1/2

Kismet

∞∞ JUNE 2012 ∞∞



Sa labas ng 70’s bistro sa Anonas nagkakila-kilala ang barkada. Sobrang saya ni Chanyeol na napilit niya ang bros niyang si Sehun at Jongin manuod ng gig ng paborito niyang si Ebe Dancel.

Si Jongdae naman mega emote sa kakanuod lang niyang play na Sa Wakas. Sobrang emotionally attached siya sa mga kanta at kaya sila napadpad sa Bistro nung gabing iyon. Nabalitaan niya sa Instagram na mag-o-all Sugarfree set ulit si Ebe, kaya dali-dali niyang tinawagan si BFF BBH para samahan siya. Since supportive emotera friend si Baekhyun, walang tanong tanong, go agad siya. Pagtapos kumain ng dinner sa Bellini’s (because One More Chance will forever be their fave movie) for a pre-gig meal, eto na sila ngayon, nakaupo sa gutter, sa labas ng Bistro, nagaantay makapasok.

“Pare, puno na daw sa loob. Sisiksik pa ba tayo?” nag-aalalang tinanong ni Jongin. Gulat naman si Sehun na sinabing “Bro, SRO? Pano ako kakain ng sisig???!!!” “Ikaw talaga wala kang alam kundi pagkain” nabatukan tuloy ni Jongin ang nakababata. “O sige, wag kang kakain ha. Akin lang yung sisig” banta ni Sehun.

Nanlaki ang mata ni Chanyeol tapos unti-unting nakikitang nawawalan na siya ng pag-asang makapasok. Tumayo si Chanyeol at mukang with finality na ang pag sabi ng “e di sige. Team labas. Maririnig naman natin dito diba? Lalabas din naman si Ebe pagkatapos ng set.” Di napigilan ni Jongin at Sehun na lumambot ang puso na nakakaawang itsura ni Chanyeol.

Sabay biglang may humirit sa kanilang tabi “gusto mo rin ba team labas nalang din? Pero kaya ko naman tumayo ng matagal. Punasan ko pa luha mo pag di mo na kaya mamaya.” Matinis na sumagot ang katabi niya ng “talaga ba?! Thanks besh!!!”

Lumabas ng pinto ang bouncer, hinarap sila at nagalok “may nagcancel na table sa likod, gusto niyo ba kunin? Sulok pero ok na kung gusto niyo talaga.” Tumayo si Baekhyun
“Ay di po kami magkasa---” “OO KUYA KUKUNIN NA NAMIN!!!” malugod na sinabi ng sabay ni Chanyeol at Jongdae.

“Chanyeol Park nga pala” nakipagshake hands sa bagong kilala, “Jongdae Kim, Ebe fan” sabay ngiti abot langit. “Ito nga pala si Jongin at Sehun, best friends ko” sa pagsabi niyang iyon, cue ng dalawang bros na tumayo sa kaniyang tabi.

Tumuro naman sa kaniyang kaliwa si Jongdae “BFF BESHIE BBH Baekhyun Byun ko”. “Hi.” pa-shy na sinabi ni Baek. Nakita agad ni Jongin ang matamis na ngiti ni Baekhyun, di niya namalayang naitulak na pala niya patabi si Sehun para mahawakan ang kamay ni Baek “Hi!” sabay shake hands kay Baek, mukhang crush at first sight ata.



∞∞ DECEMBER 2012 ∞∞



“Yeol, di nga ako pwede sumama sa Baguio sa inyo sa Christmas break. Nahanapan ako ng side job buong December nung isa kong prof. Sayang naman, pang allowance ko rin.” Kausap ni Baekhyun si Chanyeol sa cellphone habang nakaupo siya sa isang gazebo sa may field. “E pano na yun? Si Mama nagsabing sumama ka. Inaasahan ka na nila” sagot ni Chanyeol na nasa likod na pala ni Baekhyun. Ipinatong nito ang kaniyang baba sa balikat ng kaibigan at sumimangot na nagpapaawa.

“Baek~~~” parang batang sinabi ng Music major. Di makalingon si Baekhyun sa lapit ng mukha ng kaniyang kaibigan. Yung iniisip pa nga lang niyang ganito kalapit si Chanyeol sa kaniya ay sapat na para manghina ang kaniyang mga tuhod. “Baek~~~ sige na please” inulit ng kaibigan.

Di na kaya ni Baekhyun, sasabog na ang kaniyang dibdib kaya tumayo ito ng biglaan. Sorry Yeol, gotta protect my heart. Muntik na sumubsob si Chanyeol, buti nalang nakahawak ito sa sandalan ng gazebo.


∞∞∞∞∞


Naglalakad sa kahabaan ng Espana ang magkaibigan isang hapon, “may bumibili pa ba ng ganiyang mga parol?” tanong ni Baekhyun pagdaan nila sa isang pagawaan ng parol. “Oo naman siguro, kung ganun karami ang nakasabit parin sa tindahan nila” sagot ni Chanyeol.

“E kasi, may LED lights na, tapos uso na ang DIY na Christmas decors. Wala lang, o baka ako lang yun? Kasi matagal na akong di umuuwi samin, kaya di ko na alam feeling ng Pasko kasama pamilya”.May point ka naman Baek, pero diba, importanteng symbol ng Pasko yung parol, kaya di maalis basta-basta, kasi tradisyon na” tumango nalang si Baekhyun.

Akala niya tapos na ang usapang parol nang biglang hinarang ni Chanyeol sa paglalakad si Baek at sinabing “parang ikaw, ikaw ang parol ng buhay ko. Diba yung three kings guide nila yung Northern Star para mahanap si Jesus. Parang ganun ka rin sakin. Since naging magfriends tayo, sobrang good influence mo sa akin.” Di kinaya ni Baekhyun ang naririnig kaya nirolyohan nalang niya ng mata ang kaibigan at tumuloy maglakad muli.

 

∞∞ DECEMBER 23, 2012 ∞∞



Laking pasalamat ni Baekhyun na nabigyan siya ng trabaho ngayong sembreak. Buti nalang talaga, dahil di rin naman siya makakauwi sa probinsya, sa kaniyang pamilya. Ang barkada, kung hindi nasa bakasyon, ay kasama ang kanilang pamilya ngayong Christmas weekend for sure.

Ito ang unang araw ng 4 na araw niyang pahinga bago rumaket ulit. Nakahiga na siya sa kama nakikinig lang sa radyo nang may narinig siyang nangangaroling sa labas ng kaniyang bintana. Sisigaw na dapat siya ng “patawad, bukas nalang!” pero nakilala niya ang boses kaya agad siyang dumungaw.



Sa ilalim ng dilim ginagabay ako dahil
ayokong maligaw sa malawak na mundo
Ikaw ang tala ko

Ngayon ka lang ba nanjan
Tuwing pasko ka lang ba makakamtan
Parol ka ng buhay ko magpakailanman

Sana'y wag na maglaho ang liwanag na nagbago
Sa buhay kong madilim sa puso kong walang kapiling
Sana'y wag nang magbago ang pag-ibig na iyong tinago
Pwede naman buong taon nakasabit ka sa puso ko



Gusto niyang batuhin ng tsinelas o di kaya’y hagisan ng isang tabong tubig ang matangkad na kaibigan. “Juskelerd bat ang cheesy” sabi niya sa sarili. Di niya alam ang gagawin kay Chanyeol pero di rin niya kayang di intindihin ang lyrics ng kanta. Hindi naman ‘to original song diba? Tinanong niya ang sarili. Dapat hindi. Ayaw niya….

Hindi niya kayang isipin na ganun nga, dahil MAGKAIBIGAN LANG SILA. “Hello, bading ba siya? BI ba siya? E parang lahat naman ng nakwento niyang ex, babae. Six months pa lang kaming friends pero marami na naman siyang nakwento sakin. Pero, hay. So para safe, bawal kiligin Byun, BAWAL!!!” sabi niya sa kaniyang sarili. Hindi niya namalayang nawala na ang tunog sa labas. Maya-maya’y bumukas ang pinto ng kaniyang dorm room at pumasok si Chanyeol na hawak ang kaniyang gitara at baon ang kaniyang ngiting abot tenga.

Wala, di na kinaya ni Baekhyun nang nakita si Chanyeol. Nasabi nalang niya sa sarili “bahala na, Pasko naman. Deserving naman ako sumaya diba?” Humakbang palapit si Chanyeol pero laking kinagulat niya dahil sinalubong siya ng mahigpit na yakap galling kay Baekhyun.

Nakaupo na sila sa kama ni Baekhyun, buti nalang hindi na siya sa double deck na kwarto dahil laging nauuntog si Chanyeol sa kahoy ng kama kapag tumatambay sila doon. Sanay na sila sa mga ganitong tambay. Nakaupo lang, nakikinig ng radyo, tutal dahil din naman sa music kaya sila naging magkaibigan diba?

“So hindi ka nag Baguio?” tanong ni Baekhyun, pero para hindi maobvious ang kaniyang blush nakatungo ito at kinuha ang gitara sa gilid ng kama. “Nagpaiwan ako. Maiiwan ba naman kita?” agad na sinagot ni Chanyeol na agad namang tinanggal ang gitara sa hawak ni Baekhyun para makahiga siya, at ulo nakapatong sa binti ni Baekhyun. Parang tumigil ang pagtibok ng puso ni Baekhyun. Gusto lang niyang sabihin, there’s no place I’d rather be, ganiyan ka-cheesy. Pumikit siya ng panandalian at sinabi sa sarili na “Hay Baekhyun, hanggang Pasko lang. Pagbigyan mo sarili mo.” First time niyang inamin sa sarili niya na sa 6 months nilang pagkakaibigan, meron siyang nararamdaman para kay Chanyeol.

Nakapikit parin si Chanyeol pero patuloy parin niyang hinu-hum ang kinanta kanina. Nung una’y hinawi lang ni Baekhyun ang buhok na napunta sa mata ni Chanyeol, hanggang sa unti unti na niyang sinuklay ang buhok nito gamit ang kaniyang kamay. Hindi niya alam kung sino ang mas narerelax, si Chanyeol na parang nakatulog na, o ang pagtitig niya ng ganto kay Chanyeol, dito sa dorm niya, na walang maghuhusga.

Naalala niya bigla ang huling linya ng kanta ng kaibigan. Bigla-biglang tinanong ni Baekhyun na “Pag Pasko lang ba tayo close? Bakit ganun yung lyrics ng kanta mo? Tuwing pasko ka lang ba makakamtan?” at tinaas ang isang kilay nang alam niya nang nakadilat na ulit ang mata ng Chanyeol. Agad namang sinagot ng isang linya ng kanta si Chanyeol “Parol ka ng buhay ko magpakailanman” habang nakatingin sa mata ni Baekhyun.

“Baek, paano kung…” naging siryoso bigla ang tono ng boses ng binata, ibang-iba sa pagkakanta niya ng cheesy niyang kanta. “Kung?” malumanay na tinanong ni Baek pero kinakabahan na siya.“Pwede bang maging parol ka ng buhay ko magpakailanman? Ikaw lang. Wala na akong gustong iba.” Pinili ni Baekhyun wag nang magtanong pa, dahil deep inside, gusto naman niyang siya lang din ang maging parol ni Chanyeol, na siya lang. Parol sila ng isa’t isa, ganun. Walang ibang nasagot si Baekhyun kung hindi ang ngumiti abot langit habang tinuloy ang pag himas sa buhok ni Chanyeol.

Hindi akalain ni Jongdae na mas may ikakaclose pa pala ang kaniyang dalawang kaibigan. Nung dati’y magkasama lang sila pumasok at umuwi, ngayo’y pati hapunan ay sabay na sila kumain. Kadalasan, sa bahay pa ni Chanyeol. Part of the family? Abangan. Kung nasan si Baekhyun, nandoon si Chanyeol. Hindi pwedeng ayain si Chanyeol kung hindi invited si Baekhyun. Buy one take one, package deal na bigla ang dalawa simula ng January 2013.

Wala namang malisya sa barkada, alam lang nilang sobrang close ang dalawa.

Pero sa mata ni Jongdae, ang BFF ni Baekhyun, wala man label ang dalawa, pero kung nagkataon man, definitely, hindi “friends” lang ang label na yun. Hindi siya nagsasalita dahil nakita naman niyang masaya ang kaniyang BFF.

2014, last year, last sem sa college, di inexpect ni Jongdae na may isang malupit na plot twist pala sa buhay pag-ibig (or lackthereof, or complicated, or basta, gets niyo na yun) ng kaniyang kaibigan.


∞∞ 2014 ∞∞


“Baek sorry ha, matagal kitang di masasabayan pauwi. Si mama kasi, may pinapaasikaso sakin. Family stuff. Wag ka magtampo? Libre kita kwek kwek pambawi. soon.” sabi ni Chanyeol kay Baekhyun isang umaga habang naglalakad sa Plaza Mayor.

Kinahapunan, naglalakad na papalabas ng school si Baekhyun ng makasalubong niya si Jongin sa may carpark. “Uy Jongin Kim! Hello!”, “Hello Baek! San ka punta?” tanong nito. “Ah, pauwi na ako. Ikaw ba?” “Ako rin, pauwi na. Sabay na tayo. Asan si Chanyeol? Di kayo magsasabay?” “Hindi eh busy siya eh. Lam mo na, priorities, ganyan.” “Ah ganon ba? Kumain ka na? Kain tayo ng calamares!” “Libre mo?” pabirong tanong ni Baekhyun. “Ayan tayo eh. Sige na nga libre na kita.”


∞∞∞∞∞


Pasimpleng tumatawa si Baekhyun sa jeep habang papunta sa Cubao X at napansin naman agad ni Jongin ito. “Uy okay ka lang?” siniko ni Jongin ang kaibigang nababaliw na ata. “Ha? Oo. Naalala ko lang kasi nung nalaman ko na dito pala yung tambayan nila Popoy at Basha sa One More Chance, nagmakaawa ako agad kay Chanyeol na kumain dito. Wala kasing pera si Jongdae. Pumayag naman agad yung loko, tapos wala din pala siyang pera. Nag end up kami sa isang pasta lang tapos tubig. Masabi lang daw na mapagbigyan ang gusto ko” natatawang kinwento ni Baekhyun.

“Gusto mo kumain dun ngayon? Pero pang isang pizza lang din ang extra budget ko ha” sabi ni Jongin. “Hindi, okay lang no.” sabi ni Baek sabay tapik sa binti ng kaibigan.


∞∞∞∞∞


May isang beses naman na tumawag si Baekhyun, alas-siyete ng umaga kay Jongin. “Jongin sorry talaga, alam ko wala kang pasok. Wala kasi si Chanyeol ngayon. Pero ano, marunong ka ba ayusin yung laptop? Kasi may report akong ipapasa, e di ko alam, bigla nalang nagloko laptop ko. Sorry, hassle. Si Jongdae kasi may report din na kina-cram ngayon.”

Kahit antok pa si Jongin ay tumayo siya sa kama at dali daling nagbihis habang nagmmonologue sa kabilang linya si Baekhyun. “Dalin ko nalang diyan laptop ko para sure. Kung di ko man maayos yan” pahikab na sinabi ni Jongin.


∞∞∞∞∞


“Uy may gig nga pala sa may Marcos Highway si Ebe! Nuod tayo?” sabi ni Jongin habang naglalakad sila palabas ng Espana gate. “Kailan? Mamaya? Jongin Kim, taga E. Rod ka, ang layo ng Marcos Highway, ano ba. School night pa” sagot ni Baekhyun habang tiniklop ang mga braso sa dibdib, parang sinesermonan ang kaibigan.

Free cut morning subjects ko bukas! Dali na Baek! Ako naman sama mo!” nagmamakaawang sinabi ni Jongin. Dasal lang niyang di marinig ni Baekhyun ang pagkadesperado niya. “Lagi kaya tayo magkasama Jongin, ano ba!” “E iba parin, kasi pag barkada, kayo lang ni Chanyeol at Jongdae laging magkausap. Minsan lang to, please?” “Grabe naman to, makaminsan? Edi sige, wag natin gawing minsan! Sama ka na samin lagi ni Chanyeol!” nagbigay ng matamis na ngiti si Baekhyun samantalang pinipilit namang itaas ni Jongin ang simangot niya at pakitang natuwa siya sa sinabi ni Baekhyun.

