First kiss (agad agad!)

I am Salvacion Delmal


10 years ago.

"Iha, sigurado ka bang ayaw mong sumama sa amin maynila?"

"Opo manong, makakapag pabigat lang po ako sainyo duon. Salamat po sa pagpapatira nyo sa akin sa bahay nyo ng pansamantala. Salamat at tinuruan nyo akong maghanap buhay at sa lahat lahat."

 

Sa pangatlong pagkakataon, mawawalan nanaman ako ng itinuring kong pamilya. Sila ang nakapulot sa akin ng bigla akong mahimatay sa kalsada dahil sa kapaguran. Sa maikling panahong nagsama kame ay napamahal na ako sakanila, ngunit, siguro, ganon talaga, ipinanganak talaga ako para maging mag-isa. 

​​​​​

Ito ang araw kung kelan sila babayahe para makipag sapalaran sa maynila. Umpisa pa lang ay alam ko nang di na sila magtatagal sa mumunting baryong ito dahil sa siguridad. Sinubukan naman nila akong ilagak sa dswd o mga bahay ampunan, ngunit sadyang mas gusto kong mag isa, ayoko ng madag dagan ang mga taong nadadamay sa dilim ng kapalaran ko, tutal naman, sa huli, magiging mag-isa parin ako.

~end of flash back~

 

 

 

@police station

 

"Salvacion! Laya ka na!" nagising nalang ako sa boses ni manong pulis. Nagmadali akong tumayo para kumpirmahin ang narinig ko.

"Talaga sir?! Salamat po! Sabi ko na nga ba eh, may ginintuang puso talaga kayo!"

"Wag ka sakin magpasalamat. Dun ka magpasalamat sa nagpyansa sayo"

'May nagpyansa sakin? Sino naman? Eh wala naman akong kilala sa Maynila. Di kaya natuntun ako nila manong? Pero pano?'

 

Lumakad ako papunta sa tinuturo sakin ni manong pulis. Nakatalikod sya sakin. Nung mapalapit ako sakanya, unti unti syang humarap at sabay kaming napasigaw.

 

"You!" / "ikaw?!"

 

"Oh bakit parang gulat na gulat kayo?"
Tanong ni chief.

"Anong ginagawa ng isang ingleserong palaka dito?" badtrip naman oh! Nahopia ako dun ah! Tska sa lahat ng tao, bakit itong si froggy pa ang nagpyansa sa akin? Oo! Si feeling amboy na napagkamalan kong nakasira na cellphone ko. Nako naman! 

"So you are Salvacion?" pagiiba nya sa usapan.

"Oh yeah? So what?" nag fake ako ng accent.

Napangisi naman ito.

"Oh? Anong nakakatawa? Este nakakangisi pala?"

"Funny right? You wanted me to be behind bars. But you're the one who got imprisoned instead. I guess its true then?"

"Anong totoo?" nagtatakang tanong ko.

"That karma is digital" at ngumisi nanaman to. 🐸🐸🐸 ganyang ganyan itsura nya ngayon.

"Bwisit ka talaga!"

"You're welcome." sagot nya sabay kuha sa mga gamit ko.

"Teka! San mo dadalhin yan?!"

"On my car" sagot nya na may tonong 'obvious-ba?'

"At sinong nagbigay ng karapatan sayo?"

"The dean." sabi nya. "DADIN ka dyan!" ano bang pinagsasabi neto? Bangag ata to eh.

"You still dont get it, dont you?"
ang alin ba? "Just in case you dont know, I am the person who was sent by the dean to fetch you at the port, but you knew very well what happened ..."

Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nya. "Imposible! Ang sabi sakin, babae ang magsusundo sa akin."

"At your service" nag bow ito na para bang isang tagapagsilbi sabay kindat.

mas lalong nanlake ang mata ko. Sya ba... Baba... "Babae ka?!!! " napailing ako ng sobrang bilis. Ginu- good time ata ako neto eh.

Imposible talaga! Yung buhok nyang parang bagong gising lang, yung tindig nyang pang siga, yung pagmumukha nyang mukhang palaka, 
Tas yung maskels nya sa braso!

Teka, wala syang adams apple! Pero di naman sa lahat ng lalaki halata yun ah, yung iba nga walang leeg eh.
Pero infaisnesz ah, ang seksi ng leeg nya... Ang haba... tapos yung colar bones... Tapos... Napagawi ako sa dibdib nya. wala tlga eh!

Imposible tlgang babae to.

"Uhuh." sagot nya. "My eyes are right in here, not there" sabi nya sabay turo sa mata nya. 

Putik! Nahuli nya akong naka tingin sa dibdib nya! At sigurado ako, kahit walang salamin, mapula pa sa champaca ang pagmumuka ko.

"ZeRe is the name" sabi nya sabay lahad ng kamay nya.

Kukunin ko ba o hindi? Eh baka bigla nyang bawiin tas mapahiya ako. O kaya naman bigla nyang pilipitin kamay ko? Pero sigurado naman akong mas malakas ako sakanya. Kaya...

"I wont harm you okay. I just want to shake hands with you" sabi nya na para bang naririnig nya ang iniisip ko. Nagdalawang isip pa ko, pero kinuha ko rin naman.

 

Grabe ang kamay nya, ang sarap hawakan...

 

Napaka...

Sobrang.....

Ubod ng.......

GASPANG!

Oo magaspang, pero pamilyar sakin ang pagkagaspang na yun. Hindi iyon basta galing sa gawaing bahay o pagtatrabaho... Nagmula iyon sa puspusang pageensayo.

