SIKRETO

SIKRETO

=KNIGHTWIND=

 

Hindi ko alam, hindi ko maintindihan, bakit kailangang maramdaman?

Nalilito ako, naiinis sa pusong to,

Sa tuwing makikita ka, pag kasama mo siya,

Damdaming akala ko patay na tila bumabangon at nagbabalik pa.

 

Matagal na panahon, ginugol ko para protektahan ang puso ko,

Iniwas ko sa mga bagay na makakasakit dito,

Ngunit pader na pinangbalot ko tila nagiging yelo,

Natutunaw sa tuwing nasisilayan ang larawan mo.

Sa tuwing naaalala ko ang unang pagtibok nang puso ko,

Lungkot at pagsisisi bumabalot sa buong pagkatao ko,

Pagsisisi na ni minsa’y hindi ko inamin sayo nilalaman ng puso ko.

 

Ngayon kapiling mo na siya,

Ang nais ko maging maligaya ka,

At ang unang pag-ibig na aking nadama,

Muli kong ibabalik sa himlayan niya,

Kung saan walang makakaalam na ang una kong pag-ibig ay ikaw at wala nang iba.

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet