Another Weird Dream

[Disclaimer: This blog is written in Tagalog. So if you dont speak the language, pls. dont read this. You will not understand.]

Akala ko talaga yun dream ko of marriage with Mr. A will be the last time na mapapanaginipan ko sya. Pero I was wrong. My brain is really so imaginative in a weird way. So weird. 

So ayun na nga, ang setting kasi ng panaginip ko naman is this.

On the way na ako sa school. Nakasakay ako sa jeep dahil nga papasok ako. Then biglang may mga teenager na lalaki na pumasok sa jeep at kinuha ang bag ko na naglalaman ng cellphone ko at wallet na may lamang pera. 

Syempre di ba nagulat ako pero not for long. Nakikipag away pa ako sa magnanakaw. Nakikipag agawan ako ng bag. Yun mga kasama ko sa jeep sumisigaw na hayaan ko na daw at ibigay ko na lang daw yun bag ko baka daw saktan pa ako ng mga magnanakaw. 

Sabi ko hindi pwede dahil yun cellphone at bag ko importante yun. Nandun yun mga files ko at yun regalong ibibigay ko daw sa merlats and kay sir.  (to be honest, napaka cliche kong tao talaga. I will risk my life for that? no way hahahaha)

Eh di yun na nga, nakikipag-agawan ako. I was able to get a hold of my scissor and my pepper spray which is nasa harap ng bag ko (nakatagilid kasi yun pagkakakuha ng bag ko and yun bag ko is backpack by the way.) Tinakot ko yun magnanakaw na teenager by holding my scissors and then spraying the pepper spray. Binitawan ng magnanakaw yun bag ko dahil doon. Nakakapagod yun makipag agawan ng bag to be honest. I was crying in pain kasi ang sakit ng kamay ko at ng braso ko. Tapos yun paa ko din kasi masakit kasi hinabol ko yun magnanakaw at yun jeep nagtangka din iwanan ako kung hindi ako nagsabi. Then yun jeep nagpunta sa isang police station para ireport yun nangyaring insidente. Then I realize malalate na pala ako.

Umiiyak iyak pa ako kasi sobrang nasaktan ako sa pakikipagbuno sa magnanakaw and wala na akong lakas para lumakad. Gustuhin ko man pumasok pero hindi na kaya ng katawan ko.

So ang ginawa ko is tinawagan ko yun kaklase ko. 

Non Verbatim:

Me: ai, (pangalan ng kaklase ko na class president din namin.) andito ako sa police station ngayon.. baka hindi ako makapasok today kasi hindi kaya ng katawan ko dahil nakipag agawan ako ng bag sa magnanakaw.  pero pwede ba kahit isa sa inyo merlies (name ng squad namin) pumunta dito para samahan ako? Pls. Nakikiusap ako. Kahit after na ng class ni Sir puntahan nyo ko dito. Pls. Pls. 

Umiiyak iyak pa ako. Feeling ko mag isa ako dahil wala nga ako kasama. Inaalo na lang ako ng ibang mga babaeng pasahero din ng jeep. 

Babae 1: wag ka ng umiyak nak. tahan na. 

Babae 2: salamat iha dahil sa iyo nabalik yun mga gamit namin. kaya tama na wag ka ng umiyak . 

Nagulat na lang ako ng biglang may lalaking sumagot ng phone ni Ai. 

Sir A: (name ko) asan police station ka? pupuntahan kita dyan. 

Shookt ako kasi si Sir sumagot ng phone ko. 

Me: Sir A, andito po ako sa may (name ng police station). Teka po bakit na sa inyo ang phone ni Ai? (wow nagawa ko pang itanong yun nuh? ahahhaha) 

Sir A: Naiwan ni Ai yun phone nya sa office ko dahil nag cr sya after checking yun midterm exams nyo. Anyways ako ng pupunta dyan. Sasabihan ko na lang sila Ai na sumunod na lang. 

Me: Salamat po Sir. 

I sigh at a relief dahil may pupunta para sa akin. 

Then I saw him-- wearing a blue checkered top and a faded jeans and his bonnet, he is riding a bicycle going to the station.

Nakaupo lang ako sa prisinto. Mag isa lang dahil iniwanan na ako ng iba. Kailangan ko lang my taong susundo sa akin dahil hindi kaya ng katawan ko mag byahe na. Halos manhid na yun buong katawan ko. 

"Pau, okay ka lang ba? hindi ka ba nasaktan? may galos ka ba? halika, ihahatid kita sa hopsital." pag-aalalang sinabi ni Sir A sa akin.

Tinitingnan ko lang sya. Bakas sa mata nya ang matinidng pag-aalala sa akin. Pero hindi ko mapigilang hindi umiyak na lang. Tumulo bigla ang mga luha ko. 

"Oh bakit ka umiiyak?" tanong nya sa akin.

"na-trauma siguro sya sa nangyari sir. pero ang tapang po ng girlfriend nyo dahil lumaban po sya. ngunit sana sa susunod hindi na nya uulitin yun dahil napaka delikado nun." sagot ng police.

(Girlfriend?? LOL. Hell NO.)

"sana binigay mo na lang yun bag mo sa kanya. para hindi ka nasaktan." sabi ni Sir A sa akin.

"pag binigay ko yun bag ko mawawala sa akin yun files ko para sa thesis ko at... yun regalo ko sa merlats."  pagpapaliwanag ko. 

"hindi naman mahalaga yun eh. yun thesis files mo pwede natin irecover at yun regalo, mababawi yan pero kung nasaktan ka? or worse may nangyaring hindi maganda sayo? halimbawa namatay ka? yun buhay mo ba mababawi ba yun? naisip mo ba yun? maswerte ka lang na hindi ka nasaktan." sermon nya sa akin.

"Oo na hindi ako nag iisip. Sorry na." Sagot ko sa kanya. 

"Tong batang to talaga oh. Next time kasi mag iingat ka lagi ah. Pasalamat ka na lang andito ako at ihahatid kita.." Sagot nya sabay smirk sa akin. Bigla niyang prinesenta ang kanyang likod para sandalan ko. 

"Oh sakay ka na." sagot nya.

At nag piggy back ride nga ako sa likod nya. Hindi ko akalain na gagawin nya yun. Kahit na nakakahiya sa paningin ng iba at kahit na halos pinagtitingnan kami ng maraming tao tila wala siyang paki. Natutuwa lang ako. 

"Sabi mo susunod sila Ai dito. Bakit wala sila?" tanong ko sa kanya. 

"Nag paiwan yun mga kaklase mo eh. Walang magbabantay sa klase ko kung wala ako dun. Kaya sila na lang pinagbantay ko." sagot nya sa akin.

Naging tahimik na lang bigla ang paligid.

Naglakad pa siya ng konti hanggang sa matunton namin yun parking space na pinagparadahan ni Sir A ng kanyang bike. 

"Nagbike ka papuntang station?" Hindi ako makapaniwala nagawa nya yun. 

"Oo." sagot nya

"And magbibike tayo pabalik ng coc?" tanong ko muli sa kanya?

"Oo kaya sumakay ka na. Pasalamat ka na lang ako sumundo sayo. Hindi rin kakayanin nila Ai na sunduin ka dahil ang bigat mo." paliwanag nya sabay tumawa sya. 

"Grabe ka talaga sa akin Sir." sabay sumimangot ako. 

Binaba nya ako ng dahan dahan at ako'y nakaupo patagilid sa bicycle. Binitbit ni Sir A ang aking bag sa harap at siya ang nagpaandar ng bicycle. Iniiwasan ko na sumandal sa kanya ngunit tila nananadya sya at lagi kaming dumadaan sa bumpy road kaya naman sumandal na ako sa kanya at nilagay ang mga kamay ko sa waist nya. (weird.)

Hanggang sa tila nakatulog ako na nakasandal sa kanya...

Pag gising ko na lang ay nasa office na ako ng DCR nakahiga malapit sa tabi ng upuan nya. 

"hala mumshie. sorry talaga kasi hindi kami nakapunta para sunduin ka.." paliwanag ni Ai sa akin. 

"uh.. okay lang ai. alam ko busy kayo.." sagot ko sa kanya. 

"Thank you talaga sir kasi sinundo nyo si Pau." sagot ni avi (isa ko pang kaibigan). 

"Okay ka na ba (nickname ko)? masakit pa rin ba yun paa mo?" tanong sa akin ni Eri. 

"Uhh,, Medyo masakit pa pero dahil nakapagpahinga naman ako kaya ko naman na siguro maglakad." sagot ko sa kanya. 

"subukan mo nga maglakad mumsh." tanong ni ai sa akin. nakatingin sila sa akin. 

Sinubukan ko na nga maglakad pero natalisod pa rin ako. 

"Hala. Na sprain mo ata yun paa mo mumshie." sagot ni ai. sabay kinuha nya ang mga kamay ko at itinayo ako. 

"Paano kaya ako makakauwi nito? Nako." Pag aalalang sabi ko. Hindi ko talaga alam paano ako makakauwi sa lagay kong to. 

"I-book na lang natin si Pau ng Grab para makauwi sa kanila." sagot ni Avi. 

"Ok lang naman sa akin yun eh. Kaso wala akong perang extra para doon." Sagot ko sa kanila.

"ambagan tayong merlats (squad namin) para makauwi si Pau sa kanila." suggestion ni Jess. 

Bigla na lang nagsalita si Sir A.

"Ako ng maghahatid sa kanya pauwi." sabi ni sir sa squad namin. 

"Sir, hindi na po. Okay na po yun ginawa nyo kanina na sinundo nyo ko." sabi ko sa kanya.

"oo nga sir. kami na pong bahala kay Pau." sagot ni Jess. 

"Hindi. ako na maghahatid sa kanya. pakiramdam ko responsibilidad ko to dahil sa akin kaya nagawa ni Pau na habulin yun magnanakaw imbis na hayaan na lang dahil sa thesis na pinapagawa ko sa inyo." ani ni Sir. 

"Aww. Ang bait naman ni Sir." sagot ni Mader Vicky. 

"Ayiee sagot na ni Sir pamasahe mo nyan mumsh." sabi ni ai. 

Natawa na lang ako sa kanila. 

"Thank you sir." sagot ko kay Sir. 

Dahil gabi ang klase namin kay Sir A at walang masyadong tricycle o pedicab na dumadaan sa may coc, at dahil yun bike na hiniram ni Sir A ay sa janitress pala namin, no choice kami at kailangan namin maglakad. 

"Sige na sakay ka na kasi sa likod ko. wag ka ng maarte." sabi ni Sir A sa akin. Nag aalangan ako magpiggy back ride muli sa likod nya lalo na nakikita ako mga kaklase ko. 

"Sige na mumsh. wala ng pedicab kasi eh. so no choice ka talaga." sabi ni Ai sa akin.

"Kanina nga hinatid kita nakasakay ka sa likod ko eh. Bakit ngayon ayaw mo na?" tanong ni Sir sa akin.

"Wala kasi akong choice noon." sagot ko sa kanya.

"bakit? my choice ka ba ngayon?" pagbalik ng tanong nya sa akin.

"Si Mader Vicky." sagot ko.

"Hala (nickname ko) gustuhin ko man pero mumsh hindi kita kaya eh." sagot ni Mader sa akin

"Pati ba naman ikaw?" nalungkot tuloy ako bigla. 

"See? wala ka ng choice kung hindi ako." Mukhang nag eenjoy si Sir na asarin talaga ako. 

Dahil obviously wala akong choice at hindi rin ako maayos na makakalakad, sumakay ako sa likod ni Sir A. 

"Ako lang naman kasi ang may kaya pasanin ang bigat mo." sagot niya sa akin. sabay natatawa pa sya. 

"Akin na nga yan bag mo. Ako ng magdadala." sagot ko.

"akin na mumsh yun bag mo, bitbit mo na yun bag ni sir kaya ako na magdadala ng bag mo." sagot ni Eri sa akin at kinuha nya yun bag ko.

Naglakad kami sa kahabaan ng kalsada papunta sa sakayan. 

"Bye mumsh, ingat kayo. Ingat po kayo sir." sabi ni ai, jess, kath at chrisa sa amin na team recto.

"Bye mumsh! see you on wed." sabi namin nila avi, mader at eri. 

At tumawid kami pasakay sa kabilang side papuntang recto.

Umupo ako sa may gilid ng jeep katabi si Sir. 

Kinuha ko na ang bag ko kay Eri at kumuha ng pera pamasahe. 

"Ako ng magbabayad sa atin 5." sabi ni sir.

"hala thank you sir.." sabay sabi namin 4. 

Nag usap usap kami tungkol sa nangyari sa akin. Tila wala naman pakialam si Sir sa mga pinag uusapan namin. sa haba ng pinag uusapan namin, hindi namin namalayan malapit na kami sa bababaan namin.

"Para po." sabi namin 3.

Naunang bumaba si Sir at again nakapiggy back ride na naman ako sa kanya. 

"Bye sir, bye (nickname ko)." sabi ni Eri.

Then sumakay kami ng LRT. Habang nasa LRT may binigay ako kay Sir.

"para po sa inyo. merry christmas..." sabi ko sa kanya. inabot ko sa kanya yun regalo ko.

There I saw his smile once again. Pero in all honesty bagay sa kanya yun bonnet na suot nya. HAHAHAHA.

After nun nagising na ako. HAHAHAHHA. 

Ang weird talaga ng panaginip ko. Habang tumatagal lalong lumalala. Akala ko last na yun about the simbahan thing with his mother na dream ko. Hindi pala. Nausundan pa. sana may break sa mga panaginip na ganito. HUHUHU. Naweweirduhan kasi ako.

Dahil in the first place talaga hindi ko naman crush si Sir A. Like hell no. 

sana next year mabawasan na yun mga dreams na ganito. 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet