok natin ngayon, Sooyoung-ssi? Siguro gwapo din ang nagpayo sayo magpagupit?" sabi ni Sunny tsaka kinindatan ni Sunny si Sooyoung. Nakita yun ni Yuri, nagtataka siya sa kinikilos ng kaibigan niya.

 

"Kumain ka na nga lang dyan, Sunny-ssi. Kung anu-ano nalang pinagsasabi mo gutom lang yan." nakangising sabi ni Sooyoung tsaka sinulyapan niya si Yuri ngunit nakatitig lang ito sa pagkain niya.

 

"Wow ha, parang narinig ko na rin ang linyang yan kani-kanina lang." sabi ni Sunny habang tinitingnan ng masama ang kaibigan niya tsaka umiwas lang ng tingin si Yuri.

 

"Annyeonghaseyo?" bati ni Sooyoung kay Yuri habang nakangiti. Tsaka sabay nalang napailing si Sunny at Suho dahil sa nasasaksihan nila sa harapan nila.

 

"Annyeonghaseyo." nahihiya ring bati ni Yuri habang sinusubukan salubongin ang tingin ni Sooyoung tsaka pinutol niya ito kaagad at binaling nalang niya ang kanyang tingin sa mga pagkain na nasa harap niya.

 

"Aish.. Hindi ko na kayang panuorin toh." pabirong protesta ni Sunny habang tinatakpan ng kamay niya ang direksyon ni Sooyoung at Yuri.

 

"Eh kung sa kabilang table nalang kaya tayo, Sunny-nim?" pabirong suhesyon ni Suho.

 

"Tara," biro din ni Sunny.

 

"Yah tumigil nga kayong dalawa." nakasimangot na protesta ni Yuri habang pilit iwinaksi isipin na nakatitig ngayon si Sooyoung sa kanya. Hindi lang siya makalingon, pero pakiramdam niya'y kanina pa ito nakatitig sa kanya at hindi na mapakali ang puso niya.

 

Sa sobrang tagal na nila magkaibigan ni Yuri ay masasabi niya kilalang na kilala na niya ito. Kahit hindi niya ito sabihin sa kanya ay alam na ni Sunny naaapektuhan siya sa presensya ng matangkad na binata. Hindi niya lang inaasahan na makakaget over ito kay Taeyeon ng ganito kabilis pero masaya siya para sa kaibigan. Kaya siguro hindi pa ito nagkukuwento sa kanya dahil kahit siya mismo hindi alam na nahuhulog na siya sa matangkad na binata

.

"Bakit ba ako kinakabahan ng ganito?" naitanong ni Yuri sa isip niya.

 

Maya-maya dumating na iba pang kaibigan ni Sooyoung na si Xiumin, Jonghyun at Minho. May mga dala itong apat na tray at nilapag nila ito sa mesa. Pabirong sumingit ng upo si Minho sa pagitan ni Sooyoung at Yuri tsaka agad naman siya siniko ni Sooyoung sa tagiliran. Natawa nalang si Minho habang lumilipat sa kabilang gilid ni Sooyoung. Palihim na inooserbahan ni Xiumin ang facial expression ni Yuri, sinusubukan niya ito basahin.

 

Pakiramdam ni Yuri ay pinutol na ni Sooyoung ang pagtitig nito sa kanya kaya si Yuri naman ang napatingin kay Sooyoung. Napapitlag siya kung gaano karami ang plato ng pagkain ang nasa harap ni Sooyoung pang dalawang o tatlong tao na ito. May noodles, kimchi, chicken nuggets at bokumbap umuusok pa ang mga ito sa sobrang init at may slice ng mansanas, may slice din ng watermelon at tatlong piraso ng pajeon. Napabuka ng bibig si Yuri, hindi kasi halata sa pangangatawan nito ang pagiging matakaw. Noong nakaraan na sabado nang maglunch silang dalawa ay konti lang inoorder nito kaya ngayon nagulat talaga siya.

 

"Ang lakas mo pa lang kumain, Sooyoung-ssi." puna ni Yuri habang nakatingin sa side facade ni Sooyoung.

 

"Oo ganito talaga ang appetite ko pero wala naman akong eating disorder." paliwanag ni Sooyoung habang sinasalubong ang tingin ni Yuri.

 

"Alam ko yun no kasi ganon rin ang sitwasyon ng kapatid ko. Malakas din siya kumain pero napakaslim niya parin. Mabilis din ang metabolismo niya." pagkwento ni Yuri habang iniiwasan ang tingin ni Sooyoung.

 

Napansin ni Sooyoung palaging binabanggit ni Yuri sa kanya ang kababatang kapatid niya pero hindi pa niya ito nakikita at nakikilala. Hanggang ngayon ay misteryoso parin para kay Sooyoung kung sino ang kapatid niya. Gusto niya ito hanapin ngunit sigurado siya napakarami ding Kwon sa eskwelahan nila. Medyo common din kasi ang apelyido na Kwon pero hindi ito kasi common ng Kim, Choi, Park at Jung na kahit saan ka magpunta ay madami ang magkakaapelyido pero hindi naman magkaanu-ano.

 

"Mahal mo talaga ang kapatid mo no?" nakangiting sabi niya sa dalaga habang sumusubo ng kimchi.

 

"Sinabi mo pa, Sooyoung-ssi. Parang nanay na nga ni Yoong si Yul eh." pagsabad ni Sunny habang nakangiti.

 

"Yul?" natigilan si Sooyoung sa pagkain tsaka tiningnan niya si Sunny.

 

"Yul. Palayaw ni Yuri." agad na sagot ni Sunny tsaka sumubo ng kimbap.

 

"Nakalimutan mo ba ang L at R ay pareho lang sa lengwahe natin? Yuri. Yuli." pag sabad ni Xiumin habang seryoso ang ekspresyon nito sa mukha.

 

"Mukhang may isa sa atin ang kailangan mag aral ulit ng consonants." may pagkasarkastikong puna ni Minho. Pinulot ni Sooyoung ang kimbap mula sa plato ni Minho tsaka sinubo niya ito sa bibig ni Minho.

 

"Kumain ka na nga lang Minho, dami mo sinasabi eh." sabi ni Sooyoung habang sinusubuan si Minho na parang bata.

 

"Ikaw ba Sooyoung-ssi.. Ano ba palayaw mo?" seryosong tanong ni Yuri habang pinupunasan niya ang kanyang bibig gamit ang tissue.

 

"Soo." tipid na sagot ni Sooyoung. "Wala namang kaespesyal-espesyal sa palayaw ko." dagdag ni Sooyoung ngunit hindi na niya ito isinaboses.

 

"Cute naman ang Soo pero mukhang mas bagay sayo ang palayaw na Syoung." opinyon ni Yuri habang nakatingin uli sa side facade ni Sooyoung.

 

"Hi Syoung!" sabay-sabay na bati ni Sunny, Xiumin, Jonghyun at Minho na may halong panunudyo. Tumawa lang si Suho habang naiiling.

 

"Wow, parang close na close na kayong apat ha?" puna ni Yuri habang tinatapunan ng weirdong tingin ang kaibigan niya.

 

"Mukhang magiging close nga kami Yul." sagot ni Sunny habang nakangiti.

 


Sa kabilang banda ng eskwelahan, sa Indoor Basketball Court ay may maliit na maputi na lalaki ang abala sa pageensayo tumira ng three point jumpshot. Nakatopless ito habang may suot itong unipormi na pantalon na pambaba. Tumatagaktak na ang pawis nito sa buong katawan niya. Sa hindi kalayuan naman ay may babaeng nakaupo sa bench tahimik niya lang pinapanuod ang binata habang sinisipsip ang straw ng hawak niyang smoothie. Sa gilid ng babae ay nandoon ang bag, tualya at unipormi ng binata.

 

Maya-maya bumukas double door at pumasok ang isang lalaki na matangkad, medyo may edad na ngunit matipuno parin ang pangangatawanan. Sinulyapan lang ito ng binata ng ilang segundo bago tumira ng tres tsaka pumasok ito sa loob ng rim, hindi lang ito basta pumasok, clean shot pa ito. Pumalakpak ang matangkad na lalaki nang masaksihan niya yun. Lumapit ang maliit na binata sa babaeng nakaupo sa bench tsaka sinipsip niya ang straw ng hawak nitong smoothie tsaka pinunasan ng babae ang mga pawis ng binata gamit ang tualyang hawak niya. Lumapit sa kanilang ang matangkad na lalaki.

 

"Tiffany-ssi, pwede mo ba kami iwan saglit ni Taeyeon." nakangiting pakiusap ng matangkad na lalaki.

 

"Surething Coach." nakangiting sagot ng babae tsaka sinabit niya ang tualya sa balikat ng binata at tsaka hinalikan niya ito sa labi bago naglakad papunta sa double door. Sinundan ito ng tingin ng binatang maliit hanggang sa mawala ang babae sa likod ng double door.

 

"Bakit Coach Kim?" tanong niya habang pinupunasan niya ang pawis niya sa mukha gamit ang tualya.

 

"Alam mo naman siguro diba na may bago tayong membro sa SM Bears?" tanong ni Coach Kim habang inaabot ang hawak niyang newspaper.

 

"Ah, yung Sooyoung ba yun? Bakit anong meron sa kanya?" tanong ng binatang maliit habang binubuksan ang newspaper na binigay ng matangkad na lalaki.

 

Noong nakaraan na linggo lang naipublish ang newspaper na ito. Pumunta siya sa sports news at agad niya nakita ang article ng bagong membro ng SM Bears, napabuka ng bibig ang binatang maliit nang makita niya ang larawan ng article. Ito yung matangkad na lalaki na nakasagutan niya sa corridor noong nakaraang linggo, noong anniversary nila ng girlfriend niya. Hindi siya makapaniwala na nakasali ito sa team nila.

 

"Taeyeon-ssi malaki ang tiwala ko sa batang yan. Alam ko magiging malaki ang parte niya sa team natin, gusto ko makita ang potensyal niya. Ang problema mabilis siyang madistract lalo na pag nandyan si Yuri." sabi ng matangkad na lalaki habang umiiling.

 

"Okay..Pero sasabihin ko sa inyo hindi kami in good terms ng lalaking yan. Anong gusto niyo gawin ko, Coach?" sagot ng binatang maliit habang sinusuli ang hawak niyang newspaper.

 

"Gusto ko mag 1-on-1 kayong dalawa." aniyang bahagyang ngumiti.

 

 

Naiilang si Sooyoung nang dahil sa buhok niya ngunit mas naiilang siya ngayon dahil mag-isa lang niya nilalakad ang kahabaan ng corridor. Nasanay pumunta sa Indoor Basketball Court si Sooyoung na kasama ang mga kaibigan niya, maaga kasi umuwi si Suho para samahan ang lola niya mag grocery, habang si Jonghyun at Minho naman ay dumiretso sa SM Junior High building para puntahan ang girlfriend ni Jonghyun na si Yoon Sohee at ang kaibigan nitong si Krystal at si Xiumin naman ay dumiretso sa club niya pero sabi nito susunod siya pag natapos na sila. Kaya ito siya naglalakad mag isa.

 

Kahit na tapos na ang afternoon class ay marami paring estudyante nakatambay sa corridor, may nagdadate, mag-isa at may mga grupo rin. Hindi niya maintindihan kung bakit nandito parin ang mga ito dahil kung siya ay hindi parin membro ng club hanggang ngayon baka nakauwi na siya sa bahay nila at naglalaro ng video games sa PS4 niya. Pansin niya habang naglalakad siya papunta sa Indoor Basketball Court ay maraming siyang nakakasabay na mga babaeng estudyante na nagmumula pa sa magkaibang baitang ang nakasuot ng kulay blue na t-shirt at may ribbon na kulay blue nakatali sa mga braso nila ngunit nakasuot parin ang mga ito ng skirt na uniform. Mukhang mga membro ng cheering squad ng SM Bears ang mga ito.

 

"Sigurado ka ba talagang nandoon si oppa?" narinig niya ang boses ng babae mula sa likuran niya.

 

"Oo kaya pumasok siya kanina nakita ko siya sa corridor kanina." sagot naman ng kausap nito na babae din. "Pumasok na nga rin si Tiffany eh."

 

"Swerte talaga ng Tiffany na yan. Hindi hamak mas maganda naman tayo kaysa sa kanya. Oo magaling lang siyang mag english. Kung alam ko lang mahilig sa englishera ang oppa natin edi sana nag aral din ako mag english." boses ng isang babae.

 

"Gusto niyo ba pahiyain natin si Tiffany sa harap ng oppa natin?" narinig niya ulit mula sa likuran niya.

 

"Sounds like a plan." bulaslas ng isang babae mula sa likuran niya.

 

"Woah! Woah! Aish.. Mga babae talaga." sa isip ni Sooyoung habang napailing-iling.

 

Hindi na nagtaka si Sooyoung, mas madalas kasi ang bullying sa mga babaeng estudyante kaysa sa mga lalaki. Ang mga lalaking estudyante kasi ay walang pakialamanan pero ang mga babaeng estudyante pag tingin nila mas nakakalamang ka sa kanila ay hihilahin ka pababa o pag babae ka tapos napapalapit ka sa isang popular na estudyante lalaki ay awtomatikong aawayin ka ng grupo ng fangirls normal na ang ganitong eksena sa South Korea lalo na sa mga eskwelahan. Kaya nga ito ang nagugustuhan ni Sooyoung kay Yuri dahil hindi ito tulad ng mga tipikal na babae. Wala naman siyang plano makialam sa buhay ng iba pero kung bibigyan siya ng pagkakataon matagpuan si Tiffany ngayon, ay babalaan niya ito tungkol sa narinig niya.

 

Sinulyapan ni Sooyoung ang mga babae sa likod niya bago niya itulak ang double door. At nakita niya ang tatlong babae. Nang makita siya ng mga ito nakatingin sa kanila ay kinausap siya ng mga ito.

 

"Jeogiyo! Pwede bang magtanong?" sabi ng babaeng nasa gitna.

 

"Ano?" malamig na tugon ni Sooyoung.

 

"Membro ka rin ba ng SM Bears? Nandyan ba sa loob si Taeyeon?" tanong ng isa pang babae.

 

"Kim Taeyeon, membro rin siya ng SM Bears. Sa katunayan siya ang Ace Player ng team natin." naalala ni Sooyoung ang sinabi sa kanya ni Sunny sa locker room noong nakaraang linggo.

 

"Ang Taeyeon na sinasabi ni Sunny at ang Taeyeon na tinutukoy ng mga babaeng ito ay malamang iisa. Ibig sabihin makikilala ko na rin sa wakas ang ungas na yun?" sa isip ni Sooyoung habang kinukuyom ang mga kamao niya.

 

"Annyeonghaseyo? Nandyan ka pa ba." sabi ng isa pang babae habang binubuka ang kanya palad tsaka kinaway-kaway ito sa mukha ni Sooyoung.

 

"Wala akong kakilala na ganyan ang pangalan." malamig na tugon ni Sooyoung tsaka itinulak ang malaking double door at pumasok. Iniwan niya ang tatlong babae sa labas.

 

Nang pumasok si Sooyoung ay agad niyang napansin na maraming babaeng nakasuot ng kulay asul na t-shirt na may nakataling kulay asul na ribbon nakaupo sa audience bleachers mukhang kasamahan ito ng tatlong babae nakasabay niya papunta dito. Ito ang unang beses na magtratraining siya na may audience noong nakaraang linggo kasi ay wala naman ang mga ito tanging mga kaibigan lang ni Sooyoung ang nanunood. Nakita niya si Yuri na nakaupo sa bench, may kausap ito isang babae. Hindi niya nalang inabala ang dalaga tsaka naglakad papunta sa locker room. Nadaanan niya si Coach Kim, nakahalukipkip ito habang nakangiti na halos lagpas tenga. Hindi niya ito pinansin tsaka nilagpasan niya ito dahil alam niya aasarin lang siya nito at hindi nga siya nakaligtas.

 

"Wow ikaw ba yan, Choi Sooyoung-ssi?" narinig niya nagsalita ito. Natigilan sa paglalakad si Sooyoung tsaka hinarap niya ito. "Gwapo natin ah?"

 

"Ano masaya ka na matandang laos? Diba ito naman ang gusto mo? Magpagupit ako?" iritadong tugon ni Sooyoung. Naiirita si Sooyoung dahil lahat ng membro ng SM Bears ay nakatingin na sa kanya habang nakangiti. Pati na rin si Yuri at ang babaeng kausap nito ay nakatingin rin sa kanya.

 

"Syempre masaya ako, dahil ang tunay na lalaki ay maikli ang buhok." sagot ni Coach Kim. Palagi nalang niya ito naririnig sa bunganga ng Diciplinary Teacher na Coach niya ang kasabihan na yan. Tumalikod nalang siya at magpapatuloy na sana siya sa paglalakad nang tawagin siya ni Yuri. Inayos niya muna ang buhok niya bago niya ito hinarap.

 

"Annyeonghaseyo, Sooyoung-ssi." bati ni Yuri.

 

"Annyeonghaseyo, Yuri-ssi." bati din ni Sooyoung ngunit nagulat siya ng may makita siyang karadagang presensya. "Ito kaya si Yoong? Ang kapatid ni Yuri? Ipapakilala na ba niya ako sa kapatid niya?" sa isip ni Sooyoung. Para bang bigla siyang kinabahan.

 

"Sooyoung-ssi, kaibigan ko pala si Tiffany. Tiffany, siya si Sooyoung. Choi Sooyoung ang bagong membro ng SM Bears." nakangiting pinakilala ni Yuri kaibigan niya kay Sooyoung.

 

"Hi Tiffany-ssi, nice meeting you." sabi ni Sooyoung habang inaalok niya ito makipagkamay. Sa totoo lang medyo dismayado si Sooyoung dahil ang akala niya ito na ang kapatid ng dalaga. Akala niya makikilala na niya sa wakas ang kapatid ng dalaga.

 

"Hello, Mr. Choi Sooyoung. Pleasure to meet you." sabi ni Tiffany tsaka tinanggap niya ang alok ni Sooyoung makipagkamay. Nagkangitian sila pero maya-maya binitawan na ni Sooyoung ang kamay ng dalaga nang may maalala siya.

 

"Gusto niyo ba pahiyain natin si Tiffany sa harap ng oppa natin?" naalala niya ang paguusap ng tatlong babae kanina sa labas ng Indoor Basketball Court.

 

"Alam mo medyo cute ka. Sorry kung may pagkachismosa ako, pero may girlfriend ka na ba?" tanong ni Tiffany habang nakaeyesmile.

 

Pinangunutan ng noo ni Yuri ang kaibigan niyang si Tiffany, binibantaan niya ito sa pamamagitan ng facial expression ngunit ayaw magpaawat at bumelat lang ito sa kanya na parang bata. Napasinghap nalang si Yuri sa sobrang inis. Habang si Sooyoung naman ay pinapanood lang ang ekspresyon ni Yuri habang nakangiti.

 

"Wala pa naman. Hindi pa naman ako nanliligaw sa kanya." sagot ni Sooyoung habang nakangiti at nakatitig parin kay Yuri.

 

Parang may kung anong matulis na bagay ang tumusok sa dibdib ni Yuri nang marinig niya ang sagot ni Sooyoung. Nakaramdam ng kirot siya ng kirot sa puso. Parang gusto magwalkout ni Yuri pero ayaw ito ipahalata sa kaibigan niya at lalong-lalo na kay Sooyoung. Hindi niya maintindihan kung bakit nagkakaganito ang puso niya. Possible kaya na may gusto na siya sa matangkad na binata?

 

"Ah ganun ba? Pwede mo bang i-date itong kaibigan ko? Feeling ko kasi magiging cute couple kayong dalawa." sabi ni Tiffany na may halong panunudyo habang nakaeyesmile.

 

"Hindi mo na kailangan sabihin sa akin yan dahil yun naman talaga ang plano ko eh." sabi ni Sooyoung ngunit hindi niya ito isinaboses dahil ayaw niya mailang sa kanya si Yuri.

 

"P-Pasensya kana sa kaibigan ko, Sooyoung-ssi!" sabi ni Yuri habang nakatungo ang ulo. Nanginginig ang boses nito. Tsaka tumakbo at iniwan si Sooyoung at Tiffany na nagtataka.

 

"Aish.. Nagbibiro lang naman ako, Yul." bulaslas ni Tiffany habang nakapout ang labi pero tila walang narinig si Yuri. Akmang hahabolin ni Tiffany si Yuri nang hawakan ni Sooyoung ang braso ni Tiffany upang pigilan ito. "Bakit, Mr. Choi?"

 

"Mag ingat ka sa mga babaeng nakasuot ng t-shirt na kulay asul may binabalak silang masama sayo." babala ni Sooyoung tsaka binitawan ang braso Tiffany.

 

"Alam ko yun, no? Pero thanks. Sila ang mga wild fangirls ng boyfriend ko at ayaw nila sa akin." iritadong tugon ni Tiffany tsaka sinundan niya si Yuri.

 

"Hindi mo ba talaga ako gusto, Yuri? Para maging ganon ang reaksyon mo. Ano ba ang dapat kong gawin para magustuhan mo rin ako?" sa isip ni Sooyoung habang sinusundan niya ng tingin si Yuri.

 

 

Nang makapasok si Yuri sa locker room ng SM Pink Bears na kasulukuyan nageensayo sa kabilang Indoor Basketball Court. Agad dumiretso si Yuri sa lababo malapit sa paliguan. Maya-maya pumasok rin si Tiffany at hinanap siya nito tsaka natagpuan siya nito. Agad naghilamos ng mukha si Yuri para maitago ang luha niya. Kahit siya ay hindi rin maintindihan ang sarili kung bakit siya nagkakaganito. Tinapik ni Tiffany ang balikat niya.

 

"Yul, umiiyak ka ba?" tanong ni Tiffany habang nakatitig sa repleksyon ni Yuri sa malaking salamin.

 

"H-Hindi ah." sagot ni Yuri habang sinasarado ang water taps.

 

"Stop lying to me, I am your friend, Yul. You can tell me everything." sabi ni Tiffany habang nakasimangot.

 

"Tiffany, g-gusto ko na yata siya pero may gusto na siyang iba." pag amin ni Yuri habang tumutulo ang luha niya.

 

"Yul, alam mo ba habang sinasabi niyang Hindi pa naman ako nanliligaw sa kanya ay nakatitig siya sa iyo. I think he likes you too. Alam ko yun kasi ganon rin ako tingnan ni Taeyeon." seryosong sabi ni Tiffany. Si Yuri naman ang napatingin kay Tiffany.

 

"Alam ko sinusugar coat mo lang ang sinasabi ni Sooyoung-ssi." sabi ni Yuri habang nakasimangot parin pero hindi na siya umiiyak.

 

"Yah! I'm serious!" katwiran ni Tiffany. Hindi na muling sumagot si Yuri pero ngumingiti na rin siya. "Alam mo, ang hot niya. Ganon ang mga tipo ko eh. Tall, Dark and Handsome ang lakas kasi maka-manly ng ganon." pag amin ni Tiffany kinukuha ang kulay pink na lipgloss niya sa bag.

 

"Parang hindi naman Tall at Dark si Taeyeon ah?" tanong ni Yuri habang kumukunot ang noo.

 

Natigilan sa paglalagay ng lipgloss si Tiffany para tingnan ang repleksyon ni Yuri sa salamin. "Ganon  naman talaga sa pag-ibig.. You will fall for someone who just isn't your type."

 

"You will fall for someone who just isn't your type? Kunsabagay.. Hindi ko nga naman talaga type si Choi Sooyoung pero naapektuhan niya ng ganito ang puso ko." sa isip ni Yuri habang nakangiti. Hindi mapigilan ni Yuri kiligin habang iniintindi ang sinasabi ng kaibigan.

 

"Uyy kinikilig.. Iniisip mo si Mr. Choi no?" sabi ni Tiffany habang nakaeyesmile.

 

"Bilisan mo na nga lang dyan dami mo sinasabi Stephanie!" protesta ni Yuri habang tinatago ang namumula niyang mukha.

 

"Gusto mo ba lagyan din kita ng lipgloss, Yul?" alok ni Tiffany habang nakaeyesmile tsaka nirolyohan niya lang ito ng mata pero sa huli ay pumayag na rin siya.

 


Nang makapasok si Sooyoung sa locker room ay agad niyang nakita si Sunny na nakaupo sa bench abala ito sa pagsusuot ng medyas. Nilapag ni Sooyoung ang kanyang dalang gym bag sa bench malapit sa kinauupuan ni Sunny. Nagsimulang maghubad ng kanyang suot na school blazers tsaka padabog na itambak ito sa loob ng gym bag niya. Sa sobrang lakas ay napaangat ng tingin si Sunny. Sunod niyang tinanggal ay ang necktie niya tsaka padabog niya rin itong itambak sa loob ng gym bag niya. Mabilis na tinanggal ni Sooyoung ang butones ng polo niya pati na rin ang butones ng sleeve ng polo niya habang tahimik lang siyang pinanood ni Sunny. Nang matanggal na ang butones ay padabog niya rin itong itambak sa loob ng bag niya.

 

"Woah! Sooyoung-ssi sana tiniklop mo nalang yun, hindi pa naman mukhang madumi yun eh!" sabi ni Sunny habang nakatingin sa masamang kondisyon na unipormi niya. Hindi umimik si Sooyoung tsaka patuloy lang ito sa pag-unbuckle ng sinturon niya.

 

"May problema ka ba, Sooyoung-ssi? Pwede mo naman ako pagsabihan ng problema pero kung ayaw mo hindi kita pipilitin." sabi ni Sunny habang tumatayo tsaka tinatapik ang balikat ni Sooyoung.

 

Walang magawa si Sooyoung kung hindi magkwento kay Sunny. Tutal alam naman nito na may nararamdaman siya para sa kaibigan nito. Wala kasi ang mga kaibigan niya kaya wala siyang mapagsabihan baka sumabog nalang siya bigla at pagsisisihan niya ito sa huli.

 

"Gustong-gusto ko ang kaibigan mo. Pero hindi ko alam kung dapat ba ako umasa sa kanya, umasa na ako sa wala noon at nasaktan lang ako sa huli. Pakiramdam ko umaasa nanaman ako sa wala eh." matamlay na sabi ni Sooyoung habang umuupo sa bench.

 

"May pagkamanhid ka din pala eh." sa isip ni Sunny hindi niya nalang isinaboses yun dahil gusto niya si Yuri mismo ang magsasabi tungkol sa nararamdaman niya. "Alam mo, Sooyoung-ssi. Maghintay ka lang dahil hindi ito madali para kay Yul. Magiging sigurado din si Yuri sa nararamdaman niya. Bakit sumusuko ka na ba?"

 

"Hindi ko naman sinasabi na susuko na ako. Sa katunayan nga nyan ay handa akong mahalin siya ng walang hinihingi na kapalit. Handa akong maghintay." nakangiting sagot ni Sooyoung. "Mamahalin ko siya tulad ng pagmamahal ni Mickey kay Minnie." tsaka tumawa lang ng malakas si Sunny. Hindi niya alam kung talagang alam ni Sooyoung na gustong-gusto ng bestfriend niya si Mickey o lucky guess lang ito ng matangkad na binata.

 

"Baduy mo." puna ni Sunny habang tumatawa.

 

"Bakit, ikaw ba Sunny? Wala ka bang natitipohan?" seryosong tanong ni Solyoung. Pansin niya kasi palaging si Yuri lang ang kasama nito minsan iniisip niya may lihim rin siyang pagtingin kay Yuri ngunit hindi niya lang sinasabi dahil baka ayaw niya masira pagkakaibigan nila.

 

"Meron pero hi—" natigilan si Sunny nang biglang lumabas mula sa paliguan ang isang maliit at maputi na binata. Maliit ito ngunit mas matangkad ito ng konti kaysa kay Sunny.

 

Napatayo si Sooyoung sa kinauupuan niya tsaka naglakad palapit sa maliit na binata. Nataranta si Sunny. Hindi niya alam kung alam ba ni Sooyoung na ang maliit na binata na ito ay si Kim Taeyeon pero base sa ekspresyon sa mukha ni Sooyoung at tensyon na namamagitan sa kanilang dalawa ay mukhang kailangan niya awatin ang mga ito bago mahuli ang lahat. Naglakad rin si Taeyeon palapit dito at sinalubong niya si Sooyoung agad pumagitan si Sunny.

 

"Diba ikaw yung mukhang penguin sa corridor?" tanong ni Sooyoung binabangga ang maliit na binata.

 

"Musta ka, first year?" nakangising balik-tanong ng maliit na binata. Sa totoo lang hindi niya alam kung paano ito hahamonin makipagone-on-one ang matangkad na binata.

 

"Ang sabi kasi ng bestfriend ko na homerun teacher ni Sooyoung ay may pagkacompetitive si Sooyoung. Inisin mo lang siya ng inisin para magalit siya. Maliitin mo ang kakayanan niya kung maari." naalala niya sinabi ni Coach Kim kaninang tanghali.

 

"Ano bang ginagawa mo dito?" tanong ulit ni Sooyoung habang tinutulak si Sunny at ang maliit na lalaki.

 

"Dapat nga ako ang magtatanong nyan." may pagkasarkastikong sabi ng binatang maliit. "Hindi ka naman nababagay sa larong basketball. Oo matangkad ka lang pero hindi lang puro tangkad ang basketball." dagdag nito. Kahit si Sunny ay nagulat sa sinabi ng maliit na binata. Sa pagkakilala ni Sunny sa maliit na binata ay chill lang ito, palagi nitong sinasabi sa teammates nila na, There's always room for improvement. Pero ngayon nagiging harsh ito kay Sooyoung.

 

"Teka, teka magkakilala ba kayo Taeyeon-ssi, Sooyoung-ssi?" tanong ni Sunny habang tinutulak ang dalawa ng sabay. Ngunit hindi biro ang lakas ni Sooyoung. Para itong troso na bumabangga sa kanya.

 

"Taeyeon? Kaya naman pala unang kita ko palang sayo ay bwesit na bwesit na ako sayo. Kaya naman pala." maigting na boses ni Sooyoung. Lalo pa nagatongan ang galit ni Sooyoung para sa maliit na binata nang malaman niya kung sino ito.

 

"Wag kang magaaalala, ayoko rin naman sayo kaya square lang tayo." palaban na sagot ng maliit na binata habang tinutulak din si Sooyoung.

 

"Tara ipagpatuloy natin dito ang unfinished business natin." suhesyon ni Sooyoung habang hinahatak ang collar ng suot na jersey ng maliit na binata.

 

"Coach! Coach! Si Sooyoung-ssi at Taeyeon-ssi nagaaway sa loob ng locker room." sabi ng lalaking nakasuot ng number 13 na jersey na si Choi Namshin.

 

"Ano?" napapitlag si Yuri mula sa kinauupuan niya nang marinig niya ang sinabi ng binata.

 

Gusto ni Yuri sumugod sa locker room ngunit hinintay niya muna si Coach Kim. Nakapagtatakang walang gaanong reaksyon si Coach Kim sa binalita ni Choi Namshin. Madalas kasi pag may nagaaway sa Indoor Basketball Court ay nagagalit kaagad si Coach Kim ngunit ngayon kalmado lang itong tumayo sa kinauupuan niya. Tumayo rin si Tiffany. Tsaka patakbong sumugod si Coach Kim sa locker room. Agad naman sumunod si Yuri at Tiffany sa likod nito.

 

Pumasok si Coach Kim sa locker room at hindi na rin nagdalawang isip pumasok si Yuri dahil manager naman siya ng SM Bears kaya pinahintutulutan siyang pumasok sa locker room kahit na panlalaki ito. Pumasok na rin si Tiffany habang ibang membro ng SM Bears ay nakasilip lang sa nakabukas na pintuan. Agad nilang nakita si Sooyoung na kasalukuyan nakatopless, habang si Taeyeon naman ay halos punit-punit na ang suot niyang jersey. dahil hinila-hila ito ni Sooyoung. Agad pinaghiwalay ni Coach Kim ang tatlong binata ng walang kahirap-hirap. Agad niyakap ni Tiffany si Taeyeon para pakalmahin ito habang si Yuri naman ay hinawakan ang braso ni Sooyoung para pigilan ito. Sa totoo lang nahihiya siya kahit hindi naman ito ang unang beses na nakita niya nakatopless ang matangkad na binata pero iba kasi ngayon dahil nakikita niya ito sa malapitan kaya hindi niya mapigilan ang pamumula.

 

"Ano ba para kayong mga bata." sigaw ni Coach Kim.

 

"Inaawat ko lang sila, Coach." katwiran ni Sunny.

 

"Sira ulo yan eh, binangga niya ako sa corridor noong nakaraang linggo!" sigaw ni Sooyoung habang tinuturo ang maliit na binata.

 

"Dapat nga ako ang magalit eh. Dahil sinira mo ang chocolates at bouquet na dapat sana regalo ko sa girlfriend ko noong anniversary namin!" tinuro din ng maliit na binata si Sooyoung.

 

"Napakawalang kwenta naman pala ng pinagaawayan niyo eh. Ganito nalang para matapos na ang alitan na toh bakit hindi nalang kayo magone-on-one?" suhesyon ni Coach Kim.

 

"Oh sige ba!" puno ng kompyansa na sagot ng matangkad na lalaki.

 

"Sira ulong matandang laos toh ah. Paano ako mananalo sa ugok na toh kung hindi pa naman ako masyadong marunong? Balak lang ata ako ipahiya ng matandang laos na toh sa harap ni Yuri." sa isip ni Sooyoung habang kinukuyom ang kamao niya.

 

"Pero, Coach kulang pa sa basic training si Sooyoung-ssi." nagaalalang sabi ni Yuri.

 

"Wala namang rules. Walang travelling o thirty seconds violation." sigaw ni Coach Kim.

 

"Okay lang kahit sa kanya lang walang rules dahil mukha naman siyang walang alam sa larong basketball. Maglalaro parin ako ng patas." sabi ng maliit na lalaki na parang nangaasar pa. "Ano umurong na ba pagiging maangas mo first year?" dagdag nito nang hindi sumagot si Sooyoung.

 

"Okay game, pumapayag na ako." alanganing sagot ni Sooyoung.

 

Sa totoo lang kahapon kahit linggo ay ginagawa parin ni Sooyoung ang basic training na tinuturo sa kanya ni Yuri sa labas ng bahay niya. Bumili pa siya ng bola para makapagpractice siya kahit nasa bahay. Nanunood rin siya ng mga video clips ni Michael Jordan, isa itong sikat na manlalaro sa National Basketball Association o NBA para pag aralan kung paano ito pumuntos. Alam ni Sooyoung hindi sapat yun para talunin ang penguin na toh pero susubukan niya parin.

 

Isinara ang mga bintana at pati na rin ang mga pintuan para wala ng ibang estudyante ang makakapanood sa magiging tapatan ni Sooyoung at Taeyeon. Kasulukuyan itinigil ang practice game ng SM Pink Bears mula sa kabilang Indoor Basketball Court para panoorin ang larong ito. Hindi na rin nila pinalabas ang mga grupo ng fangirls ni Taeyeon sa loob dahil alam nila magpupumilit lang mga ito makapasok. Lalo lang kinabahan si Sooyoung dahil napakadami ang sumusupporta sa maliit na binata samantalang sa kanya ay wala dahil wala ang mga kaibigan niya. Kahit na hindi nila sabihin kay  Sooyoung ay alam niya ang lahat ng taong nandito, maging si Yuri ay kay Taeyeon nakasupporta.
 
Maya-maya ay lumabas na si Taeyeon at Sooyoung tsaka nagsimula nang maghiwayan ang mga grupo ng babae na nasa audience bleachers. Ang pangalan lang ng maliit na binata ang naririnig niya. Tiningnan nalang ni Sooyoung si Yuri na kasulukuyang nakaupo sa bench kung saan nakaupo sila Tiffany, Coach Kim, Coach Lee na Coach ng SM Pink Bears at mga membro ng SM Pink Bears. Habang ang mga membro ng SM Bears ay nakalupasay lang sa sahig. Sumenyas ng fighting si Yuri kay Sooyoung habang nakangiti kahit papaano nakabawas ito sa kabang nararamdaman niya.
 
"Wala tayong rules, walang travelling at walang 30 second violation. Gawin mo ang lahat para pigilan makaiskor ng limang puntos si Taeyeon-ssi." paguulit ni Sunny sa sinabi ni Coach Kim. Si Sunny ang tumatayo nilang referee.
 
"Okay.." mahinahong sagot ni Sooyoung habang napapabuga ng hangin.
 
"Kung makakapuntos ka kahit isa. Ikaw ang panalo sa larong ito." pag anunsyo ulit ni Sunny.
 
"Sunny-ssi, masyado mo naman yata akong minamaliit?" pabirong protesta ni Sooyoung kay Sunny.
 
"Yan ang utos sa akin ni Coach Kim." agad na katwiran ni Sunny.
 
"Sige simulan na natin toh. Kay Taeyeon muna ang bola." seryosong sabi ni Sunny habang patalbog na pinasa kay Taeyeon ang bola.
 
"May the best man win nalang." malamig na sabi ni Taeyeon pero nakangisi parin. Hindi ito pinansin ni Sooyoung tsaka nilagpasan niya lang ito at pumwesto sa harap ni Taeyeon.
 
Nang ihipan ni Sunny ang pitong hawak niya ay nagsimula na ang laban. Agad nagpasikat si Taeyeon tsaka agad naman naghiwayan ang mga grupo ng mga babae na tagahanga niya, pinakita niya kay Sooyoung ang ball handling, pinasunod-sunod pa niya si Sooyoung na parang bata tsaka tumira ito ng three point jumpshot at pumasok ito. Halos nagwawala sa paghiyawan ang mga grupo ng mga babae na nakaupo sa audience bleachers.
 
"Paano ba yan first year. One down four to go." pangaasar ni Taeyeon sa kanya habang tinataas ang hintuturo niya.
 
"Sus yabang." iritadong tugon ni Sooyoung.
 
"Sooyoung-ssi itaas mo ang mga kamay mo. Pigilan mo siya wag mo siyang hahayaan makalusot." sigaw ni Yuri mula sa bench habang tinataas rin ang dalawang kamay niya. Masayang-masaya si Sooyoung dahil nagche-cheer ang dalaga para sa kanya.
 
Patalbog pinasa ni Sunny ang bola kay Sooyoung tsaka nagdribble rin siya, hindi ito kasing bilis nang pagdribble ni Taeyeon ngunit hindi naman nawawala sa kamay niya ang bola pero maya-maya agad naman itong naagaw ni Taeyeon tsaka tumakbo ito papunta sa ilalim ng ring tsaka tumalon tsaka hinagis niya pataas ang bola tsaka pumasok nanaman ito. Naghiwayan nanaman ang mga grupo ng babae na nakaupo sa audience bleachers.
 
"Ang galing mo talaga oppa!" sigaw ni Tiffany mula sa bench.
 
"Ano kaya pa first year? Two down three to go nalang." nakangising sabi ni Taeyeon habang nagpepeace sign.
 
"Magsitahimik nga kayo mga pangit." binulyawan ni Sooyoung ang mga grupo ng tagahanga ni Taeyeon na nakaupo sa audience bleachers. Ang mga fangirls ni Taeyeon nalang ang pinagbuntongan niya ng galit.
 
"Hindi ka uubra sa oppa namin no!" sagot ng mga fangirls ni Taeyeon habang binoboo siya ng mga ito.
 
"Sooyoung-ssi wag mo na idribble ang bola. Gumawa ka lang ng puntos kaya mo yan!" sigaw ni Coach Kim mula sa bench.
 
Patalbog pinasa ni Sunny ang bola kay Sooyoung. Sa totoo lang gustong-gusto na ni Sunny tulongan si Sooyoung ngunit alam niya kahit siya ay hindi rin mapipigilan si Taeyeon. Hindi maintindihan ni Sunny kung bakit ito ginagawa ni Coach Kim, alam naman nilang lahat na wala talagang pagasa na mananalo si Sooyoung kay Taeyeon pero alam niya may binabalak ang Coach nila. Possibleng sinusubukan lang talaga ni Coach Kim ang kakayanan ni Sooyoung. Hindi na dinidribble ni Sooyoung ang bola tulad ng payo ni Coach Kim. Binitbit niya lang bola habang tumatakbo siya papunta sa ilalim ng ring. Hindi ito madali dahil mahigpit ang pagbabantay ni Taeyeon kay Sooyoung.
 
"Sooyoung-ssi gamitin mo ang katawan mo!" sigaw ni Coach Kim mula sa bench tumatayo na ito. "Dumasdas ka!" padagdag na sigaw ni Coach Kim.
 
"Dumasdas?" sa isip ni Sooyoung.
 
Naalala ni Sooyoung ang pinanuod niyang video clip ni Michael Jordan kagabi. Kahit na madami na dumidepensa sa kanya ay dinadasdasan niya lang ito tsaka dinakdak sa rim ang bola. Ngunit bago pa man siya makagawa ng hakbang ay naagaw nanaman ni Taeyeon ang bola tsaka tumira siya ng two point jumpshot tsaka pumasok nanaman ito. Naghihiyawan nanaman ang mga grupo ng mga babae na tagahanga ni Taeyeon.
 
"Three down two to go nalang. Hay ang boring naman nito." parinig ulit ni Taeyeon habang umiiling.
 
