2/2

Malupit na Panaginip.

Ang sabi nga nila life came with full of suprises.

Pero minsan lang talaga yung mga surpresa na iyon hindi mo maatim tanggapin.Kasi hindi naman lahat ng surpresa may magandang maidudulot sa iyong buhay.Pero sa huli kailangan natin yung tanggapin ng buong puso kasi yun ang nakatadha.

Tatlong sunod-sunod pumikit ang aking mata.Para akong nalulunod sa nararamdaman.Isa ba itong pagsubok o sadyang kailangan ko lang tanggapin.

''Vincent.Akala ko hindi ka na babalik.'' paiyak niyang sambit, ramdam na ramdam ko parin ang maiinit na brasong nakapalupot sa'kin.Kung titingnan mo siya para siyang yelo na kailangan mong banlian ng tubig pero bakit parang bakit sa yakap niya ako pa ang natutunaw.

Pero hindi ko maiaalis sa isipin ko na sa buong pamamalagi ko sa mundo, kahit isang pagkakataon wala akong nakasamuhang marcus at hindi pa naman ako naaaksidente.Kaya sigurado akong walang amnesia na nagaganap.

Pilit akong bumitiw ngunit mas lalo pa akong nabaon sa yakap niya.

''Wag mo na akong iwan ulit ha.'' sumikip ang dibdib ko.

Anong gagawin ko? Hindi ako yung taong inaakala niya na ako.

Ayokong masangkot sa isang sitwasyon na may kadapit na kasinungalingan.

''Ano bang sinasabi mo?'' unang sambit ko at tumingin sa mga taong nakapaligid sa amin.Ayaw nilang gumalaw sa kinatatayuan nila.Halos nakatingin lamang sila sa amin.

''Ako si Vincent Lee '' pero mas lalo pa niya akong niyakap.Ang gusto kong iparating ay vincent nga ang pangalan ko pero lee ang apilyedo ko.Hinahangad ko na matauhan siya ngunit isang salitang nanggaling sa kanya ang nagpagimbal sa'kin.

''Ikaw nga vincent ko.'' halos maluha ako sa gulat sa sinabi niya.

Napakaliit nga naman ng mundo.

At hindi mo talaga maitatanggi na magkakaroon ka ng kaparehas na pangalan.

--

''Hindi ko po maintindihan.'' buntong hininga ko ng nawala sa paningin ko si marcus.Ngumiti lamang ng pilit ang kanyang mga magulang.Napatingin ako kina casey, nakayuko lamang sila.Ayaw akong bitawan ni marcus kanina kaya ang kanyang papa ang kumalas sa amin.

''Yan kasing batang yan.May masaklap na nakaraan..'' sambit nito at nakinig ako ng mabuti.

Bumuntong hininga si Mrs.Cho.

''Ganito kasi yon.'' at sinimulan niyang ikwento ang mga nangyari noon.

Natapos agad ito, ngunit nagwagi itong magkaraon ng sabit sa aking puso.

Para siyang bara na ayaw matanggal.

Natanto ko na lamang.

Ang pinakagusto ko lamang gawin ay bigyan ng magandang ngiti ang kanyang mga labi.  

--

''So anak kamusta ang pakikipag usap kina Mr.Cho? Ginabi ka na ah.'' isang boses na bumugaw sakin pagpasok ko ng kwartong inuupahan namin.Nginitian ko na lamang si mama.''Okay lang naman po.'' pagsisinungaling ko.Hindi ko alam kung ano itong lumunok sa akin.Ang alam ko lamang kailangan kong sumakay sa mga pangyayari.Upang magawa yung plano ko.

Magandang ngiti sa kanyang labi.

Yun lamang.

--

''Anak gising na.'' tumingin ako sa paligid at nakita ko kung gaano kalaki ang ngiti ng aking mama.Ano kayang nangyayari?

''Ma, ang aga pa po.'' pahiwatig ko.

''May bisita ka.'' bisita? Baka sina casey pero ala sais pa lamang ng umaga.

''Ma sino po?'' pagtataka ko at binuksan niya ang pinto ng kwarto ko.

Kinusot ko ng paulit-ulit ang mata ko ngunit ayaw maalis ang taong nakatayo roon.

Si marcus.

May dalang cake si marcus.

Ang nagawa ko na lamang ngumiti ng pilit habang si mama ngiti lamang ng ngiti kay marcus.

--

''Napadalaw ka?'' tanong ko habang naglalakad kami ng sabay.Ang sabi niya kasi may pupuntahan kami.Saan naman kaya iyon.Lumilipis ang mga segundo at nakarating kami sa isang bukirin.Hindi ko naman naisip na meron palang gantong lugar dito.Puro kasi mga apartment at malalaking bahay dito. ''Bawal ba.'' palarong sabi niya.Hindi ko mapigilang hindi ngumiti.

''Eto na ba yon'?'' tanong ko at tumango siya 

Napakaaliwalas ng lugar na ito.Mga sumasayaw na halaman at magandang simoy ng hangin.Nahagip ng mata ko ang isang malaking puno.Dali dali akong pumunta doon at rinig ko kung paano tumawa si marcus.Napahawak ako sa dibdib ko.

''Galak na galak kang makita ang lugar na ito ah.'' hindi ko parin talaga alam kung paano tatanggapin ang pagbabago ng kanyang ugali.Kahapon kasi para siyang mabangis na hayop na ayaw bitawan ang mahalaga sa kanya.Siguro nga, kailangan ko munang sakyan ang mga pangyayari ngayon.

''Oo naman.'' simpleng sabi ko at sumilong kami sa puno.Parehas kaming nakasandal.Dala dala parin niya ang cake.

''O ang paborito mong cake.'' sabay abot sakin ng box.Binuksan ko ito at nailang.Vincent, kailangan mong kontrolin ang emosyon at itsura mo.

Chocolate cake.

Nginitian ko siya at bigla na lamang niya akong sinandal sa dibdib niya..

''Alam mo bang miss na miss na kita.Bakit kailangan mo pang umalis.'' kung titingnan ako ngayon parang may invisible na tahi sa bibig ko.

Wala naman akong maisip na isagot doon.

At wala rin naman akong karapatang gumawa ng kwento.Mas sinandal ko na lamang ang ulo ko sa dibdib niya at tumingin sa cake.

Hindi ito ang paborito kong cake.

Pero sa huli, sino ba ako para magreak ng ganito..

Sino ba ako sa buhay niya..

Diba?

--

 Sa paglipas ng araw hindi ko na makakaila na may nagbabago sa akin.

Pagkatapos kasi sa bukirin dinala niya ako sa isang kagubatan.Hindi ko talaga alam kung saan banda yun dito.May isang tree house roon.Sabi niya doon daw kami unang natulog ng magkasama.Ang sabi ko sa kanya di ko maalala, para naman malaman ko ang mga detalye.Ang sabi niya may malakas na bagyo kaya inabutan kami dito sa lugar na 'to. At doon kami nagpalipas ng gabi.

Ang sunod niyang pinakita sa akin ay ang kanyang kwarto.

Malakas talaga ang kutob ko na may ginawa silang kababalaghan, na nagpasikip ng puso ko na hindi ko naman sinasadya.

Ang sabi niya sabay daw kaming nanood ng titanic.For the first time daw.

At napangiti na naman siya.Parang natanggal ang tinik na nakabara sa puso ko kanina.

Isang ngiti lang niya.Nagpapagaan ng loob ko.

Gusto ko ba talagang ipagpatuloy ang plano kong tagumpay na o itigil na lamang dahil sa kadahilanang unti unti na akong nahuhulog sa kanya.

--

''Tama ba 'tong ginagawa ko guys?" isang pagtitipong pinamunuan ko.Nakokosensya na ako.Sa bawat araw na lumilipas mas napapalapit ako sa kanya.Kalahating nagpapagiliw sa aking puso ngunit pag napapaisip ako sa realidad.Para akong sinasaksak ng paulit-ulit.

''Alam naming hindi pero nagpapabago 'to sa kaibigan namin, natin.'' sabi naman spencer.

''Pero lahat ito ay kasinungalingan.'' pabulong na sabi ko at nilapitan ako ni casey.Si aiden tahimik lamang.

''Ayoko siyang masaktan pa lalo.Nagiging masaya siya sa pagpapanggap na ito at ayokong mahulog siya roon ng tuluyan.'' hudyat ko ulit.

''Mas makakabuti ito sa kanya.'' biglang salita ni aiden.Napayuko na lamang ako.

''Mas makakabuti kung sasabihin ko na lamang ang totoo.Mas lalo siyang masasaktan pag nalaman niyang hindi talaga ako ang vincent na hinahanap niya.'' pagmamatigas ko ngunit ngayon si casey na ang nagsalita.

''Hindi naman ikaw ang nagpumilit isiksik ang sarili mo sa mundo niya diba? Kaya kung malalaman niya man at masaktan pa siya.Siya na rin ang may kasalanan dahil sobrang bulag niya sa pagmamahal.Nagbase lamang siya sa pangalan dahil sa taong nasa nakaraan niya.Nabulag siya dahil sa pag-ibig na iyon.Kaya kahit saglit lamang makita ulit namin kung paano siya ngumiti.'' sabay yakap sa akin.

''Pero magdudusa lalo ang puso niya.'' hirit ko pa.

Tiningnan ako ng diretso ni casey.At tinuro kung saan banda ang puso ko.

''Eto ba hindi nagdudusa sa mga nangyayari.'' at sa pagkakataong iyon huminga ako malalim at nilagay sa utak na.

''Kailangan ko sumugal kung hindi baka mas lalo siyang mahulog sa kalungkutan ng nakaraan..mas gugustuhin kong kahit panandali siyang ngumiti kahit na ang kadahilanan ay ang ang sandamakmak na pagpapanggap.''

--

Mga tatlong araw na ang lumipas pagkatapos nang pagpupulong naman.Patuloy kaming nagkikita ni marcus at minsan hindi ako makatingin sa mata niya.

Sa kadahilanang...

Una, sa aking pagpapanggap.

Pangalawa, baka mas lalo akong mahulog sa kanya.

Kasalukuyang nasa bukiran kami.Kung nasaan yung punong malaki.Ang sabi niya may ibibigay daw siya sa akin.Kung alam lang niya na ibang tao talaga ang kaharap niya.Isang kwintas ang binigay niya sa akin.Kahit na mabigat sa loob ko pinilit kong ngumiti.

Ang sabi niya nakalimutan niya daw ibigay yon dati.Mas lalo akong nakosensya pero kailangan kong isipin ang sinabi ni casey.Hindi ako ang nagpumilit pumasok sa mundo niya.

Lahat ito ay nakatadhanang mangyari.

''Thank you ha.'' sabay yakap ko sa kanya.Kailangang wag ko na palampasin ang mga pagkakataong ito Dahil sa huli, maglalaho rin lamang.

''Nako ikaw pa.Mahal kita eh.'' ang sakit sa pakiramdam.

Ang sakit isipin na hindi talaga yon para sakin..

Ang sakit tanggapin na yung salitang iyon ay madali lamang bitawan..dahil nga para sa taong minamahal mo lamang ito.

''Uy ba't parang malungkot ka?'' 

''Hindi ako malungkot ah.'' tanggi ko at may nilabas siyang gamit.

Isa itong camera.Ano naman kayang plano niya.

''Say cheeze!'' mabilis akong napangiti dahil sa kanyang nasabi.

''Ito ang ating unang picture na magkasama.'' parang nalaglag puso ko.

Unang picture? Ibig sabihin...

Dapat pala tinodo ko na ang pag ngiti ko kanina.

Sana hindi na matapos ang araw na ito pero sabi nga nila lahat may katapusan.

Hindi ko parin maalis sa isip ko na.Isang estranghero ang talagang katabi mo.

Sa sobrang bulag niya sa nakaraan Pati ako nadadamay.Hindi naman sa hindi ko gusto ito.

Yung puso ko lang talaga ang problema..

--

''Ma kelan po ako papasok?'' tatlong linggo na ang lumilipas.Gusto ko na ring pumasok.

''Anak next week na.Sa monday.Inayos ko na lahat ng requirements mo.Hmmm enjoy na enjoy kang kasama yang si marcus ah.'' hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko.Nahuli ako ni mama.

''Ah sge po ma.Syempre po ma.'' sabay labas ng inuupahan naming bahay.Hindi ako makahinga.At baka pigain pa ako ni mama.

''Hey vince.'' isang mainit na hininga ang naramdaman ko.Pamilyar na pamilyar ang boses nito.Si marcus talaga oh.

''Ano yun?''

''Tara dun tayo sa kwarto ko.'' huh? Anong gagawin namin don?

''Bakit?'' 

''May ipapakita ako sayo.'' 

Tumango na lamang ako at sinundan ang yapak niya papalabas.

Nakarating kami sa kwarto niya at dali dali niya akong pinaupo sa kama, hindi ko alam kung ano bang plano niya ngunit mas pinili kong manatili.

"Mahal na mahal kita, ikaw lang ang mamahalin ko hanggang sa malagot ang aking hininga." napapaluha ako sa bawat bigkas niya sa mga salitang iyon, bawat salita'y nagiiwan nang sakit sa aking dibdib. Hanggang kelan maipapamukha sa akin na hindi naman talaga ako ang dapat niyang binubusan ng pagmamahal.

"Mahal na mahal din kita." nagpadala na ako sa daloy nang aking emosyon, unang pagkakataong sinabi kong mahal ko siya at isang parang tinik na pilit gustong kumawala sa tusok sa aking pusong patuloy na nagdurugo.

Nagkislapan ang kanyang mga mata at halos malagutan ako nang hininga sa yakap na nadama.

Inihiwalay niya ang katawan niya sa akin at binigyan ako ng isang tuyong rosas. "Bakit?" yun na lamang ang aking natanong.

"Ang pagmamahal ko sayo ay parang tuyong rosas, simula pa lang nang una, humahalimuyak na ito at kahit ito'y matuyo at mawalan nang buhay, sa huli hinding hindi ito mawawala at mananatiling rosas." ayaw pumasok nang mga sinasabi niya sa aking utak, napayuko na lamang ako at hinayaang tumulo ang mga tubig na kanina pang gustong kumawala.

"Bakit ka umiiyak?" tanong nito ngunit patuloy lamang akong umiyak. Lahat nang mga ginawa ko ay isa isang parang bangungot na patuloy nagpapakita sa aking utak.

Hanggang sa may narinig akong kalabog galing sa pintuan at isang anyong hindi pamilyar sa akin ang pumaloob.

"Vincent?" rinig kong tawag ni marcus at napatingin naman ako sa kanya ngunit hindi siya nakatingin sa akin.

Sa ibang direksyon siya nakatingin at doon ko natanto, matatapos na ang aking pagpapanggap.

Dumating na ang taong kanyang matagal nang minamahal.

Dumating na ang taong naging dahilan upang mabaliw siya.

Dumating na ang napakaswerteng tao na minahal nang taong nakabingwit sa puso ko.

At kung may ganto mang sitwasyon, ako dapat ang lumisan.

At kasabay nang aking paglisan ay sana rin lumisan ang pagmamahal na nabuo galing lamang sa pagpapanggap.

 

 

 

 

 

 

 

 

but you're not his Cinderella....

 

 

 

 ×FIN×

 

 

 

 

 

Gagawan ko siya epilogue? Or wag na?,hindi ako magaling sumulat, lagi ko yang sinasabi pero gusto ko lang sabihin lahat nang nagyayari sa utak ko. Sige till the next update co-joyer ♡ May kyumin pa alam ko yan huhuhu

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Sichulbaby143 #1
Chapter 3: dumugo po yung ilong ko sa sobrang lalim ng mga katagang binibitawan nila. HAHAHA
sweetsmirk
#2
Chapter 1: Ohhhhhh ngayon ko lang nakita to? Asan na next updateeeee where where... Update plesss parang maganda to hihihihi..
HeeApprentice
#3
Chapter 1: Psychological ba to? o.O
Weeeeeeee. Reincarnation? Kung anu-ano pumapasok sa isip ko ㅋㅋㅋ