We Are Classmates?

Way To Your Heart ♥

CHAPTER 3: WE ARE CLASSMATES?

 

Ayan na siya. Malapit na siya! Naku! Naku! Anong gagawin ko? >____________________________<

 

"Harry!" Narinig kong may tumawag sa kanya mula sa labas. Lumingon siya mula sa pinanggagalingan ng boses, pagkatapos nun, lumabas na siya.

 

Nakahinga na ako ng maluwag. Tumayo ako at sinilip kung nasa labas pa siya. Buti na lang wala na siya! ^______________^

 

"Teka... Bakit nga ba ako nagtatago?" Natanong ko sa sarili ko at napailing. Bakit nga ba? Eh nandito nga ako para sundan siya at mapalapit sa kanya? :/ Haay... Minsan talaga hindi ko maintindihan ang sarili ko. Ang weird ko noh? ><

 

Dumiretso na ako sa locker ko at nagpalit. Haay! Ang lagkit-lagkit ko na!

 

 

Sa room...

 

 

Pagkapasok ko sa loob, nagsitingan lahat sila sa akin. Yung iba, nagpipigil ng tawa, may ibang masama ang tingin sa akin, yung tipong parang mangangain ng tao. Yiiiieeeeehhhhhhhh!!! Katakot! May iba ring natutulog lang at may mabibilang sa daliri na nagbabasa ng libro.

 

Nagsimula na akong maghanap ng upuan. Tapos may nakita akong dalawang bakanteng upuan.

 

May lalaking estudyante (malamang all boys school ito -_-) ang nakaupo malapit dun na nakikinig ng music sa phone niya habang naka-earphone.

 

 

"Uhmm... Excuse me.." Medyo nilapit ko ang bibig ko sa tenga para siguradong maririnig niya.

 

Napatingin siya sa akin at tinanggal ang earphone sa tenga niya.

"Ano yun?" Tanong niya.

"May nakaupo ba ditto sa likod mo?"

"Ah.. Oo. Dun ka na lang sa pinakadulo. Nakaupo kasi diyan si Harry."

"Oh sige, salamat! ^_^" Pupunta pa lang sana ako sa likod nang maalala ko ang sinabi niya.

 

"...Nakaupo kasi diyan si Harry."

 

"...Nakaupo kasi diyan si Harry."

 

"...Nakaupo kasi diyan si Harry."

 

"...Nakaupo kasi diyan si Harry."

 

"...Nakaupo kasi diyan si Harry."

 

 

 

 

O_____________________________________________O

 

 

 

Bigla akong natauhan at hinarap ulit siya.

 

 

"A-ano ulit yun? Nakaupo sa likod mo si Harry? As in si Harry Kang? T-tama ba ako? Si H-Harry?" Sunod-sunod kong tanong.

 

Tumingin siya ng naweweirduhan sa akin, "O-oo. Si Harry Kang nga. By the way, I'm Justin Min. Kaibigan ako ni Harry."

 

"T-talaga? Nice to meet you, Justin. *bowed* Ako pala si Jeri Song! ^______________________^," Ganyan kalapad ang ngiti ko. Yes! Mas mapapadali na ang paglapit ko sa kanya!"

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Fennysia_lee
#1
I looking forward your story... :)