Unang pagkikita

I am Salvacion Delmal

Ms. Salvacion Delmal,

Good day, it has come to our attention about the good deed you did in the incident happened a week ago. Because of this, the board decided to give you an award to express our gratitude. 

We are informing you that Asia Pacific International University has given you a full scholarship grant for any 4 or 5 year course of your choice. This includes, free uniform, free boarding and lodging, and book allowance. In line with this, you will also receive, your monthly allowance.

Along with this letter is the school guide, your certificate, your keys and your ticket to Manila. 

Please don't hesitate to call our hotline for any inquiries...

 

"Ticket? To Manila? ... Ma- makakapag college na ko!"

 

•••••••••••••••••••••••••••

 

Salvacion Pov

"Magandang buhay! Welcome to Luzon!" sa sobrang excitement ko, dali-dali akong lumabas ng barko. Aba first time ko kya makarating dito.

Ang saya saya ko. Ilang araw din akong naglakbay syempre, nakakapagod din yun no. Binuksan ko ang cellphone ko para tignan ang oras. 6:05 am. Maaga pa. Siguro, wala pa ang magsusundo saakin, di pa nagtetext eh.

Naginat ako ng braso habang dinarama ang hangin. Ang sarap sa pakiramdam. Na hindi ko na naalala na hindi nga lang pala ako yung tao dito. At pinaalala yun sakin ng mga taong sumisigaw sa likod ko.

"Hoy! Wag ka ngang humarang sa daanan!"

Tumingin ako sa taong nagsalita, pero huli na, bago pa ko makapag react. Nabunggo na ako ng mga tao. Take Note: MGA tao. 

At dahil dun, tumilapon ang cellphone ko na aking pinagkakaingat-ingatan. Gumapang ako sa pagitan ng mga binti ng mga taong nag-uunahang maglakad. At ng malapit ko nang maabot ang cellphone kong pinakamamahal, isang paa ang humarang sa akin....

Natapakan ang cellphone ko! At nagulungan pa ng bag!

Agad agad akong tumayo para damputin ang mga labi ng cellphone ko. "Baby ko.... Wag kang magalala, pagbabayarin natin ang gumawa sayo nito!"

hinanap ko ang salarin. Sa pagkakaalala ko, isang itim na dihilang bag ang dala nya. At sapatos na may CHECK ang suot nya. Lumakad ako ng patakbo para hanapin ang sapatos na yun. Pakiramdam ko, ako si prince charming na naghahanap ng sapatos ni Cinderella.

At sa wakas, nakita ko na rin ang sapatos na hinahanap ko. Agad agad ko syang nilapitan. Nakaupo lang sya sa di kalayuan.

"Hoy!" kalabit ko sakanya pero tinignan nya lang ako ng bahagya.

Napangiwi naman ako at kinalabit sya ulit. Mas malakas ngayon.
"Hoy ! Mister! Wag ka ngang bastos!" sigaw ko.

Tinagilid nya ang ulo nya at may hinila sa tenga nya. Naka earphone pala ito.

"Do I know you?" aba ... Bastos talaga tong mokong na to ah!

"Hoy! Wag mo akong ingles inglesin dyan, nasa Pilipinas ka kaya!" sigaw ko. Ano bang akala nya sakin? Ako kaya best in English sa school namin.

Tumayo sya at napatingala naman ako. Napalunok ako ng tumingin sya saakin at nagsalita.
"Look, miss, just tell me what you want and leave."

Isinupalpal ko sa mukha nya ang cellphone kong nadurog "bayaran mo!" utos ko.

"Are you kidding me?" sagot nya. "Seryoso ako. Natapakan mo, kaya bayaran mo!" sigaw ko.

"Are you part of a syndicate and this is your modus? oh I tell you, you are aiming the wrong person"

ano daw? Pinagbintangan nya ba akong kasama ng sindikato?? Ngumisi pa sya. Buwisit!!!! Makikita nya ang hinahanap nya!

"Ipapabaranggay kita! Guard guard! mfff!" nagsusumigaw ako pero agad naman nyang tinakpan ang bibig ko.

"Hey! Quiet! You are making a scene!" bulong nya. Pero nag pupumiglas ako. Infairness ah, malakas sya. Pero mas malakas ako. Bibigwasan ko na talaga tong taong to eh.

"Maam, hinaharas po ba kayo nito?" sabi ng guard. Agad naman nya akong binitiwan. Pasalamat sya, dumating sila manong guard kundi, nako, baka pilantod na sya ngayon.

.

.

.

.

.

@ baranggay hall.

"Ikulong nyo yang lalaking yan! Ayaw bayaran ang cellphone kong sinira nya!" sabi ko.

"Ah eh ma'am, huminahon po kayo, pwede po ba naming malaman kung anong nagyare?"

"Eh kasi tong taong to, na di tumitingin sa dinadaanan, tinapakan ang cellphone ko!"

"pano nya po yun natapakan?"
Napagawi ang tingin ko kay froggy. Habang nagiisip kung pano ko sasabihin ang pangyayare. Aba naman... Tagsot ng tagsot to, at tingin ng tingin sa orasan nya. Kainis talaga!

"Care to speak?" nabalik ako sa reyalidad nung nagsalita sya.

"Eto na nga oh!" sagot ko, saka tumingin kay chairman. "Ah eh, ano kasi... May bumunggo sakin, tapos... Yun... Nalaglag?" Nahihiya kong sagot

"See, its not my fault that she's clumsy" Sabat ni mokong

"Tumahimik ka nga! Di ikaw ang tinatanong!" sabi ko.

"pwede po ba naming makita ang cellphone nyo? Baka ayos pa naman po." sabi ni chairman. Inilabas ko at nakita kong biglang namula ang mga mukha ng mga tanod na nakapaligid samin habang nabuga naman ni chairman ang kape nya.

"Its okay to laugh at this girl's absurdity" nako ... May bumoboses nanaman.

"Eh, totoo po ba ang sinasabi ni ma'am?" tanong nya kay mokong

"Nope." mabilis nyang sagot

"Sinungaling!"

"Baka naman po, di nyo lang napansin na natapakan nyo talaga?"

"Impossible."

grrrrr.....!!!!! nanggigigil na talaga ako dito ah! Kaninang di kinakausap, sabat ng sabat, ngayong tinatanong, ang tipid sumagot!

Tumingin sakin si chairman na may akmang itatanong "sigura..."

"Sigurado akong sya yon! Kitang kita ko ang design na Check sa sapatos ng tumapak sa cellphone ko at di pa nakuntento, ginulungan pa ng bag nya!"

"Exactly!" sabi ng ingleserong palaka

"Kita nyo na sir! Sya talaga yun eh."

"Eh. Baka pwede pong, bayaran nalang natin yung cellphone ni ma'am tutal, mukhang di naman po iyon kalakihan..."

"Hindi..." "no way!" sabay naming sabi

"Hindi kalakihan? Di nyo ba alam kung ilang trabaho ang pinagsabay sabay ko, para lang mabili yan? Di nyo alam kung gano karaming pagkain ang tiniis kong di kainin para lang mabili ko yan tapos, sasabihin nyo hindi kalakihan..." maiyak iyak kong kwento kay chairman.

"Fine." dumukot si froggy ng 5,000 pesos. At inilapag sa lamesa. "Is this enough for the trouble?" tanong nya. 

"Di po ba masyadong malaki yan para sa nasira nyo ?" pigil ni chairman.

"Antiques are expensive" pangaasar nya.

"Aba loko ka ah!"

"Ma'am, tangapin nyo nalang po, para matapos na."

"Di ko matatanggap yan kung may kasamang pangiinsulto!" sabi ko. May pride din naman ako noh

"Thats not an insult. I'm just stating the fact. You tell me. Is nokia 5110 not considered as ancient phone? Oh, did I mentioned... with rubberbands?" 

"Mag sorry ka sakin!" pagputol ko sa pagsasalita nya.

"Pft... Whatever" sabi nya at tumayo at akmang aalis. Sasagpangin ko na sana sya ng bigla syang huminto at nagsalita muli. "Oh, just so you know, I think, its you who owe me an apology. I dont have a luggage like you are saying. I am not a passenger of that barge, and I'm just here to fetch someone. But because you accused me of breaking your BELOVED cellphone, just because I am wearing  Nike shoes, that poor girl, must have been lost by now." Mahaba nyang sabi at saka umalis.

Siniko naman ako ni chairman.

"Hala, kawawa naman sya, napagbintangan lang pala."

Agad kong kinuha ang pera para ibalik sakanya kaso, nakaalis na sya. Sabi ni chairman, kuhanin ko nalang daw, para makabili ako ng cellphone. At ginawa ko naman. Aba, masama kaya tumanggi sa grasya.

Akala nyo ba, dun na natatapos ang kamalasan ng araw ko? Nagkakamali kayo!

At dahil nga wala akong cellphone, at andun ang contact number ng magsusundo saakin, di ko na sya natawagan. Nagdesisyon ako na ipamasahe nalang ang pera nung mokong. Di ko kasi alam kong magkano ang magagastos ko, mamaya, maligaw pa ko.

At tila nagdilang anghel ako, yun na nga ang nagyare sakin.

...........

"Haaaaay... bakit ba kasi ang kumplikado dito sa maynila?"

Tinignan ko ang perang natitira sa binigay sakin ni mokong, at siguro, sapat na to para makabili ako ng brand new cellphone?

MALI! MALING MALI!

Dahil pagkalabas ko palang ng ampaw na pinaglagyan ko sa pera nya, bigla itong nawala sa kamay ko.

'Huh? Anong nangyare?' nakatulala pa rin ako habang tinitignan ang kamay ko nang biglang may nagsalita.

"Miss, na snatch ang pera mo"

"Na-sSnatch?" pagtataka ko. "Oo. Nanakaw ang pera mo. Wala na, nakatakbo na" sabi nya. At ako naman, nang gagalaiti na sa galit.

Ganto pala dito. Eh sa probinsya namin, kahit makalaglag ka ng sandmukal na pera, asahan mo, pag binalikan mo yun, andun parin yun.

Gusto kong hanapin ang taong yun, ang kaso, di ko naman namukaan. Na trauma na ko, baka mamaya, mali nanaman maituro ko. Isa pa, di naman talaga sakin yung perang yun, kaya hinayaan ko nalang at nagpatuloy sa paglalakad.

Nagawi ako sa isang bangketa kung saan may mga nakalatag na cellphone. ‘Mukhang mgaganda ah.

"Manong, magkano po yan?" turo ko sa may pinakamalaking screen

"1500 neng, may tawad pa" wow. Ayos to ah!

"900 nalang!" sabi ko. "Grabe naman ang tawad mo miss. Hanggang 1300 lang. Tapat na."

"Ang mahal, eh iyon magkano?" siguro naka 7 rin yung tinanong ko at tinawaran, pero wala parin akong nagustuhan.

"Bibili ka ba o hindi? Kanina ka pa eh!" reklamo ni manong. 

"Teka lang naman! Tska customer is always right kaya!"

"Oo. Kung customer talaga. Eh parang nakikiosyoso ka lang eh. Eh ano ba talagang bibilin mo?!" 

"Sungit." Bulong ko, aalis na sana ako nang may isang lalaking tumatakbo ang papunta saamin na may dalang magarang cellphone. Hinihingal pa sya nang makarating samin at magsalita.

"Miss bilin mo na oh. 2000 lang. " sabi nya. "Ang mahal. 900 lang budget ko eh." sagot ko na may panghihinayang. "Sige sige. Bayaran mo na. "

"Talaga! Ito oh!" inilabas ko ang naka balot kong mga barya. Di naman puro barya, may tig bebente naman at singkwenta. "Miss bilisan mo namang magbilang!" pagmamadali nya saakin. Sinamaan ko naman sya ng tingin. "Oh eto na. Double check nyo nalang" paalala ko. "Di. Okay na yan. Oh ayan na. " binigay nya saakin ang cellphone. At nagtaka naman ako.

"Asan ang charger at earphone nito?"tanong ko. Wala manlang manual. Eh first time ko kaya makahawak ng ganitong cellphone.

" duon sa kabila, may bilihan dun." sagot ni manong kanina habang nagmamadaling iligpit ang mga paninda nya.

"Teka! Lugi naman ako nyan!" pagpigil ko sakanila.

"Oh ayan! Bumili ka na!" binato nya sakin ang 100 na barya saka kumaripas ng takbo.

"Hoy! Kulang to!" sigaw ko. Di ko pa nga natetesting, nilayasan na ko?

Napakamot nalang ako ng ulo nang biglang may tumatakbo nanaman papunta sa kinaroroonan ko.

‘Seryoso? Uso ba ang marathon sa maynila?’

"Ayan ! Yan ang cellphone ko!" sabi ng babae na may isang kilo ng foundation sa mukha.

"Baliw ka ba, kabibili ko lang kaya nito."

"Maam patingin nalang po. "
Sabi nang kasama nyang pulis.

"Oh ayan!" binigay ko. "Makabintang kayo wagas ah! Ayos ayusin nyo yang ugali...." di ko na natapos ang sasabihin ko nang magbukas ang cellphone at mukha nung babae ang lumabas.

 

"Hala." yan nalang ang nasabi ko.
.

.

.

.

.

.

@ police station

"Sir wala po talaga akong kasalanan! Binenta lang po talaga sakin yan!"
Pagmamakaawa ko.

"Nako. Ikulong nyo yan! Para di na makapirwisyo pa." sabi nung babae

"Sir mukha po ba akong magnanakaw?" nag beautiful eyes pa ako.

"You look more like a beggar, dear" sabat ng mahaderang babae.

"Hoy! Maka beggar ka ah! Ako kaya ang nanalong miss photogenic sa baranggay namin!"

"Doesn't look like it" bulong nya.

"Anong sabi mo?! Para sabihin ko sayo mukhang babaeng clown, TAO ako! Hindi ako DEAR!" dagdag ko.

"Tama na yan! Ituro mo nalang samin ang mga kasabwat mo." pagputol samin ng pulis.

"Wala nga po akong kasabwat sir...." binili ko lang to sa dalawang lalake. Yun dapat ang sasabihin ko kaso, pinutol na ko ni manong pulis.

"Sige kung ayaw mong umamin, ikulong na yan!"

"Teka! Magpapaliwanag ako!"

Pero huli na. Ikinulong na nila ako.

Okay naman dito eh. Maliban sa amoy ng mga katabi ko. Pakiramdam ko, napaliligiran ako ng sandamukal na binurong mangga. Oh di kaya, bulok na bayabas... 

Di ba uso ang pag gamit ng check sa kilikili dito?

Haaaaaay nako....

Ang saklap ng buhay ko.
Ang hirap magisa.
Walang pera.
Walang kaibigan.
Walang pamilya.

Pero mas gugustuhin ko na to kesa naman bumalik samin, sa dati kong buhay. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayare sakin sa Maynila, sana nagsaka nalang ako sa probinsya!

'Haaaaaaaaaaay at least may natutunan ako...

Nike pala ang tawag sa sapatos na may check.'.

~~~~
A/n: long chapter.
Kaboring ba ang sobrang haba? Yaan nyo na, ginanahan ako magtype eh.

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
zha-jy
I want to start this off lightly but Im having a hard time doing the flashbacks so I put it on the description and foreword instead.

Comments

You must be logged in to comment
SuperFandom325
#1
Chapter 1: Haha.. What a chaos