PAPEL

PAPEL

=KNIGHTWIND=

 

Maka ilang beses ko nang ibinuhos ang damdamin ko sa mga pahina nang kwaderno ko,

Maaaring pagod na rin siya sa kakapakinig sa lahat nang mga drama ko,

Paubos narin ang tinta nang plumang gamit ko,

Pero kahit ganon patawarin mo nalang ako dahil sa tuwing sumusulat ako nababawasan ang mga luhang pumapatak sa mga mata ko,

Ang bigat nang damdamin ko gumagaan sa bawat salitang isinusulat ko,

Kaya’t pasensya na kung patuloy ko paring ginagawa ito,

Patawarin mo ko dahil sa tingin ko hindi pa ito ang huling letrang isusulat ko.

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet