Justin Min

Way To Your Heart ♥

CHAPTER 4: JUSTIN MIN

 

 

Buong period ng klase, wala si Harry. Syempre nalungkot ako. Halos di nga ako nakapagfocus sa mga sinabi ng mga teacher namin. Buti na lang first day pa lang at walang masyadong discussions.

 

Nung break time, sabay kaming naglunch ni Justin. Friendly siya at nakakatawa. Mukhang magkakasundo kami. :)

Sinabi niya sa akin na hayaan ko na lang daw ang mga kaklase namin dahil malalakas lang talaga yun mangtrip. Mababait naman daw ang mga yun kahit papaano. Tinanong ko siya kung nasaan si Harry, ang sabi niya, may practice daw ito para sa nalalapit na High-jumping competition.

 

"Baka mamaya o bukas, pumasok na si Harry, kailangan niya na rin kasing humabol sa mga na-miss niyang activity at lectures sa school," Sabi sa akin ni Justin tapos sumubo ng pagkain. Nasa canteen kasi kami ngayon.

 

Kung siya nakakangalahati na ng pagkain, ako wala pang halos na bawas. Hirap na hirap na nga akong ubusin to. >____________<

 

 

 

"Ah.. Ganun pala :(" Yun na lang ang ang nasabi ko kasi nalulungkot pa rin ako. Gusto ko na siya ulit makita.  :(

 

 

"Oo nga pala Jeri, bakit gulat na gulat ka na dun nakaupo sa likod ko si Harry?" Bigla niya natanong.

 

"Ahh... Kasi.... Gusto ko sana dun umupo, kaso di na pala pwede.. Haha.. Ganun.. ^_^" Paggawa ko ng dahilan. Haay.. Parang di naman yata effective ang sinabi ko.. >_______< 

 

 

"Ah... Ganun pala yun.." Parang hindi pa siya naniniwala sa sinabi ko. Dahil di naman talaga kapanipaniwala.

 

 

"Mamaya pala, sasamahan na kit sa paghahanap ng room mo sa dorm para di ka mahirarapan," Biglang dugtong niya.

 

"Ah.. Ok!" Sagot ko.

 

 

Sisiguraduhin ko talaga na oras na makit ko siya ulit, di na ako magtatago! Swear! (^_______________^)g

 

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Fennysia_lee
#1
I looking forward your story... :)