Hay, Chanyeol parin” sabi niya sa kaniyang isipan.



Matagal nang kakilala
Hindi lang napapansin
Sa Nagtahan ika'y nakita
At nag-iba ang aking pagtingin

Sa araw-araw nakikita
Sa telepono'y walang sawa
Lalo kang nakikilala
Tungkol naman sa kanya

Sa tulay tayo nag-sama
Nag-tawanan, nag-iyakan, at nag-drama
Yosi lang, inuman lang magdamagan
Siya lang pala ang trip mong pag-usapan

Sa tulay ng kita nakita
Doon ako sumama
Hanggang sa gitna umabot
Doon pala ako mahuhulog


∞∞∞∞∞


Alas tres ng hapon sa LRT 2, laking pasalamat ni Baekhyun na maaga lagi ang uwian niya para hindi niya maabutan ang rush hour. Isa na naman ito sa mga araw na di sila sabay umuwi ni Chanyeol. Parehas silang taga-Pasig kaya sabay sila sa train lagi pauwi. Habang ineenjoy ng Psych major ang lamig at katahimikan sa tren, biglang nagvibrate ang kanyang telepono “bzzzzzz”.

Nung una ay ayaw pa niyang kunin sa bulsa niya pero parang ayaw magpapigil ng tumatawag sa kanya. “Hello?” kunwari’y inaantok pero abot langit naman ang ngiti dahil sa pangalang nagappear sa screen niya.

“B!!! BAEK!!! BAEKHYUN!!!” sigaw ng best friend niya sa kabilang linya. “Chanyeol! Anong problema? Okay ka lang ba? Nasan ka? Pupuntahan kita, diyan ka lang!” nagpapanic na sagot ni Baekhyun. “B, hindi ganun! Ang saya ko lang!!! At siyempre gusto ko ikaw ang unang makaalam!!!” dinig na dinig sa binata ang kasiyahan sa kanyang boses.

Ano ba yun Park?” tunog masungit pero interesadong tinanong ni Baekhyun. “Nabigyan ako ng scholarship!!! Tnry ko lang naman nung una, pero nung mukang posible, kinarir ko na. Di ko lang sinabi agad kasi gusto ko sigurado na” sinabi ni Chanyeol ng mabilis at walang hingaan.

“WOW SCHOLARSHIP! WOW! Saan ulit yan?” malugod na sinabi ni Baekhyun. Buti nalang di kita sa telepono ang facial expression niya dahil kabaligtaran ng boses niya ang pinapakita ng mukha niya. “Baek, sa California. Full scholarship! Sobrang saya ko!!! Thanks sa pagtiwala mo sakin na kaya ko! Nasan ka na ngayon? Puntahan kita. Kitain kita!”Ah, nasa train pa. Pero kailangan ko umuwi agad e? May long exam ako bukas. Pero promise, bawi ako sa’yo. Okay?” sagot ni Baekhyun.

“Ganun ba? Sige. E dinner? Dalan kita dinner? Kwentuhan lang din kita saglit. Gusto ko kaharap ka pag ikkwento ko lahat!” tila ayaw magpatalo ni Chanyeol kay Baekhyun at pinipilit parin niya makita ang kaibigan. Tanging “Yeol” nalang ang naisagot ni Baekhyun at naintindihan na ni Chanyeol na wag na niyang kulitin pa yung isa. “Sige, sorry, naexcite lang ako. Bukas nalang? Or text mo ako pag natapos ka ng maaga mag-aral ha? Ingat pauwi. Bye, B.”

Pagbaba ng telepono ay nagbuntong hininga si Baekhyun, na parang naipon lahat ng hininga niya sa kahabaan ng usapan. Tumingin siya sa kaniyang tabi at sinabing “Nakakuha daw siya ng scholarship sa US” at pilit na ngumiti. Dapat masaya sila diba? Pero kabaligtaran, luging-lugi. Walang nagawa si Jongdae na tinapik nalang ang likod ni Baekhyun na non-verbally sinasabing “okay lang yan, kakayanin mo yan”. “Andito lang kami Baek” dagdag naman ni Jongin. Swerte ni Baekhyun na mayroon siyang dalawang kaibigan sa barkada nilang alam ang kaniyang nararamdaman kay Chanyeol.

Simula noon ay mas umonti na ang pagkikita ng magkaibigan. Graduating na sina Jongdae at Baekhyun. si Chanyeol, dahil Music major, malamang may 2-3 years pa, depende sa prof. Baka kaya rin siya nag-apply ng scholarship sa America?

Sa iilang linggo bago magmidyear break, hindi na sila nagkikita at nagkakasbay papasok at pauwi. Di naman sa nagrereklamo si Baekhyun, pero namimiss lang niya ang nakasanayan.



Buksan lang ang pinto
Mahirap ang mawalay sa minamahal
Mga puso'y isusugal
Naiwang pangako
Bukas marahil ay hindi mo na alam
Bahala na ang Maykapal
Masanay ka muna sa wala, masanay ka muna sa wala


∞∞∞∞∞


Parang sa 10 text niya, 2 na nga lang ang marepreplyan ni Chanyeol. Dalawang buwan mahigit na puro:“Sorry B, kailangan ko bigla asikasuhin yung papers ko”, “Baek pwede ba magcancel? Napagod ako kahapon”, “May online advance training daw kami, libre, sayang”.

Nakita ni Jongdae ang pagkakasimangot na naman ng kaibigan, “Besh, parang pinagsakluban ka na naman ng langit at lupa. Pang ilang cancel na ba yan?” “Ha, hindi, may rason naman siya” pagtanggol ni Baekhyun. “Oy wag na wag mo siya idefend sakin no. Buti sana kung di ko nakikita yang lungkot mo e. Ano ba Baek, di pa sya umaalis ganyan ka na. Two years din siya mawawala. Pwede bang… masanay ka muna sa wala? I mean, andito naman kaming iba mong kabarkada. Hindi nga lang kami matangkad, malaki tenga at kasing corny ni Chanyeol pero nandito kami para sayo.”


∞∞∞∞∞


Friday afternoon pagkatapos ng klase, habang kumakain ang barkada, nagkayayaan silang lahat na manood ng spoken word poetry sa isang cafe malapit sa Espana. “Ano na namang kadramahan yan, Jongdae?” sabi ni Baekhyun sa maligalig na BFF.

Tigilan mo ko, Byun. Wala lang. Gusto ko lang maexperience. Pati hello, time off na rin at friday naman. Wag kang KJ.” depensa ng kaibigan. “Eh gusto ko na kasing umuwi--” pagmamaktol ni Baek. “Tapos ano? Magkukulong ka na naman sa kwarto mo? Tititigan ang cellphone hanggang sa magtext ng cancellation ng date niyo si Chanyeol?”. Tinaas ni Baek ang dalawa niyang kamay. “Grabeng atake niyo no? Teka lang, mahina ang kalaban!” “Sumama ka na kasi.” ani Sehun habang ngumunguya pa ng pagkain niya. “Okay fine. Pero pag ako naboringan uuwi na ako ah?” sabi ni Baek.


∞∞∞∞∞


Nasa pangatlong performer na ang tumutula nang mapansin ni Jongin na tulala na naman si Baek. Siniko niya agad si Jongdae at ngumuso sa direksyon ng tulalang Baekhyun. “Ahem.” sabi ni Jongdae. Pero mukhang may sariling mundo pa rin si Baek. “Yung isa diyan nasa exo planet na ata.” pagpatamang sinabi ni Jongin. Wala pa rin. “HUY!” pagulat na sinabi nung dalawa at sa wakas ay nakuha na nila ang atensyon nito.

Ano, Baek? Forever na lang ba tayong mangungulila sa taong alam naman nating di sisipot?” tanong ni Jongdae sa kaibigan. “Huh? Hindi naman eh. Ewan ko sayo. Makinig ka na lang sa nagpeperform.” pabalang na sagot nito. “Bakit hindi na lang ikaw yung magperform dyan? Tutal mukhang marami ka namang pinaghuhugutan.” sinuggest ni Jongin. “Sira ka ba? Hindi ako marunong! Magmumukha lang akong ewan.”

“Eh ano, humanap ka ng ibang hobby! Ayokong nakikita kang ganyan mukha kang kawawa.” sabi ni Jongdae. “Sumulat ka na lang kaya ng kanta? I mean, tula, kung ayaw mo lagyan ng tono. Malay natin. Marunong ka nga pala magpiano diba? Oo, tama. Yun na lang!” inencourage siya ni Jongin. “Hindi naman ganun kadali yun…” pabulong at umiiling na sinabi.

Habang pauwi siya, inisip ni Baek ang sinabi ng mga kabarkada. Tama naman sila. Kailangan na nga niya ng distraction. Miss na miss na niya si Chanyeol pero wala siyang magawa dahil nga hindi naman ito madaling mahagilap ngayon.

Kaya nung umuwi siya ng bahay, nagdownload siya ng Piano app sa iPad at kumuha ng papel at lapis. “Bakit di mo subukan?” tanong niya sa sarili. “Sabihin mo lahat ng gusto mong sabihin sa kanya. Tutal, hindi naman niya malalaman na ikaw nagsulat niyan. Sabihin mong kamusta ka na? Miss na miss na kita. Miss ko na yung mga ngiti mo.”

Hindi na niya namalayang dumaloy na lang ang mga salitang galing sa kanyang puso. Ang bawat himig at titik ay naging liham ng puso niyang matagal nang nangungulila sa isang taong akala niyang mapapasakaniya na pala, yun pala, iba ang plano ng tadhana sa kanila.


Ipipikit ko ang aking mata dahil
Nais ka lamang mahagkan,
Nais ka lamang masilayan
Kahit alam kong tapos na
Kahit alam kong wala ka na



∞∞ JULY 2014 ∞∞



Ten days bago umalis si Chanyeol inaya niya ang barkada sa Batangas, one last hurrah bago siya mawala ng dalawang taon. Lasing na lahat, kung hindi nakahilata sa buhangin, malamang nandun na sa kwarto, naghihilik. Si Baekhyun at Chanyeol nalang ang naiwang gising.

Tahimik silang nakaupo sa dalampasigan, rinig lang ang paghampas ng mga alon. Huminga ng malalim si Baekhyun at dali-dali namang tinanong ni Chanyeol kung anong problema ng kaibigan. Simula nang nalaman niyang natanggap siya sa scholarship, hindi na siya updated sa buhay ng katabi.

Sabin ni Sehun, may kinikitang its complicated guy si Baek, di na niya natanong ito… At siguro, ayaw din niya malaman talaga. “Mag-ingat ka dun ha, mag-aral ka muna bago landi” sabi ni Baekhyun pero di tumitingin sa kaibigan. Tanging ngiti nalang naisagot ni Chanyeol. Di niya alam kung malulungkot ba siya na huling beses niya na makakasama ang barkada… si Baekhyun ng ganito. O magiging masaya, dahil binigyan pa siya ng pagkakataon ni God na makasama si Baekhyun na silang dalawa lang.

“Namiss ko to” “Parol pa rin---” sabay nagsalita ang dalawa, napatigil nang saglit, nagkatinginan at tumawa ng sabay. “Ano ulit sabi mo?” sabi ni Baekhyun. Narinig naman niya, gusto lang niyang paulit-ulitin. “Ang sabi ko, namiss ko to, namiss ko tayo. Tayong dalawa lang, Baek.” Hinawakan ni Chanyeol ang kaliwang kamay ni Baekhyun. “Mamimiss ko to” at kaniya pang hinigpitan ang kapit pagbigkas ng linyang iyon.

Tinaas ni Baekhyun ang magkahawak nilang kamay at itinapat sa bilog na buwan. “Parol mo parin ako kahit andun ka na?” painosente niyang tinanong. Parol. Sila lang may alam nun. Sila lang din ang magkakaintindihan kung ano ibig sabihin nun. Dahan-dahang lumingon si Chanyeol at pakantang sinabi “---magpakailanman~~”.

Hindi alam ni Baekhyun saan niya hinugot ang lakas ng loob at bigla niyang sinabi na “Paano kaya kung naging tayo no?” sabay bitaw kay Chanyeol at pinahid ang mga palad sa board shorts niya na parang kinakabahan. Panandaliang nalungkot si Chanyeol sa pagbitaw ni Baekhyun, gusto niyang sumimangot at kunin ulit ang kamay ng parol niya pero nagulat siya sa biglang sinabi ng binata.
“Onga eh.” At tumawa ng pahapyaw. YAN LANG ANG KAYA MONG ISAGOT CHANYEOL? ANO BA SIYA SA’YO? Nagpapanic na siya kaya bigla niyang sinabi “sige ganto nalang, let’s make a deal”.
Ha? Deal? Anong deal?” naghihikab na tinanong ni Baekhyun. “Kapag 28 na tayo at single parin, ibig sabihin, tayo nalang.” Akala ni Chanyeol ay sasabog ang puso niya sa kanyang sinabi. GAGO KA BA CHANYEOL? DI MO PINAGISIPAN! SIGURADO KA BA DIYAN? 28? KAYO? SIGURADO KA BA?
Pero mas kinagulat niya ang estado ng kanyang kaibigan na kani-kanina lang ay pinag-alayan niya ng puso niya (in the future, siyempre). Nakahiga na sa buhangin si Baekhyun na nakanganga pa ng kaunti. Natawa nalang si Chanyeol sa nakita at hinawi ang buhok ng tulog nang kaibigan.
“Swerte mo talaga Baekhyun, mahal kita. Kung hindi, hinagis na kita sa tubig kasi tinulugan mo ako.” umiiling na tumatawang sinabi ni Chanyeol. “Mahal?” Tanong niya sa sarili. “Oo, mahal.” First time niya inamin sa sarili na may feelings siya kay Baekhyun. Talaga naman, kung kailangan paalis na siya. Siguro nga pang future ang love story nila.


∞∞∞∞∞



Ang hindi niya alam ay narinig ni Baekhyun ang lahat at pinili nitong magtulug-tulugan dahil ayaw niyang umasa ng ilang taon na di alam kung magkakatotoo ang kasunduan.

Kaya't wag magtataka kung bakit ayaw kitang mawala
Kung hindi man tayo hanggang dulo wag mong kalimutan
Nandito lang ako laging umaalalay, hindi ako lalayo
Dahil ang tanging panalangin ko ay ikaw


∞∞ 2017 ∞∞


Nasa isang KTV Bar si Baekhyun, nag-aantay sa late na naman niyang BFF. Simula nang naging si Jongdae at Minseok, nabawasan na ang BFF time nila together. Pero dahil sobrang understanding na kaibigan ni Baek, at ganun din naman si Jongdae sa kaniya, iniintindi nalang niya. Habang umiinom ng iced tea, nagnotif ang isang Telegram group with a group name “I’M BACK”. Unang message ay galing kay Chanyeol na sinabing “Uuwi na ‘ko! This calls for a celebration! Magkita tayong lahat.” Nagpanic ang buong barkada kaya ayun, sabog ang notifs agad agad.
Kararating lang ni Jongdae nun at sasabihin sana kay Baek ang balita pero naunahan na siya. Umupo siya sa tabi nito at tinitigan ang kaibigan na nakatitig sa cellphone.

Sunod sunod ang messages sa group chat nila, pinagpaplanuhan agad kung kailan sila magkikita kita para sa pag-uwi ni Chanyeol.
Group Chat
Chanyeol: O, gaya ng dati. 70’s Bistro sa Sabado. 9 PM. Lahat dapat andon.
Jongin: Basta ikaw bahala sa pagkain bro
Chanyeol: Ewan ko sayo. Lagi na lang ako.
Jongin: Eh :-(
Sehun: Ano ‘to KKB? Ay sige next time na lang ako! Hahahaha
Junmyeon: Hoy mga bata, behave.
Sehun: Sige na Kuya Junmyeon, ikaw na lang. Love mo naman kami ng sobra sobra.
Junmyeon: Okay fine basta dapat lahat andun ha! For old times sake, diba?
Jongin: Ang bilis talaga magpauto ni Kuya kay Sehun hahaha.
Junmyeon: Ano yon?
Jongin: Wala kuya sabi ko ang bait mo, the best ka.
Jongdae: Pwede ko bang dalhin si Minseok?
Junmyeon: Oo naman, dadating din naman si Yixing.
Jongdae: Good! See you!
Chanyeol: Ahem.
Jongin: ?
Chanyeol: HOY YUNG NAGBABASA LANG NG MESSAGES, Kita naming online ka. Pag wala ka sa meet up natin, susunduin kita sa bahay niyo. Sige ka. :-P
Titig na titig pa rin si Baek sa phone niya, nanlaki ang mata at kinilig sa huling mensahe sa chat. Mahina siyang siniko ni Jongdae na nakita ang maliit na ngiting pilit na tinatago ng BFF niya. “O ba’t ka kinikilig?”Ha? Uy gagu, hindi ah.”Replyan mo na kasi. Dali.”
Nagsimula nang mag type si Baek ng reply niya.

