1/2

Malupit na Panaginip.

What happens when he's your prince charming..

---

Bagong lipat lamang kami sa isang kwarto na iyon.Napatalsik kami sa dati naming tinitirhan.Nagkulang yung pambayad namin, at kapos na kapos ang pera na dapat ipapambayad ng mga magulang ko.Hindi ko naman hinahangad na sa ikalawang pagkakataon lilipat na naman kami, at sa pangalawang pagkakataon na iyon, hindi na dahil kapos kami...kundi dahil na..sa katangahan ko.

---

Napamulat ako sa sensyasyon na naramdaman ko.Magandang sinag ng araw ang dumapo sa aking mukha.Napaupo ako at napainat.Naglakad ako sa papunta bintana ng aking kwarto, mas lalo kong binuka ang pagkakabukas ng kurtina.Napangiti ako ng nakita ko si mama sa baba naglalaba sa damuhan.Itong masayang araw ang naghihintay sakin.Bumaba na ako at lumakad papunta sa kusina.Napangiti ako nang nakita ko si papa na nagkakape.Umupo ako sa tabi niya at yumakap. ''Papa, magandang umaga.'' napatigil siya sa pagbabasa ng dyaryo at niyakap ako pabalik. ''Magiging maganda talaga ang umaga, pag ngiti ng anak ko ang makikita ko.'' ito talaga si papa palabiro.

''Nga pala pa, kelan ako papasok?'' hindi ko mapagilang itanong.Ang pagkakaalam ko kase halos magse-second grading na ngayon.Isa akong hayskul student.Napaaga ang pagbabakasyon ko ng nalaman kong pinapatalsik na kami sa dati naming tirahan.Wala naman kasing trabaho ang papa at labandera ang aking mama.Pero kahit ganoon masaya parin kami.Sa konting sahod na kinikita ni mama sa paglalaba, kahit konti sapat na 'yon para matustusan ang pag-aaral ko.Ang pinoproblema lang namin ang aming upa noon kaya't wala sa oras kaming napaalis.

Napatigil siya sa pag-inom at tumingin sakin. ''Alam mo anak, di pa kasi kami nag-uusap ng mama ko kaya't hindi ko pa masasabi.Alam mo naman yang mama mo nagtatampo parin sa nagawa ko.'' napayuko ako, gusto ko na kasing bumalik sa paaralan.Ang dahilan naman kasi kung bakit kami kinapos ay dahil natanggal ang papa sa trabaho, at hindi agad siya nakahanap.Kaya si mama doble kayod.Nakipagsapakan kasi siya sa isa niyang kostumer, isa siyang bantay sa isang coffee shop.Malaki ang sahod niya doon sapagkat mamahaling kapihan iyon.

Napatango na lamang ako. ''Pero pa, pag pwede na akong mag-enroll sa anumang paaralan dito sa paligid.Sabihan niyo na lamang ako.'' sabay pumunta ako sa labas.Sana nga makapasok na ako.Dumiretso ako kung nasaan si mama, napatayo siya nang nakita ako. ''O anak, gising ka na pala, kumain ka na ba?'' hinalikan ko na lamang siya sa pisngi.''Ma naman, bakit ang aga-aga may kostumer ka agad?'' napatingin ako sa hindi pamilyar na damit na nakababad sa palanggana namin.Ngunit hinawakan niya lamang ako sa mukha para hindi iyon bigyang pansin.''Alam mo ba anak, maganda ideya rin pala ang paglipat natin.Ang ilan nating kapit-bahay ay walang mga yaya.Dahil natatakot daw silang kumuha dahil yung iba masasama, kaya naman wala na silang oras maglabas.Marami rami ang magiging kostumer ko.'' napangiti na rin lamang ako nang nakita ko kung paano siya ngumiti.Kahit naman sabihin kong tumigil na siya sa paglalaba.Hindi parin niya ako susundin.Ganun kaporsigido si mama.

''Oh sige ma, maiwan ko na kayo.'' pagkasabi ko sa kanya ay nabigla ako dahil hinawakan niya ako sa braso.

 ''Hindi ka ba maglilibot man lang.'' napalingon ako at napangiti.

''Yun nga po ang plano ko.'' sabay suksok ng dalawang kamay sa bulsa ng short na suot ko.

Naglakad ako papunta sa main gate ng apartment at luminga-linga sa paligid.Mapayapang simoy ng hangin ang aking naramdaman.Ramdam kong sumasayaw ang mga halaman kasabay ng magandang simoy ng hangin.Sinag ng araw na namumutawi sa aking balat.Makakasanayan ko ito.

Unang pumunta ako sa pulang bahay na nasa aking kaliwa.Gusto ko lamang silang batiin.Ito ang unang araw na aming pamamalagi rito.Kailangan kong magkaroon ng magandang pakikipagtangkilik.

Kumatok ako at isang babaeng nakadaster ang nakasalubong ko.

''Magandang umaga po.'' galak na pagbati ko.Ngumiti ito.

''Anong ginagawa ng magalang na binata rito?'' Hindi ko mawari kung iyon ba ay masamang tanong o anuman.

''Bagong lipat po kami diyan sa kabila.Ako po si Vincent Lee.'' pagpapakilala ko.

Nag-iba ang kanyang ekspresyon ngunit napalitan agad ito ng ngiti.

Ano kaya ang dahilan?

''Ako naman si Nelda.Halika, at ipapakilala kita sa mga anak ko.'' wari nito at nakaramdam ako ng hiya.Ang pakay ko lamang ay magpakilala.

''Ay hindi na po.Makakaabala lang po ako sa inyo.'' atras ko at aalis na sana.

''Wag ka nang mahiya.Sa mga darating na araw tayo tayo lang din ang mag-uusap usap.'' may punto naman si aleng nelda kaya pumayag na lamang ako.

 ''Ah sige po.'' sambit ko at pumasok sa loob.Malaki ang loob nito at pinaupo niya ako sa kanilang sofa.

''Diyan ka lang at tatawagin ko ang aking mga anak.'' napatango ako at ginawang komportable ang pamamalagi.

Hindi ko inisip na mababait ang mga tao rito.

Sa dati kasi naming tirahan.Yung ibang kapit-bahay namin ay walang modo at huthot ng huthot.

Pagkatapos ng ilang minuto ay may nasagip ang mata ko.

May tatlong  dahang dahang palapit sakin.

Si aling nelda at dalawa pang binatang lalaki, wari ko'y kaedad ko lamang sila.

''Ito sina Spencer at Aiden.'' ngumiti silang dalawa sakin.Halatang kagigising lamang.Nag-abala pa si aling nelda.Ang pagkakaalam ko maaga pa talaga.

''Kinagagalak ko kayong makilala.'' sambit ko at napatawa sila.

''Masyado ka namang makabayan.'' wari ko si spencer iyon;nakitawa na lang rin ako.Natural na sa'kin ang pagiging ganito e.

Si spencer ay may magandang ngiti.

At si aiden naman ay parang bata na laging gustong kasama ang kanyang kuya.

''Ako nga pala si Vincent.'' nawala ang ngiti nila ngunit pagkatapos ng ilang sandali. 

Parang nagflashback lang sa utak ko ang nangyari kanina.Noong kausap ko si aling nelda.

Pagkatapos ng ilang sandali pilit silang ngumiti.

May problema ba sa pangalan ko? 

''Bakit parang nag-iba ang ukit ng mukha niyo?" 

''Wala yon, wag mo nang pansinin.Tara at ipapakilala ka namin sa iba pang magiging kaibigan mo.'' naganahan ako.Ang bait nila.

--

''Ito ang pamilyang Kim.'' ito ang kaliwa ng apartment na nilipatan namin.Nahihiya kasi akong batiin ang bawat pinto sa tinitirhan namin ngayon, kaya mas pinili kong makipagkilala sa taga labas. 

Ang laki din ng bahay nila.Sana naman mabait din sila.Hiling ko.

Kumatok bigla si spencer na ikinagulat ko.Tinawanan lamang ako ni aiden.Baliw 'tong magkapatid na'to.Napailing na lamang ako at ngumiti.

''Oh! Magandang umaga unggoy! Nasan na si isda?'' isang malakas na boses ang bumati.Mukha siyang babae sa opinyon ko.Mabilis na pumunta sa direksyon ng mukhang babaeng iyon si aiden. ''Andito ako auntie!'' at niyakap siya nung mukhang babae.Oo mukhang babae.Kasi halata naman na lalaki siya dahil sa boses pero kung titingnan mo siya sa mukha;mapapaisip ka talaga.Pero auntie? Bumaling ako kay spencer. ''Auntie?'' bulong ko sa kanya at siguro napansin na ako ng kayakap ni aiden kaya napayuko at bumati. ''Ako nga pala si Vincent.'' hindi ko ba alam kung anong iisipin ko dahil bawat banggit ko sa pangalan ko.Halos nagiging poste sila.May mali ba? 

''Ako naman si Casey Kim.'' at nilahad niya yung kamay niya na kinamayan ko.Bakit parang babae rin yung pangalan niya? 

''Halika pumasok kayo at ikaw vincent ipapakilala kita sa kyut kong kapatid.'' tumango na lamang ako at nilead niya kami pumasok.

''Kung nag-aalinlangan ka.Lalaki yun may babaeng mukha at pangalan lang.'' sambit sakin ni spencer.

Ah kaya pala.

---

''Ito si nathan kim.Ang kyut kong kapatid.'' totoong cute nga kapatid niya.Ang sabi niya mas bata ito ng dalawang taon sa'kin.Napayakap na lamang ako sa maliit na postura ng nilalang na iyon at binalik niya rin naman iyon.Ang cute talaga niya parang teddy bear.

''Anong pangalan mo?'' tanong nito sakin;nakayakap parin ako sa kanya.

''Vincent.'' simpleng sabi ko.Nagulat na lamang ako nang humigpit yung yakap niya sakin.Napatingin na lamang ako kina casey at sa magkapatid na sina spencer at aiden.Nakayuko lamang ang magkapatid at napakagat sa labi si casey.

''Bitawan mo na si vincent.Baka di siya makahinga.'' rinig kong sabi ni casey kay nathan ngunit ayaw bumitiw sakin ni nathan.Ano bang nangyayari.

''Ayoko.'' nakasandal na ang ulo ni nathan sa dibdib ko.Hinagod ko na lamang ang likod niya kahit wala akong clue sa mga nangyayari ngayon.

''Wag kang makulit nathan.'' sumeryoso ang boses ni casey.Napatingin ako kay nathan sa dibdib ko. ''Baka magalit sayo ang kuya mo.'' sabi ko sa kanya pero nagulat ako nang umiiyak ito.Dahan dahan siyang bumitiw.

''Spencer at Aiden pakialalayan na nga lang si nathan sa kwarto niya.Hindi ko naman alam na mangyayari ito e.Susunod na lamang ako sa taas.'' baling ni casey sa magkapatid.Sumunod naman agad ang dalawa.

''Dito ka muna ha.Babalik ako at maglalaro tayo.Magba-bonding at kung ano-ano pa.''  doon ko nakita kung paano siya ngumiti ng tunay. 

May magandang ugali si casey at para namang pinag-iingatang bagay si nathan.

Napangiti ako at umupo sa sofa nila.

May bago akong mga kaibigan.

---

''Tulog na si nathan.Wag mong pansinin yung inasal niya kanina ha.Ganun lang talaga yun.'' sabay-sabay silang bumaba.Napatango ako.Baka gusto lang nang yakap ni nathan kaya ganon ang inasal niya ngunit nagtataka ako sa kadahilanang bakit siya umiyak.Halos masisi ko na ang sarili ko.

''Okay lang.'' maikling sabi ko at umupo sila sa tabi ko.

''Nga pala.Bagong lipat kayo diba? Taga san kayo banda dito.'' tanong ni casey.Ay oo nga pala hindi ko pa nasasabi.''Diyan kami nangungupahan sa apartment sa kaliwa niyo.'' sabay ngiti ko. ''Ah pag-aari nina tito cho.'' sabi ni aiden at tumayo si casey. ''Kukuha lamang ako ng pagkain ha.'' tumango ako at dumiretso na si casey sa kusina. ''Sinong cho?" tanong ko kay aiden at kita ko kung paano napatigil sa paghinga si spencer.

