The Troublesome Super Rookie..?

Fast Break Through Your Heart

 

 

Kinabukasan, tahimik na binabaybay ni Sooyoung ang corridor. Marahil nasa corridor siya naglalakad ngunit ang kanyang isipan lumilipad sa malayo. Wala siyang pakialam kung nakatingin sa kanya ang lahat na estudyante na nakatambay sa corridor. Medyo sikat siya sa eskwelahan nila kahit na first year pa lang siya, halos lahat na estudyante ay natatakot sa kanya. Sikat siya dahil madalas siya nasasangkot sa gulo noong nasa Junior High pa lamang siya, palagi siyang nakatambay sa Juvenile Court dahil sa mga kalokohan niya. Madalas rin siyang napaparusahan ng Disciplinary Teacher niya noong nasa Junior High pa lang siya. Hanggang sa Senior High dala-dala niya parin ang masamang reputasyon niya. Ang hindi nila alam ginagawa niya lang lahat na kalokohan na yun para magpapansin lang sa ama niya na mahigit anim na buwan na niyang hindi nakikita.

 

Pinagisipan ni Sooyoung ang alok ng dalagang second year na sumali sa Basketball Team ng eskwelahan nila. Sa totoo lang wala naman talaga siyang alam sa larong basketball pero kung ito lang ang natatanging paraan para mapalapit siya sa magandang dalaga bakit hindi niya ito susubukan? Alanganin siyang sumali sa Basketball Team baka pag nalaman ng ama niya maganda ang pinaggagawa niya sa kanyang buhay baka lalo lang hindi na magpapakita sa kanya ang kanyang ama. Huling beses nakita niya ang kanyang ama ay noong hearing niya sa Juvenile Court alam niyang dismayadong-dismayado ang kanyang ama sa mga pangyayari. Simula noon hindi na niya nakita muli ang kanyang ama.

 

Dahil lumilipad ang isipan ni Sooyoung hindi niya napansin na may parating rin sa direksyon niya, isang lalaking tumaktakbo tsaka bumangga ito kay Sooyoung, pareho silang napabagsak ang pwet sa sahig. Agad kumukulo ang dugo ni Sooyoung sa sobrang sakit ng pwet niya. Tiningnan niya ang lalaking bumangga sa kanya. Napakaputi ng kutis nito, kulay dandelion naman ang hair dye nito at naka perm hairstyle naman ito. Napakarami nito earpiercing pero napakalinis ng itsura nito,  napaka-Korean Idol ang dating nito.  Wala itong suot na blazer kaya hindi niya matukoy kung anong baitang na ito, basta kulay puti din ang necktie nito, sa tingin niya first year din ito. Sa gilid may nakita siyang mga tumilapon na kahon ng chocolates at bouquet na kulay pink na rosas.

 

"Tumingin ka nga sa dinadaanan mo, bata." malamig na sabi ng maliit na binata habang pinupulot ang kahon ng chocolates at kulay pink rosas.

 

"Ako ba tinatawag mong bata?" nakangising tanong ni Sooyoung. "Eh kompara sa ating dalawa, ikaw itong mas mukhang bata."

 

"Hindi ka ba naturuan ng mga magulang mo mag sorry? Kasi kung hindi, okay lang sa akin ako nalang iintindi. Bibili nalang ako ng bagong chocolates at bouquet." matigas na sabi ng maliit na binata.

 

Lalo nagatungan ang galit ni Sooyoung ng banggitin ng estranghero ang kanyang magulang. "Bakit naman ako magsosorry eh ikaw itong bumangga sa akin! Ayos ka ha? Angas ng pananalita natin brad ah?" nilapitan ni Sooyoung ang maliit na binata tsaka hinawakan ang kwelyo nito.

 

Agad namagitan ang mga estudyante na babae na nagmula sa magkaibang baitang. Nanggagalaiti ang mga ito sa sobrang galit tsaka tinitingnan siya ng masama hindi niya malaman kung bakit.

 

"Yah! Wag mo nga binabastos ang oppa namin!" sigaw ng babaeng first year din tulad niya.