Siguro di nyo ko naiintindihan, saka ko nalang ipapaliwanag kasi, gusto ko muna tong makumpirma!

Kinuha ko ang kamay nya at sinuri ng mabuti. At tama nga ako! may maliliit na pilat dito lalo na sa mga daliri nya na halos hindi mo na mapapansin dahil sa hinilom na ito ng panahon. Sa pagtatantsa ko, batang bata pa sya nung makuha nya ang mga ito.

Iginuhit ko ang daliri ko sa mga pilat na yun na tila ba gumagawa ako ng mapa. "Ang ganda ..." bulong ko na may kislap saaking mga mata. Agad naman nyang binawi ang kamay nya.

"What are you doing? You are starting to creep me out."

"Pasensya na, nagandahan lang ako." tinaasan naman nya ako ng kilay. Kaya tumahimik nalang ako at sumunod sakanya sa kotse nyang ubod ng gara.

Napuno ng katahimikan ang buong sasakyan, at nabasag lang ito nung buksan nya ang makina.

"Ano, amf ....Salamat huh. Tska, pasensya na sa kanina." nahihiya kong sabi. Ni hindi ako makatingin sakanya sa kahihiyan.

"Wala yun." sabi nya na ikinagulat ko. Kaya napatingin ako sakanya. "Nagtatagalog ka pala eh!"

"Of course I do. How do you think I can respond to your senseless taliking if I can't? I just dont want to be laughed at, because of my accent."

'Wow ah, ang haba ng explanation. Oo o hindi lang naman ang sagot. Sus!' bulong ko.

"Eh bakit nagtagalog ka sakin?, di ka ba natatakot na pagtawanan din kita?"

"I dont know, I just felt ... Comfortable with you, I dont even understand why."

Napangiti naman ako sa sinabi nya.

"Oo nga pala, pano mo nalamang nasa stasyon ako?"

"I called you, but, the police man talked to me. He said, he inserted the recovered sim card to other phone, thinking its from another victim, luckily, I called"

"Ahhh... May swerte rin pala ako sa araw na to. Kala ko puro kamalasan na eh"

"Dont rely on luck ... I believe that what ever happens to us, is brought by our decision making not on random luck"

"Andame mo namang sinasabi ... Zerey okey Zerey..." 

"Its ZeRe not Zerey."

"Nagjojoke lang ako noh. Eh ang poga naman kasi ng pangalan mo, tunay ba yan o palayaw lang?."

"Says the one who has a very beautiful name?" sabi nya na may pagka sarkastiko

"Maganda pangalan ko no! Sabihin mo na pangalan mo!"

"Zenith Reign"

"Wow. Ang astig naman pala eh. Anong ibig sabihin nyan?"

"Go find a dictionary and search"

"Damot!"

Di ko napansing nakanguso na pala ako. Kainis talaga to... Napatigil nalang ako sa pagmamaktol nang maramdaman ko ang kamay nya sa ulo ko. Tinapik tapik nya yun. Saka ako nakarinig ng mahinang tawa mula sakanya. Yup! Sa unang pagkakataon, napatawa ko sya!

"Tigilan mo nga yan! Di naman ako tuta eh!" sabi ko tas tinago ang namumula kong mukha sa tshirt ko.

"You're cute." sabi nya na lalong nakapagpapula sa mukha ko. Grabe kung ganyan sya ng ganyan, malulugi ang kumpanya ng blush on sakanya.

Napagawi naman ang tingin ko sa mga kamay nyang nasa manibela. "What are you looking at?" tanong nya.

"Siguro, mahusay ka na ngayon noh?"

"What? On driving?"

"Yiyun's blade 34th edition" sabi ko na sanhi kung bakit sya biglang promeno. Unti unti syang tumingin sakin ng may pagkagulat sa mga mata nya. "Tama ako diba? Yung mga pilat mo, dun galing?"

"I dont have any" sagot nya

"Malamang! halos gumaling na ng husto eh. Dalawa lang ibig sabihin nyan: napakahusay mo na kya wala ka ng sugat o huminto ka na. Ano sa dalawang yun?"

"I dont know what you're talking about." pagtanggi nya.

"Okey. Sabi mo eh" tumigil nalang ako sa pagtatanong, baka ayaw nyang pagusapan.

"Salvacion."
Pagtawag nya.

"Oh?"

"Who are you?" napahilamos nalang ako sa mukha ko ng marealize kong napakarami ko na palang nasabi.

"Tsk." napatagsot nalang ako sa katangahan ko. At nabigla ng biglang may naramdaman akong malambot at basa na dumampi sa labi ko. Pagdilat ko, nakita ko ang palaka na nakapikit... Na sobrang lapit sakin...

Para ako doong naestatwa. Sa sobrang bilis ng mga pangyayare, di na ko nakagalaw.

PUTAKTENG YAWA!!!!!

unang halik ko yun ii. T_T

Dapat sya ang nakulong sa salang pagnanakaw eh! Di ako!

 

 

••••••••

A/n: ang gulo ba ng plot mga guyz? Yaan nyo na, mabubuo din natin ang storya. Maglalagay po ako ng mga flashback every chapter in reverse order hanggang sa malaman kung san ba talaga nagmula si Salvacion.

 

Luna as Salvacion

Amber as Zere

Next chap ko nalang po ipapakilala ang other characters

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
zha-jy
I want to start this off lightly but Im having a hard time doing the flashbacks so I put it on the description and foreword instead.

Comments

You must be logged in to comment
SuperFandom325
#1
Chapter 1: Haha.. What a chaos