2/2

Kismet

∞∞∞∞∞



Nagparebook na ng flight pabalik sa US first thing in the morning the next day. Huminga siya ng malalim, naghahanap ng lakas at naghahanda para sa bulyaw na siguradong maririnig galing kay Jongdae.

Calling Jongdae Kim…

Jongdae: O Yeol? Napatawag ka. Ang aga!
Chanyeol: Ah, eh oo. Uhm… Jongdae, sorry. Medyo mapapaaga yung uwi ko sa States. Kailangan ko kasi na biglang umuwi. Bale, sa May 3 na yung flight ko.

Nagulat si Jongdae sa binalita sa kanya ni Chanyeol at agad na napasigaw sa kabilang linya.

Jongdae: MAY 3?!? AKALA KO BA SA 5 PA?? PARK CHANYEOL NAMAN EH!!!! PARA SAN PANG PINAORGANIZE KO TONG BDAY KAY BAEK? TAPOS ANO??? KELAN KA PA BABALIK? ANG TANONG, BABALIK KA PA BA?!?! HINDI AKO NATUTUWA SAYO AH!!!

Parang sasabog ang tenga ni Chanyeol ng marinig niya ang pagsigaw ni Jongdae sa phone. Si Minseok naman na kasama ang nagwawalang si Jongdae, pilit na pinipigilan ito at inaagaw ang phone sa kamay niya na kulang na lang ay madurog sa higpit ng pagkakapit nito. Nang mahablot niya ang phone mula sa kamay ni Jongdae, agad niyang kinausap si Chanyeol.

Minseok: Hello? Bro? Bababa ko na to. Pero ano, magpaalam ka lang ng maayos sa barkada. Wag lang sa phone please. Pakakalmahin ko lang din tong si Jongdae mukhang nahigh blood sayo eh.

Binaba na ni Minseok ang call at guiltyng guilty naman si Chanyeol na di alam kung paano sasabihin sa barkada ang balitang hindi na niya maaabutan ang birthday ni Baekhyun.

Group Chat


Jongdae: PAKSHET SI CHANYEOL AALIS NG MAY 3!! TANGINA ANO NA MANGYAYARI SA SURPRISE BDAY???
Junmyeon: WTH?!
Minseok: please tulungan nyo ako pakalmahin siya
Jongin: SIGE AKO NA BAHALA
Sehun: Guys may nakita akong post sa twitter may parang benefit gig, tapos totoo ba to??? Magpeperform si Baek???
Jongdae: KELAN??? SAAN?! BAKIT DI KO TO ALAM? PATINGIN ILINK MO DITO PLEASE.

Lahat sila nagkagulo gulo sa balita, yung iba asar kay Chanyeol pero yung iba naman naiintindihan. Sinubukan ni Jongdae at Jongin gawan ng paraan para matuloy pa rin ang surprise birthday para sa kaibigan nila.

After 3 hours..

Jongdae: GUYS!!! NABILI KO NA TAYO NG TICKETS SA GIG. HOY CHANYEOL! OO KASAMA KA. MAY 1. 7 PM SA 12 MONKEYS. YUN NA LANG SURPRISE FOR BAEK. OKAY? ANG WALA DUN, PAGCHICHISMISAN.
*Seen by all*


∞∞∞∞∞



Si Baekhyun ay kasalukuyang nakakulong lang sa studio niya. Buong araw pilit na tinatapos ang wedding song ni Chanyeol. Nasa polishing na lang siya at konting arrangements para matapos ang kanta. Maya-maya ay irerecord na niya ang kanta para mabigay ang CD. Pero hindi niya ito kayang ibigay ng personal kay Chanyeol.

Mali bang malungkot siya ngayon at nasasaktan? Mali bang pinanghawakan ko yung sinabi niyang deal 5 years ago? Kasi masakit e. Masakit umasa. Pero ayoko na. Tama na. Ikakasal na siya diba? Last na to Baek, galingan mo nalang tong goodbye gift na wedding gift mo. Iniisip niya na ipabigay na lamang ito kay Jongin or Jongdae. Sa loob loob niya ay hindi niya kayang mamaalam ng personal. Kung anong tapang niya para gawin ang kanta ay siya rin naman ikinaduwag niya para ibigay ito.

Pagkaraan ng ilang minuto, sinulatan niya ito nang “To PCY From BBH”. Nakatitig lang siya sa CD at maluha- luha. Hindi niya akalaing natapos niya ang kanta. Hindi niya akalaing nagawan niyang regaluhan ng wedding song para sa sariling kasal ang taong mahal na mahal niya. Habang tinititigan niya ang CD, nangako si Baekhyun sa sarili niya “Uunahin na ang sarili, makuha lang ang sapat. Wag ka sanang magtampo, mas mabuti nang ako’y lumayo. Pasensya ka na, Park Chanyeol.”



Hindi mo na mapipilit, wala ng babalikan
Sa liwanag mong nang-aakit, ayoko ng masaktan
Nakikiusap sayo, patawarin mo na lang ako

Pasensya ka na at 'di ko na rin madama
Kay tagal kitang hinihintay
Pasensya ka na at kaya ko ng mag-isa
Kalayaan sa kamay ng lumbay

Ikaw na rin ang nag-sabi, tapos na ang lahat
Uunahin na ang sarili, makuha lang ang sapat
'Wag ka sanang magtampo, mas mabuti na ako'y lumayo



∞∞ MAY 2017∞∞


Group Chat

Chanyeol: Guys, dinner kayo sa bahay tapos sabay sabay na tayo magpunta sa gig ni Baek, okay lang ba? Miss na kayo nila Mama! Pagluluto niya raw tayo.

Isa isang dumating sa bahay nila Chanyeol ang barkada. Kung iisipin ay naging mini despedida narin ito dahil nandun din ang malalapit na kapamilya ni Chanyeol. Sino ba naman ang makakahindi sa cheesy caldereta ni Mama Park diba?

Tumingin sa oras si Chanyeol, 8:15 PM, Okay may oras pa. 9 pa naman kami aalis pa-Ortigas. Nagmessage ito sa iMessage ng “You ready? Call you in a bit. Love you. <3”

Tinawag niya ang lahat ng mga kaibigan, pati narin ang mga pinsan na nandun sa bahay nila. “Guys, pwede bang punta kayo sa sala? Lahat tayo? May sasabihin ako.” Habang inaantay niya ang lahat, sinet up niya ang smart tv sa sala para sa isang Skype call.

Nang napansin niyang nakaupo na ang lahat at pinapanuod ang kaniyang bawat galaw, humarap siya sa kanila at sinabing “First of all, thank you for welcoming me back. Thank you for squeezing me in your busy schedules, meeting me up and helping me out” sabay tingin sa kaniyang mga kabarkada. Nagsmile back si Junmyeon dahil parang alam na niya ang mangyayari. “I really appreciate it. And uhm” tumingin si Chanyeol kay Jongdae at sinabing “sorry din, kasi kailangan ko nang umalis, at mapapaaga ang alis ko”. Hindi na galit si Jongdae dahil matutuloy naman sila sa gig ni Baek mamaya kaya sumagot ito sa pamamagitan ng eye smile niya.

So, I have an announcement to make. Bago kayo magalit, magtampo, magjudge or kahit ano mang negative, please sana pakinggan niyo muna ako….kami.” Tumalikod siya sa kanila at agad nagdial in sa Skype. Lumabas sa malaking smart tv ang muka ni Kyungsoo. Nakangiti ito pero alam mong kinakabahan. Inaantay niyang mauna magsalita si Chanyeol pero lumipas na ang 2 minuto pero di parin ito nagsasalita.

“Hi everyone, my name is Kyungsoo Do. I’m uh, Chanyeol’s neighbor turned roommate here in San Francisco. Yeol?” Kung hind pa tinawag ni Kyungsoo ay di matatauhan si Chanyeol. “Yes, si Kyungsoo, he grew up in the States, but pinoy na pinoy siya” tumingin sa screen si Chanyeol, sign na kumukuha siya ng lakas ng loob kay Kyungsoo sa ginagawa at gagawin nila ngayon. “Yes” patawang sinagot ni Kyungsoo at dinagdag na “sabi ko nga sa kaniya, other than OPM, siya lang ang connection ko sa Pilipinas. Pero ngayon, sobrang Pinoy ko na lalo, dahil sa kaniya”. Nagbulungan ang mga nakaupo sa sofa na parang nakakaramdam na sa namamagitan sa dalawa.

