Accidentally
Buhay Pamilya ng Dragon,ng Reyna at ng MGA PrinsesaNang makarating sa Zhen Hua sa Meeting place nila, pa-sikreto itong lumapit kay Tao at tinakpan ang mata nito. “Zhen, alam kong ikaw yan” Natatawang sabi ni Tao at humarap kay Zhen Hua. Sana mapa-ngiti din kita katulad ng ngiti mo pag nakikita mo si Tiffany. Pilit na ngiti ang pinakita ni Zhen Hua kay Tao.
“Ah eh, tara na, lumibot na tayo.” Iwas ni Zhen Hua sa tingin ni Tao Zhen, bat ang manhid mo? Sa tingin palang ni Tao ay alam mo nang hindi ito natutuwa sa kamanhidan ng Kaibigan.
“Hindi ba natin hihintayin sila Luhan?” Tanung ni Tao kay Zhen Hua na tinakpan ang mukha mula sa sumbrero. “Zhen, may problema ba?” tanung ni Tao kay Zhen Hua na hindi tumitingin sakanya. Oo Tao, may problema. Problema ko kung pano mo din ako mamahalin. Tuluyan nang tumulo ang luha ni Zhen Hua, hindi niya ito mapigilan, kaya napatakbo ito ng hindi oras. Pesteng luha. Halos mapamura siya dahil hindi siya magaling mag tago ng emosyon.
Dumiretso nalang siya sa bahay ng Mamita nila na si Na Ru, malapit lang naman ang bahay nito sa pinanggalingan niya. Nang makarating siya, tinalon niya agad ang gate na hanggang tuhod niya lamang at kinatok ang pinaka pinto nang bahay ng mamita niya.
Nang bumukas ang pinto, ang tito Kai niya ang bumungad sakanya, bumisita pala ito ngayong araw sa Mamita nila. “Tito, si Mamita?” Tanong agad niya habang sini-sinok-sinok pa. Alam naman ni Kai ang dahilan kung bakit ganito ang bunso niyang pamangkin. Si Huang Zi Tao nanaman ang problema niya. Tsk.
“Pumasok ka muna, at tignan mo dun sa kwarto niya.” Malumanay na sabi naman ni Kai kay Zhen Hua, napapa-iling na lamang ito kapag pumupunta siya dito ay lagi niyang nada-datnan si Zhen Hua na na mu-mugto ang mga mata. “Sige po, Tito. Salamat.” Yun lamang ang sinabi ni Zhen Hua at umakyat na sa kwarto ng Mamita niya.
Nang makita naman niya ang pinto papunta sa kwarto ni Na Ru ay kinatok agad nito. “Mamita?” Malakas nitong sabi para marinig ni Na Ru. “Zhen Hua? Ikaw ba yan?” Sagot naman ni Na Ru na nasa loob pa ng kwarto. “Opo.” Matipid na sagot ni Zhen Hua. “Sandali lang Zhen Hua, at nag bibihis pa ako.” May nabuo namang kongklusyon sa isip ni Zhen Hua. Hindi kaya may magiging baby na sa bahay na ito?
“Pasok na, Zhen.” Sabi ni Na Ru. Binuksan naman agad ni Zhen Hua ang pinto, pag ka-kita niya palang kay Na Ru ay agad niya itong nilapitan, niyakap at tuluyang umiyak. Wala nang magawa si Na Ru dahil alam niya na si Tao palagi ang dahilan kung bakit nagkaka-ganito si Zhen Hua, kada sumusulpot ito sa bahay niya ng walang pa-sabi o ano man.
Meeting place (Tao at Zhen Hua kanina)
Dumating sila Lu Han at Se Hun na ngiting-ngiti, nang makita naman nila si Tao na nakaupo sa side walk, nag taka naman sila kung bakit wala pa si Zhen Hua.
“Tao, asan si Bunso?” Nag aalalang tanong ni Lu Han, dahil patay ito kay Ao Nu pag hindi nila na i-uwi si Zhen Hua ng alas dos. “Hindi ko alam, Ge. Tumakbo nalang siyang bigla nung pagtapos niya kong gulatin.”
Nag alala naman agad ang dalawa, sila palang ang nakaka-alam sa pag tingin nito kay Tao. Manhid ka kathing kumag ka. Sa isip-isip ni Se Hun. Galit na ito kay Tao, dahil silang mag kakababata eh pinaka-iingatan si Zhen Hua, na trauma na kasi ito sa nangyare sakanya, 2 years ago.
Ito ang dahilan kung bakit, hindi pwedeng mag karoon ng kahit na anong klase ng sama ng loob. Dahil maaari niyang ikamatay.
-flashback, 2years ago.
Pauwi na si Zhen Hua galing ng school niya, half day lang kasi ito. Habang nag lalakad ito papunta sa bus stop, may nag text sakanya dahilan para hablutin ito ng lalaking naka-salubong niya.
Hinabol niya ito hanggang sa tawiran. Mawala na lahat o manakaw na ang lahat wag lang ang cellphone ko. Ito kasi ang huling regalo sakanya ng Lolo nila, ang papa ni Kris.
Nang malapit na siya, hindi niya namalayang sa tawiran siya nadala ng pag habol niya sa magnanakaw. Nagulat nalamang siya na may isang truck na malapit sakanya, at BLAG! Nasagasaan siya.
Dinala siya sa hospital ng mga tao na nandun mismo sa lugar na pinangyarihan ng aksidente. Buong katawan niya ay may naka-dikit na bubog, pinaka malaki ang malapit sa puso.
Natawagan na sila Yenne ng mga nurse sa hospital, pati si Kris na halos maibagsak ang telepono sa opisina niya para lang maka-punta agad kay Zhen Hua.
Nang kumpleto na sila, sinabi ng doktor na mukhang malabo matanggal ang halos isang sentimetro ng bubog na naka sak-sak sa puso ni Zhen Hua, pero maari itong malusaw gamit ang gamot, matatagalan nga lang.
Sinabi din ng doktor na hindi ito pwedeng ma-sobrahan sa pagod at sumama ang loob.
Halos bumagsak si Yenne, si Ao Nu at Hui Ning nang marinig ang balitang iyon, alam nila na hindi magiging normal si Zhen Hua sa kondisyon niya ngayon. Si kris, nananatiling matatag para sa mag i-ina niya, hindi makakatulong sa kanila kung pati siya ay mag da-drama sa isang tabi.
Nang makita nila si Zhen Hua sa Private Room, dahil nailipat na ito. Nakita nila ang pag hihirap na dinanas ni Zhen hua. Noong araw na yun din pala ay si Zhen Hua ang valedictorian ng school nila, nasa lamesa sa tabi ng kama ni Zhen Hua ang invitation para kay Kris at Yenne, para sa graduation nila.
Naiyak si Yenne, dahil dapat pala ay uuwi ito ng masaya, proud na proud siya sa bunso niyang anak. Nakita naman iyon nang dalawang ate ni Zhen Hua, na-iyak din sila dahil ang kapatid nila ang mas tutok sa pag-aaral nung panahon na iyon. Kailangan niya kasing mag pursige dahil nangako ito sa Lolo nila o sa Papa ni Kris na mag tatapos ito ng pag-aaral na laging valedictorian.
Comments