Baekhyun: Haha. Sorry. Di na ko dun nakatira. :-P
Chanyeol: Edi hahanapin ko, umpisahan ko na bukas!
ALL: BUKAS?!?!?!?!
Pagkakita ni Jongdae sa message, he flashed his knowing smile kay Baekhyun na napatingin sa kanya. “Uyyyyy!! Sasama na yaaaan! Take the song as a sign. Ayan o! First song mo kay Chanyeol kinakanta ni Kuya sa videoke! Pumayag ka na besh!” kinikilig na sinabi ni Jongdae. Umiling nalang si Baekhyun na sinabing “ewan ko sa’yo”.


Minsan 'di ko maiwasang isipin ka
Lalo na sa t'wing nag-iisa
Ano na kaya balita sayo
Naiisip mo rin kaya ako

Simula nang ikaw ay mawala
Wala nang dahilan para lumuha
Damdamin pilit ko nang tinatago
Hinahanap ka parin ng aking puso
Parang kulang nga kapag ika'y wala

At hihiling sa mga bituin
Na minsan pa sana ako'y iyong mahalin
Hihiling kahit dumilim
Ang aking daan na tatahakin
Patungo sayo



∞∞ MARCH 2017 ∞∞



Meet up sa Bistro, for old times sake. Pero late dumating si Chanyeol. At nagumpisa na maginuman ang barkada. “CHANYEOL, BRO!!! HINDI NAMAN SA AYAW KA NAMIN DITO AHHHH PERO BAKIT KA BIGLANG UMUWI? AKALA KO BA SETTLED KA NA DUN?” sabi ni Sehun na obvious namang sobrang lasing na. Medyo natameme si Chanyeol at hesitant pang sumagot kaya tinry niya na idivert yung attensyon sa ibang bagay. “Ano ba, ang importante, andito ako! Inom ka na lang diyan.” “HINDI NGA BAKIT NGA KASI? MAY GUSTO KA BANG UWIAN DITO HAAAA?” dagdag ni Jongdae na hindi lasing, pero talagang malakas lang ang boses.
Napatingin na lang si Baekhyun at Jongin kay Jongdae. Sinipa siya sa ilalim ng table ni Jongin at kinurot ni Baekhyun na katabi niya. Kawawang Jongdae, ang ingay kasi. “Okay, chill lang. Meron kasi akong hinahanap na tao” sabi ni Chanyeol. Unti unting kumabog and dibdib ni Baek. Agad niyang naisip na baka kaya umuwi dito si Chanyeol ay dahil sa pangako nila sa isa’t isa. Pero hindi pa naman sila 28? Ano ba Baek, gusto mo ba o ayaw mo? Tanong niya sa sarili, di na siya magdedeny na umasa na siya, sa unang message pa lang sa Telegram. Finally, everything is falling into place. Nakatitig lang siya kay Chanyeol na nasa harapan niya the whole time at papangiti na.

“Guys, help naman. Umuwi ako kasi hinahanap ko yung composer na si BBH” interesadong interesado na pagsabi ni Chanyeol. “Kasi yung nililigawan ko favorite lahat ng kantang gawa niya. Alam mo yung pagkakita ko sa kanya, alam ko na siya na talaga yung para sakin. Soooo, i’m here! Kahit magkano pa gastusin ko…. Para lang mapasakin siya!”

“Pagkakita ko sa kanya, alam ko na siya na talaga yung para sakin….”
“Para lang mapasakin siya”
Pagkarinig ni Baek ng mga salitang ito, parang may nabasag sa loob ng dibdib niya. Wala na siyang narinig pagkatapos nito. ‘Di man lang niya na realize na siya nga yung hinahanap na composer ni Chanyeol. Nag zone out na siya sa gabing yun, para bang lumulutang na lang siya at kaunti na lang ay mababasag na siya.

Siya naman pala talaga ang rason bakit umuwi si Chanyeol. Siya bilang BBH na composer nga lang…


∞∞∞∞∞


Nang matapos ang gabi, isa isa na silang nagsisiuwian. Si Jongin, Jongdae, Chanyeol at Baekhyun na lang ang natira. Pinagtatalunan pa nila kung paanong gagawin kay Baek na lasing na lasing. “Jongin, hatid na lang natin ‘to sa bahay niya. Mukhang hindi na naman ‘to makakauwi mag isa eh” nagaalalang sinabi ng BFF.

“Sige, dun na rin muna tayo magpalipas ng gabi para may kasama siya kahit pag gising” sang ayon ni Jongin na hindi na rin magkanda ugaga sa kakaasikaso kay Baek. Si Chanyeol naman, nag-aalala din at gusto na mag offer. “Guys, pano kung ako na lang maghatid sa kanya? Okay lang sakin para hindi na rin hassle sa inyo na matulog pa sa kanya.”

Lumabas ang pagkaprotective ni Jongin kay Baek bigla “Bro, okay lang, ako na maghahatid. Di na to taga Pasig. Isa pa hindi mo na rin naman alam kung saan yun baka maligaw ka pa.” Napakamot na lang sa ulo si Chanyeol “Ah… eh, ganun ba? Okay. Sige. Pero itext niyo na lang ako pag nakauwi na kayo sa kanila ha?” Dumating na ang Uber ng tatlo, naisakay na ni Jongdae ang lasing na si Baekhyun, si Jongin humarap kay Chanyeol at sinabing “kami na ni Jongdae bahala, Yeol. Kaya na namin ‘to. Sanay na naman kami na nag aalaga kay Baek eh… noon pa.”

Pagdating kina Baek, akay akay nung dalawa ang lasing na Baek. Naalipungatan si Baek pagpasok ng pinto at dumiretso sa harap ng refrigerator. “San ko nga ba nailagay yung beer dito? Alam ko meron pa ko eh. Jongin!!! Penge pang beer! JONGDAE!!!” “Hay nako, kita mo ‘to ayaw pang tigilan. Baek, tama na. Dun ka na sa kwarto. Jongin, hatid mo muna si Baek sa kwarto please. Ihahanda ko lang yung pang bihis niya.”
Napailing at napabuntong hininga na lang si Jongin sa kawawang kalagayan ni Baek.

2:00 AM

Naalimpungatan si Baek sa kama, pag gising niya nasa sahig mahimbing na natutulog sina Jongin at Jongdae. Sinubukan niya ulit na matulog dahil nga sumasakit na ang ulo niya pero hindi siya makatulog. Nagflashback sa isip niya ang lahat ng nangyari mga ilang oras lang ang nakalipas. Nararamdaman niya na parang sumisikip na naman ang dibdib niya. Sinubukan niyang humanap ng magandang pwesto para makatulog ulit pero gulong-gulo ang utak niya.

May isang melody siyang kanina pang hinuhum para madistract ang sarili niya sa mga pangyayari. Nagdecide na lang siyang tumayo at pumunta sa kabilang kwarto na ginawa na rin niyang studio, para magsulat ng kanta. Ilang minuto na siyang nakaharap sa electric organ at nag umpisang irecord ang tunog na tila direktang nilalabas ng kanyang puso. Ang problema, wala siyang maisip na lyrics. ‘Di rin naman niya kilala yung nililigawan ni Chanyeol kaya naisip niya anong isusulat niya? Puro nota lang ang nakasulat sa music sheet niya, blanko siyang nakatitig dito nang biglang tumunog ang cellphone niya.
Text Message:
From: Chanyeol Park
Sorry di ko na alam san yung bagong bahay mo, nasanay kasi ako ang naghahatid sayo. Namiss kita. Alis tayo next weekend, as in tayong dalawa lang. Iba rin pag tayo lang. :-)

To: Chanyeol Park
Sige. :-)
Huminga ng malalim si Baek pagkabasa niya nung text at tumatak sa puso niya ito kasabay ng pagsulat ng mga letra ang linyang “Iba rin pag tayo lang.”


∞∞∞∞∞


Nang sumunod na weekend, nagising si Chanyeol sa boses ng nanay niyang tinatawag siya “Chanyeol, anak! Gumising ka na! Tanghali na!” “Ughhhh! Mama, five minutes pa! May jetlag pa ako.” “Anong five minutes? Halika na kumain ka na dito aalis tayo.” Napatayo bigla si Chanyeol sa kama sa narinig, “Po? San tayo ba tayo pupunta? Ma, aalis kami ni Baek!” “Magsu-Subic! Lika lumalamig ang almusal!”

Bumaba na si Chanyeol bitbit ang cellphone niya at nang maalipungatan ay naalala niya ang “date” nila ni Baekhyun nung araw na yun. Agad niyang tinawagan si Baekhyun.

Calling Baekhyun Byun

Chanyeol: Hello B? Baek? Good morning!
Baekhyun: Good morning. O bat ka napatawag? Ang aga aga pa.
Chanyeol: Naistorbo ba kita?
Baekhyun: Hindi naman. Ano ba yun?
Chanyeol: Ah, ano kasi. Yung tungkol sa plano natin today. Mukhang hindi matutuloy. Nag-aya kasi sila mama ng outing sa beach eh. Pero tuloy pa din yung date natin ha! Imove na lang natin sa ibang araw? Okay ba sayo yun?

Medyo nadisappoint si Baek pagkarinig niya nun pero wala naman siyang magawa. Narinig ni Mama Park ang usapan ng dalawa at agad siyang lumapit kay Chanyeol. “Anong icacancel? Walang icacancel. Kasama ka samin Baekhyun, anak! Mag ayos ka na at susunduin ka namin sa inyo!” Nanlaki ang mga mata ni Chanyeol at gulat na gulat si Baek sa kabilang linya. “B, okay lang ba? Pamilya ko ‘to ah.”
“Ano ka ba!!!! Parang di ka naman nasanay na tambay ako ng bahay niyo kahit nung umalis ka na. Ngayon na lang naman hindi eh. Pakisabi kay tita wag niyo na ako sunduin, ako na lang pupunta diyan.” Napakamot na lang si Chanyeol sa ulo.

Dahil masyadong maraming bagahe ang dala nila papuntang Subic, sa kotse ni Chanyeol sumakay si Baekhyun. Silang dalawa lang don dahil sa van na nakasakay sina Mama Park, Ate Yoora at ang iba pa niyang pinsan. Buong biyahe, kung hindi tahimik at nakatingin sa bintana si Baek ay tulog naman ito. Halatang gusto ni Chanyeol na mag initiate ng conversation pero hindi niya magawa. Hindi niya alam kung anong pumipigil sa kanya, ang dami rin niyang gustong itanong kay Baek. “Kamusta na siya? Anong pinagkakaabalahan niya? May bago na ba siya?” Pero wala siyang naitanong kahit isa.

Pagdating nila sa beach, nag ayos lang ng gamit sa kwarto at agad na silang pumunta sa dagat para magtampisaw. Ang saya lang ng lahat na nagbobonding. Namiss nilang lahat ang isa’t isa lalo na si Chanyeol na matagal tagal ring nahiwalay sa pamilya niya.

Nang mapagod si Baek, umupo siya sa tabing dagat at nakatingin lang kay Chanyeol na nakikipaghabulan sa mga nakababatang pinsan nito. Nakangiti lang siya habang pinagmamasdan siya, masaya na siya sa mga ganitong pagkakataon. Kung pwede nga lang na ganito na lang palagi, pero imposibleng hilingin to. Bigla na lang napasigaw si Baek sa kawalan ng “sana ay wag nang matapos ‘to, pag-ibig na para lamang sayo~~~” Nang marealize niya ito, agad niyang kinuha ang phone niya at tinype ito for future song writing purposes, sabi niya sa sarili niya.

Nagtatawag na si Mama Park sa lahat para kumain na. Agad agad namang nanakbo si Chanyeol at ang mga pinsan niya papunta sa hapag kainan. Sinigawan ni Chanyeol si Baek na tila malalim ang iniisip. “B, Tara na!” Nagulat si Baekhyun at dali-daling sumagot ng “Sige go lang, sunod ako.”

Tumayo na si Baek sa pagkakaupo at sinundan ang tumatakbong si Chanyeol na kumuha na ng dalawang paper plates. Dali-daling nilagyan ni Chanyeol ang platong hawak niya ng paborito ni Baek na hipon. Pagdating ni Baek, kumuha siya ng sarili niyang plato, konting kanin dito, barbecue at inihaw na bangus. Pagkakita ni Chanyeol sa ginagawa ni Baek, agad niya itong tinawag.

“B, pinaghahanda na nga kita o” na parang batang nagtatampo. “Balik mo na yan. Ito na.” “Yeol, hipon na nilagyan ng konting kanin yan eh!” natatawang sinagot ni Baekhyun sa kaibigan. “O bakit hindi? Eh kulang na lang di ako makakain ng hipon pag umoorder tayo dati kasi paborito mo to eh. Yang niluto ni Mama sigurado kulang pa sayo yan!” mapagmalaking sinabi ng binata. “Yeol, hindi na ako pwede sa hipon. Nagka-allergy ako 2 years ago.” “Ha? Bakit hindi ko alam yan?!” gulat na sinagot ni Chanyeol. “Daming nangyari in 3 years, Chanyeol, marami.” pinilit niyang ngumiti pero ramdam niya yung pait sa kaniyang sinabi.

Habang kumakain, tinanong ni Chanyeol bigla si Baek, “Bakit ka nga pala di natuloy magMed? Sabi mo pa, all roads lead to Med school.” Binaba ni Baekhyun ang stick ng kinakaing barbecue na parang naghahanda sa isasagot. “E hindi pala lahat. Di enough yung scholarship. Matagal ang ROI. Kailangan ko ng income. End of Bakehyun Byun’s med story” sinabi niya ito ng casual lang, di makapaniwala si Chanyeol na iisang tao ang Baekhyun noon siguradong magdodoctor, sa Baekhyun ngayon na parang hindi malaking issue ang hindi niya pag med school.

“Masaya naman ako as Clinical psychologist, Yeol. Don’t worry about me” dagdag ni Baekhyun. “Wag ka rin mag-alala, nung umalis ka, binibisita ko nga mama mo linggo linggo, last year lang hindi na, nung napromote ako sa work.” “Baek, bat ka nga pala lumipat? Alam mo namang welcome ka samin”, “well, change of scenery? Joke. Mas malapit sa work, chaka nag masters ako, so gusto ko mas magkakalapit lahat”, kalmado si Baekhyun para bang gusto niyang sabihin, Chanyeol, wag kang mag-alala, okay ako… Okay ako na wala ka. Okay na ako.


∞∞∞∞∞


Kinaumagahan, nagmuni-muni si Baekhyun sa duyan na nakatali sa dalawang malaking puno ng buko at tinatanaw si Chanyeol na nakasakay sa maliit na bangka. Tinabihan siya ni Mama Park na tila kanina pa nakakahalata sa pagiging tahimik niya. “Buti na lang naisipan ni Chanyeol na umuwi pa no? Kahit di kami ang tanging rason ng pag uwi niya, masaya pa rin ako.” Napangiti si Baekhyun dahil namiss niya rin si Mama Park. “Oo nga po eh, kung di pa niya kailanagan hanapin..” “yung composer ng kanta” sabay na sinabi ng dalawa.

Natawa na lang silang pareho ng sabay nilang masabi ito. Napabuntong hininga si Mama Park. “Sayang nga eh di man lang kami makapunta sa US para sa kasal niya.” Parang may nabasag sa loob ng dibdib ni Baek at nahihilo siya. Hindi siya makahinga dahil sa narinig niya “po..? Kasal?” “Oo, kasal. Hindi ba niya nasabi sayo? Ay nako itong dila ko talaga kahit kelan walang palya. Wag ka na lang maingay ha? Hinahanap niya yung composer na yun kasi magpapagawa siya ng kanta para sa wedding song nila. Paborito kasi nung fiance niya yung mga kanta nung composer kaya yun, isa sa mga regalo niya yun. Kahit gaganyan ganyan yang anak ko, malambot din yan basta sa mahal niya.” “Ah, oo nga po eh” biglang sagot ni Baekhyun nang napansin niyang medyo matagal siyang nakatitig lang kay Mama Park.


∞∞∞∞∞


Parang nadurog na ng tuluyan ang puso ni Baek sa mga narinig niya. Hindi niya alam ang gagawin. Ang composer na hinahanap ni Chanyeol para gumawa ng wedding song niya ay walang iba kung hindi siya. Si Byun Baekhyun. Siya ang gagawa ng kanta especially made for his wedding, ang kaso hindi siya ang pakakasalan. Never in a million years did he imagine na siya ang gagawa ng kanta para sa kasal ni Chanyeol. Never in a million years did he imagine na papayag siyang gawin ito kahit hindi pa nagtatanong si Chanyeol. Ganun niya siya kamahal. Hay Baekhyun Byun, ano ka na? Gawan ng rebulto.

“Oy, Chanyeol. Ihatid mo si Baek sa bahay nila ha. Gabi na at marami pang dala yan” sinabi ni Mama Park bago ito sumakay sa van. “Naku Mama, hindi na po. Sa Trinoma na lang ako. May sakayan naman po dun pauwi samin.” Umiiling si Mama Park na nakasilip sa bintana ng van “Hindi pwede! Wag nang makulit! Chanyeol kung di mo siya ihahatid dito na lang siya sa van namin, kami na maghahatid. Minsan mo na nga lang kami makasama, wag mo muna unahin yang gabi-gabi mong kausap sa telepono. Parang awa!”

Sabay napatingin si Baek kay Chanyeol nang sumigaw siya ng “MAMAAAAAAAAA!!!!” na parang batang nag aalburoto at nag bblush. “Oo naman po. Plano ko naman talaga siyang ihatid eh para alam ko na kung san siya nakatira.”


∞∞∞∞∞


As usual, tulog lang si Baek buong biyahe. Naalipungatan na lang siya nang makarating na sila sa Trinoma. “Baek? Gising na. Nasa Trinoma na tayo. Baba ka na dito?” siryosong tanong ni Chanyeol. Nagising na ng tuluyan si Baekhyun at dali dali nang kinuha ang mga gamit niya. Bubuksan at bababa na sana siya ng kotse nang pigilan siya ni Chanyeol na buksan ang pinto. “Huy B! Joke lang! Ito naman. Andito na tayo eh, san ba papunta sa inyo?” “Ah.. Uhm, diretso ka lang sa may Tandang Sora tapos kanan ka sa may Maria Clara street tapos may KFC sa right.

Nung isang stoplight na lang bago ang kanto ng bahay ni Baek, nag ring ang cellphone ni Chanyeol. Nakalagay sa cellphone holder na nakasabit sa may aircon ito at kita nang dalawa ang pag ilaw ng screen. Napatigil ang dalawa sa malakas na ring ng phone at parehas na dito napunta ang kanilang atensyon. Nagflash sa screen ang picture ng isang lalaking bilugin ang mata, makapal ang kilay, at may heart-shaped na labi at matamis na ngiti. Tumatawa si Baekhyun nang sinabing “Uy, sagutin mo na yan. Baka magalit kasi nightly call niyo na.” Sabay ngumiti siya ng pabiro kahit parang nadudurog na sa loob. “Sorry. Saglit lang ‘to.” Sabi ni Chanyeol kay Baekhyun. “Hello? Can I call you in a while? I’m driving my friend home.”

Walang nagawa si Baek kundi humarap sa bintana ng kotse na para bang gusto na niyang magpalamon sa kinauupuan niya para di na niya marinig ang mga ito. Buti nalang 2 street nalang bahay na niya. Nang dumating na siya sa tapat ng bahay, sumenyas si Baek kay Chanyeol na andun na sila sa bahay niya kaya naman pumreno na ito. Nasa telepono pa rin si Chanyeol, gamit ang Bluetooth headset niya “Okay? I’ll call you later. We’re already here.”

Huminga ng malalim si Baek at nang bubuksan na niya ang pinto para bumaba agad siyang humarap kay Chanyeol at sumenyas na “baba na ko ha? Thank you.” Pero mabilis na hinawakan ni Chanyeol ang kanyang kamay at sinabing “sandali lang” ng pabulong.

Pagbaba ni Chanyeol ng cellphone, agad siyang inasar ni Baek “Di mo na ata kailangan nung kantang pinapagawa mo eh. Mukhang kayo na kaya. O baka ibang lalaki pa yan???” kunyaring gulat si Baekhyun sa mga pinagsasasabi.

Natatawang sinabi ni Baek pero sa bawat salita at hinga niya, ramdam niya ang unti unting pagdurog ng kaniyang puso. Alam niya ang totoo tungkol sa kasal pero nagpapanggap siyang walang alam dahil ayaw niya rin namang pangunahan si Chanyeol sa mga plano nito. “Sayang!!! Nakausap ko pa naman na yung composer, kinwento kita at pumayag siyang gawan ka ng kanta. Alam ko na nga yung chorus eh. Friends kasi kami” sabay pangising tumawa muli.

“!!! SERYOSO BA?!?! B NAMAN EH!!!! TOTOO BA?? SOBRANG THANK YOU OMG! I OWE YOU A LOT! PAANO? ANG GALING MO!!” Kulang nalang maluha sa saya ang kaibigan. “Regalo ko na ‘to sayo. Ano ka ba! What are…. Friends….. Best friends for diba?” Maluha-luha na si Baek at pinipigilan ang sarili na mag breakdown sa harap ni Chanyeol. Hindi pwede, wag dito. Wag ngayon. Sabi niya sa sarili.

Niyakap ni Chanyeol si Baekhyun ng mahigpit at si Baekhyun ay hinang-hina na sa mga nalaman, nangyari sa weekend na ito. Para bang yung yakap na yun na lang ang pilit na bumubuo sa kanya at pumipigil para hindi mabasag ang puso niya sa harap ni Chanyeol. Kahit ang totoo ay wala na, durog na durog na siya.

Habang magkayakap silang dalawa, biglang kumanta si Baekhyun ng pabulong sa tenga ni Chanyeol.

“Tumingin, saking mata” Bumitaw sa pagkayakap si Chanyeol at hinawakan ang dalawang balikat ni Baek at tumingin sa mata nito. Nakatitig din si Baekhyun sa kanya at kasalukuyang nilalabanan ang sakit na nararamdaman niya sa loob ng puso niya. “Jusko, kaya ko ba matapos ‘to ng hindi umiiyak?” Nanunuyo na ang kanyang lalamunan pero sabi niya sa sarili niya na “hindi, one time na lang. Huli na ‘to. Last time na talaga. Kayanin mo. Itawid mo ‘to, Byun.”

Pumikit siya at huminga ng malalim, tinignan ang telepono ni Chanyeol na nakasabit sa aircon. Nakita niya ang picture ng isang lalaking… isang napakaswerteng lalaki. Tinuloy niya ang pagkanta.

“Magtapat nang nadarama.” Tinanggal niya ang pagkakahawak ni Chanyeol sa kanyang balikat at hinawakan ang mga kamay nito. Doon siya tumingin.

“Di gustong ika’y mawala dahil handa akong ibigin ka…” Kinapitan pa niya ito ng mas mahigpit, umaasang gagawin din ni Chanyeol ito pero parang nakafreeze siya sa kinauupuan at di malaman ang dapat gawin. Di maipinta ang mukha nito kaya tinapos na lang niya ang pagkanta niya ng madalian.

“Kung maging tayo, sayo lang ang puso ko.” Nagmamadali niyang binuksan ang pintuan ng kotse at sumigaw sa driver nito “Bye Yeol! Quota na sa spoilers! Next time na lang ulit pag kumpleto na kanta.”

Agad agad siyang pumasok sa gate ng kanyang tinitirhan na di man lang tumingin sa likuran niya.

Gulat na gulat pa rin si Chanyeol sa mga pangyayari, hindi alam ang gagawin. Ramdam na ramdam niya ang mensahe ng kantang inawit ni Baekhyun sa kanya. Gulong gulo siya na para bang si Baekhyun mismo ang nagsasabi sa kaniya nito. “Ha, Chanyeol, yung kanta, si BBH gumawa. Hindi si Baekhyun.”



Tumingin saking sata
Magtapat ng nadarama
di gusto ika'y mawala
Dahil handa akong ibigin ka
kung maging tayo
Sa’yo lang ang puso ko



Pagsara ng gate ni Baek, di niya alam kung tatawa ba sya or maiiyak kasi alam niya na bumalik na naman sya sa square one. Ang tagal niyang pinaghirapang itaguyod ulit ang sarili niya nung nawala si Chanyeol at nang hindi siya natuloy sa med school. Tapos biglang andito na ulit siya sa Pilipinas at parang nawala yung limang taon na pinaghirapan niyang makalimutan ang mga nararamdaman niya.

Sobrang sakit ng dibdib ni Baekhyun pero di niya makuhang umiyak. Naubos na ba ang luha niyang worth 5 years? O kusang nagalsa balutan na pati luha niya sa sobrang kamartiran niya? Gusto niyang maglasing, gusto niyang pumunta sa Sagada at isigaw ang lahat ng feelings niya pero reality bites, nandito siya sa bahay niya sa QC, nag-iisa, durog ang puso at di makatulog. Biglang tumunog ang telepono niya at may message from Jongdae na “sana nakauwi ka na, ingat and good night. Kwentuhan mo ako bukas ha?” Natawa si Baek kasi alam niyang gusto lang nito makibalita. Nagreply siya ng “Yes, bahay nako. good night beshie :)”

Pagsara ng messenger ay nakita niya ang voice recording app at naalala ang dalawang linya na nirecord niya. Tinawanan ang sarili, iba ang nararamdaman niya noong nirecord niya ito kahapon, at iba narin ang nararamdaman niya ngayong pinapakinggan niya ito. Since di rin naman siya dinadalaw pa ng antok, umupo siya sa harap ng kaniyang electric organ at itinuloy ang himig ng nasa voice recording. Inisip niya ang mga nangyari nung araw na yun sa beach, at sabi niya’y dun siya huhugot since eto naman ang freshest and probably last good memory nila as good friends.

“Magkatabi tayo sa duyan sa ilalim ng buwan, buhangin sa ating mga paa, ang dagat ay kumakanta” - wow Baek, you’re doing well, sabi niya sa sarili, very friendly ang lines so far.

“Matagal naring magkakilala, minahal na kita, simula pa nung una, unang makita ang iyong mga mata” hanggang sa tumulo ang luha niya nung lumabas sa kaniyang mga labi ang linyang ito. Well, totoo naman kasi. Minahal ko siya at first. Di mo naman dinedeny yun diba? Sabi niya sa sarili. Pero kailangan ko pa ba to isulat? Akala mo may dalawang konsensyang kumakausap sa kanya na nagsasabi ng pros and cons sa bawat linyang naiiisip niya.

“Sana ay wag nang matapos to~~~ pag ibig na para lamang sa iyo, woah~~” bigla niyang naalala ang ngiti ni Chanyeol nung naglalaro ito sa dagat at kung gaano niya namimiss na ngitian din sya ni Chanyeol nang ganun. Agad niyang tinuloy ang kanta…

“Gusto kong tumalon, tumalon sa saya dahil ikaw ang kapiling, sa iyo, sa iyo lamang, ang puso ko” Nilagay niya ang ulo sa instrumento na parang ay pagod na sa kakaisip. “Hay Baekhyun, ano ka ba? Wag nang tanga. Wala kang inaasahan. Wala lang yung pangako. Naglasing lasing ka nun” sabi niya sa sarili. “Friends lang kayo. Caring siya sayo. Yun na yun. Five years Baek, tama na. Siguro naman by now kung kayo talaga ang para sa isa’t isa dapat nangyari na yon.”
Napagdesisyunan niyang tapusin na lang ang kanta, hindi dahil mahal niya si Chanyeol, kung hindi, gagawin niya ito dahil good friends sila. Tinanggap na niya sa sarili niya na hanggang sa kantang ito na lang ang happy ending nila. Kaya tinapos niya ito sa linyang “sumayaw sumayaw tayo, sa ilalim ng araw.”


Matagal naring magkakilala
Minahal na kita simula pa nung unang…
Unang makita ang iyong mga mata

Sana ay h'wag nang matapos tong pagibig na para lamang sa iyo

Gusto kong tumalon, tumalon sa saya dahil ikaw ang kapiling
Sa iyo, sa iyo, sa iyo lamang ang puso ko
Sumayaw, sumayaw, sumayaw tayo sa ilalim ng araw



∞∞ APRIL 2017 ∞∞



Last week of April na at ibig sabihin lang nito ay nalalapit na ang birthday ni Baekhyun. Lahat ay nakaplano na para sa surprise birthday celebration niya ng May 5. Ang venue, decor at lahat lahat ay naayos na courtesy of Jongdae and Jongin. Siyempre tumulong din si Chanyeol at ang iba pang miyembro ng barkada.

Nung kinagabihan, sa nightly FaceTime call nila ni Kyungsoo, bumungad kay Chanyeol ang mukang puyat at pagod na pagod na si Kyungsoo. “Hey babe” pilit na ngumiti si Kyungsoo na tila inaantok pa. Di sanay si Chanyeol na ganun ang kaniyang partner dahil alam niyang morning person ito. “Hey beautiful, you okay?” sabay ngiti ni Chanyeol umaasang umabot sa San Francisco ang pagkamiss niya sa kasintahan.

Si Kyungsoo na usually naghahanda ng breakfast habang nagffacetime sila ay naka tiklop ang mga braso sa tapat ng laptop at nakasandal ang ulo dito. “Yup” matipid na sinagot ni Kyungsoo. “Uhm baby, listen, can I ask you a favor? Please don’t get mad at me, I know I told you to have fun there with your family and friends, its just that... ” kinuyumos niya ang kanyang mukha na parang naiinis na sinabi. “Go on love, what is it?” concerned na concerned si Chanyeol. Hay, bat di kasi pwedeng abutin sa laptop screen si Kyungsoo para ma-hug na niya ‘to.

It’s just that I miss you. Come home. I haven’t slept in days. I miss you so bad”. Parang pinipiga ang puso ni Chanyeol sa narinig. Namimiss narin naman niya si Kyungsoo pero mamimiss rin niya ang birthday ni Baekhyun kung mapaaga ang kaniyang uwi. Tila may sariling buhay ang kaniyang bibig at sinabi nang di nag-iisip na “I’ll find a way love. Please, don’t go to work today. Sleep. Let’s leave this facetime on so I can at least be with you when you rest.”

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
isolovesuju
#1
Chapter 2: Lots of people recommended this to me. Ganda :) My first tagalog fic I've read here in aff.
strawbaeky_ #2
Chapter 2: omg hello!!! sobrang ganda nung fic huhuhu ang intense lalo nung feelings kase tagalog. sana makabasa pa ko ng maraming fics from you!! ang ganda talaga!!???
gossipman
#3
Was listening to Silent Sanctuary at work and I was reminded about this so like this will be my 3rd time reading this! Hahahha
bbhpcy0202
#4
Can someone translate it to english? I really wanna read it bcs my fav author read it and recommended it.. pleeeeeease
immatricharight #5
Silent Sanctuary karamay sa saya at lungkot ?
strawbaekrries #6
Chapter 2: Hello po! Just want you to know na simula nung nabasa ko to sa naritokami, araw araw ko nang pinakikinggan yung silent sanctuary songs na natutulog sa files ko. Ang dami dami dami kong feels sa fic na to. Maraming salamat po sa pagsulat!
tralmpling #7
hi po mga momshie. salamat po sa fic na to. jusko sinira nyo buhay ko pero inayos nyo naman din sa huli. ang sarap lang din sa feeling na silang dalawa talaga yung nakauluyan sa huli. destiny po talaga. tapos salamt din sa paggamit ng mga opm songs tapos silent sanctuary pa talaga (na-emo po talaga aq). ang sarap lang pakinggan ng playlist ni baekhuyn habang nagbabasa. *sanadara park voice: mahal ko kayo. <3 <3
asdfghjklQueenB #8
Chapter 2: Gusto ko yung ginamit nio yung Kismet
Shadowslurker #9
Wish i could read :(