''Y-yung may-ari ng apartment na inuupuhan niyo.'' hindi ko na lamang pinansin ang pagkabulol ni aiden.Nagtataka lang talaga ako sa ihip ng hangin.

''Wag na nating pag-usapan 'yon.Dapat lubos nating makilala ang isa't-isa.'' biglang sulpot ni casey at may dalang tasty na tinapay at palamang ladies choice.

''Tama!'' sabay na sang-ayon ng dalawang magkapatid.

Napangsang-ayon na lamang ako :)

---

''Spin the bottle tayo!'' sambit ko at napatango silang tatlo.

''Sige-sige ikaw magpaikot.'' masiglang sabi ni aiden.Buti naman at nawala na ang pagkabulol niya.Kinuha ko yung bote ng softdrinks na pinag-inuman ko.

Pinaikot ko ito at tumapat ito kay spencer.

''Ako! Ako magtatanong!'' sigaw ni casey at napatawa ako.

''Nasan ka nang nagpasabog nang kagwapuhan?'' pinipigilan kong tumawa pero waipek! At nagdagdag pa ng comment si aiden.''Oo nga kuya, matagal ko nang gustong itanong sa'yo yun.'' napahalakhak kami habang si spencer nakanguso lamang.

''Oo na, aaminin ko na.Natutulog ako! Ano masaya na kayo?!'' inis na natatawang sabi niya.Magaling siyang makisama! 

At siya naman ang nag-paikot at natapat ito kay casey.Hmm ano kaya magandang tanong.Nag-iisip ako nang tanong ng nagsalita si spencer.

''Break na ba kayo ng boyfriend mo?'' nanlaki ang mata ko.Hindi siya lalaki? 

''Matagal na huli ka talaga sa balita, unggoy ka!'' walang siglang sagot ni casey at napatango si aiden.''Oo nga kuya lagi ka kasing nasa kwarto mo eh.'' siguro may ginagawang kababalaghan.Napakagat ako sa labi sa iniisip.Kabastos ng iniisip ko!

''Nako aiden pag lagi yang nasa kwarto niya, lagi mong bantayan!'' rinig kong sabi ni casey at kinindatan ako.Nahuli niya ako!

Ngunit napatagilid lamang ang ulo ni aiden.Nako inosente siya! 

''Ibang topic, ibang topic.'' may kabang salita ko.Mamaya maging corrupted utak niya! Alam kong dadating din siya sa panahong iyon pero nako malinis pa utak niya!

Ngumiti na lamang si heechul at pinaikot niya yung bote at tumapat ito sakin..

''Truth or Dare?''

''Hala ba't iba sakin?''

''Truth or Dare.'' ulit na sabi ni casey.

''Dare...na lang.''

''Hahaha wag ka mag-alala.May sisiguraduhin lamang ako.''

''Oh sige.'' tango ko.Ano naman kaya iyon?

''Ang dare ko sa'yo ay kunware pag may nakilala kang tao na pinaramdam sa'yo na espesyal ka at wala kang alam na dahilan kung bakit siya naging ganon bigla.Wag na wag kang magpapadala sa emosyon mo ha?'' Anong klaseng dare iyon.I mean, kung may manggaganun man sakin.Makakaramdam ako ng pagkagaan ng loob.Kasi ang trato niya sakin ay espesyal? Pero paanong biglaan? Hindi ko maintindihan..

''Ano bang ibig mong sabihin?''

''Payong kaibigan lang kase delikado na.'' sabi ni casey at inakbayan ako.Tumango yung magkapatid.

''Ah sige, sige.'' wala na talaga akong clue pero tama naman yung payo niya.

Hindi ko lang talaga maintindihan yung nangyayari

---

Maghapon kaming nagkwentuhan at marami ding kaming nagawang bago.Naglaro kami ng naglaro ng kung ano-ano.At hindi namin napansin ang oras.Nakita ko na lang madilim na ang langit sa labas.At sa maghapong itong mas naging close kaming lahat.Feel ko man na mabilis.Basta masaya ako.

 ''Oh siya uuwi na ako.'' sabay tayo.Niyakap ako ni casey at tumayo narin yung magkapatid.

''Sabay na tayo.'' sabay pang sambit nang dalawa.

''Sige sige.Salamat casey at pakikamusta na lang ako kay nathan.'' nginitian niya ako at nagpagpag ako ng damit.

''Sige sige ingat kayo.''

''Ano ka ba casey.Ilang dipa lang layo natin ah.'' singit ni aiden.

At sa huling minuto na magkakasama kami sa araw na iyon.

Tumawa kami ng sabay-sabay.

--- 

''Papasok na kami ah?'' napatango na lamang ako.Nasa gilid kami ng kalsada.Hindi mo naman talaga maituturing na kalsada ito sapagkat ang pagkakaalam ko walang masyadong sasakyan ang nadaan dito.

''Salamat sa inyo.'' ngumiti lamang sila at dumiretso na pauwi.Napatingin ako sa kalangitan.

Naging maganda ang pagdaloy ng araw na ito.

Dahan dahan na akong naglakad papunta sa main gate ng apartment nang may narinig akong sigaw.

Sigaw na galing kay aiden.

''May isa pa kaming gustong ipakilala sa'yo.Mabait yun kaso may konting problema pero basta kailangan mo siyang makilala.'' napatingin ako sa dako nila, pilit na hinahatak ni spencer si aiden papasok sa kanila.Pero nagpupumigilas lamang si aiden at sa huling sulyap ko sa kanya may tinuro siyang direksyon.Napatingin ako sa direksyon na tinuro niya.Sa kabilang kalsada.

May lalaking kakarating pa lamang at may dala-dalang bisikleta.Walang kaemo-emosyon ang mukha niya.Para siyang gumagalaw na manikin, sa aking opinyon.Bukod sa bisikleta.May dala siyang libro.Nakabughaw na damit siya at itim na shorts.

Doon ko natanto na.

Gusto ko siyang pangitiin.

Gusto kong marinig ang tunog ng kanyang tawa.

Tawa na siguro magiging musika sa aking tenga.

Inalis ko na sa kanya ang paningin ko ngunit sa huling sandali parang gumalaw ng kusa ang ulo ko at napatingin kung naroon pa siya.

Nagtama ang aming paningin.

Bahagyang napahawak ako sa aking dibdib.

Di ko maisip na pwede akong malunod sa isang tingin lamang.

---

''O kamusta kahapon?'' napatingin ako sa kusina namin.Kasalukuyang nag-uumagahan kami ngayon ngunit mas nauna akong natapos kumain kaya napagdesisyonan kong manuod muna ng tv.

''Okay lang ma.Naging kaibigan ko yung mga bago nating kapit-bahay.'' malaking ngiti ang bumalot sa bibig ng mga magulang ko.

''Ang palakaibigan talaga ng anak ko.Parang ako lang noong ako'y binata.'' yan na naman si papa.

''Natural na sa'kin yun pa e, pero may isang bahay pa akong hindi nabibisita.Yung may-ari daw ng apartment na ito?'' tiningnan muna nila ako ng matagal at sinabing ''Ah si Mr.Cho? Magluluto ako ng adobo at papuntahin mo dito ang mga kaibigan mo.Gusto ko sila makilala.'' sabi ni mama at tinuloy ko ang panonood.Ano kayang magiging reaksyon nila pag pumunta ako doon.Positibong reaksyon diba? 

''Pero parang ang bilis naman yata?''

''Ma, sa pagkakaibigan walang sinusukat na oras.''

---

Unang pindot : Wala.

Pangalawang pindot : Wala parin.

Pangatlong pindot : Wala parin.

Napakamot ako sa ulo.Kami nina casey,aiden at spencer ay nasa pintuan ng pamilyang cho.Ang sabi kasi nila.Ibigay ko daw muna itong adobo bago kami pumunta sa bahay namin.At kung pwede daw makumbinsi ko ding lumabas yung anak ni Mr.Cho.Susubukan ko ang makakaya ko kahit muntik na akong maging luha ng kandila kahapon.