 

"Pwede ba wag mong mahawak-hawakan ang kwelyo ng uniform ko? Ginugusot mo eh." iwinaksi ng maliit na binata ang kamay ni Sooyoung mula sa pagkakahawak niya sa kwelyo nito.

 

"Angas mo ah, ano ba pinagmamayabang mong hayop ka?" nagtaas ng boses si Sooyoung dahilan para mapalingon lahat ng estudyante sa palagid nila. Nagbulong-bulongan ang mga ito habang nakatingin sa direksyon nila Sooyoung.

 

"Sa tingin ko naman mas matanda ako sayo. Ito tatandaan mo, first year. 1989 ako pinanganak, at kayong mga first year 1990 mas matanda ako sayo kaya wag kang maangas. Matuto kang rumespeto sa mga nakakatanda sayo." sabi ng maliit na binata habang tinuturo si Sooyoung gamit ang hintuturo nito. "Maliban lang kung repeater ka.. Pero kahit ganun pa man, sunbaenim mo parin ako!" tsaka naglakad ito palayo.

 

"Yah! Hindi ako repeater! Mabasted ka sana sa liligawan mo!" pahabol na sigaw ni Sooyoung pero binalewala lang siya ng maliit na binata. "Tsaka eh ano ngayon kung 1989 siya?"

 

"Ano ka ngayon sa oppa namin, first year?" mataray na tanong ng babaeng nakasuot ng uniform pang second year tsaka nagtawanan ang grupo ng mga babae.

 

"Ako ba kinakausap mo? Pasensya na hindi ako nakikipagusap sa mga pangit." sarkastikong balik-tanong ni Sooyoung.

 

"How dare you?" bulaslas ng dalaga tsaka nirolyohan siya ng mata. "Lets go, Girls! Wag na natin pag-aksayahan ng oras ang baliw na toh."

 

"Hmp! Akala mo naman kagwapohan!" sabi ng babaeng first year tsaka sinundan ang maliit na binata.

 

"Pag ikaw nakita namin lumalapit sa oppa namin. Malalagot ka sa amin!" pagbabanta ng isa pang first year tsaka sumunod na rin.

 

Nang maiwan mag-isa napatawa ng malakas si Sooyoung. "Ano ba yung grupo ng mga babae na yun? Kulto ng penguin? Upakan ko yung oppa nila eh." natatawang sabi ni Sooyoung. Natigilan siya ng mapansin nakatitig sa kanya ang mga ibang estudyante na napapadaan o tumatambay sa corridor.

 

"Anong tinitingin-tingin niyo?!" bulyaw ni Sooyoung sa mga estudyanteng nakatitig sa kanya.

 

"W-Wala!" sabay-sabay na sagot ng mga estudyante.

 

"Gagong Mr. 1989 yun ha? Babawian ko penguin na yun pag nakita ko ulit yun." pangako ni Sooyoung sa sarili habang kinukuyom ang kanyang kamao.

 

 

Nang matapos ang morning class ni Sooyoung agad dumiretso si Sooyoung at ang mga kaibigan niya sa Cafeteria. Nang matapos bumili ng pagkain agad nagtipon-tipon silang lima sa iisang table. Dali-dali binuksan ni Xiumin ang kanyang pagkain dahil gutom na gutom na ito. Palagi tinitiis ni Xiumin ang kanyang appetite dahil dati napakalusog nito. Mabuti nalang nagsumikap itong pumayat kaya ngayon mababa na ang timbang nito. Habang si Minho naman na hindi lang niya bestfriend ngunit pinsan niya rin ay abalang nagpapa-cute sa lahat ng mga babaeng estudyante na dumadaan. Si Minho ang pinakakilalang chickboy sa kanilang lima. Sa edad na labing-apat may isang dosena na girlfriend na ito. Habang si Suho naman ay mataimtim na nagdadasal. Si Suho ay laki sa lola dahil nasa Japan na naninirahan ang mga magulang niya. Si Suho ang pinakagentleman at pinakamabait sa kanilang lima na magkakaibigan. Si Jonghyun naman ay tahimik na nakatitig sa screen ng cellphone niya, ito ang pinakamaloko at takaw gulo sa kanilang lima.

 

Nagkakilala silang lima magkakaibigan noong nasa Grade School pa lamang sila. Hindi sila magkaklase ngunit magkakatabi lang ang classroom nila. Si Sooyoung, Jonghyun at Minho, noon palaging binubully ni Jonghyun si Minho kaya palagi niyang nakakaaway si Jonghyun noon nasa Grade School pa lang sila. Si Xiumin at Suho naman ay nasa kabilang klase pero hindi pa sila magkakilala. Naalala ni Sooyoung naging magkaibigan silang lima noong pinalabas silang tatlo ng Third Grade teacher nila dahil nahuli silang tatlo na nagaaway sa kalagitnaan ng klase nila. Nang lumabas sila nakita nilang tatlo si Xiumin at Suho na nakatayo rin sa labas ng classroom nila doon nagsimula ang kanilang pagiging magkaibigan.

 

Tahimik lang kumakain si Sooyoung habang lumilipad sa malayo ang kanyang isipan. Buo na ang desisyon ni Sooyoung na sumali sa SM Bears, kung gusto niya talaga mapalapit sa dalaga kailangan niya sumali. Sa tingin niya madali lang naman ang larong basketball. Ididribble mo lang ang bola tsaka tatalon ka lang para i-shoot ang bola ganon lang.

 

"Yah! Jonghyun kumain ka na!" sabi ni Suho habang kinukuha ang cellphone ni Jonghyun.

 

"Teka..Hinihintay ko pa ang text ng girlfriend ko." sagot ni Jonghyun habang binabawi ang cellphone niya.

 

"Sino ba yang mysterious girlfriend mo na yan Jonghyun?" tanong Minho habang tinuturo ang kaibigan niya gamit ang chopsticks niya.

 

"Hindi ko lang sinasabi sa inyo dahil kapangalan ni Ahn Sohee-ssi ang girlfriend ko. Baka maheadbat nanaman ako ni Sooyoung pag binanggit ko ang pangalan niya." sagot ni Jonghyun habang pinagmamasdan ang kaibigan niya.

 

"Sohee din ba ang pangalan niya?" inosenteng tanong ni Suho habang sumusubo ng isang piraso na Kimbap.

 

"Oo!" matigas na sagot ni Jonghyun. "Yoon Sohee ang pangalan niya."

 

"Yah! Bakit naman kita iheheadbat? Nakarecover na ako kay Sohee-ssi." nakangiting sabi ni Sooyoung habang iniisip ang dalagang nakilala niya kahapon.

 

"Nako ang ngiting yan parang alam ko yan kung bakit nakarecover ka na kay Sohee-ssi." panunudyo ni Xiumin habang inaakbayan si Sooyoung.

 

"Yah! Ano ba pinagsasabi mo dyan, Minseok?" inosenteng tanong ni Sooyoung.

 

"Nako hyung.. Kahit hindi mo sabihin alam namin may gusto ka kay Kwon Yuri-nim." sumali na rin si Minho sa panunudyo kay Sooyoung.

 

"Masisi niyo ba ako kung magugustohan ko siya?" tanong ni Sooyoung.

 

"Anong gagawin mo, Syoo? Sasali ka na sa Basketball Team?" tanong ni Xiumin habang inaalis niya ang kanyang braso sa balikat ni Sooyoung.

 

"Oo, sumali ka na Soo para maging aktibo ka naman. Nakakasama sa katawan yung palagi ka lang nakaupo at nakahiga." sabi ni Suho.

 

"Hyung, alam mo ba pag naging basketball player ka dadami ang chicks mo!" masiglang sabi ni Minho.

 

"Dadami ang chicks? Basketball player kaya ang hambog na yun?" tanong sa sarili ni Sooyoung habang inaalala ang lalaking nakaengkwentro niya sa corridor kanina. "Wala namang Basketball Player na maliit."

 

"Kaya nga hindi na ako sumali sa basketball dahil ayuko na dumami pa lalo ang chicks ko. Give chance to others kumbaga." nakangiting sabi ni Minho.

 

Sabay binato ng tissue paper ni Suho, Xiumin at Jonghyun si Minho.

 

"Oh bakit?" tanong ni Minho.

 

"Ang hangin mo eh." sabi ni Xiumin.

