A Weird Dream

[This one is in Tagalog. tamad na akong mag English. I'm writing this because I wanna let myself out. Like what the heck is this. My pamilee.]

[this is based on what I can remember. I put some dialouges that I can still remember but disclaimer its non verbatim meaning they are not exactly the same wordings the characters said in my dream. ]

It was last Thursday night, nanaginip ako.

Nasa loob daw ako ng simbahan, dala dala ko yun laptop ko. Nagseset-up ako ng projector, sinasaksak ko yun projector sa laptop while katabi ko yun prof. ko. Well lets name him A. (Kasi nakaupo kami sa upuan together. In my mind: Like what the heck? why is he here?)

He is doing his thing naman, gumagawa ng powerpoint, and all. Tapos ako tinitingnan ko yun ginagawa nya. He is all smiling and all.

Sabi ko pa nga, "Huy tapusin mo na yan. magstastart na mamaya yun misa wag ka nga tingin ng tingin sa akin. Baka hindi mo matapos yun powerpoint ni Father."

Hindi sya tumigil , tinitingnan nya pa rin ako tapos ngumingiti sya sa akin. Then nagsalita sya.  

"Totoo ba to?" sabi nya.

"Ang alin na naman (then I mentioned his name)?" sagot ko sa kanya. 

"Na andito ka? Kasama ko." sabi nya.

"Huh? ano na naman ka dramahan yan sinasabi mo." sagot ko sa kanya. habang sinasaksak ko yun projector sa outlet.

''Parang kailan lang nuh? Nagdadasal pa ako  dito sa simbahang ito na sana makita ko na yun taong makakasama ko for the rest of my life and then, ngayon, andito ka na. Hindi ko akalain. After so many years yun taong pinagdarasal ko, andito lang pala sa paligid ko. At ngayon, kasama ko na." sagot nya sa akin with matching smile on his face. (Grabe ang weird. sorry).

 Pagkatapos ko ikabit yun projector and gumagana na sya sinabi ko sa kanya,

"Alam mo ang weird mo. Gumagawa ka lang ng powerpoint dyan kung ano-ano na yun sinasabi mo.'' sabay tumawa ako. 

"Kasi hanggang ngayon surreal pa rin sa akin. That its you. You're now my wife." He said.  

"Sige na nga Mr. (mentioned his name) sasabayan na kita sa pagdradramang bukid mo dyan. oo, kahit sa akin hindi pa rin ako makapaniwala. Akalain mo yun? Yun taong papakasalan ko pala, ay andito lang sa tabi ko. hindi ako makapaniwala na ikaw pala yun itinakda para sa akin ." sagot ko sa kanya. 

"I'm so lucky to have you in my life. (he mentioned my name). Thank you for coming into my life. Thank you. " He said. He looks at my eyes. Then he smiled. 

"oh sya tama na ang drama, lets finish this shall we?" I said, looking at the laptop. 

Tumabi ako sa kanya watching him do the ppt and all. 

Then ayun na nga, natapos na yun misa and all. We went straight home from the church. Then I met his mom (as what I can remember although hindi ko pa talaga nakikita yun mom nya. like its creepy). We ate at the house and all. 

Then his mom, asked me something after we ate our dinner. 

"nak, kailan nyo ba ako bibigyan ng apo?" tanong ng nanay nya.

(Gusto ko ng gumising sa panaginip kong to. kasi ang weird.)

Muntik ko ng mabuga yun tubig na iniinom ko. 

"Ma, wag kayong magmadali. Darating tayo dyan." sagot ni A sa kanya.

Sa totoo lang hindi sumasagi sa utak ko ang usapang yan. Kaya hindi ko alam paano ko sasagutin ang mama nya.

"Uhmmm... Hi... hindi.. ko po alam. Hindi ko pa po kasi naiisip yun eh." yun honest kong sagot.

"anong ibig mong sabihin nak? Nak kaya nga kayo nagpakasal para magkaroon ng pamilya. Paanong hindi sumagi sa isip mo ang tungkol doon? Bakit mo ba pinakasalan si A? Hindi ba yun ang objective mo?" sagot ng nanay nya sa akin. 

feeling ko nasa thesis defense ako ng tinanong sa akin ng nanay nya yun. 

"Ma, wag mo naman kami ipressure." Sagot ni A sa nanay nya.