Pinindot ko yung doorbell for the 4th time.Vincent kalma ka lang baka naman kumakain sila.Tanghaling tapat nambubulabok ka.

Napaatras na lamang ako ng nagprisinta si casey na siya ang magdo-doorbell.Sunod-sunod na maikling tunog ang narinig ko.Patuloy niya itong pinipindot!

''Hala casey!'' bulyaw ko at tinawanan lang ako ng magkapatid.

''Wag kang mag-alala.Hindi magagalit si tita at tito.'' patnubay niya sa akin at bumukas yung gate.

Isang magandang babae ang aming nakaharap.Mukhang may edad na siya ngunit hindi mo maaalis ang ngiti na nakabakas sa kanyang bibig.

''Ikaw talaga casey, kahit kailan kang bata ka.'' palarong sambit nito at hinalikan siya ni casey sa pisngi ; sumunod yung dalawa para gawin din 'yon.

Hala hindi ako maka-relate.

Bigla itong napatingin sa akin.Halos mapaatras ako sa tingin niya.Napahigpit ang kapit ko sa mangkok na aking dala-dala.

''Anong pangalan mo? Ginoo.'' ''Vincent lee po.'' sabay yuko ko at pagtaas ko ng katawan ko.Yung lipstick na pula kanina ay halos mamuti.Hindi ko alam kung bakit.Napatingin siya kina casey at sa magkapatid ngunit sa iba-ibang direksyon nakatuon ang kanilang mata.

Ano ba talagang nangyayari? 

May mali ba sa pangalan ko?

Kahapon pa itong namumutawi sa aking utak.

---

Pinapasok kami ni Mrs.Cho sa loob.Sa aking pagsusuri mas malaki itong bahay nila sa aking inaakala.Maraming frames na nakadisplay sa dingding.Kulay light green ang kanilang dingding.Maraming pintuan sa paligid.Napatigil ako sa pagtingin ng may nakita akong lalaking may edad na.Nakasalamin siya.Hula ko, siya si Mr.Cho.

Yumuko ako para gumalang.Nginitian niya lamang ako.

''Magandang umaga po.'' bati ko at binati niya ako pabalik.Pinaupo kami ni Mrs.Cho sa kanilang sofa at tinanong kung ano ang aking dala.

''Adobong niluto po ng aking mama.'' simpleng sabi ko.

''Para sa amin ba yan?" ngiti niya.

''Opo.Kami po yung bagong lipat sa pagmamay-ari niyong apartment.'' 

''Ah ang pamilyang Lee! Kaapilido niyo pala sina aiden eh.'' napatango na lamang ako.Hindi ko alam baka long lost brothers kami.

''Teka lang at tatawagin ko yung nag-iisa kong anak.Lagi na lang kasi siyang nasa kwarto niya at gabi lamang lumalabas.'' singit ni Mr.Cho at laking gulat ko nang napahawak sa kanya ang kanyang asawa.May problema ba? 

''Bakit hon?'' tanong ni Mr.Cho.

''Ah wala wala.'' sambit niya at hindi siya makatingin sa akin ng maayos.

Makalipas ang ilang minuto.Ang binatang lalaki na nakita ko kagabi ay dahang-dahang bumaba sa mahabang hagdan.Magulo ang kanyang buhok at lukot lukot ang kanyang suot.Ang suot niya ay yun padin kagaya ng kagabi.May bughaw na pangtaas at itim na short.Ang pinagkaiba lamang.Hindi na parehas ang design.

Nagtama na naman ang aming paningin at saktong tinanong ako ni Mrs.Cho kung anong number ang aming inupahan.Siguro hindi pa nasasabi ng kanyang asawa sa kanya.

''Sapphire 0143 po.'' pagkasabi ng pagkasabi ko nun.

Nagulat na lamang kaming lahat ng may nabagsak na magandang vase hindi kalayuan kung nasaan kami nakaupo.Biglang napatayo si Mrs.Cho at halos hindi makagalaw si Mr.Cho.Ano kayang nangyayari.

''Pa, ang sabi ko naman! Wag na wag niyong pauupahan yung kwarto na iyon! Alam niyo namang mahalaga sakin yun diba?!'' unang beses kong narinig ang boses ng binata.Ngunit ito'y pasigaw.Pero ang sabi nina papa.Pinapipili siya ng may-ari kung saan gustong umupa.Wala naman kaming alam na ipinagbabawal doon.

''A-anak sorry.Nakalimutan ko.'' mahinang sambit ni Mr.Cho.

Napatingin ako sa mga kaibigan ko.Tinatanong kung anong nangyayari pero hindi sila kumikibo.Nakatingin lamang din sila.

''Pa naman! Parang nakalimutan niyo narin bakit ako nagkaganto.Hindi pwedeng mangyari 'to! Kahit saang kwarto na lang sila lumipat.Wag lang dun!'' sigaw na naman siya at sinusubukan ni Mrs.Cho na pakalmahin ang binata ngunit hindi ito umubra.

''Hindi ko naman pwedeng gawin yun ng biglaan.''

''Magagawa mo yun para sa anak mo.'' madilim na sabi ng binata at kumawala sa kapit ng kanyang mama.

''Pero anak! Yung bagong lipat na 'yon ay nandito ngayon.'' napatingin ang binata sa paligid at kita ko kung paano siya mabilis na lumapit sa harapan ko.

''Lahat ng makakaya kong gawin.Gagawin ko, umalis lang kayo sa kwartong iyon.'' pahiwatig niya na gigil na gigil.Napalunok ako dahil sa kanyang tono at dahil narin sa lapit ng mukha niya sa mukha ko. 

''Anak wag mong ganyanin ang bisita.'' banta ni Mrs.Cho.

''Wala akong pake.Kinamumuhian ko 'tong bagong lipat na 'to.''

''Anak wala ka bang galang?!'' 

''May galang ako kanina bago pa man malaman na may lumipat sa kwartong pinag-iingatan ko.'' ano ba kasing mahalaga sa kwartong iyon? 

''Ano bang binubuga ng butchi mo?'' sambit ko na ikinagulat ng lahat (maliban sa binata) pati ang sarili ko nagulat sa mga salitang lumabas sa bibig ko.

Halos mamamatay ako sa tingin niya. ''Wala kang alam diba.Kaya gawin mo na lang ang gusto ko.Kung babaliktarin natin ang sitwasyon.Kung ikaw kaya may pinapahalagang isang lugar.Papapasukin mo ba ang taong di mo kilala at hindi naman importante?''

Ano bang kasing tanong iyon! ''Syempre hindi!'' bulyaw ko at napangisi siya.

''So alam mo naman pala kung ano ang pakiramdam eh.Kaya please lisanin niyo ang kwartong iyon.Sa ibang kwarto na lang kayo.''

''Pero--'' naputol ang pagsasalita ko nang nagsalita si Mrs.Cho.

''Marcus bitawan mo si Vincent ngayon din.'' halos magulantang ako ng nakita ko ang pagbabago sa ekspresyon ng binata na nasa harapan ko.Marcus pala ang kanyang pangalan.

''Vincent..vincent...bumalik ka.'' 

at sa isang iglap.

Binalot ng dalawang braso ang katawan ko.

Mahigpit niya akong niyakap.

Napalunok ako at napatingin sa natitira pang tao sa paligid ko.

Ang natanto ko na lang.

Never sa tanang buhay ko.

 

Walang pagkakataon na may nakilala akong marcus.

 

Napapikit na lamang ako sa sensasyong nadama.

 

Na hindi man lang aware sa mga nangyayari.

 

Simula nang araw na iyon.

 

Nalunod ako sa isang masarap ngunit mapait na panaginip.

 

--END OF PART 1--

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Sichulbaby143 #1
Chapter 3: dumugo po yung ilong ko sa sobrang lalim ng mga katagang binibitawan nila. HAHAHA
sweetsmirk
#2
Chapter 1: Ohhhhhh ngayon ko lang nakita to? Asan na next updateeeee where where... Update plesss parang maganda to hihihihi..
HeeApprentice
#3
Chapter 1: Psychological ba to? o.O
Weeeeeeee. Reincarnation? Kung anu-ano pumapasok sa isip ko ㅋㅋㅋ