 

"Yah Minho ilang beses ko ba sasabihin sayo na wag mong tatawaging chicks ang mga babae! Nirerespeto ang mga babae hindi tinatawag lang ng kung ano-ano." pagsaway ni Suho kay Minho. Dahil laki sa lolo at lola si Suho kaya may pagka-oldschool ito kaya napakasensitive nito pagdating sa babae.

 

"Okay sorry na." sabi ni Minho habang tinataas ang dalawang kamay niya sa ere.

 

Napailing-iling nalang si Sooyoung sa dalawang kaibigan niya. "Sasali na ako sa SM Bears. Pupunta ako sa Indoor Basketball Team mamaya."

 

"Ang tanong marunong ka ba mag basketball?" tanong ni Jonghyun.

 

"Lahat ng bagay natutunan, Jonghyun." nakangiting sagot ni Sooyoung agad sumang-ayon si Suho kay Sooyoung.

 

"Baka naman, hyung. Pag nalaman ito ng OGs mo malilintikan ka?" nagaalalang tanong ni Minho.

 

"Minho, hindi pa naman tayo siguro baka ilang araw pa lang magququit na si Sooyoung." naiiling na sabi ni Xiumin.

 

"Yah! Minamaliit mo ba ako?" binulyawan ni Sooyoung si Xiumin.

 

"Hi Minho-ssi!" sabi ng mga babaeng dumadaan.

 

"Hi girls!" nakangiting sagot ni Minho tsaka kinindatan niya ang mga ito at kilig na kilig na ang mga ito.

 

"Minho, may ipapakilala nga pala ako sa iyo." nakangiting sabi ni Jonghyun.

 

"Sino?" tanong ni Minho habang nakataas ang magkabilang kilay.

 

"Si Krystal Jung bestfriend ni Sohee." masiglang sabi ni Jonghyun. "Hindi kasi papayagan si Sohee gumala kung hindi kasama si Krystal. Mag double date sana tayo."

 

"Maganda ba?" interesadong tanong ni Minho.

 

"Hay nako." sabay-sabay na sabi ni Sooyoung, Suho at Xiumin habang umiiling.

 

"Hindi ko pa nakita eh, narinig ko pa lang pangalan niya. Ngunit pangalan pa lang mukhang maganda na." sabi ni Jonghyun.

 

"Paano kung hindi siya maganda?" tanong ni Minho.

 

"Bro, gawin mo nalang toh para sa akin, please? Gusto ko talaga makadate si Sohee." pagmamakaawa ni Jonghyun.

 

"Pagiisipan ko muna." sagot ni Minho.

 

"Alam mo, Minho. Ang impresyon ko sa pangalan Krystal Jung ay maganda." sumabat na si Xiumin.

 

"See? Kaya pumayag ka na Minho." masiglang sabi ni Jonghyun.

 

Bumuntong-hininga muna si Minho bago sumagot. "Okay."

 

"Salamat Minho, Xiumin." nakangiting sabi ni Jonghyun.

 

 

Kanina pa bagot na bagot si Sooyoung, Xiumin, Jonghyun at Minho. Kanina pa nakatitig sa wall clock si Sooyoung, habang si Xiumin naman ay abala sa pagdraw-drawing, Samantalang si Jonghyun naman ay kanina pa nakatitig sa screen ng cellphone niya at si Minho naman ay kanina pa humihilik. Tanging si Suho lang ang nakikinig sa kanilang lima. Malapit na malapit na mag alas kwatro mga ilang segundo nalang, matatapos na rin sa wakas ang boring nilang subject na History.

 

"Okay konting tiis nalang." sa isip ni Sooyoung habang nakangisi.

 

Pinagmasdan ni Sooyoung ang pulang kamay ng wall clock na umiikot. Sa totoo lang excited na siya matapos ang afternoon class niya, excited na siyang makita si Yuri. Nang tumapak na sa 12 ang pula kamay at kulay itim na malaking kamay ng orasan ay mabilis niligpit ni Sooyoung ang kanyang mga gamit. Maya-maya tumunog na ang school bell.

 

"Okay class dismiss!" nakangiting sabi ni Teacher Jang.

 

Sinuot ni Sooyoung ang strap ng backpack niya tsaka tumayo para makaalis na ngunit sinenyasan siya ni Teacher Jang na lumapit sa kanya. Wala siyang naaalala na kasalanan niya kaya hindi niya maintindihan kung bakit siya nito pinapatawag. Napakamot ng ulo si Sooyoung habang naglalakad palapit sa teacher niya. Nakita niya sila Xiumin, Suho, Jonghyun at Minho na lumabas sa classroom nila. Nang makalabas na ang lahat na estudyante ay nagsalita na si Teacher Jang.

 

"Choi Sooyoung-ssi, hanggang ngayon wala ka paring Club. Kadalasan sa Clubs ay puno na. Sumali ka nalang sa Club ko." suhesyon ni Teacher Jang.

 

"Hindi na, Jang seonsaengnim." tipid na sagot ni Sooyoung. "May Club na akong gustong sasalihan..."

 

"Oh mabuti naman kasi sa klase ko ikaw nalang ang walang club." sabi ni Teacher Jang habang nilalagay sa bag ang laptop niya. "Tsaka kailan ka ba talaga magpapagupit? Hanggang balikat na ang buhok mo para ka ng babae."

 

"Pangako seonsaengnim magpapagupit na ako next week." sabi ni Sooyoung habang naka-ninety degrees ang braso niya tsaka binuka niya ang kanyang kamay. Senyales na talaga sinsero siya sa pangako niya.

 

"Aish.. Sige sa next week ha? Kung ayaw mong ako ang gugupit dyan." pagbabanta ni Teacher Jang.

 

"Seonsaengnim mauna na po ako!" masiglang sabi ni Sooyoung tsaka yumuko at patakbong lumabas sa Classroom nila.

 

"Bata magpakabait ka sa instructor mo ha?" bilin ni Teacher Jang habang pinagmamasdan itong lumabas ng silid.

 

Hindi na sumagot si Sooyoung pero narinig niya ang bilin nito. Excited na siyang pumunta sa Indoor Basketball Court para makita ang dalagang nagngangalang Kwon Yuri. Nang lumabas siya sa classroom agad sumalubong sa kanya ang mga kaibigan niya na nakatayo sa labas ng classroom nila. Mukhang hinihintay siya ng mga ito.

 

"Sooyoung, sasama kami sayo." sabi ni Jonghyun.

 

"Susupportahan ka namin." dagdag ni Suho.

 

"Wag na.. Baka ipapahiya niyo lang ako sa harap ni Yuri." naiiling na sagot ni Sooyoung.

 

"Wag kang magaalala wala naman kaming dalang kamatis, hyung." biro ni Minho.

 

 

Kanina pa sumusulyap si Yuri sa malaking pintuan papasok sa Indoor Basketball Court. Kanina pa rin siya panay sulyap sa wall clock na nasa ibabaw ng pintuan. Kinakabahan siya baka dahil magbago ang isipan ng binatang first year na nakilala niya sa corridor sa palapag ng first year. Kaninang umaga na ikwento na ni Yuri kay Coach Kim kung paano niya nakilala ang bago niyang nirecruit na player.

 

"Yuri-ssi, kung si Kim Taeyeon-ssi ang hinihintay mong pumasok sa pintuan na yan wag ka na umasa. Nagpaalam si Taeyeon-ssi sa akin kanina na hindi muna siya sasali sa practice game." may halong panunudyo na sabi ni Coach Kim.

 

"A-Aniyo! Hindi naman si Taeyeon-ssi ang hinihintay ko." pagtanggi ni Yuri habang namumula ang mukha niya.

 

Tumawa ng malakas si Coach Kim. "Binibiro lang kita."

 

"Alam ko naman na hindi siya pupunta ngayon dahil may date sila ng girlfriend niya." sa isip ni Yuri. Pinakalma niya muna ang sarili niya bago sumagot. "Isang pasaway na bagong recruit ang hinihintay ko."

 

"Si Choi Sooyoung-ssi, yung first year?" tanong ni Coach Kim habang nakapako parin ang paningin sa naglalaro niyang players.