Susugurin na sana ng sapak ni Sooyoung si Taeyeon nang akbayan siya ni Coach Kim. Nabwesit lang lalo si Sooyoung nang makita niya kung sino ang umaakbay sa kanya. Ang buong akala ni Sooyoung ay aasarin lang siya nito ngunit seryoso ang ekspresyon ni Coach Kim sa mukha. Sinubukan tanggalin ni Sooyoung ang braso nila ni mula sa balikat niya dahil naiilang siya sa ginagawa nito ngunit hindi nagpapatinag si Coach Kim.
 
"Diba gusto mo si Yuri-ssi?" pabulong na tanong ni Coach Kim.
 
"A-Ano?!" hindi mapigilan magtaas ng boses ni Sooyoung nang tanongin siya nito. Napalingon si Sooyoung sa direksyon ni Yuri sa pagaalalang narinig ni Yuri ang sinabi ni Coach Kim ngunit napakaingay sa loob ng Indoor Basketball Court dahil sa fangirls ni Taeyeon kaya mukhang malabo na narinig ito ni Yuri.
 
"Isipin mo na si Yuri ang bola. Wag mong hahayaan na maagaw siya ng iba." payo ni Coach Kim tsaka binitawan siya nito. Hindi na nito hinintay makasagot at naglakad ito pabalik sa bench.
 
Patalbog na pinasa ni Sunny kay Sooyoung ang bola. Tinitigan ni Sooyoung ng ilang segundo ang bolang hawak niya ngunit walang babala na inagaw ni Taeyeon ang bola at noong sinubukan na ni Taeyeon tumira ng three point jumpshot ay agad rin tumalon ng napakataas ni Sooyoung. Napakataas ng pagtalon nito, sa sobrang taas ay hindi na makita ni Taeyeon ang ring. Tinapik nang napakalakas ni Sooyoung ang bola kaya nawala mula sa pagkakahawak ni Taeyeon ang bola. Napatayo si Coach Kim at Coach Lee mula sa upuan nila.
 
"Ayun ang sinasabi ko, Jonghyuk!" bulaslas ni Coach Kim habang tinuturo si Sooyoung. "Agawin mo ang bola, Sooyoung-ssi!" padagdag na sigaw nito.
 
Naunang lumapag ang paa ni Taeyeon sahig tsaka agad niyang hinabol ang bola. Nang makalapag sa sahig ang mga paa ni Sooyoung ay agad niya ring hinabol ang bola. Hindi makapaniwala si Taeyeon nang makita niya si Sooyoung na nasa tabi na niya. Napakabilis nito para itong hindi tao. Nagtagumpay si Sooyoung nakuha niya ang bola agad niya itong niyakap para hinding-hindi na ulit ito maagaw ni Taeyeon. Napatayo si Yuri sa kinauupuan niya. Para bang nagslowmotion ang lahat at nabingi siya ng ilang segundo tanging ang sariling pagtibok ng puso niya lang ang naririnig niya.
 
Bumangon si Sooyoung habang yakap-yakap parin ang bola. Isa-isa nagsitayuan ang mga membro ng SM Bears at SM Pink Bears. Tumakbo si Sooyoung papunta sa ilalim ng ring at sinubukan pa siyang habolin ni Taeyeon, nang makarating sa restricted area arc ay agad tumalon ng napakataas si Sooyoung tumalon rin si Taeyeon para pigilan si Sooyoung sa binabalak niya. Dahil napakataas tumalon ni Sooyoung at napakahaba ng braso nito kaya hindi na naabotan pa ni Taeyeon si Sooyoung. Dinakdak ni Sooyoung ang bola sa loob ng rim gamit ang dalawang kamay niya, sa sobrang lakas ay halos mawasak na ni Sooyoung ang board. Tsaka naglambitin sa rim nang ilang segundo pero maya-maya bumitaw na siya tsaka ang lumapag siya sa sahig sa pamamagitan ng pwet niya at napadaing siya sa sobrang sakit.
 
Nalaglag ang pito mula sa bibig ni Sunny. Natahimik ang lahat tanging ang tumatalbog na bola lang ang lumilikha ng ingay. Kahit si Sooyoung ay hindi rin makapaniwala na nagawa niya yun. Maya-maya nagsimulang pumalakpak si Coach Kim, tsaka pumalakpak rin si Coach Lee, pumalakpak rin ang mga membro ng SM Pink Bears tsaka pumalakpak rin ang mga kasamahan ni Sooyoung sa SM Bears. Pumalakpak rin mula sa gilid si Sunny. Habang si Yuri naman ay hindi parin nakakabawi sa pagkagulat, nagsisimula namumuo ang luha ni Yuri habang nakatitig siya sa likod ng binata. Hindi niya mapigilan maluha sa sobrang saya, masayang-masaya siya para sa binata.
 
Agad tumakbo si Tiffany sa gitna ng court tsaka sinalubong niya ng yakap ang boyfriend niya. Maaring wala nga siyang maintindihan sa larong basketball pero alam niya, alam niyang natalo ang boyfriend niya. Niyakap niya ito ng napakahigpit tsaka ito hinalikan sa labi.
 
"Kahit natalo ka ay napakagaling mo parin, oppa. Muntik mo nang ma sweep si Mr. Choi." nakaeyesmile na sabi ni Tiffany. Tsaka hinalikan niya ulit si Taeyeon naririnig niya nagproprotesta ang mga fangirls ni Taeyeon mula sa audience bleachers pero wala siyang pakialam.
 
Sa totoo lang ay hindi naman malungkot si Taeyeon na natalo siya, sa katunayan pa nga niyan ay masaya siya. Masaya siya dahil alam niya malaki ang maitutulong ni Sooyoung sa team nila. Kulang sila sa height, kadalasan sa membro ng SM Bears ay hindi masyado matatangkad. Masaya siya dahil nadagdagan ang matatangkad na membro sa team nila. Wala naman talaga siyang intensyon galitin ang matangkad na binata ngunit yun ang utos sa kanya ni Coach Kim. Inaamin niya magaling ang matangkad na binata para sa isang bagohan.
 
Nilapitan ni Taeyeon si Sooyoung. "Tsamba lang yun, sa susunod hindi na kita pagbibigyan, first year." biro ni Taeyeon habang inaalok ito ng tulong sa pamamagitan ng pag abot ng kanyang kamay.
 
"Hindi ko kailangan ng tulong mo. Kaya ko tumayo mag-isa." malamig na tugon ni Sooyoung habang iwinaksi ang kamay ni Taeyeon tsaka bumabangon mag-isa. Halatang galit parin ito kay Taeyeon kaya napailing nalang maliit na binata.
 
"Ang galing niyo Taeyeon-ssi, Sooyoung-ssi!" sigaw ng mga membro ng SM Bears.
 
"Hindi namin aakalain na magagawa mo yun, Sooyoung-ssi!" bulaslas ng lalaking nakasuot ng number 12 na jersey na si Shin Joohyuk. Ngumiti lang si Sooyoung bilang sagot tsaka binaling niya ang kanyang atensyon kay Yuri na kasalukuyan nakatayo parin sa may bench.
 
"Hindi ba niya ako babatiin?" sa isip ni Sooyoung habang nakatingin parin kay Yuri.
 