“Soo, si Mama, well kilala mo na siya, si Ate, si Tita at yung mga pinsan ko, na lagi mo naman ding kausap” tinuro ni Chanyeol ang kaniyang pamilya na nakapwesto sa bandang kanan niya. “Hi Tita, hello po, good evening. Sana po makita ko kayo soon” pangiting sinagot ni Kyungsoo. “Hello anak” sagot ni Mama Park. Sa salitang iyon, narealize na agad ni Jongdae na mukang talunan na naman ang kaniyang manok na si Baekhyun sa labang ito. Pinilit parin niyang ngumiti dahil hindi pa umaabot sa kanila ang introduction kay Kyungsoo.

Babe, my friends. Okay, kailangan mong magpalakas sa kanila kasi uuwi ako ng maaga. Sige nga, sabihin mo names nila?” pabiro at nagpapacute na sinabi ni Chanyeol sa screen.

BABE???? Kulang nalang mapatayo sa upuan si Jongin sa narinig. Laking pasalamat ni Jongdae na siya ang katabi at hinigpitan ang hawak sa hita ng kaibigan, bilang senyas na kumalma siya, kumalma sila.

Okay, okay. I got this. So its Yixing, Hey Xing!” nagkawayan ang dalawa. Kulang nalang maputol ang leeg ni Jongdae sa narinig, Xing??? Ano to??? Magkakilala na sila??? Kailan pa???

Mukang nasense din ni Jongin ang tension ng katabi kaya ibinalik niya ang pagpisil ng hita nito at bumulong na sobrang hina nang “Si Baek” sabay sumimangot.

Next is Junmyeon. Hello Kuya!” excited na sinabi ni Kyungsoo at sumaludo naman si Junmyeon sa kaniya. “You are Minseok, Jongdae, Jongin and Sehun” tinuro isa isa ni Kyungsoo ang natitirang mga kaibigan habang sinasabi ang mga pangalang ng walag hingahan. “Finally, its nice to see everyone, hopefully, I get to see you soon.” Ngumiti ito at pinakita ang kanyang heart shaped lips sa mga kausap sa Manila.

“So… Uhm…. Kyungsoo and I are….” nagpractice naman sila kanina pero parang walang salitang pumapasok sa isip ni Chanyeol. Napansin ito ni Kyungsoo kaya nagdesisyon itong siya nalang tumapos sa spiel nila.

“We’ve been friends since he came here” sa kamay niya nakatingin si Kyungsoo, nagdadasal narin na sana pag tingin niya sa screen ay tanggapin nila ang ang sasabihin niya. “...And my life has never been the same. I mean for the better. He’s everything to me, and one day we just knew that we should be together in this life. I hope you don’t get mad at me, at us if we kept it a secret. Our friendship grew into something more, something deeper. Kahit kami, di namin na-label agad.”

“Pero I think yung label natin ngayon, kailangan nila malaman”, siryosong sinabi ni Chanyeol. “We’re engaged” sa pagsabi ng linyang ito tumingin si Chanyeol sa mga kaibigan at pamilya, umaasang tanggapin nila ang announcement. “But not yet getting married” agad na dinagdag ni Kyungsoo dahil tahimik ang mga nakaupo sa sofa. “I mean, yes we are, but not in the near future. We’re happy as is. We know we’ll get married someday, but not soon.” Nakahinga na ang dalawa ng isa isang nagsabi ng congrats ang mga pinsan ni Chanyeol, at sumunod narin ang mga kabarkada niya.

Pasakay na ng kotse si Chanyeol nang hinawakan siya sa balikat ni Junmyeon. “I’m so proud of you. See? It wasn’t so bad. Si Baekhyun nalang.” sabay akap. Samantalang sa kabilang kotse, si Jongin, Minseok, Jongdae ay tulala parin sa nalamang balita. Hindi naman sila si Baekhyun, pero ang dami nang tumatakbo sa kanilang isipan kung paano ito papasayahin, anong backup plan sa backup plan pag nawasak na naman ang kaibigan. Sandali, hindi pa ba wasak si Baekhyun? May ikawawasak pa pala siya…


∞∞∞∞∞


Akala ng magkakaibigan ay di sila aabot dahil traffic papuntang Ortigas. Tamang tama namang may umakyat sa stage para ipakilala ang susunod na performer, at ito ay ang kanilang kaibigang si Baekhyun. Si Jongin, napapasigaw pa sa sobrang excitement bilang first ever gig ni Baekhyun ito “Go Baekhyun! Galingan mo!!!” "Wooo!!! Kaibigan ko yan!" sigaw ni Sehun na sinundan ng "Love you BFF!" ni Jongdae.

Pag akyat ni Baek sa stage, nakapolong puti na medyo maluwag sa kanIya at simpleng maong. Medyo magulo ang buhok, pero yun naman ang usong style ngayon diba? Nakatungo siyang hawak ang mic habang sinesetup ang stage. Nang maayos na ang lahat, ngumiti sya sa audience pero dahil tutok sa mata niya ang spotlight di niya makita ang mga tao, dinig lang niya ang mga hiyaw at palakpakan. Ngumiti siyang nahihiya sa nadinig.

"Hi good evening everyone! Ako nga pala si Byun Baekhyun. Sana magustuhan niyo ang setlist ko, ito yung collection ng mga storya sa buhay ko." Natawang parang kinikilig na sinabi ng composer turned singer. "Itong first song ko, baka alam niyo, so sabayan niyo nalang ako." Habang nagumpisang tumugtog ang banda ng intro ng kanta ay tumingin sa kanyang kanan si Baekhyun at ngumiti ng ngiting tila abot sa kanyang tenga.

Habang kumakanta si Baek ay di napigilan magtanong ni Sehun nang "sino ba yung nandun sa harap? Kakilala ba natin? Dun lang sya nakatingin e!" sinabi ng nakababata na parang nagtatampo. "Ano ka ba, surprise nating pumunta tayo dito diba? So malay ba niyang andito tayo. Mamaya after ng set makikita niya tayo" inassure ni Jongdae at sinamahan ng matamis na ngiti at pag tulak ng sizzling plate ng sigsig kay Sehun.


Nasan ka noong kailangan ko ang yakap mo,
Hinanap, ang puso mo ang tanging baon ko
Sa langit, magsusulat na ng bagong yugto
Handa 'kong maghintay, sumulat sa 'king kamay

Hindi ko rin akalain, malilimutan kita
Subukan mang pilitin, talagang 'di tayong dal'wa
Napagod na ang damdamin, kay tagal mong nawala
Sa araw na umuwi ka, meron na akong iba



Pagtapos ng limang kanta ay nagpasalamat at bow si Baekhyun. Di makapaniwalang halos buong venue ay nakikanta sa kanyang self-composed songs. Sa sobrang tuwa niya ay naluha sya. “Ayan na!!! Lika magpakita na tayo!!!" Sigaw ni Jongdae habang hila hila si Minseok. Tumayo si Sehun at excited na magcongrats kay Baek at sabihing sobrang proud niya sa kanya.

Pagbaba ng stage ay may sumalubong na mga brasong umakap sa kanya ng mahigpit. "See? You did well!!! Everyone knows your songs!" Pasigaw na sinabi ng lalaki dahil malakas parin ang sigawan sa bar. Sobrang di makapaniwala si Baek na bakit ngayon lang niya ginawa ito? Fulfilling magsulat, pero cathartic ang kantahin ito. Masakit, pero comforting at healing pag nilalabas mo ng ganto. At masaya rin, kasi may naniniwala sa'yong kaya mo. "Thanks sa pag invite mong magperform ako ha? Ikaw lang talaga nagpush sakin gawin to. Kaya nandito ako." sabi ni Baekhyun habang tinuturo ang sarili. Ulit na nagbigay ng napakalaking ngiti si Baek at naghug back sa lalaki.

Sampung hakbang nalang ang layo nila Jongdae sa singer nang makita nila ang yakapang nangyari. Tumaas ang kilay ni Jongdae dahil hindi naman niya kilala ang lalaking kayakap ng best friend niya. "Ay, wrong timing ata tayo. Mamaya nalang" sabi ni Minseok na hinahatak nang pabalik sa upuan nila si Jongdae. "E sino ba yung lalaking yan? Kanina pa niya tinitignan habang kumakanta sya?" napalakas na sinabi ni Sehun na parang nagmamaktol. Napatingin si Baek nang narinig ito.

Ang nakakagulat ay di bastang bumitaw si Baekhyun sa akap, tinignan sila ng ilang segundo ngumiti at kinuha ang isang kamay ng lalaki at naglakad papunta sa kanyang mga kaibigan.

"Huy! Anong ginagawa nyo dito???" Excited na sinabi ni Baek. Pero ang tatlong magkakabarkada ay mas focused sa paghawak ng kamay ni Baek sa lalaking katabi niya. "huy?" Inulit ni Baekhyun. "Ah! Surprise! Advance happy birthday at congrats sa first ever gig bestie!!!" malugod na sinabi ni Jongdae. "Happy o not so happy despedida narin ni Yeol" dadag ni Sehun. "Nandito kayo lahat???" Pagulat na sinabi ni Baek habang tumitingin sa paligid, hinahanap kung saan nakaupo ang iba pa niyang mga kaibigan. Naglakad pabalik sa table nila sila Jongdae, at sumunod si Baekhyun. "Tara?" sabi niya kay Kasper.

Nang palapit na sa table ang magkabarkada, tuwang-tuwang sinabi ni Junmyeon na "i'll fund you! Gumawa ka ng sarili mong album, please!" Pinalo ang braso ni Junmyeon ni Yixing at sinabing "ano ba, di yang ang line of business mo!" "But still, i'd take the risk!" sabi ni Junmyeon na tila ayaw magpatalo sa plano.

"Guys, ano ba wag na" natatawa na kinikilig na sinabi ni Baekhyun sa kanyang mga kaibigan. Pansin ng barkada ang kasiyahan ng kaibigan. Dahil ba birthday week na niya? O dahil first time niya mag gig at maraming nanuod? ...o dahil may kahawak sya ng kamay ngayon na parang natural lang sa kanya ito?

"Okay lang talaga" dagdag ng composer. "By the way" sabay tingin kay Kasper "Kasper, friends ko. Guys, si Kasper." At inulit na naman niya ang ngiti na parang wala na siyang mata pag tingin niya kay Kasper.

"Ano ba yan, sobrang cheesy parang koreanovela" pabulong na ngitngit ng lasing nang si Chanyeol, sabay lagok ng beer. Napansin ito ng katabi niyang si Jongin."Si Kasper nga pala nagorganize nitong gig. For composers na di naman primary job ang pagsulat" dagdag ni Baek. "Tssss. If i know ginawa niya tong event para dumamoves kay Baek" sinabi ni Chanyeol na akala niya walang makakarinig dahil lahat ay nakikinig sa sinasabi ni Baek, at sobrang focused parin sa holding hands sa harap nila.

Umupo na ang barkada kasama si Kasper. "So Kasper right?" tinabihan ni Jongdae ang lalaki at sinabing "ba't di kita kilala kung friends kayo ni Baek? I'm his best friend, btw".

Napangiti muna si Kasper at binaba ang bote ng san mig bago sumagot ng "weird, we didnt know we go way back pala. Schoolmates nung Grace School then I went to Manila na. Tapos nagkita kami sa isang gig somewhere, napakilala ulit through a common friend and the rest is history" confident na pagsagot ng lalaki. "Ah, history" nakakalokong inulit ni Jongdae habang tumingin kay Baek at ginalaw ang kilay. "Historyin mo muka mo" buti nalang ay nasa kabilang dulo nakaupo si Chanyeol at di naririnig ni Baekhyun ang kaniyang side comments. "Bro, ano ba, lasing ka na, tama na yan" nilayo ni Jongin ang bote ng beer sa tapat ni Chanyeol. "guys, magpapahangin muna kami ni Yeol ha" tumayo si Jongin bitbit ang kanyang bag at hila-hila si Chanyeol.

“Chanyeol, anong problema mo? Pare, birthday ni Baekhyun wag mong sirain!” sinabi ni Jongin habang hinahawi ang kanyang buhok na parang bad trip na bad trip na sa nangyayari. "Sirain? Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Chanyeol na parang kulang nalang ay matumba na sa rami ng ininom na alak. Mabigat na ang kanyang mata, antok, hilo, lasing, pagod... Di na niya kaya pang makipagtalo sa kaibigan

"Ang ibig kong sabihin, kanina ka pa nagpaparinig kay Baek. Buong set niya wala ka nang ginawa kundi punahin lahat except yung pagkanta at mga kanta niya. Di mo ba kayang maging masaya para sa kanya? Ha?" napansin ni Jongin na parang di naman nakikinig ang matangkad niyang kaibigan kaya tinulak niya ito para magising gising man lang. "Ang hirap sayo, bumalik ka lang, kala mo lahat babalik sa dati. Chanyeol Park, hindi ganun yun. Di dahil andito ka na ulit, mabilis kang babalik sa buhay namin ng parang walang ilang taon ang lumipas".

Sa puntong ito di na mapakali si Jongin. Parang ang dami niyang energy sa katawan na gusto niyang ilabas. "hindi ko pwedeng suntukin tong mokong na to" sinabi niya sa kanyang sarili. Palakad lakad sya ng pabalik balik sa harap ni Chanyeol, habang ang lasing na si Yeol ay umupo sa sahig at tinignan ang kaibigan.

"Akala mo"... Hinihingal na sinabi ni Jongin. Pagod na sya magpabalik balik maglakad pero buhay na buhay ang dugo niya. "Akala mo ako lang ang nakapansin nung kanina? Well hindi. Dapat bothered din ako na kinikilig at masaya si Baekhyun. Pero di ko magawa. Kasi.." sabay tumigil sya at tumayo sa harap ni Chanyeol at tinitigan ito. "...kasi ngayon ko lang ulit siya nakitang ganyan kasaya".

Mabilis na tinaas ni Chanyeol ang kanyang ulo na parang mapipigtas ito at tumingin kay Jongin sanay sabi ng "masaya? Pano mo naman nalamang mapapasaya sya nung Kasper na yun? E kahit nga si Jongdae di kilala yung lalaking yun! Ang akin lang" tumayo na si Chanyeol sa kinauupuan niya kasabay ng pagtaas ng kanyang boses. "Ang akin lang, di naman niya kailangan ng Kasper para maging masaya".

Nagulat si Jongin sa sinabi ng kaibigan, at natatawa na parang di makapaniwala sa naririnig. "so anong gusto mo? Bawal siya maging masaya? Bawal siyang sumaya tulad mo? E iniwan mo nga sya e! Pinangakuan mo na, di ka na nga bumalik ng matagal, pinaasa mo, tapos ngayong umuwi ka, umuwi para ano? Saktan lang ulit siya. Matagal nang may gusto sayo si Baek at matagal na rin siyang nasasaktan dahil sayo. Ngayong siya naman ang masaya pagbigyan mo na. Yan kasi ang hirap sayo. Di ko alam kung nagtatanga tangahan ka o bulag ka lang talaga. You had your chance Chanyeol pero matagal mo nang sinayang. Ngayong may iba na siya, hayaan mo na please lang.” Dinuro ng madiin ni Jongin ang dibdib ni Chanyeol habang sinasabi ang mga salitang iyon.

"Anong ibig mong sabihin?" "Alin dun?" Natatawang sinabi ni Jongin. "Di mo ba natatandaan??? Yung sa Batangas? Sa despedida mo? Wala ka talagang maalala?” Nakatitig lang sa kanya si Chanyeol na di maipinta ang mukha. Sinagot siya ni Jongin na nag iinit na ang tenga sa mga pangyayari “Yan. Yan ang hirap sayo eh. Mangangako ka sa kanya tapos hindi mo matatandaan. Gago ka pala eh. Sinabi mo sa kanya, at malinaw na malinaw na narinig ng dalawa kong tenga, Park Chanyeol. Sinabi mo sa kanya na kapag 28 na kayo at wala pa rin kayong happy ending, siya ang pipiliin mo. Kayo na lang. Ano?! Hindi mo talaga natatandaan???” Gulat na gulat si Chanyeol sa kanyang narinig. HIndi niya akalaing narinig ni Jongin ang pangako nila ni Baekhyun sa isa’t isa.

“Paanong… Pano mo alam yan?” gulat na gulat na sagot ni Chanyeol. “Gising ako non. Lahat tayo lasing pero naalipungatan ako at narinig ko lahat. Lahat lahat. Alam mo sana nga hindi ko na lang narinig eh noh? Nakakatawa. Kung sana nung gabing yon, hindi ako nagising at hindi ko narinig ang usapang yon hindi ako umatras. Eh di sana masaya na kami ngayon.”

Di kita maintindihan Jongin! Ba’t ba ang laki laki ng galit mo sakin, ha? Ano bang ginawa ko sayo?” ani Chanyeol. “Talaga ba Park Chanyeol? HIndi mo alam? Nung sa Bistro, first time natin makilala sila Baek. Sinabi ko na gusto ko siya. Ang sabi mo sakin good luck. Pero ano? Kahit kalian kaibigan lang talaga ako para sa kanya.” Huminga ng malalim si Jongin na para bang pagod na pagod na at inilalabas lahat ng sama ng loob na matagal na niyang tinatago. Hinawi niya ang buhok niyang parang nabubugnot sa sitwasyon.

Di mo lang alam ilang beses kong pinagdasal na sana ako naman ang tignan niya at wag ikaw. Kasi ikaw hindi mo naman siya kayang mahalin ng kung paano ka niya minahal. Ako, kayang kaya ko siya alagaan at mahalin. Pero salamat, dahil sayo nahanap na niya yung kasiyahan niya kahit wala ni-isa satin iyon. Ngayon, pareho tayong nawalan. Pero congratulations na lang din kasi ikakasal ka na.”

Kinuha ni Jongin ang bag niyang naiwan sa isang tabi at binuksan ito sabay inilabas ang isang CD. “Ito. Itong CD na to. Siguro naman alam mo na para sayo to, diba? Ayan na yung kanta mo. Gawa yan ni Baekhyun para sayo. Sana maging masaya kayo ng magiging asawa mo.” sabay tulak ng CD sa dibdib ni Chanyeol at alis.

Naiwan si Chanyeol sa labas ng 12 Monkeys na parang buhat buhat niya ang mundo. Ano tong gulong ginawa niya? Nasaktan niya si Baekhyun ng wala man lang siyang kamalay-malay. Anong klaseng kaibigan siya? Anong klaseng tao siya?


∞∞∞∞∞


Di mo naman masisisi ang isang tao kung isang linggo na, jetlag parin siya no? Well, dalawang buwan din siya sa Pilipinas so hirap talaga mag adjust. Tanong ni Kyungsoo sa kaniyang sarili. Ang lungkot lang dahil yung daily “breakfast dates” nila ni Chanyeol na importanteng parte ng kanilang araw, at nang kanilang relationship ay di parin nauulit. Bakit ganun? Andito na siya pero sobrang namimiss ko parin siya? Dagdag ni Soo.

Pumasok sa studio ni Chanyeol si Kyungsoo at di na nagulat na nakapatong ang ulo ni Chanyeol sa lamesa katabi ng kaniyang piano. “Babe, wake up. Breakfast is ready. Kaya mo ba tumayo?” inalog ni Kyungsoo si Chanyeol, pero tanging “hmmmmm” lang ang naisagot ng isa. “At least transfer to the bedroom so you won’t get body pains later on” umupo si Kyungsoo sa tabi ng fiancee.

Hinawi niya ang buhok na tumatakip sa mata ni Chanyeol at hinalikan ang noo nito. Dahan-dahang nilagay ni Chanyeol ang kaniyang mga kamay sa gilid ni Kyungsoo at nilagay ang kanyang ulo sa may leeg ng kaniyang mahal. “I love you, I missed you” antok na sinabi ni Chanyeol. Napangiti si Kyungsoo sa narinig. Nilagay niya ang kaniyang mga kamay sa dalawang pisngi ni Chanyeol at hinalikan ang ilong nito. Inantay niya munang dumilat ang mata ng mahal, bago niya ipinaglapit ang kani-kanilang mga labi.

Pagtapos ng ilang minuto, tumayo si Kyungsoo at sinabing “please eat your breakfast okay? Fight your jetlag. I miss our morning dates, babe”. Pinigilan ni Chanyeol ang isa na lumabas sa kaniyang studio at sinabing “Stay. Please? Sabayan mo ulit ako magbreakfast? “I can’t Yeol, so much to do at work. See you tonight?” sagot ni Kyungsoo. Gustuhin man niya hindi pumasok, ay hindi pwede. Nagiipon pa silang dalawa para sa pinaplanong kasal.


Di ko maintindihan ang nilalaman ng puso
Tuwing magkahawak ang ating kamay
Pinapanalangin lagi tayong magkasama
Hinihiling bawat oras kapiling ka

Sa lahat ng aking ginagawa
Ikaw lamang ang nasa isip ko sinta
Sana’y di na tayo magkahiwalay
Kahit kailan pa man



∞∞ AUGUST 2014∞∞



Isang gabi pa lang si Chanyeol sa San Francisco at aaminin niyang mukhang matatagalan pa siya bago maayos ang kaniyang apartment. Sa dami ba naman ng pinadala ng nanay niya, di niya alam kung nasaan sa mga bagahe ang importanteng mga bagay. Pag gising niya ay agad niyang narealize na wala na siya sa Pilipinas, malamig ang simoy ng hangin, at walang Mama Park na sumisigaw na kumain na ng almusal. Hay nako, asan kaya yung binaon kong 3 in 1 na kape?

Pagtapos ng paghanap sa pang apat na bagahe ay umayaw na siya. Sabi niya bibili nalang siya sa coffee shop sa baba. Sana lang mura ang kape dito! Pagkabili ay umakyat siya at nakita ang isang pack ng tinapay na binili niya kahapon. Ayan, iinitin ko nalang! Tapos ay bigla niyang naisip na wala pa nga pala siyang appliances. Ano ba naman yan Chanyeol Park! Unang almusal mo sa US tapos ganito? Ayaw niya kaawaan ang sarili kaya nagbaka sakali siyang kumatok sa pinto ng kaharap na apartment. Lord, sana mabait. Sana Pinoy! Dinasal niya bago kumatok.

Hi, uhhhhh I’m Chanyeol Park your new neighbor. Uhhhhhh” sabi ni Chayeol nang binuksan ang kapitbahay ang pintuan. Nagkakamot siya ng ulo na tila hiyang hiya sa ginagawa. “Yes, how may I help you?” masungit na sinabi ng kapitbahay. “Uhhhhh, I know this is too much for our first meeting but…”
“Di ko maintindihan ang nilalaman ng puso, sa tuwing magkahawak ang ating kamay~~~”
Biglang narinig ni Chanyeol ang kanta na pamilyar pero hindi niya kilala. Sabay sabi ng “Pinoy ka?” sa kapitbahay. Natawa ito sa pagkagulat ng matangkad na lalaki sa harap ng kanyang apartment. “Yep, born and raised here, but OPM makes me proud of being Filipino. Kyungsoo by the way, how can I help you?” inalok niya ang kaniyang kamay sa bagong kapitbahay at di naman nagatubiling makipagshake hands ang bagong salta na si Chanyeol.

“Uhmmm sorry ang kapal ko, may oven toaster ka ba? Kasi wala pa akong appliances e iinit ko sana tong tinapay ko?” nahihiyang tinanong ni Chanyeol. “Yes, and come in” sabi ni Kyungsoo na binuksan ng todo ang pinto, senyales na welcome na pumasok ng kanyang bahay si Chanyeol.

Di pa natatapos ang araw ay kinailangan na naman ni Chanyeol ang tulong ng kaniyang kapitbahay. Malumanay siyang kumatok sa pinto at nagdadasal na buksan ni Kyungsoo ang pinto. “Hi Kyungsoo, uhm, sorry, pero pwede bang magpatulong?” Mukang pagod na si Kyungsoo galing siguro siya sa trabaho pero laking pasalamat ni Chanyeol na nandito siya sa harap niya.

Kasi yung shower, pano ba aayusing di masyadong mainit yung tubig?” Di na sumagot si Kyungsoo pero diredirecho na sya sa apartment ni Chanyeol papunta sa banyo. Dahil nasa isang apartmet complex sila ay pare-parehas naman ang floor plan dito. Nang maayos ni Kyungsoo ang shower, humarap siya kay Chanyeol at sinabing “have you eaten? I may have ordered too much Chinese take out. Go take a shower first tapos katok ka lang, antayin kita.” Tanging ngitian nalang ang nasagot nila sa isa’t isa.

Isang linggo ang makalipas nananakbo si Chanyeol papunta sa pinto ni Kyungsoo hawak ang kanyang laptop. “Soo? Soo? Sorry, emergency!” Wala pang limang katok binuksan na ni Kyungsoo ang pinto at pinapasok na agad ang kapitbahay. “ sorry, 11 na pala. May isusubmit kasi akong report, 11:30 ang deadline e nagloloko yung wifi ko.”

Kinuha ni Kyungsoo ang laptop sa kamay ni Chanyeol at nilagay ang kanyang wifi password. “Here, I also synced it to my bluetooth printer, just in case you need it”. Sabay upo sa tabi ni Chanyeol sa sofa. “Thanks Soo, sobrang bait mo sakin. Pano ba ako babawi?” sinabi ni Chanyeol habang nagttype sa kaniyang laptop.

Hmmmmm” nakapatong sa armrest ang siko ni Kyungsoo at nagiisip ng sagot. “Do you know how to cook?” tumigil sa pagtype si Chanyeol at hinarap ang katabi “Yes. Pero wala pa akong gamit sa bahay eh”. “Edi dito, buy the ingredients then cook us dinner? Or lunch? Or maybe both?” nakangiting sinabi ni Kyungsoo.

Sabado ng umaga, naglalakad pabalik ng apartment ang magkapitbahay. Dumirecho na ang dalawa sa apartment ni Kyungsoo para tuparin ni Chanyeol ang thank you meal sa bagong kaibigan. “Lunch is ready, let’s eat” tinawag ni Chanyel ang may ari ng bahay na nasa sala nanunuod ng tv.

Hmmmmm smells good! Hopefully it tastes good too!” excited na sinabi ni Kyungsoo. “Shempre naman, original recipe ng mama ko tong Adobo with a twist at Sinigang!” proud na sinabi ni Chanyeol. “Thats just great! Other than OPM, you might just be my other link to the Philippines” sabay bigay ng matamis na ngiti kay Chanyeol.

Di alam ng music major kung bakit bumilis ang tibok ng puso niya sa sinabi, dagdag pa ang matamis na ngiti na binigay ng kapitbahay. Parang nagising siya sa isang panaginip ng nagring ang kaniyang phone.

B calling…

Naalala niyang monthly tambay nga pala ng barkada ngayon kaya nagexcuse siya kay Kyungsoo at sinagot ang video call. “Hi B!!! Hi friends!” “CHANYEOL PARK MISS YOU!!!” sabay sabay na sinabi ng magkakaibigan. “Si Baekhyun araw araw nang nakasimangot. Umuwi ka agad!!!” sinabi ng lasing nang si Sehun. “Hahaha, kayo talaga! Uy pwede bang tawagan ko kayo maya maya? May lunch meeting kasi ako”. “Lunch date daw Baekhyun!” dagdag ulit ni Sehun.

“Hi Yeol”, ngayon, si Baekhyun nalang ang nasa video call, “sige go lang, message ka lang kung tatawag ka na. Enjoy!” Hindi pa nakakapagbye si Chanyeol ay naputol na ang tawag.

Pagbalik sa dining area ay sinalubong si Chanyeol ng tanong ni Kyungsoo na “B pala ha? And lunch date? Haha!” paloko niyang sinabi. “B as in Baekhyun na best friend ko, monthly inuman bonding kasi ng barkada ko. Yung lunch meeting, sorry, di ko alam sasabihin ko” Di alam ni Chanyeol bakit kailangan niyang magexplain sa kapitbahay pero ginawa niya.

So si B? Best friend lang ba talaga?” curious na tanong ni Kyungsoo habang kumukuha pa ng isang bowl ng sinigang. “Oo, best friend ko lang talaga yun” mabilis na sinagot ni Chanyeol. Kumuha ng tubig si Kyungsoo pero napansin ni Chanyeol ang pasimpleng ngiti nito, pagtayo sa inuupuan.

Ano ba to, yung puso ko sasabog na ba? Bakit ganito? Gustong pagalitan ni Chanyeol ang kaniyang sarili sa mga nangyayari. “Be still my heart! Baka marinig ni Kyungsoo yung kabog ng dibdib ko ano ba!”

Simula noon at araw araw nang gumagawa ng rason si Chanyeol para kumatok sa pintuan ni Kyungsoo at makita ang kaniyang ngiti.


∞∞OCTOBER 2014∞∞



Two months later, nakaupo si Kyungsoo sa sofa ni Chanyeol. Finally, nakabili na rin ng cabinets ang scholar na musician at nagpromise si Kyungsoo na tutulong siya mag ayos ng apartment nito. “Yeol, I was thinking” napatigil si Chanyeol sa kaniyang ginagawa sa sahig. “...well, I love my own space, but I need to save money on everything else, like food and transportation” casual na sinabi ni Kyungsoo. “Okay, so ano yun?” sabi ni Chanyeol.

“Naisip ko ayoko naman ng roommate, pero I’m proposing na mag carpool tayo? Tapos yung meals, breakfast and dinner, sabay tayo? Salitan sino magluluto. Para less gastos and less work.” Di pa ata tapos sa sinasabi si Kyungsoo e tumatango na si Chanyeol. Kulang nalang yata ay maging fireworks ang tibok ng puso niya sa sinabi ni Kyungsoo.


∞∞∞∞∞



Parang naging extension ng apartment nila ang apartment ng isa’t isa. Yung laptop ni Chanyeol, naiiwan niya sa sala ni Kyungsoo, kasi malakas ang wifi niya. Eventually, pinaputol narin niya ang sariling connection at naghati nalang sila. May washer and dryer din na sarili si Kyungsoo, at imbis na bumaba pa sa laundromat si Chanyeol ay dun na rin siya naglalaba.


∞∞∞∞∞



“Welcome to San Francisco bro!” masaya niyang sinabi sa kaibigan si Junmyeon na nagbabakasyon sa US ngayon. “Finally nandito ka na! Dito ka nalang kaya tumira?” tanong ni Chanyeol. “Feel at home ha?” hila hila ni Chanyeol ang maleta ng kaibigan sa kaniyang kwarto. “Sorry maliit lang apartment ko, pero sa kama ka na, ako na sa sofa bed!” “Ano ka ba Chanyeol, gusto mo ako dito patirahin pero sa sofa mo ako papatulugin?” nagulat si Chanyeol sa sinabi ng kuya ng barkada. “Biro lang bro. And besides, andun ang barkada. Andun best friends mo.”

“Yeol, have you seen my other gray sock?” dire-direchong pumasok ng apartment si Kyungsoo na di man lang napansin ang bisitang nasa sofa. “ maybe it got mixed up with my laundry. I just got my clean load this morning, check my basket its in my room” at pumasok ang dalawa sa kwarto ni Chanyeol. Tila nanunuod ng isang palabas si Junmyeon sa kaniyang nakita. Sino ang lalaking yun? At bakit nagshshare sila ng labada?

Ilang sandali lamang ay lumabas ang magkapitbahay na parang naglolokohan. “Ehem” sabi ni Junmyeon. “Bro, sorry, nalimutan kitang ipakilala. Uh, Kyungsoo, si Junmyeon Kim, kuya ng barkada namin. Junmyeon, si Kyungsoo, kapitbahay ko”. “Hi, nice to meet you” tumayo si Junmyeon at inabot ang kaniyang kamay kay Kyungsoo.

Nang gabing iyon naginuman ang dalawa para sa long awaited catch up. “So, Kyungsoo?” sabay taas ng kilay ni Junmyeon sa kaibigan. “Ah, eh, hehehehe. Neighbor. Good friends!” di sigurado si Chanyeol sa sinasabi niya kaya napalagok siya ng kaniyang beer. “And?” dagdag ni Junmyeon. “Mahal lahat dito, so lahat ng pwede namin ishare para magcutoff ng expenses, ginagawa namin. Laundry, wifi, transpo, ganun. Ay pati pala breakfast at dinner.” pa-defensive na sagot i Chanyeol.

“So, basically? Baekhyun, San Francisco version?” buti nalang walang beer sa bibig ni Chanyeol kung hindi ay maibubuga niya ito sa kuya niya. “Bro, iba naman si Baek. Iba si Kyungsoo. Mature version of me needs Kyungsoo in my life”. “So meaning? Di ka na uuwi after 2 years kasi mature you, found love in San Francisco?” tanong ni Junmyeon. “Well, di naman kami e. Pero my every day won’t be complete without him” direcho at honest na sinagot ni Chanyeol.

Pwede ba akong mag advice kahit di ka humihingi?” Tumango nalang si Chanyeol. “If you think Kyungsoo is the one for you, why don’t you tell him? Hindi yung nasa complicated waters kayo. Wag mo muna isipin ang PIlipinas, you know we want you all back home, but if happiness is here, we don’t want to hold you back. This is me speaking in behalf of our barkada”.

Parang yun lang ang inaantay ni Chanyeol na push. Nagpasalamat siya kay Junmyeon at di na nakapag antay pa. Lumabas siya ng apartment at dumirecho sa pintuan ni Kyungsoo.

“Soo?” sabay katok ng pinto. Pagtapos ng ilang minuto binuksan ni Kyungsoo ang pintuan. Nakasalamin siya, naka puting tshirt at blue stripes na pajama. Forever nang tatatak sa utak ko ang look ni Kyungsoong ito sabi ni Chanyeol sa kanyang sarili.

Nasa ilalim ng mat yung susi Yeol, alam mo yun, why’d you have to kn---” Di na natapos ni Kyungsoo ang sinasabi dahil may labi nang sumalubong sa kaniyang mga labi. Simpleng kiss lang na nagtagal ng isang minuto mahigit, pero parang nagkaintindihan na ang dalawa sa ibig sabihin nito.

Simula ng gabing iyon ay nagsimula na ang ChanSoo chapter ng buhay ni Chanyeol Park.


∞∞JUNE 2017∞∞


“Babe? Baby, are you here?” pumasok si Kyungsoo sa apartment nila ni Chanyeol. Walang sumasagot sa kanya. Hay, baka tulong na naman. Malungkot na sinabi sa sarili. Walang pagkaing luto, parang kaninang umaga lang.

Isang buwan na bumalik galing sa Pilipinas si Chanyeol pero parang di parin siya nakakabalik sa wisyo. Habang nagiinit ng tubig si Kyungsoo para sa kanyng ramen, sumilip siya sa studio ni Chanyeol nagbabaka sakali kung nandun ang fiancee niya. Sobrang gulo ng lamesa kaya naisipan niyang ayusin ito. Habang nagtatapon ng mga paperl, nakakita ng isang package si Kyungsoo at nakalagay ay “To PCY From BBH”, binuksan niya ito at may nahulog na sulat.

Dear Yeol,
Surprise! Sorry di ko sinabi na ako yung hinahanap mong composer. Ayoko kasing magtampo ka na mas magaling ang non Music Major friend mo sayo. Hehehe joke lang. Seriously, I wish you all the best. Para man ito sa nililigawan mo, sa magiging lover mo, o sa mapapangasawa mo. I want you to be happy. I hope you like it. :)
Always,
B

Hindi alam ni Kyungsoo kung ano ang mararamdaman. Alam niyang si Baekhyun ang best friend ni Chanyeol. Alam din niyang sila ang pinakaclose sa barkada. Minsan narin niyang tinanong si Chanyeol na ang B ba ay para sa Baekhyun at best friend lang talaga?

Gusto maintindihan ni Kyungsoo ang lahat kaya kinuha niya ang laptop niya, bumalik sa dining table at ginoogle niya si BBH. Nalaman niyang nagumpisa lang ito magsulat nung August 2014 at isa isang binasa ni Kyungsoo ang lyrics ng mga kanta. Unti-unting niyang pinagtagpi-tagpi ang alam niya, kwento ni Chanyeol kung sino si Baekhyun, kwento ni BBH base sa articles sa internet, at sa mga lyrics ng kanta. Tumulo nalang ang luha niya habang humhinga ng malalim.

Nung gabing iyon, nakita ni Chanyeol si Kyungsoo sa kanilang sofa. “Baby, sorry I’m late” sabay yakap sa fiancee. Hinalikan ni Kyungsoo ang mas nakatatangkad as sinabing, “Its okay love”. Umupo silang dalawa sa sofa, “Hey can we talk?” “About what?” “About this”, iniabot ni Kyungsoo ang CD na galing kay Baekhyun.

San mo nakuha to? Uh, surprise! Our wedding song, babe!” sabi ni Chanyeol na di pa naiintindihan ang sitwasyong hinaharap niya. “Para satin ba talaga yung kanta? I think para sayo to. Hindi galing kay BBH, kung hindi galing kay Baekhyun para sa Chanyeol niya”. Natahimik si Chanyeol na parang nanuyo ang lalamuan at di makapagsalita. “Listen to this. Don’t think about me. Think of Baekhyun singing this for you. Wait no, listen to all of his songs. Please. I love you, and I want you to do this.”



∞∞ AUGUST 2017 ∞∞


Dalawang buwan na simula nung gabing iniabot ni Kyungsoo ang CD kay Chanyeol. Alam naman niyang magiging mahirap ito para sa kanilang dalawa. Hindi niya kailang si Baekhyun talaga ang first love ni Chanyeol. Pero siyempre, sa kaloob looban ng puso niya, umaasa pa rin siya na siya ang pipiliin ni Chanyeol kahit pa marinig niya ang mga kantang alay ni Baekhyun sa kanya.

Nung mga unang araw, sinubukan niyang ibalik ang dati sa lahat- breakfast dates, kulitan, lambingan pero kalaunan ay napansin niyang may nagbabago na. Hindi niya kailang nasasaktan siya pero in denial pa rin siya.
Isang gabi, pagod na pagod si Kyungsoong umuwi galing trabaho. Dumiretso siya sa kaniyang apartment bitbit ang gamit niya at iniisip ang report na kailangan pa niyang isubmit sa boss niya na hanggang midnight na lang ang deadline. Time Check: 8:00 PM na, kaya nag aatubili siyang kumain ng hapunan, nagbihis at naligo para masimulan na ang report. Hindi na niya inantay si Chanyeol na ilang gabi nang hindi sumasabay sa kaniya sa hapunan. Hindi na rin sila madalas nag aabot dahil busy sila pareho sa trabaho. Nakalatag na sa table lahat ng kakailanganin niya para sa report nang marealize niyang naiwan niya ang laptop charger niya sa apartment ni Chanyeol. “Kukunin ko ba sa kanya? Hindi, wag na kaya, bahala na? Ano ka ba Soo! Pano pag namatay baterya ng laptop mo? Ano gagamitin mo? Ugh! Bakit ka ba nagkakaganito!” Walang choice si Kyungsoo kung hindi kunin ang laptop charger niya sa apartment ni Chanyeol.

Kinuha niya ang susi sa doormat at dali daling pumasok sa apartment. Agad niyang nakita ang charger na nakapatong sa isang lamesa sa living room. Kinuha niya ito at lalabas na sana nang marinig niyang merong umiiyak sa kabilang kwarto. Natigilan si Kyungsoo sa kanyang ginagawa at dali daling pumunta sa pinanggagalingan ng tunog.