 

"Siya nga, Coach." sagot ni Yuri habang tinitingnan ang listahan ng impormasyon ng mga bagong recruit sa notebook niya. Sa lahat ng bagong recruit si Sooyoung lang ang blangko ang section, edad, address, height, weight at contact number dahil ito lang ang walang application form.

 

"Madalas ko na yang nakikita si Choi Sooyoung-ssi, napakatigas ng ulo nyan. Sa buwan na ito tatlong beses na yan bumalik sa office ko. Una napaaway siya sa ibang eskwelahan, pangalawa palaging late at pangatlo ayaw niyang magpagupit." naiiling na sabi ni Coach Kim. Si Coach Kim kasi ay hindi lang School Basketball Coach siya rin ay Disciplinary Teacher ng eskwelahan nila. Siya ang nagpaparusa sa mga pasaway na estudyante.

 

Napalunok ng laway si Yuri. "Talaga, Coach?"

 

"Inaamin ko kahit na magulo itong si Sooyoung-ssi ay malaking maitutulong ng tangkad niya sa team natin." sabi ni Coach Kim habang nagthuthumbs up kay Yuri.

 

Maya-maya nagulantang ang lahat ng biglang bumukas ang double door na gawa sa bakal. Natigilan sa paglalaro ang lahat ng membro ng SM Bears at binalot ng tensyon ang buong Indoor Basketball Court. Last year kasi may mga grupo ng mga Gangster na nanggugulo at nangdedelihensya sa iba't-ibang club ng eskwelahan nila. Ginulo sila ng grupo ng mga gangster at napurohan ang magaling nilang Shooting Guard na si Kim Hyoyeon na hanggang ngayon ay nasa hospital parin nagpapagaling, mabuti nalang kumilos sila agad kaya hindi nakarating sa Officials ang nangyaring gulo kung hindi bakanadisqualified na sila last year. Dahil sa kakulangan sa matatangkad na player at kulang ng isa ang starting members kaya hindi sila nakaabot sa National playoffs.

 

"Ito na ang allowance ko para bukas kaya parang-awa niyo na wag na kayo manggulo dito." pagmamakaawa ni Sunny habang inaabot ang pera niya sa mga estranghero.

 

"Ano bang pinagsasabi mo dyan bansot?" iritadong sabi ng lalaking mahaba ang buhok.

 

"Sooyoung-ssi?" nakangiting sabi ni Yuri nang marinig niya ang pamilyar na boses tsaka naglalakad siya papunta sa double door. "Mabuti naman at nakarating ka, Sooyoung-ssi!"

 

"Sabi ko naman sayo na pupunta ako diba?" masiglang sagot ni Sooyoung.

 

"Coach, sunbaenim at hoobae siya ang sinasabi ko sa inyo na bago kung nirecruit. Siya si Choi Sooyoung-ssi." masiglang pinakilala ni Yuri si Sooyoung.

 

"Annyeonghaseyo! Ako nga pala si Choi Sooyoung." agad nagpakilala si Sooyoung sa mga membro. "Sila naman ang mga kaibigan ko si Xiumin, Suho, Jonghyun at Minho nandito sila para manuod sana okay lang sa inyo." sabi ni Sooyoung. Sinenyasan ni Sooyoung ang mga kaibigan niya magpakilala tsaka isa-isa nagpakilala ang lima.

 

"Pasensya na kayo akala kasi namin mga Gangster kayong lima." napakamot ng ulo si Sunny.

 

"Ayos lang." sabay-sabay na sagot ni Sooyoung, Xiumin, Suho, Jonghyun at Minho.

 

"Sige Soo, uupo muna kami. Goodluck!" nagpaalam si Xiumin kay Sooyoung. Nakita niya umakyat sa hagdanan na bench ang mga kaibigan niya.

 

"Oh mukhang may bagong membro tayo ah!" nakangiting sabi ni Coach Kim habang naglalakad palapit kay Sooyoung.

 

"Yah! Pumunta ako dito para sumali hindi ako manggugulo." natatarantang sabi ni Sooyoung.

 

"Coach Kim siya ang sinasabi ko sayo. Diba ang tangkad niya?" agad sumabad si Yuri.

 

"Coach?" sa isip ni Sooyoung.

 

"Diba matagal ko ng sinasabi sayo na magpagupit kana? Bawal ang matigas ang ulo sa team ko." matigas na sabi ni Coach Kim.

 

"Oo na magpapagupit na!" pagsisinungaling ni Sooyoung, sa totoo lang wala siyang plano magpagupit dahil mas komportable siya pagmahaba ang buhok niya. Ningitian ni Sooyoung si Yuri at ningitian din siya nito. Nakasuot ito ng oversize na puting t-shirt at abot tuhod ang short nito nakapony-tail ang buhok nito. Medyo boyish ang dating nito ngunit napakaganda parin nito.

 

"Magpakilala ka sa amin, Sooyoung-ssi!" utos ni Coach Kim.

 

"Inuutosan mo ba ako?" giit ni Sooyoung. Maya-maya dumaing si Sooyoung ng sipain siya ng lalaki na mas matangkad sa kanya.

 

"Umayos ka ah.." bulong ng lalaking mas matangkad kaysa sa kanya.

 

"Choi Sooyoung, fifteen years old. First year class 10." masiglang nagpakilala si Sooyoung.

 

"Height at timbang mo, Sooyoung-ssi?" tanong ni Coach Kim.

 

"Ano ba tong sasalihan kong club? Basketball club o interview club? Daming tan—Yah!" tsaka sinipa nanaman siya mula sa likod ng lalaking matangkad.

 

"Wag ka masyadong maangas first year." bulong ulit ng lalaking matangkad.

 

"189cm, 70kilos." tipid na sagot ni Sooyoung.

 

"Ako nga pala si Moon Jihyuk, ako ang sentro ng SM Bears. Mabait naman ako basta wag ka lang pasaway matuto ka sa akin." sabi ng matangkad na lalaki bago siya nito iniwan.

 

"Sus hindi naman talaga ako interesado sumali sa team niyo. Sumali lang naman ako dahil kay Kwon Yuri." sa isip ni Sooyoung. Lalapitan sana ni Sooyoung si Yuri nang salubongin siya ng binatang maliit. Ito yung lalaking napagkamalan silang Gangster.

 

"Hi, Ako nga pala si Lee Sunny. Bestfriend ko si Yuri, yung manager ng SM Bears." nagpakilala ang maliit na binata. "Ang tangkad mo naman."

 

"Bestfriend? Hi bestfriend!" nakangiting sabi ni Sooyoung. "Pagkakataon ko na ito para mas makilala pa lalo si Yuri." sa isip ni Sooyoung habang nakangisi.

 

"Bestfriend?" nagtatakang tanong ni Sunny.

 

"Oo bestfriend. Bestfriend kayo ni Yuri-ssi!" mabilis na sagot ni Sooyoung.

 

"Ahhh!" napatango-tango na sagot ni Sunny habang palinga-linga. "Sige, Sooyoung-ssi. Maiwan na muna kita."

 

"Sige..Sunny-ssi." sagot ni Sooyoung tsaka akmang lalapitan na niya si Yuri ng bigla nanaman siyang harangan ng isang maliit na lalaki, ngunit hindi ito kasing liit ni Sunny.

 

"Ako nga pala si Choi Namshin, pareho tayo first year pero mula ako sa class 9." nagpakilala sa kanya ang lalaking nakasuot ng t-shirt na kulay pula mas maliit ito kaysa sa kanya.

 

"Ok?" naiilang na sagot ni Sooyoung tsaka iniwan niya ito. Lalapitan na niya sana si Yuri ng bigla nanaman siya hinarangan ng tatlong lalaki. Ang isang lalaki ay matangkad ngunit mas maliit ito ng konti kaysa sa kanya habang ang dalawang lalaki naman ay hindi ganun katangkaran. Nakangiti ang mga ito ngunit ang paningin niya ay nandoon sa dalaga. Hanggang sa buong SM Bears na ang nagpakilala sa kanya, gusto niya bulyawan ang mga ito ngunit ayaw niya mabadshot kay Yuri.

