PAANO?

PAANO?

=KINGHTWIND=

 

Ayan nanaman siya, nagsisimula nanaman ang puso ko, 

Nagsisimula nanamang magisip ng kung ano-ano,

Mga bagay na pinangarap niyang magkatotoo pero hindi nagkaroon ng pagkakataong maganap sa mundong ito.

 

Mga pangyayaring mananatili nalamang sa likod ng mga lumang kwaderno,

Na naglalaman ng mga pangarap at mithiin nang isang batang puso na ngayon ay nagbabalatkayo,

Nakatago sa likod ng isang maskarang lakas ang ipinakikita,

Isang huwad na tapang na nilikha upang protektahan ang pusong takot na masaktan at masugatan.

 

Ngunit hanggang kalian pagbabawalan ang puso na muling mabuksan?

Paano matututo kung hanggang ngayon ay nakakandado?

Paano tuluyang liligaya kung pipigilan at haharangan mo lahat nang sumusubok pabagsakin ang pader na nilikha mo?

Comments

You must be logged in to comment
Blinkeu_21
#1
Poem mo ba to ? Ganda ha...