Ikalawa

Boys Over Me

 IKALAWA 


Hinihimas himas ni Chanyeol and medyo paga pa nyang pwet habang nakadungaw sa bintana ng tindahan nila. Hinihintay ang pagdaan slash pagbalik mo.


“oy, pautang ngang itlog” lumapit ang isa sa mga kaibigan ni Chanyeol na hindi naman masyadong malapit sa kanya, si Xiumin.


“bawal utang”


“kakasabi ko lang sa nanay mo”


Umirap si Chanyeol at dumukot ng isang itlog mula sa gilid nya at saka inabot kay Xiumin.


“bakit isa lang?”


“ilan ba kasi?” kunot-noong tanong ni Chanyeol. Naiinis kasi sya dahil nakaharang ito sa bintana.


“init ng ulo natin ngayon ah”


“sabihin mo na lang kasi kung ilan!”


Medyo napa-atras si Xiumin sa biglang pagtaas ng malalim na boses ni Chanyeol.


“d-dalawa pa”


Umirap ulit si Chanyeol at dumukot muli ng dalawa pang itlog. “layas na! Ang laki mong harang!” sabi nya pagka-abot na pagka-abot ng dalawang itlog kay Xiumin.


Napakamot ng ulo si Xiumin at unti-unting naglakad palayo.


“mangungutang na nga lang ang dami pang sinasabi. Haharang harang pa” bulong ng galit na galit na si Chanyeol.


Limang minuto ang lumipas, bigla namang bumalik ang apat na magkakaibigan na sina Ryeowook, Sungmin, Donghae at Kyuhyun mula sa computer shop.


“parang tanga eh! Pinaalis tuloy tayo” nagkamot ng ulo si Donghae sa inis.


“ito si Kyuhyun eh! Gigil na gigil sa keyboard, pati yung mouse dinamay pa. Ayun, sira” pagtuturo naman ni Ryeowook.


“hay nako. Hindi na ba nila talaga tayo papasukin dun comshop kahit kalian?” tanong naman ng inosenteng si Sungmin.


“aba! Hindi pwedeng hindi! Loyal customer tayo dun!” giit naman ni Kyuhyun.


“andito nanaman kayo mga salot!”


Napatigil ang apat at napatingin kay Chanyeol.


“problema mo?” tanong ni Donghae.


“ikaw! Ang panget mo! Mas gwapo ako sayo!” irap ni Chanyeol.


“tanginang to ah. Naghahamon ka ba ng away?!” tumayo si Donghae.


“bayaran mo muna utang mo bago ka mag siga-sigaan dyan!” banat ni Chanyeol. “may bente pesos ka pang utang tandaan mo!” dagdag ni Chanyeol at pinakita ang listahan ng mga utang.


Napakamot uli ng ulo si Donghae at unti-unting kumalma. “pasalamat ka! Wala akong pera ngayon!” sabi nya at umupo.


“hmp”


“galit na galit si gwapo ngayon ah” pahayag ni Ryeowook, may utang din sya kaya pinuri nya.


“kung kagwapuhan nga lang ang sagot para makuha ko ang puso ng babaeng gusto ko” ma-dramang saad ni Chanyeol.


“woah~”


“big word”


Sinamaan ng tingin ni Chanyeol si Sungmin at Ryeowook.


“shet lowbat” bigla nanamang nagsalita si Kyuhyun na naglalaro nanaman sa PSP nya. “uy mga tukmol, samahan nyo ko sa bahay. I-cha-charge ko tong PSP, libre ko na meryenda”


“yown!”


Nagsitayo ang tatlong tukmol at sumunod nanaman sa mahal nilang pinuno na si Kyuhyun.


Sa kabilang dako, pinapasyal ka pa rin ni Hyukjae sa barangay.


“ayan, dyan sa may hindi covered court na yan, dyan laging naglalaro yung mga damuhong basketball player na pambato ng barangay kada may liga”


Natawa ka sa sinabi ni Hyukjae. “bakit naman damuho”


“ang gwapo ko kasi kung ikukumpara sa kanila”


“hahahahaha ang galing talaga nito mag-joke”


Maya maya ay may dalawang lalaki ang umentrada sa court. Pumwesto ang dalawa sa gitna at nagtitigan, at ang tensyon ay bumabalot sa kanila. Desididong talunin ang isa’t isa.

Walang iba kundi ang magkatunggali sa lahat. Sa kagwapuhan, sa chicks, sa kabanguhan, sa mas sikat (sa barangay) at kung sa kung anu-ano pa. Si Kim Himchan at si Kris Wu.


“pag natalo ka ihanda mo na ang pagtakbo mo sa buong barangay nang nakahubo’t hubad” paghahamon ni Himchan.


Ngumisi lang si Kris. “hmp. Ikaw naman, ihanda mo na ang mga dance moves mo dahil magsasayaw ka ng nakahubo’t hubad”


“AAAAHHHH!! Sana walang manalo!” sigaw ng mga kababaihan sa gilid.


“uy, mukang maganda yung nangyayari dun ah. Panoorin natin!” hinila ka ni Hyukjae at umupo kayo sa mga sementong bleachers sa gilid.


“sino yang mga yan?” bulong mo kay Hyukjae.


“si Kris Wu yung matangkad. Isa sa mga damuhong basketball player. Yung isa naman, si Himchan, puro yabang lang yan. Eh hamak na mas gwapo naman ako sa kanya”


*PRRRRRT!*


May pumito sa gilid. “simulan na yan!” sigaw ng isa sa mga magiting na barangay tanod na si Shindong.


“pano ba yan, simulan na daw” taas kilay na sabi ni Kris kay Himchan.


“tss. Taas ng self confidents mo ha” sagot naman ni Himchan.


“tanga. Self confidence! Bobong bobo” irap ni Kris.


“pareho lang yun! Gagu!”


“mas gagu ka! Ayusin mo muna grammar mo!”


Isang malutong na suntok ang natikman ni Kris mula kay Himchan. Napa ‘woah’ ang mga tao sa paligid, kasama ka na dun.

Syempre, hindi papayag si Kris, kaya gumanti din sya ng suntok. Ang basketball na lalaruin nila dapat ay nauwi sa isang madugong suntukan.


“ang brutal naman. Akala ko basketball lalaruin” sabi mo habang nakatakip ng mata. Ayaw mo kasi sa mga basag-ulong mga eksena.


*PRRRT!*PRRRT!*PRRRT!*


Sunod sunod na pito ang narinig mula kay Shindong. Lumapit sya sa dalawang nagsusuntukan sa gitna para awatin ito.


“mas gwapo ako sayo!” sigaw ni Himchan at umamba uli ng suntok.


“namo! Ako ang pinakagwapo dito, tigilan mo ko!” sigaw ni Kris at sumuntok din.


“tumahimik ka! Ako lang ang gwapo!”


“bobo ka naman!”


Imbis na suntok, isang sapak ang sumalubong kay Kris. “ulitin mo yung sinabi mo?!!” galit na galit na sigaw ni Himchan.


“awat na—“ naputol ang sasabihin ni Shindong na nasa gilid na nang dalawa.


“bobo ka naman!” ulit ng tanga.


“laki ng gilagid mo! Pakyu! With feelings!”


Isang ‘woah’ muli ang narinig mula sa madla.


“sabi nang awat n—“


“pake ko kung may feelings pa yang pakyu mo! Pakyu too!”


“mga hayop na gunggong na hindi mga marunong making! AWAT NA! AWAAT!”


Epektibo naman ang muling pagsigaw ni Shindong. Napatingin sa kanya ang lahat maging ang dalawang duguan na ang nguso.

Hinugot ni Shindong ang kanyang iPhone mula sa bulsa nya, handa nang tawagan ang iba pang mga barangay tanod.


“h-huy, chief, pwede namang pag-usapan to. Wag mo nang tawagan yung iba pang tabachoy” sabi ni Himchan nang makita ang ginagawa ni Shindong.


“kaya nga” pagsang-ayon ni Kris at bahagyang pinunasan yung dugo sa labi nya.


“OMGGGG!!!!! SHEEET!” resulta, ang pagwawala ng mga hormones ng mga babae sa gilid.


Kasama ka. Napalunok ka lang sa gilid. *hang pogi pala deputa. Papable!* isip mo at saka nagwala sa isipan mo.


“tsk. Sa susunod ha, wag na wag na kayong gagawa ng eksena dito kung ayaw nyong sa barangay ang bagsak nyo” umiling-iling si Shindong.


“oo na, umalis ka na. Aayusin na naming tong gulo” sabi uli ni Himchan sabay tingin kay Kris. Isang tingin na may kahulugan na ‘hindi pa tayo tapos’.


“kaya nga” pagsang-ayon ulit ni Kris.


“pinapaalis nyo ko?”


“hindi. Sabi ko dyan ka lang at panoorin mo kung pano kami magbabati”


“kaya nga”


“siguraduhin nyo”


“oo chief, daming satsat ehbinulong ni Himchan yung huli nyang sinabi.


“kaya nga”


“ayusin nyo na. Ngayon din”


“kaya nga”


Tumingin si Shindong at Himchan kay Kris na kanina pa pinapaulit-ulit ang mga katagang ‘kaya nga’.


“bakit?” taas kilay na tanong ni Kris sa dalawa.


“tsk. Umayos na kayo”


Umubo ng bahagya si Himchan. *pota kadiri tong gagawin ko. Kahit kailan hindi ako makikipagkasundo dito sa panget na nasa harapan ko* isip ni Himchan.


*pfft. Asa namang makipagbati ako sa kunehong to. Bawas fab yon. Ew* sa isip naman ni Kris.


“peace pare” nilahad ni Himchan ang palad nya.


“peace” nag bro-handshake ang dalawa.


*depota naman kailangan kong maligo sa alcohol. Hinawakan ako ng basura* sukang suka si Kris sa isip nya.


*pakshet. Kakaligo ko lang maliligo nanaman ako. Kailangan ko pang ilaga ang kamay ko sa mainit na tubig* sa nasusukang isip naman ni Himchan.


“YIIIIIIEEEE~” hiyaw ng mga taong nasa paligid.


“good” sabi ni Shindong. Biglang nag-vibrate ang iPhone nya kaya hinugot nya ito sa bulsa nya. “tsk, alis na ko. May nag-report ng blotter badtrip” at humayo na ang ating barangay tanod.


“yuck!” sigaw agad ni Kris at binawi ang kamay nya pagka-alis ni Shindong.


“mas yuck ka!” pinahid ni Himchan yung kamay nya sa damit nya.


“bading mo! Peace peace ka dyan” singhal ni Kris.


“parang hindi ka nag-peace ah!”


At dun, nagsimula nanaman ang bangayan ng dalawa na mauuwi nanaman sa suntukan. Sa mga susunod pang kabanata. Abangan. Hindi pa ito ang tamang panahon para makita at makilala ka nila. HAYZ.

 


Author's Note: Walang kwentang chapter haahahahahahahahahahhahahahahahahaha bye. love you guys

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
netmin
#1
Chapter 1: excited nako sa next chapter! I,m Elf and Exo stan kaya love ko na tong story na to Author nim :) sana makapagUpdate ka! Hwaiting!!! ^_^
jecrisdiego #2
Chapter 4: Omg cute siya at nice nag simula na ang mga boys na mainlove sa kanya.excited na ako sa next chapter's:) go fighting.<3:)
themightarmy #3
Chapter 3: Continue lng po!!!
Ang ganda ng plot este storya...
kahit ako pa lng ang nagcocomment pero wag kayo mafeel down.
kasi nandito nmn ako suportahan kayo!! *wow,sweet nmn.XD*
Update soon po :))