 

Lingid sa kaalaman ng lahat may isang babae pumasok sa Indoor Basketball Court. May dala itong packbag at nakasuot ito ng uniform na pang first year. Umupo ito malapit sa kinauupuan nila Xiumin, Suho, Jonghyun at Minho. Dahan-dahan niya kinuha ang kanyang DSLR mula sa bag tsaka tinanggalan ng cover ang lens nito. Itinutok niya ito sa bagong membro ng SM Bears, inadjust niya muna ang shutter speed, aperture at ISO nang makahanap ng magandang kuha ay kinunan niya ito ng litrato ng walang permiso mula sa binata. Hindi niya napansin naka-on pala ang flash ng DSLR niya at napatingin sa kanya ang apat na lalaki na nakaupo malapit sa kanya. Dali-dali niyang niligpit ang gamit niya tsaka patakbong umalis.

 

"Kilala niyo ba yun?" tanong ni Xiumin sa tatlong kaibigan niya.

 

"Hindi.." sabay-sabay na sabi ni Suho at Jonghyun habang hinahatid nila ng tingin ang babaeng tulad rin nila na first year.

 

 

Abot tenga ang ngiti ni Sooyoung. Bakas sa mukha ni Sooyoung ang saya habang siya ay nakatingin kay Yuri na abala sa pagdedemonstrate sa kanya magdribble ng bola. Napansin niya may pagkaboyish ang dalaga ngunit ang ganda-ganda parin nito kahit na pinagpapawisan na ito.

 

"Pag itong babaeng ito naging girlfriend ko, pwede na akong mamatay." sa isip ni Sooyoung habang titig na titig parin siya sa dalaga.

 

"Nakuha mo ba, Sooyoung-ssi?" tanong ni Yuri matapos mag dribble ng bola.

 

"Ah—Oo syempre naman!" pagsisinungaling ni Sooyoung. Dahil nakatitig siya sa dalaga kaya hindi masyado makapagconcentrate sa tinuturo nito sa kanya.

 

"Sige nga, ikaw naman Sooyoung-ssi." sabi ni Yuri tsaka pinasa kay Sooyoung ang bola.

 

"Anong gagawin ko?" tanong ni Sooyoung.

 

"Subukan mong idribble mo ang bola." utos ng dalaga.

 

"Okay." sabi ni Sooyoung bago nagsimula mag dribble gamit ang magkabilang kamay.

 

"Sooyoung-ssi diba sinabi ko naman sayo. Violation ang mag dribble gamit ang dalawang kamay. Double Dribble ang tawag doon." pagsaway sa kanya ni Yuri.

 

"Mianhae." tipid na sagot ni Sooyoung.

 

"Okay lang yan, Sooyoung-ssi. Natural lang naman sa bagohan yan." nakangiting sabi ni Yuri habang tinatapik ng mahina ang balikat ni Sooyoung.

 

Sa totoo lang nahihirapan si Sooyoung magdribble ng bola, palaging nawawala sa kamay niya ang bola palagi ito tumatalbog sa iba't-ibang direksyon. Gusto na sumabog ni Sooyoung ngunit ayaw niya maging masama ang tingin sa kanya ni Yuri. Hinabaan pa niya ang pasensya na hanggang sa kaya na niya kontrolin ang talbog ng bola. Hindi na ito tumatalbog papunta sa iba't-ibang direksyon at hindi na ito nawawala sa kamay niya para na itong magnet na nakadikit sa kamay niya.

 

Natapos ang araw na yun na puro dribble lang ang ginawa niya. Nakakapagod at pinupulikat ang tuhod niya at ang magkabilang kamay ni Sooyoung. Nakakahilo dahil hanggang sa pag-uwi nilang magkakaibigan ay naririnig niya parin ang pagtalbog ng bola. Ngunit kahit ganon ay masaya parin si Sooyoung dahil magkasama sila ni Yuri ng ilang oras. Ilang oras din niya natitigan ang magandang mukha ng dalaga. Nangako sa sarili si Sooyoung na bukas may malalaman siyang bagong impormasyon tungkol sa dalaga.

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
colleenorcullo
I don't know what to do now .. RIP Kim Jonghyun .. :'c

Comments

You must be logged in to comment
itsmecarylann
#1
Chapter 3: Ah mah gah tawang-tawa ako kay Sooyoung ee
jaekwons
#2
omg adaptation ba ito ng slam dunk?? hahaha, cute