Sa bahay ng mga Wu
Buhay Pamilya ng Dragon,ng Reyna at ng MGA Prinsesa
Minsan iisipin kong panaginip lang na makatuluyan ko ang isang gwapong dragon na ito, na nasa harap ko, pati narin ang magka-anak ng tatlo. Napangiti si Yenne sa naisip niya. Nakikita niya lang ang mag a-ama niya ay wala na siyang hihilingin pa.
“Ma, maliligo lang ako mamaya na ko kakaen.” Sigaw ng bunsong anak ni Yenne at Kris na si Zhen hua. Ibang-iba kumilos ito, totomboy-tomboy hindi tulad ng mga ate niya na dalaga na kumilos. 15 palang kasi ito at hindi pa nag mamadaling mag dalaga.
“Mommy, si Zhen Hua ang dungis-dungis nakipaglaro nanaman sa aso niya.” Sumbong ni Hui Ning. Ayaw na ayaw kasi nito na madumi ang itsura ng bunso niyang kapatid. Isa pa, si Zhen Hua lang ang Mama at Papa ang tawag sakanila ni Kris. Napa-iling nalamang si Yenne Kailan ba magiging dalaga tong si Zhen Hua, hanggang ngayon siya nalang ata ang napapag-iwanan ng puberty.
“Ao Nu, sundan mo nga ang kapatid mo, tignan mo kung naliligo ng maayos.” Sambit ni Kris kay Ao Nu. “Daddy naman, malaki na si Zhen Hua alam niya na ang gagawin niya. Pag ligo nalang eh.” Reklamo naman ni Ao Nu na hindi mawala ang atensyon sa librong binabasa. “Nga pala Daddy, wala ba tayong balak bumisita ng Seoul this summer?” Tanong ni Ao Nu kay Kris na kumakain ng cookies na gawa ni Yenne.
“Pag iisipan ko pa, Anak. Hindi pa kasi clear ang Schedule namin sa Hotel.” Sinasabi ni Kris yon ng puno ng cookies ang bibig. “Kadiri ka, Daddy. Ewww..” si Hui Ning iyon na pinangdidirian ang tatay niya.
“Asan na ba si Zhen Hua? Kanina pa naliligo yun ha.” Sabi ni Kris, kalahating oras na kasing nasa banyo si Zhen Hua (kung naliligo nga) “Speaking of, pababa na ang lalaki mong anak.” Si Yenne iyon na medyo asiwa sa suot na damit ni Zhen Hua. Naka malaking T-shirt, short na maong at naka sumbrero.
“San punta mo, bunso?” Tanong ng ate na si Ao Nu
Comments