Sumilip siya sa pintuang nakabukas ng bahagya at agad niyang nakita si Chanyeol na nakaupo sa harap ng electric organ nito at nakatitig sa bintana, tumutulo ang luha sa mga mata habang pinapatugtog ang wedding song nilang “Sayo” sa speakers. Hindi ba dapat kapag wedding song, ngumingiti ang isang tao? Pero bakit yung wedding song nila iniiyakan ni Chanyeol? Natatawang tanong ni Kyungsoo sa sarili kahit alam naman niya ang sagot. Naglakad siya papunta sa direksyon ni Chanyeol, umupo sa tabi nito at niyakap ito ng mahigpit. Parang mababasag ang dibdib ni Kyungsoo sa ginagawa niya pero alam niyang dumating na ang panahon. Wag ka na magdeny sa sarili mo. Parang binubulong ng utak niya sa kaniyang puso.

Tumingin si Chanyeol sa kaniya, magang maga ang mata. “Babe? Why are you crying? I hate seeing you like this. You can stop now, it’s okay.” bulong ni Kyungsoo sa kaniya. Hinigpitan pa ni Chanyeol ang yakap sa fiance at bumulong ng “I don’t know what to do, I hate seeing us like this. I hate seeing you getting hurt everyday because of me. You know that I love you, right?” nakatitig na sinabi ni Chanyeol. “Shh. I know, Yeol. I know. But I love you so much more that I’m willing to give away my happiness just so you can have yours.” walang nasabi si Chanyeol kaya patuloy na nagsalita si Kyungsoo. “Maybe.. Maybe i’m your placeholder.” “Huh?” mabilis na sagot ni Chanyeol. “A placeholder. Someone you date until you meet the love of your life, or in this case until you’re ready for him. Yeah. I think I am your placeholder Chanyeol. If it weren’t for me, you wouldn’t have the guts to date anyone. Remember? Kay Baekhyun, sobrang torpe mo pero nawala yun nung nakilala mo ko. Aminin mo, naging sobrang mature mo- nating dalawa sa relationship na to and we grew. Baka yun tayo, placeholders, sa buhay ng isa’t isa. Mahal kita, Chanyeol sobra sobra. But I don’t see the point in prolonging this relationship when we both know its bound to end.” “Soo--” “Chanyeol, I know from the very beginning it was Baekhyun whom you really loved. Even when we were starting, kung paano ka magkwento tungkol sa kaniya, iba yung kinang ng mata mo. I never saw that kind of intensity with anyone else, and I knew he was the one for you. It’s okay, Chanyeol. No hard feelings. I love you.” niyakap ulit ng mahigpit ni Kyungsoo si Chanyeol. “I love you too.” hinalikan ni Chanyeol si Kyungsoo sa noo. Parang isang malaking tinik ang nawala sa kaniyang dibdib.



∞∞ SEPTEMBER 2017 ∞∞


Nasa loob ng apartment si Kyungsoo at di mapakali, kanina pa siya palakad lakad. Siguro nakaka sampung ikot na siya sa kwarto niya habang hawak hawak ang phone niya. “Tatawagan ko ba o hindi?” tanong niya sa sarili habang tinititigan ang wallpaper niya. Binaba niya ang phone niya sa table at pumunta sa living room. “Bahala na” sabi niya.


∞∞∞∞∞


“Flight PR6104 bound to Manila is now boarding.”

Agad na kinuha ni Chanyeol ang bag niya at naglakad papunta sa boarding gate. Papatayin na sana niya ang phone niya nang nag ring ito.

Kyungsoo Do calling…

Sinagot niya agad ang phone.

“Hello? Yeol?” mahinang pagbati ni Kyungsoo sa kanya. “Soo? Why? What’s wrong? Did something happen?” nag-aalalang sagot ni Chanyeol. “No! Wala, wala. Can you give me a second? Don’t talk, just listen to what I have to say.” Natakot si Chanyeol dahil baka magmakaawa itong makipagbalikan sa kaniya. Hindi na niya kakayanin kung madaragdagan pa ang complications sa sitwasyon niya ngayon. Sa lalim ng kaniyang pag iisip, di niya agad narinig na parang may humuhuni sa kabilang linya. Gusto niyang tanungin si Kyungsoo kung ano yun pero sinabihan niya siyang makinig lang muna. Inilapit niya maigi sa kanyang tenga ang kanyang telepono at nagantay...



Huwag kang mag-alala nakaukit na sa isip ko
Nakatitig sa 'yong mata nasa langit na ba ako

Minsan lang nagsama sa Lunes aalis ka na
Salamat narin ikaw ay nakilala

Doon mag-ingat ka (San ka man magpunta)
Matulog maaga (Para di mamutla)
Huwag masyadong magpupuyat inom gamot pag nilalagnat

Sayang din talaga pag kausap ka'y sarap sa tenga
Ngiti mong kay ganda siguradong mami-miss kita



Tumigil si Kyungsoo ng 2 segundo. Agad namang napabulong si Chanyeol ng “Soo…” sumagot si Kyungsoo ng “wait.” Huminga ng malalim at tinuloy ang kanta.


Minsan lang nagsama
At bukas aalis ka na
Sayang sana ay nagtagal ka pa



Tumahimik ang lahat, biglang sinabi ni Kyungsoo, “Bye Yeol. I guess this is it huh? I’ll miss you and thank you for everything” at agad niyang binaba ang telepono, hindi man lamang binigyan ng pagkakataon si Chanyeol magsalita.



∞∞OCTOBER 2017∞∞



Nasa kwarto si Chanyeol at nakahiga sa kama nang may nagnotif sa kanyang Telegram app.

Message from Junmyeon Kim:
Mag-iisang buwan ka na pala dito sa Pilipinas wala man lang kaming alam?! Kahit isa samin hindi mo sinabihan? I’m hurt, Chanyeol Park. Kung hindi ko pa kinamusta si Kyungsoo hindi ko malalaman ang mga nangyari. Pero sige, dahil birthday mo next month, abswelto ka for now. You can’t go on hiding and you can’t keep on running away from your feelings forever. Bibigyan kita ng oras pero kailangan sa birthday mo magpakita ka sa aming lahat ha? Miss ka na namin, Yeol.

Nagguilty din naman si Chanyeol na hindi siya nagpapakita sa barkada pero kailangan niyang makapag isip isip. Iniwan niya ang buhay niya- ang fiance niya. Siguro naman meron siyang karapatan para mag-isip isip hindi ba? Laking pasasalamat lang niya na sa lahat ng nangyari, alam niyang naiintindihan siya ng kuya niya- kuya ng barkada.


∞∞NOVEMBER 2017∞∞



November 27, 11 PM sa bagong café ni Kuya Junmyeon sa Kapitolyo. Napalibutan ng Christmas lights na iba-ibang kulay ang lugar. Puro balloons din na may nakasabit na lyrics ng mga kantang ginawa ni Baekhyun, mayroon ding mga gawa ni Chanyeol… para kay Baekhyun.

“Jongdae, sorry ang traffic! Asan na ba---” dire-direchong pumasok sa entrance ng café si Baekhyun at natigilan sa nakita. Alam niyang bago lang ang café pero bakit niredecorate ulit ni Junmyeon? Ang gastos naman niya? “Dae!!! Junmyeon?” medyo nalost si Baekhyun tinignan ang phone, either late siya or maaga siya kasi may private event ata?

Natigilan lang siya nang narinig niya ang tunog ng violin, cello, viola at piano. Alam niyang sa looban ng café, sa isang sulok ay may maliit na stage dun at hinabol niya ang tunog.

Inaayos ko ang iyong isipan ngunit hindi ka nakikinig
Lahat na ng bagay ay aking ginawa ngunit wala parin

Di na kailangan mag-isip pa ni Baekhyun dahil alam niya kung kaninong boses yun. Pero imbis na bilisan niya pumunta ay lalong lumiit ang kaniyang mga hakbang. Teka lang, ano to? Bakit nandito si Chanyeol?
Bakit ganiyan siya makatingin sa akin? May dumi ba ako sa muka??? Napansin ni Chanyeol ang pagaalinlangan ni Baekhyun kaya naglakad siya papalapit at hinawakan ang pisngi at lumapit na tila wala ng espasyo para huminga. Tumingin si Chanyeol sa mata ni Baekhyun, pabulong pero mataimtim na parang dasal niyang kinanta:



Ilang beses ko bang sasabihin na wala nang kwenta ang nakaraan
Pero iyong pinipilit



Dahan dahang lumapit si Chanyeol at hinalikan ang pisngi ni Baekhyun. At nang muling nagtagpo ang kanilang mga mata, napansin nilang parehas na silang umiiyak. Kinuha ni Baekhyun ang mic kay Chanyeol at inilapag sa lamesa sa tabi nila. Hinawakan ng kaniyang kaliwang kamay ang leeg at ang kaniyang kanang kamay sa pisngi ni Chanyeol. Hinaplos ang pisngi at di na niya inantay pang kumanta muli si Chanyeol. Tinuloy niya ang kanta:


Ikaw lang ang nais kong makasama
Wala na kong gusto pang balikan
Kahit ako'y papiliin ikaw ay umasang
Gusto kong makapiling



Di rin makapaniwala si Chanyeol sa nangyayari. Sa oras na binuka ni Baekhyun ang kaniyang bibig at lumabas ang napakaganda niyang boses, di na niya napigilang akapin ito ng mahigpit. Sabay na huminga ng malalim ang dalawa na tila nagsasabing “hay salamat nandito narin tayo”. Panandaliang tumahimik ang paligid at doon, alam nilang kontento na sila, sa yakap ng isa’t isa. Pagtapos ng ilang minuto hinawakan ni Chanyeol ang mukha ni Baekhyun at tinuloy ang kanta. Tumatawa siya na umiiyak sa saya! Si Baekhyun ngumiti na naman ng paborito niyang ngiti, yung nawawala ang mata! Pagkatapos kantahan ni Chanyeol si Baekhyun, kinuha niya ang kamay nito at tumitig sa kaniyang mga mata sabay sabi nang “Hindi pa naman ako huli sa pangako diba? Wala pang 12 midnight, Baek. Twenty eight pa lang ako eh.” sabay kamot sa ulo niya na parang kinakabahan sa isasagot ng kaharap niya. Natawa na lang si Baekhyun sa sinabi ni Chanyeol at tumango na parang mababakli ang leeg. Tinignan ni Baekhyun ang kaniyang relo “11:59 PM.” Tinitigan niya ito ng matagal hanggang sa mag 12 midnight. Sabay tingin sa kaharap niyang hindi na maipinta ang mukha dahil sa kaba sabay bitaw ng salitang “Happy Birthday Chanyeol Park. You’re just in time.”



Sige na, tahan na, dahil mahal na mahal kita
Ikaw lang kasi, maniwala ka
Ikaw lang ang nais kong makasama
Wala na kong gusto pang balikan
Kahit ako'y papiliin ikaw ay umasang gusto kang makapiling



∞∞2023∞∞



“Jongdae, handa ka na ba? Please, ito lang ang hinihiling ko sa’yo. Basta kantahin mo lang ng tama. Wag mo unahan ng iyak ha?” kulang nalang lumuhod sa harap niya si Chanyeol. Buti nalang nakabihis na ito at kung hindi, luluhod talaga siya.

“Try kong hindi umiyak. Grabe ka, hindi lang ito! Best man ako ng best friend ko no!” Ngumiti abot tenga si Chanyeol at niyakap niya si Jongdae “thank you sa lahat. Kung hindi dahil sa iyo di kami magkakakilala ni Baek, kung di rin dahil sa pagpaniwala mo samin, baka sa iba siya napunta.” “Kahit naman ipagtulakan ko siya sa iba, kung may nangako naman sa kaniyang magiging sila pag 28 sila, sayang lang din effort ko!” pinalo ni Jongdae ang isang balikat ng kaibigan. “Alam mo rin yun???” nagulat si Chanyeol, akala niya talaga siya lang ang nakarinig nun, 9 years ago.

“Okay, showtime!” sumilip sa kwarto si Junmyeon at tinawag na ang mga kabarkada papunta sa venue. “Ready?” tanong ng kuya ng barkada kay Chanyeol, “yes” at binuksan niya ang pinto papunta sa kakasalan nila ni Baekhyun.


∞∞∞∞∞



Nag-uumpisa na maglakad si Chanyeol papunta sa harapan nang napansin niyang hindi kumankanta si Jongdae pero tumutugtog na ang string quartet. Tinignan niya si Jongdae at sinagot ito ng nakakalokong ngiti pero tumutulo ang luha. Hindi pwedeng walang kumanta, ginawa ko ‘tong wedding song para kay Baek, dapat may kumanta! Nagpapanic na si Chanyeol, aagawin na dapat niya ang mic sa altar, nang biglang narinig niya ang boses ni Baekhyun.

Parang biglang nag slow motion ang lahat kay Chanyeol. Unti-unting bumukas ang pinto at sa wakas, Nakita na niya pagkatapos ng isang buong araw ang mahal niya sa buhay. Nawawala na naman ang mata ni Baekhyun sa sobrang ngiti nito, pero hindi nagrereklamo si Chanyeol, dahil ito na yata pinakamaganda at pinakamasaya niyang nakita ang best friend… na maya maya lamang ay papakasalan na niya.

Umulit sa intro ng kanta ang pagtugtog ng string quartet, ang habang mabagal na naglalakad palapit si Baekhyun kay Chanyeol ay kinakanta nito ang wedding song na ginawa ni Chanyeol para sa kaniyang B.



Didn't mean to take you for granted
Didn't mean to show I don't care
Didn't mean to throw away this once in a lifetime of chance
Being with you

And I'll drive for 2 hours
To bring butterfingers
I don't mind the distance
This kismet's a dance

This time I surrender
My everything forever
Life doesn't matter
Just our souls together

Pride no longer has room in me
On bended knees in public I cry
Your name for everyone to know that I love you, I love you
Please hear me now

And I'll drive for 2 hours
To bring butterfingers
I don't mind the distance
This kismet's a dance



∞∞WAKAS∞∞


KISMET

A compilation of songs written and sung by Baekhyun Byun.

Para sa Parol ng buhay ko. -BBH

Track 1: Parol
Track 2: Kundiman
Track 3: Masanay Ka Muna
Track 4: Nagtahan
Track 5: Hiling
Track 6: Sayo
Track 7: Summer Song
Track 8: Pasensya Ka Na
Track 9: Meron Nang Iba
Track 10: Ikaw Lamang
Track 11: Ingat Ka
Track 12: Fourteen
[BONUS] Track 13: Kismet (written by PCY)


Listen to the songs here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLlA78QvE612BUQdnfLGQcNwgqxjKfijuZ

PS: Salamat sa inspirasyon, Silent Sanctuary!


∞∞chaandcath2017∞∞

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
isolovesuju
#1
Chapter 2: Lots of people recommended this to me. Ganda :) My first tagalog fic I've read here in aff.
strawbaeky_ #2
Chapter 2: omg hello!!! sobrang ganda nung fic huhuhu ang intense lalo nung feelings kase tagalog. sana makabasa pa ko ng maraming fics from you!! ang ganda talaga!!???
gossipman
#3
Was listening to Silent Sanctuary at work and I was reminded about this so like this will be my 3rd time reading this! Hahahha
bbhpcy0202
#4
Can someone translate it to english? I really wanna read it bcs my fav author read it and recommended it.. pleeeeeease
immatricharight #5
Silent Sanctuary karamay sa saya at lungkot ?
strawbaekrries #6
Chapter 2: Hello po! Just want you to know na simula nung nabasa ko to sa naritokami, araw araw ko nang pinakikinggan yung silent sanctuary songs na natutulog sa files ko. Ang dami dami dami kong feels sa fic na to. Maraming salamat po sa pagsulat!
tralmpling #7
hi po mga momshie. salamat po sa fic na to. jusko sinira nyo buhay ko pero inayos nyo naman din sa huli. ang sarap lang din sa feeling na silang dalawa talaga yung nakauluyan sa huli. destiny po talaga. tapos salamt din sa paggamit ng mga opm songs tapos silent sanctuary pa talaga (na-emo po talaga aq). ang sarap lang pakinggan ng playlist ni baekhuyn habang nagbabasa. *sanadara park voice: mahal ko kayo. <3 <3
asdfghjklQueenB #8
Chapter 2: Gusto ko yung ginamit nio yung Kismet
Shadowslurker #9
Wish i could read :(