"Mukhang makakapasok na kayo sa National Playoffs ngayon taon na toh, Sooro." aniyang bahagyang ngumiti.

 

"Dapat lang, magiging numero uno ang SM Bears sa buong South Korea tandaan mo yan Jonghyuk." sagot ni Coach Kim na punong-puno ng kompyansa.

 

"Paunahan nalang tayo makapasok sa National Playoffs, Sooro." pabirong hinamon ni Coach Lee si Coach Kim habang tinatapik ang balikat ng kaibigan.

 

"Sige ba. Pasensyahan nalang tayo SM Pink Bears pero SM Bears ang magiging numero uno sa eskwelahang ito." biro ni Coach Kim tsaka tinapik niya rin ang balikat ng kaibigan.

 

Nagdadalawang isip parin si Yuri kung lalapitan niya si Sooyoung o hindi. Natatakot siyang lumapit sa binata paano kung hindi siya makapagpigil at yakapin niya ito. Gusto niya mapahagulgol sa sobrang saya, kanina tanging siya lang ang naniniwala na makakapuntos si Sooyoung ngayon lahat na sila ay naniniwala na sa kakayanan ng binata. Kahit na bago pa lang nagsisimula si Sooyoung maglaro ng basketball ay hindi talaga mapagkakaila na may natural talent si Sooyoung sa basketball at masaya siya dahil siya ang nakadiskobre nun.

 

Pinunasan ni Yuri ang kanyang luha gamit ang palad niya ngunit laking gulat niya nang may nag abot sa kanya ng panyo, Napakapamilyar sa kanya ng panyong ito. Tiningnan niya ang may-ari ng panyo na yun at nakita niya si Sooyoung nakatayo sa gilid niya nakangiti ito. Hindi na napigilan ni Yuri ang sarili niya niyakap niya ito tsaka binaon niya ang kanyang mukha sa dibdib nito basang-basa ang suot nitong jersey ngunit wala siyang pakialam basta ang gusto niya lang gawin ngayon ay humagulgol. Nanigas si Sooyoung sa kinatatayuan niya ngunit maya-maya ay niyakap niya rin ito. Ang sarap-sarap pala sa pakiramdam makayakap ang taong nagpapatibok ng puso mo.

 

Napatingin kay Sooyoung at Yuri ang lahat. Maliban kay Taeyeon at Tiffany alam nilang lahat na may gusto si Yuri kay Taeyeon kaya hindi nila inaasahan na magkakamabutihan ang dalawang ito. Isa-isa nilang nilinaw ang kanilang mga lalamunan para kunin ang attensyon ng dalawa. Tila nauunawaan ni Sooyoung at Yuri ang nangyayari sa paligid nila kaya tumigil sila sa pagyayakapan parehong kasing pula ng kamatis ang mukha nila. Napailing nalang si Sunny habang nakangiti, hindi niya maintindihan kung bakit hindi pa nila inaamin ang nararamdaman nila para sa isa't-isa eh halatang-halata naman na pareho sila ng nararamdaman.

 

Lingid sa kaalaman nilang lahat may tatlong lalaki ang kanina pa nanunuod sa loob ng Control Panel Room na matatagpuan sa ibabaw na bahagi ng Indoor Basketball Court. Nagyoyosi ang mga ito sa loob kahit alam nilang bawal ang sigarilyo sa loob ng eskwelahan. Mga gangster ang mga ito tulad ni Sooyoung. Ang isa sa kanila ay nakamullet ang hairstyle may suot na bandanang kulay itim sa noo may peklat din ito sa mukha tulad ni Sooyoung, malaki ang pangangatawan nakasuot ito ng uniform ngunit wala itong suot na school blazer, nakalaylay din ang necktie nito, nakabukas ang mga butones nito kaya kitang-kita ang katawan nito na maraming tattoo at punit-punit ang pantalon nito.

 

Ang pangalawa lalaki naman ay mahaba ang buhok, makapal ang balbas nito at bungal ito. Nakasuot ito ng school blazer ngunit nakabukas din ang butones nito pero wala itong suot na necktie at napakadumi ng suot nitong pantalon. Ang pangatlong lalaki naman ay kalbo ito may tattoo ito sa ulo na akala mo buhok kung titingnan mo sa malayo, tulad ng pangalawang lalaki bungal din ito, Nakasuot ito ng leather jacket at may panloob itong kulay itim na sando para itong hindi estudyante ng eskwelahan na ito. Dalawa sa kanila ay may second year habang ang lalaking mullet ang buhok ay first year pa pero matanda na ito.

 

"Nakakahiya talaga sa ating mga gangster ang Choi Sooyoung na yan." sigaw ng lalaking kalbo habang sinusuntok ang pader. "Dapat dyan binibigyan ng leksyon eh."

 

"Una nagpagupit siya, pangalawa sumali siya sa pang isip bata na club na yan. Masyado tayong ginagago tayo ng ungas na yan." maigting na sabi ng lalaking may makapal ng balbas.

 

"Easy ka lang pare, makakarating din tayo dyan." nakangiting sabi ng lalaki mullet ang buhok habang hinahagis ang upos ng sigarilyo sa tabi. "Hintayin muna natin makabalik si Hyoyeon para pag sabayin na natin ang dalawang yan."

 

"Kailangan ba babalik si Hyoyeon? Babalian ko ulit ng paa ang taratadong yun pag nakabalik yun." sabi ng lalaking kalbo habang nakangisi.

 

"May plano na ako kung paano natin bibigyan ng leksyon ang Sooyoung na yan." sabi ng lalaking nakamullet ang buhok habang nakangiti.

 

"Paano?" sabay na tanong ng lalaking kalbo at makapal ang balbas.

 

"Sumali siya sa SM Bears nang dahil sa babaeng yan, ngayon nagpagupit naman siya nang dahil parin sa babae yan. Ang babaeng yan ang kahinaan ni Sooyoung, siya ang puntiryahin natin para kunin ang atensyon ni Sooyoung." sagot ng lalaki nakamullet ang buhok habang tinuturo ang babaeng mahaba ang buhok na nakatayo sa tabi ni Sooyoung.

 

"Ayos gusto ko yang plano mo." nakangising sabi ng lalaking kalbo.

 

"Kwon Yuri ang pangalan ng babaeng yan. Malapit lang ang classroom namin ang classroom ng babaeng yan." natatawang tugon ng lalaking makapal ang balbas.

 

"Ngayon na ba natin sila bubulabugin?" tanong ng lalaking kalbo.

 

"Wag muna ngayon pare. Hayaan na muna natin magsaya ang ugok na yan." nakangising tugon ng lalaking nakamullet habang naglalakad papunta sa pintuan tsaka sumunod na rin ang dalawa.

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
colleenorcullo
I don't know what to do now .. RIP Kim Jonghyun .. :'c

Comments

You must be logged in to comment
itsmecarylann
#1
Chapter 3: Ah mah gah tawang-tawa ako kay Sooyoung ee
jaekwons
#2
omg adaptation ba ito ng slam dunk?? hahaha, cute