"Pressure? Aba A, hindi ako namemessure, nagsasabi lang ako ng totoo. Mukhang hindi kayo same line of thinking ng napangasawa mo." ang sagot ng nanay nya.

"eto na nga ba ang sinasabi ko eh. kaya tutol ako sa inyong dalawa simula pa lang eh kasi nararamdaman ko bilang ina na hindi ka bibigyan ng masayang pamilya ng babaeng ito." dagdag pa niya. 

"Ma yun ba talaga yun? Kailangan ba talaga sa pag aasawa ay may anak agad agad?Yun nga ba talaga ang objective ng marriage?" Sagot ni A sa kanyang ina. 

"Ano pa ba ang maaring objective nyan anak? Magsama lang kayo ganun? Yun nga ang nagpapaiba sa pag aasawa anak. Yun pagkakaroon ng anak. Naiintindihan mo ba ako?" katwiran ng kanyang ina. 

(at a time like this I really wished to wake up.)

"iha, anak, alam ko wala na akong magagawa dahil eto na eh. ikaw ang pinili ni A. wala na akong magagawa. dahil nagtiwala ako sa anak ko. pero iha, paano naman hindi sumagi sa isip mo ang tungkol doon? ipaunawa mo nga sa akin ito." tanong nya sa akin.

"Natatakot po kasi ako. hindi pa ho ako handa sa responsibilidad ng pagkakaroon ng pamilya. Yun lang po." sagot ko sa kanya. 

"Ang pagpapamilya ay punong puno ng responsibilidad. Hindi ito madali. Pero nak, ganyan naman ang lahat sa simula eh. May takot talagang kasama. walang technique or formula na maaaring gawin ang bagay na madali. That whats make having a family a mixture of thrill and happiness. Everything is unpredictable. Pero at the end of the day naman pag nakita mo yun anak mo, it would be all worth ithe pain the cry and everything. It has a joy that is beyond what you can imagine. Its just in the beginning that fears starts to creep in. Pero wag kang mag-alala andito ako, kahit na sa totoo lang tutol ako sa inyo pero you're already part of our family, so I need to support you the way I supported my other daughters as well. Your husband is here. He will support you all the way. Pinalaki ko naman ng maayos si A kaya wag ka mag alala hindi ka iiwanan nyan sa ere. Andito din yun mga sister in laws mo na maari kang tulungan. Ok lang matakot pero dont let that fear stops you from trying something new. Ok?" His mother smiled at me then hugged me. 

I was crying. Full of emotions ako.

"hala Ma, bat mo naman pinaiyak si (mentioned my name)." sabi nya sa akin.

"Emotional lang ako." sagot ko sa kanya.

Tinawanan lang ako ni A. 

"Bat ka natatawa?" tanong ko.

"Its nice to see that the two women in my life, nagkaayos na." sagot nya sa akin.

Then, we break our hug. Then A hugged me and said,

"Everything will be alright. Laban lang. Makakaya din natin to. Darating din tayo doon. Kaya laban lang okay. Andito ako sa tabi mo okay?".

Then he showed me his famous smile and did a "fighting" sign. 

"Laban..." I said. 

Then nagising na ako...

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

My thoughts on my dream:

I have read alot of articles. I search alot on what they really mean. 

It was said that when you dreamed of a teacher it means you are in quest for an advice some sort. You wanted to learn more. 

Since I have dreamt of someone I don't know which is the mom of Mr. a it was said that it can mena 2 things-- Either I have met her before but I dont remember or I will meet her soon. (which i hope sana wag ng mangyari.)

Another is the marriage set up dream-- it means that there would be a new start for me. 

Hmmm what could that be? I am hoping it will be positive. Pero sa dream ko nakaencounter na naman ako ng scenario na kung saan nakaharap ko na naman yun subconscious fear ko. My fear of starting on my own starting a family and all. 

I'm thankful for the words of wisdom given by that person yun mama ni Mr. A pero I wished na sana utang na loob hindi na si Mr. A ang makita ko sa panaginip ko. I had enough of it. Na weweirduhan kasi ako sa panaginip ko. 

HAHAHAHHA. 

May this be the last time I will see him in my dreams coz its weird. 

May I be always be positive! :)

 

 

 

 

 

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet