The First Meeting?

Way To Your Heart ♥

CHAPTER 5: THE FIRST MEETING?

 

 

Nalaman ko na iisa lang ang dorm namin ni Justin pero magkaibang kwarto. At nalaman kong ako lang pala ang mag-isa dun sa kwartong yun. Yes! Buti na lang! Mas safe ang identity ko! ^_^

Pagpasok ko dun, inilapag ko lang ang maleta ko sa sahig at saka humiga sa kama. Saka ko lang napansin na double deck pala yun ng mapatingala ako.

"Hmm? Ang weird naman.. Bakit pa ganito ang kama kung mag-isa lang ako dito?" Napailing ako. Haay.. Magsho-shower nga muna ako.

 

Nang makapasok na ako sa loob, excited akong naglagay ng shampoo sa buhok ko. Kung anu-anong hitsura ang ginawa ko. May parang sungay, may parang pating at kung anu-ano pa.

 

Pagkatapos ko magshower, lumabas na ako ng nakatapis lang ng tuwalya. Inilagay ko muna yung tela sa katawan ko at saka nagdamit. Nang matapos ako...

 

*bugsh*

 

Nagulat ako sa may parang nabasag na bagay at hinanap kung saan galing yun. Nakita ko sa sahig ang basag na frame. Nilapitan ko yun at...

 

Nagulat ako sa nakita ko...

 

Picture yun ni Harry...

 

Tiningnan ko ang pinto at nakita kong medyo bukas yun. Hindi kaya.. May nakapasok dito sa loob? Pero sigurado naman akong nai-lock ko yun.

 

Haay.. Paano na to? Baka may makaalam ng tunay na pagkatao ko.. At siguradong mapupunta lang sa wala ang plano ko. >_______________<

 

*Sa classroom*

 

Pagpasok ko, nakatingin na naman sila lahat sa akin. Parang ngang natatawa sila na ewan eh. Mukha ba akong clown at sa tuwing makikita nila ako ay natatawa sila? =________________=

 

Ngumiti ako sa kanila ng pilit at bumati, "Hello, kumusta na kayo?"

Di lang nila ako pinansin at nagpatuloy na ulit sa pagrarambulan.

"Jeri!" Narinig kong tawag sa akin ni Justin. Kumaway muna ako sa kanya at lumapit.

 

"Oh, Justin, kumusta?" Bati ko. Na na siya sa upuan niya.

"Ito, gwapo pa rin! Teka, sabi pala ni Harry, papasok na siya'" Sabi niya ng nakangiti.

Biglang nagliwanag ang mukha ko sa sinabi niya, "Talaga? Totoo ba yan? Yes!" Napalakas kong sabi na nakayukom pa ang dalawang kamay kaya tuloy nagsitinginan sa akin ang iba kong kakalase. Pagkatapos nun, bumalik na ulit sila sa pagrarambulan.

 

"Haha Jeri, mukhang excited ka yata masyado?" Natatawa niyang sinabi sa akin..

Napakamot ako sa ulo, "Hehe, d-di naman masyado," Pilit akong tumawa.

 

"Oh, ayan na pala siya oh," Sabi niya sabay turo sa may likod ko.

 

Lumingon ako at parang akong naging estatwa nang makita ko si Harry na papasok.

 

*dug dug dug dug dug dug* 

 

Ang lakas ng pintig ng puso ko.. Nakakabingi..

 

Ito na naman, papalapit na siya...

 

Nang mapatingin siya sa akin, napatigil siya at parang nagulat, namula pa nga siya. Bakit kaya?

 

Napatinin kaming dalawa kay Justin ng magsalita siya.

"Ah, Harry, siya si Jeri. Transfered student galing America."

 

Nabow ako habang medyo nanginginig sa kaba, "Ako si Jeri Song, nice to meet you," Pagpapakilala ko sa kanya saka nagbow.

"Ako naman si Harry Kang," Walang gana niyang pagpapakilala at saka umupo na sa upuan niya.

 

Naku, first move pa lang, palpak na. Haay! >_____________________<

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Fennysia_lee
#1
I looking forward your story... :)