ELF and EXOTICS [TAGALOG]
Alam kong aware kayo sa maliit na away ng EXOTICS at ELF. Gusto ko lamang na magsalita ukol dito. Di ko na kasi kaya na manahimik na lang at patuloy na nababash ang fandom ng ELF at ang Super Junior.
Maraming may gusto sa EXO at marami ding may ayaw sa kanila. Aminin mo man o hindi, halos lahat ng fans ng EXO ay galing sa fandom ng Super Junior, ang ELF. Sa totoo lang, di ako galit sa EXO, pero sa mga fans na tumalikod sa SJ at pumunta sa EXOTIC, dun ako may sama ng loob. At alam kong ganun din ang ibang ELF.
Isa lang naman ang nakikita kong rason kung bakit umaalis sa ELF Family.
MATANDA NA ANG SUPER JUNIOR.
Alam ko yan at alam nating lahat yan. Pero para sa akin, napakababaw na rason nyan. Lahat ng tao tumatanda. Ibig sabihin ba nun, pag tumanda na ang mga magulang natin, iiwan na din natin sila? Gets niyo?
Kahit anong side ang tingnan natin, ang EXO ay ginawa ng SME to replace SJ. Simple uli ang rason,
SJ are getting old.
At alam nilang more money ang matatanggap nila pag gumawa uli sila ng group like SJ. Accept it or not, that’s the truth.
Super Junior and EXO are different from each other. Yes, I know that. Pero tanggapin natin ang katotohanan na lagi silang ipagcocompare. Katulad na lamang ng picture na to.
"EXO are future Super Junior." -Fan
"SUPER JUNIOR IS SUPER JUNIOR. EXO is EXO. Stop comparing them."
"SM entertainment can never reproduce another SUPER JUNIOR so THERE WOULD BE NO NEXT SUPER JUNIOR. Super junior is super junior:)))))"
May mga balita din akong nasagap na ang album ng EXO ay may 13 album covers. Parang ginawa sa Mr. Simple. More money yun. So yeah.
Inaamin ko, nung nalaman ko ang about sa EXO, I was tempted to know them and to join their fandom. Pero nung nagtagal, umayaw ako. Natatakot kasi ako sa sarili ko.
Natatakot ako na mahalin ko din sila at magaya ako sa ibang EX-ELF at naging EXOTIC, na nakalimutan na ang Super Junior.
Para sa akin, mahirap ng iwan ang SJ, dahil nakilala ko na sila at minahal ng todo. I’m too attached. And I find it hard to let them go.
Feeling ko, mawawala ang mahalagang parte ng buhay ko.
I’m not against EXO, that much. Actually, I like some of them. I just don’t like the attitude of some EXOTICS na kala mo hindi galing sa fandom ng ELF.
Ngayon pa lang, sinasabi ko na sa mga gustong maging part ng Sapphire Blue Ocean at sa mga gustong bumalik, uulitin ko ang sinabi ni Siwon dati.
"You don't need to be ELF from the beginning, just be an ELF until the end."
Yan ang rason kung bakit naiinis at nagagalit ang ELF. Pinapahalagahan lang namin ang pangalan ng ELF.
Ay. Gusto ko lang malaman niyo kung ano ang ibig sabihin ng ELF. Baka di niyo alam eh.
EVERLASTING FRIEND.
At ayon sa dictionary at thesaurus…
EVERLASTING
Continuing indefinitely or for a long period of time ; Eternal duration; eternity.
FRIEND
A person with whom one is allied in a struggle or cause; a comrade ; someone that you can always rely on ; A friend will always be there for you through good times and bad, tears and laughter.
Sa makatuwid, FOREVER.
Pakisampal sa mukha. Tamaan na ng kidlat ang matamaan, wala na akong pake.
At gusto ko lang ishare to,
"I don't think ELFs are the best. I'm a VIP. Ofc I think that VIPs are the best. But we have to admit that ELFs are very dedicated. Very very dedicated."
Oh well. Going back.
Kagaya ng iba, ayoko ng away. Gusto ko lang na tanggapin ng ibang fandoms, ganun din ang EXOTIC, kung bakit kami nagagalit at naiinis. Di namin kayo pinipilit intindihin, gusto lang namin na tanggapin niyo kung bakit kami nagkakaganito. Wag din natin sisihin ang EXO, sa SME kayo nagalit. May mga bagay lang din kasi na nagiging unfair ang buong mundo sa Super Junior. Kung alam niyo lang ang mga pinagdaanan ng SJ at ng ELF para maging kilala, di kayo magsasalita ng masama laban sa amin. Sabihin niyo na ang gusto niyong sabihin pero NEVER mabubuwag ang strong bond ng SJ at ng ELF. Laitin, apakan at insultuhin niyo kami hanggang kaya niyo at gusto niyo.
Pero di namin, hahayaan yun.
“If one day, the world betrays Super Junior, ELFs will betray the whole world too.”
Pakisampal sa mukha. Yun lamang. Salamat.
~♥~
This is really an opinion. So no hate comments please. I'm not here to argue and I don't want to start a fight. Thanks for reading though. :)
Comments