Una

Boys Over Me

 UNA 


Sabado ng umaga, isang araw mula ng lumipat kayo ng pamilya mo at mula ng mapalayas kayo sa mansion ng lolo mo sa kadahilanang hindi tanggap ng lolo mo ang tatay mo.


“haaay~ bagong bahay, bagong buhay..” buntong hininga mo at tumingin sa labas ng bintana ng bigla na lang may kumatok na unggoy dito. “Hyukjae!” tawag mo at saka tumayo para pagbuksan ng bintana ang unggoy mong pinsan.


“insan! Tara pasyal tayo! Madami akong ipapakilala sayo!” sabi nito at uminom sa softdrinks nyang naka-plastic.


“sige! Teka, magpapaalam lang ako”


Tumayo ka at lumabas ng kwarto mo para magpaalam sa nanay mong si Sunny. Nadatnan mo pa ito na seryosong kausap ang tatay mong si Leeteuk sa sala.


“nay, pasyal lang daw ako ni Hyukjae. Balik din ako agad” paalam mo at tumango na lang sya bilang sagot.


Pagkalabas mo ng bahay ay sumalubong agad sayo si Hyukjae at saktong ubos na yung iniinom nyang softdrink kaya tinapon nya na lang sa gilid. “tara na. Ipapakilala muna kita sa mga gwapong tropa pips ko”


Humayo na kayo at pumunta sa may tapat ng isang sari-sari store. Merong nakatambay dun na apat na kalalakihan.


“oh, unggoy! Sino naman yang chicks na kasama mo? Susumbong kita kay Hyo!” sigaw ng isa, na nagngangalang Donghae.


“tanga! Pinsan ko to! AeRi, si Donghae nga pala yan. Taga-Pacific Ocean” sabi ni Hyukjae.


“gagu! Ikaw taga Africa! Unggoy!”


“isda!”


“unggoy! Chimpanzee!”


“isda!”


“orangutan!”


“hunghang!”


“gorilla!”


Lumipas ang limang minuto na nag-aasaran lang ang dalawa. Umawat na si Sungmin, isa mga gwapong tropa pips ni Hyukjae, dahil hindi nya na nakayanan na manood lang.


“syokoy!”


“namo!”


“tumigil na nga kayo!” sigaw ni Sungmin.


Samantala, napa-iling iling lang si Kyuhyun sa gilid dahil natalo ang character nya sa Tekken. Kasalukuyan lang syang naglalaro ng PSP habang nakatambay sa tapat ng sari-sari ni store ni Aling Chanita.


“ipapakilala mo na lang tong magandang dilag!” banat ni Ryeowook na nanahimik lang kanina habang kumakain ng Chikito at pinapanood ang bangayan ng dalawang animal.


“tch. Si Aeri, pinsan ko. Ae Ri, ito nga pala si Ryeowook, tas si Sungmin. Yung isang octopus dun na naglalaro ng PSP, si Kyuhyun. Mga kaibigan ko”


“hello po” bati mo at ngumiti. Nalaglag naman ang eyeballs ni Ryeowook mula sa eye socket nya dahil sa cute ka lol. Agad nyang hinugot mula sa bulsa nya ang S4 nya at lumapit sayo.


“pwedeng selca tayo?” tanong nya at ni-ready na ang camera.


“s-sige”


“1. 2. 3 *click* Salamat!”


“pano mo naman naging pinsan yan? Eh ang panget mo” may halong pang-aasar na pagtataka ni Donghae.


“anong panget?! Ang bobo mo talaga kahit kailan no? Tingnan mo maigi ha—“ magsisimula palang sanang mag-explain si Hyukjae pero binugaw na sya ni Sungmin gamit ang kamay nya.


“wag mo na ituloy” walang ganang sambit ni Sungmin.


“mga tambayers! May bibilhin ba kayo?!” bigla namang may sumulpot na kakaibang nilalang mula sa maliit na bintana ng tindahan.


“namo Chanyeol! Natalo tuloy ako!” galit na sigaw ni Kyuhyun dahil nagulat sya sa biglang pagsulpot ng binata.


“malay ko bang naglalaro ka dyan. Tss. May bibilhin ba kayo? Kung wala, lumayas kayo sa harap ng tindahan namin. Shoo” taboy nito.


“yabang mo. Hayup. Dota na nga lang tayo! Nak naman kasi ng deputa tong autistic na gagu dito” tumayo si Kyuhyun ng nakasimangot at dumiretso sa computer shop na katabi lang ng sari-sari store.


“ang high blood nun no. Ano, may bibilhin ba kayo?” tanong muli ni Chanyeol.


“wala. Gwapo naman kami kaya pwede kami tumambay dito” umupo si Hyukjae sa pinag-upuan ni Kyuhyun. Ikaw naman, nanatili lang na nakatayo kasi na-occupy na ng apat yung mahabang upuan na dalawa, na sakto lang para sa kanila.


“Aeri, upo ka muna dito” tumayo si Sungmin at inalok ang inuupuan nya.


“uhm salamat”


“susundan ko muna yung si Kyuhyun” sabi nya at humayo na.


“ako din”


“sama na nga rin ako” tumayo sila Ryewook at Donghae para sundan ang dalawa sa computer shop.


“gwapo sila, pero ako ang pinakagwapo” pagmamalaki ni Hyukjae, na hindi naman ganung katotoo.


Hey there’s a look in your eyes~

Must be love at first sight

You were just part of a dream~

Nothing more so it seemed~


Sa kabilang dako, kasalukuyan namang umaawit ang puso ni Chanyeol nang makita ka nya. Parang tumigil ang lahat tulad ng oras, at ang pagtibok ng puso nya. Napahawak pa sya sa dibdib nya at minassage ito ng bahagya na parang gustong gusto nya ang nararamdaman nya.


“insan may gusto ka bang kainin o inumin?” tanong sayo ni Hyukjae.


“wala naman. Hmm. Wait libre mo ba?”


“oo ge”


“yey. Libre mo ko nung iniinom mo kanina”


Tumango si Hyukjae at binaling ang tingin kay Chanyeol. Nahuli nyang tulala ito at nakatigtig lang sayo. *parang tanga talaga to* isip ni Hyukjae at tinuktok ang piso sa bakal na harang pero hindi man lang kumurap si Chanyeol.


“hoy coke nga. Plastic ha” sabi nya pero wala parin syang nakuhang sagot mula sa binata. “coke!” ulit nya pero wala pa rin. Napakunot na sya ng noo.


No choice si Hyukjae kundi pitikin sa noo ang tulalang si Chanyeol. “aray! Tangina! Para san yon?!” tanong nya nang matauhan sya.


“kanina pa ko coke ng coke dito!”


“ha? Ah, coke. Ge” tumalikod sya para kumuha ng isang bote ng coke sa ref nila pero hindi nya napansin ang isang kahon na nakakalat sa sahig kaya aksidente syang natilapid dahilan para lumagabog ng malakas.


oh tanga! HAHAHAHAHAHAHA” tawa ni Hyukjae dahil kitang kita nya ang pangyayari.


*bawas pogi points huhu* iyak ni Chnayeol sa isip nya at unti unting tumayo habang sinusuportahan ang likod nya. Swerte nya lang dahil hindi naman dun nakatuon ang pansin mo, pinagmamasdan mo lang ang mapayapang paligid.


“oh” inabot ni Chanyeol ang naka-plastic nang softdrink kay Hyukjae at inabot naman ni Hyukjae ang bayad nya.


“may gusto ka na nyan sa pinsan ko?” bulong ni Hyukjae.


“pinsan mo? Weh?”


“oo. Angal ka?”


“ha? Hindi ah. Bigay mo sakin number” pasimpleng sumulyap sayo si Chanyeol sabay baling uli ng tingin kay Hyukjae.


“ano ka chicks. Paghirapan mo” tumalikod na si Hyukjae at saka inabot ang coke sayo.


Napakamot naman ng ulo nya si Chanyeol.


“ay, Hyukjae. Gusto ko pala nung kinakain kanina nun ni Ryeowook ba yun”


“yung Chikito?” tumango ka. “bili ka dun. Piso lang isa nun”


“pera”


Labag sa loob ni Hyukjae ang pagdukot muli ng barya sa mula bulsa nya.

Samantala, pagkasilip na pagkasilip mo pa lang sa maliit na bintana ng tindahan ay tumambad na agad sayo si Chanyeol na ngiting ngiti labas ang kanyang perfect set of white teeth. Model na ng toothpaste ituu. Anyways, nakangiti sya ng ganun dahil akala nya eh ang gwapo nya at asset nya ang ngiting yun. Ito daw ang secret weapon nya pagdating sa pagiging matinik nya sa ‘chicks’. KUNO.


“ano yon?” tanong nya nang nakangiti pa rin.


Napalunok ka naman sa takot. “ch-chikito nga”


“ilan?” tanong nya nang nakangiti pa rin.


“uhh, sampung piso”


Kumuha sya ng sampung pirasong Chikito at saka inabot sayo. Inabot mo naman ang bayad sa kanya at hanggang ngayon ay nakangiti parin sya na parang pedo. “hello, ako nga pala si Chanyeol” pagpapakilala nya, still, with that creepy smile on.


Napalunok ka uli. “A-Ae Ri” nagdalawang isip ka pa kung sasabihin mo ang pangalan mo hindi pero parang na-gayuma ka na lang ng ngiti nya kaya nasabi mo na rin.


Nagbunyi naman ang isip ni Chanyeol dahil walang kahirap-hirap nyang nakuha ang pangalan mo. *ang gwapo talaga ng ngiti ko~* isip nya.

Tumalikod ka na at bumalik sa tabi ni Hyukjae.


“Hyukjae, nakakatakot yung lalaki dyan. May saltik ba yan?” mahinang tanong mo.


“oo” walang paliko-likong sagot nya. “pahinging isa” kumuha sya ng isang Chikito.


“seryoso?”


“oo nga” sagot nya habang ngumunguya.


“katakot” bulong mo at sumilip sa tindahan. Saktong nakadungaw pa rin dun si Chanyeol at nakatingin sayo kaya saktong pagtingin mo eh kumaway sya sayo. Ngumiti ka na lang para hindi mukang snob.


“psst! Eunhyuk!” biglang tawag ni Chanyeol kay Hyukjae.


Napalingon kayo pareho mag-pinsan. “ano?”


“halika dito” nag-signal si Chanyeol gamit ang kamay nya.


Kunot-noong lumapit si Hyukjae sa kanya. “bakit?”


“yan ba yung anak ng bagong salta dito sa barangay?”


“oo. Pinsan ko nga kasi yan”


“ilakad mo ko. Dali na”


“lul. Natatakot nga sayo eh”


Parang gumuho ang buong pagkatao ni Chanyeol sa sinagot ng kaibigan. “b-bakit. Muka ba kong criminal?”


“hindi naman. Ayusin mo kasi yang ngiti mong parang kay kamatayan”


“ha? Ang gwapo kaya ng ngiti ko” sabi ni Chanyeol at nag-demo pa ng ngiti sa harap ni Hyukjae.


Napangiwi nang bahagya si unggoy. “para kang may masamang balak. Ilalakad kita pag maayos na yang ngiti mo” tumalikod na si Hyukjae.


Bumagsak ang balikat ni Chanyeol at malungkot na tumingin uli sayo na papaalis na. Hinawakan nya ang dibdib nya at saka hinimas ito na para bang nasasaktan sya. Na-love at first sight sayo ang ating magiting na si Chanyeol.


*tinamaan ata ako. Hayz* isip nya at bumuntong-hininga na lang nang nawala ka na pati si Hyukjae.


 


 

 

“CHANYEOL! BAKIT NAPIYAOT AT NADUROG YUNG IBANG MGA KENDI DITO?!” napatalon sa gulat si Chanyeol nang biglang sumigaw ang nanay nya na nasa likod nya na pala.


Humarap si Chanyeol sa nanay at nakita ang namumula nang muka nito sa galit. Tumingin sya sa sahig at nakita ang nadag-anan nya kaninang karton, na dahilan din ng pagka-talisod nya kanina.

Pero, sa ngayon, wala sya sa mood.


“inay, sorry. Wala ako sa mood ngayon. Broken hearted ako” pahayag nya ay hinawakan uli ang bandang dibdib nya.


Kumuha ng walis tambo mula sa gilid si Aling Chanita. “WAG MO KONG DAANIN SA GANYAN GANYAN MO! AYUSIN MO ANG PAGTITINDA MO KUNG GUSTO MO NG PERA!”


“OPO! OPO! SORRY! ARAY! HINDI KO NAMAN PO SINASADY—ARAAAAAAAAAAAAAAYY!”


Rinig sa buong barangay ang malagong na sigaw ni Chanyeol. Si Chanyeol na nahampas ng walis tambo ng inay nya. Sa pwet.

 


Author's Note: Binago ko lang yung chapters and description, hindi yung plot hehehe. Ang gulo kasi lol. Salamat sa anim na taong nagbabasa/nags-subscribe sa storyang to *hearteu*

lol binago ko na pero bakit ang mais pa din //3 huhuhu

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
netmin
#1
Chapter 1: excited nako sa next chapter! I,m Elf and Exo stan kaya love ko na tong story na to Author nim :) sana makapagUpdate ka! Hwaiting!!! ^_^
jecrisdiego #2
Chapter 4: Omg cute siya at nice nag simula na ang mga boys na mainlove sa kanya.excited na ako sa next chapter's:) go fighting.<3:)
themightarmy #3
Chapter 3: Continue lng po!!!
Ang ganda ng plot este storya...
kahit ako pa lng ang nagcocomment pero wag kayo mafeel down.
kasi nandito nmn ako suportahan kayo!! *wow,sweet nmn.XD*
Update soon po :))