I Saw Jaejoong in Person!

[DISCLAIMER: THIS ONE IS IN TAGALOG. SO IF YOU DONT SPEAK IN TAGALOG BETTER NOT READ THIS ONE.]

 

Minsan sa buhay natin bilang tao, may mga bagay tayo na hindi natin alam na kaya pala natin pero kaya pala natin. Gaya na lang ng abilidad ng ating mga utak na matranscend yun iniisip natin sa realidad. Hanggang ngayon palaisipan pa rin ito sa akin.

Dahil hindi ko akalain na mangyayari ito. Hanggang ngayon hindi pa rin ako nakakamove on sa fact na nakita ko na yun taong dati pinapangarap ko lang makita sa personal.

Last November 30 finally nakita ko na yun taong pinapangarap ko makita! Kim Jaejoong went to the Philippines for his Asian Tour! Grabe.

Hindi ko akalain na makikita ko pala si Jaejoong sa personal. Nagtataka siguro kayo, baka naman nakabili ka ng ticket kaya mo sya nakita. Pero guys NO. Wala akong pera pambili ng ticket. Dahil sa aking napakabait na kaibigan, nakita ko si Jaejoong! Hanggang ngayon hindi ako makapaniwala na nakita ko face to face si Jaejoong. Super blessed ako kasi nasa VIP Section pa ako at kitang kita ko ang kagwapuhan ni Jaejoong.

How this all came to be? It all started in the mind of mine. HAHAHA.

It started ilang days after iannounce ng fangirlasia na they will be bringing Jaejoong here in the Philippines, that I have this strange dream. Hindi sya tuloy tuloy parang part by part sya. It seems like a K Drama na parang per episode ang release. Ganun sya. Anyways what I will share is like the summary ng mga napapanaginipan ko na naaalala ko. Btw, It seems so real talaga as in. Although its kind of cliche at some point pero ayun nga. I was a staff of the production.  I have a ticket na for the concert itself and as I remember again, I saw faces na hindi ko kilala pero later on nalaman ko they're the real production staff of Fangirlasia. So hindi na sya creepy. HAHAHAHA. Again going back, natandaan ko parang kinausap ko yun head organizer na hindi ako kasali muna sa staff since ayoko magasikaso ng concert and I want to enjoy the fanmeet. I also remember na bumili ako ng ticket for the fanmeeting of Jaejoong.

Then naalala ko lang na may kasamahan ako na nagkasakit sya and it was an emergency so tinawag ako ng head na ako yun papalit. Sabi sa akin , ibenta ko na lang yun ticket since hindi ko rin naman sya magagamit. Pero sabi ko ayoko baka mabunot yun ticket ko for the fanservice sayang. Ayun nga andun ako sa concert. Naassign ako sa backstage. Sobrang lapit ko kay Jaejoong as in. HAHHAHA Then in my dream marunong daw ako magkorean and all stuff. Jaejoong seems to be quite lonely kasi wala syang makausap during the time. So kinausap ko sya and all. Nakipagchikahan pa nga daw ako sa kanya. Tawang tawa sya sa mga pinagsasabi ko. Parang he's having fun. Sobrang kilig kilig ang ate girl mo pero low key lang talaga. Sobrang happy kid lang talaga ako. Nakita ko din yun staffs ng Cassie PH, nagbigay sila ng gift for Jaejoong na ako yun nag abot. May group photo pa nga sila with Jaejoong eh. Kasi nakipag usap ako sa kanya and sinabi ko na pwede bang magpapicture yun Cassie PH as a remembrance. So pumayag naman sya nakipagpicturan sya sa mga cassies pero ang kapalit magseselca daw kaming dalawa.  Then nakipagselca pa si Jaejoong sa akin. As in. Sabi ng Cassie PH ang cute daw namin dalawa. Then nag cr me iniwanan ko kay Jaejoong yun phone ko. As in. Feeling Close talaga ako sa kanya laughtrip.  Then I went to his dressing room. Tinitingnan ko paano sya make up an and all. Sobrang perfection talaga. As in. Then afterwards nag start na yun concert. Hala. Nakicheer din ang ate girl nyo. HAHAHAHHA. Ingay ko nga eh. napapagalitan pa ako ng head namin kasi hindi daw ako mukhang staff. Sabi ko sa kanila piniliit nyo ko na mag staff eh ang dapat ginagawa ko is mag enjoy ng concert. So yun. Tapos, ayun nagbunutan na ng mga tickets ng fans na ifafanservice ni Jaejoong. May mga nakipagselca, may mga nakipag date kuno, basta. Tapos after nun, ayun na nga. May last pa kasi na maswerteng fan na mabubunot na maaring ma fanservicehan ni Jaejoong. At nagkataon na ako yun. Oh di ba? Hanep. E yun last bonggahan na yun nakuha. Which is flowers plus harana effect ni Jaejoong . Iba talaga. Grabe. Nagulat din ako so lapit naman ako. Tinanggal ko yun ID ko para fair sa lahat baka sabihin bakit kasali yun staff. Ayun nagulat si Jaejoong kasi ako yun nabunot nya. Destiny daw ba ito.HAHAHAHA. Laughtrip ang kuya nyo.

Tapos ayun na nga. naharana ako ni Jaejoong, kilig to the bones and all. tapos sya pa yun nag initiate na magselca kaming dalawa. bweset sya. Kilig kilig ang mga cassie. ahhahaha. Then ayun, kinilig talaga ako ng bongga. Biruin mo si Jaejoong yun. Sobrang happy ko talaga.

Then I saw na lang after the show na napalitan yun wallpaper ng phone ko. Which happens to be the selca photo of me and Jaejoong. Iba naman pala. Ang pakialamero ng Kuya nyo. Ayun. After the concert, nakauwi na sya from PH to Korea nagpost si Kuya nyo ng picture namin sa instagram nya. Iba naman. Hindi ko alam kung maflaflatter ako o what. nakakaloka. Ayun na nga.

Napaka consistent ng panaginip kong ganun. sobra. kaya ayun. Hindi lang yun. Panay ang promotion ng Cassie PH at lagi ko sila nakikita sa notifs ko sa twitter feed ko. Nagyaya na manuod. Set na yun mind ko na hindi ako makakanuod pero akalain mo yun, yun pala yun sign. Naging realidad ang panaginip ko at mga sinasabi nila.. Except sa part na staff ako and all. Kasi nakita ko si Jaejoong in person. VIP pa ako. Hindi man ako na fanservicehan ni Jaejoong pero gahd. Masaya na ako with the thought na nakita ko sya. Happiness is real. Hindi ko iniexpect na susurprisahin ako ng kaibigan ko na makikita ko si Jaejoong in person. Sobrang unexpected. VIP pa yun ticket ko. I'm so happy.

Happiness is underrated word to explain what I feel. HAHAHAHA. Masaya ako na nakita ko sya. Kasi natupad yun pangarap ko na makita ko sya. Im also happy that I was able to fangirl with my favorite fandom-- Cassie PH. HAHAHA. Ang saya na makipag jamming kasama ang mga kaibigan mo and masaya din na sama sama kayong umiiyak, tumatawa, and nagsisigawan kasi nakita nyo yun bias nyo lahat. Grabe. Ang saya magfangirl kasama yun mga taong nakakarelate sayo. HAHAHHAHA. Again,  Salamat sa kaibigan ko. May naiuwi pa ko lightstick and poster. HAHAHAHHA. Salamat Lord for fulfilling the desire of my heart. Thank you! Jaejoong thank you for visiting Philippines. :)

 

 

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet