Chapter 4
Goodbye. . . My Love
_2 WEEKS LATER_
Napansin kong di na magkasama si Vincent at Sunny. Di ko na rin nakikita si Sunny sa campus.hindi na ako nagtangkang magtanong kay Aiden. Pero nagtataka talaga ako. Nasa kalalaliman ako ng pag-iisip ng dumating si Aiden.
“Spence!” tawag niya.
“Oh, bakit?”
“Nag drop-out na si Sunny sa school.” Nagulat ako pero di ko pinahalata.
“Eh, ano naman ngayon?” patay-malisya ko. Nagulat si Aiden sa sinabi ko.
“Wala ka na bang pakialam kay Sunny? Kasi- -“
“Haha. Ano ka ba? Wala na. sige alis nako.” Di ko na siya pinatapos at umalis nako. Ayokong makarinig ng kahit ano tungkol kay Sunny. Tss! Para ano pa? Ayoko na ngang masaktan diba?
Nagskip ako ng class. Pumnta ako ng playground. Wrong place ata ako ah. -.-
“Makaalis na nga” akmang aalis nako ng makita ko si Vincent na palapit sakin.
“Spence. . .”
“Tss! Anong kailangan mo??!”
“Spence. . . Si Sunny kasi- -“
“Ano?! Wala na akong pakialam sa manlolokong yun. Tss! Di ko alam na sa two years rin naming pagsasama eh, may tinatago rin pala siyang dugong manloloko! Hah! Malandi rin siya kung tutu- -“ di na ako napatapos kasi isang suntok ang kumwala kay Vince. Sapol ako sa panga! Nagulat ako. Kinwelyuhan niya ko.
“Wag mo ngang sasabihing manloloko si Sunny, Spencer! Dahil kahit kelan eh hindi ka niya niloko!” sigaw niya.
“Anong hindi niloko- -“
“Patapusin mo muna ako. Dun tayo at sasabihin ko ang lahat.” Nauna siyang umupo sa swing at sumunod naman ako. Hawak ko pa rin ang panga ko. Nasabi ko bang marunong ng martial arts si Vince? Aish! Ang sakit! Tss. Umupo na rin ako.
“Spence, tulad ng sinabi ko kanina, di ka niloko ni Sunny.”
“Anong ibig mong sabihin?”
_VINCENT’S FLASHBACK_
RING! RING! RING!
Tiningnan ko ang screen kung sino ang tumatawag. Si Sunny.
Dinampot ko ang phone at sinagot.
“Hello.”
“Vince! Pwede ba kitang maka usap?”
“Oo naman. Tungkol san?” tanong ko.
“Basta. Puntahan mo ko sa bahay.”
“Ahh. Sige.” At binaba na niya ang phone.
Ano naman kaya ang pag-uusapan namin ni Sunny?
Pumunta na ko sa bahay nila. Si tita Mariel ang bumukas ng pinto.
“Hi tita! Si Sunny po?” tanong ko.
“Nasa loob. Hinihintay ka.”
“Aaah! Sige, pasok na po ako.” Tumango siya.
“Sige, iho.” Pumasok na ko at nakita kong naka upo siya sa may sala.
“Sunny? Anong pag-usapan natin?” tumingin siya sa akin na parang hinang-hina.
“Vince, maupo ka muna.” Umupo naman ako.
“Vince . . . “
“Hmm?” tumingin ako sa kanya at may namumuong luha sa mga mata niya.
“I’m dying.”
“WHAAAAAT??!!!” di ako makapaniwala sa sinabi niya.
Malaya ng umagos ang luha sa mga mata niya.
“I . . . I . . . have leukemia. I was diagnosed when I was in 3rd year high school bt nung 4th year na ko. The doctor said na cancer-free na ko. Pero bumalik siya, Vince and this time, I’m quite sure that wala ng cure kasi it’s stage 3 na.”
Matagal bago ako nakapagsalita.
“Alam na ba ni Spencer?” umiling siya.
“Ayokong malaman niya kaya’t pinapunta kita dito. Vince, pwede bang magpanggap tayong tayo?”
“Huh?”
“Palabasin nating niloko ko si Spencer. Ayokong makita niya kong nahihirapan Vince kaya’t mabuti pang iwanan niya na ako hangga’t maaga pa. Gusto kong magalit siya sa akin para iwan na niya ako ng tuluyan dahil pakiramdam , pag. . . pag. . . nasa tabi ko siya di ko kailanman matatanggap kung bakit ako pa ang dinapuan ng sakit nato. Baka magkaroon lang ako ng dahilan para magalit sa Diyos dahil ako ang binigyan niya ng sakit nato!” humahagulgol na siya. Niyakap ko si Sunny.
“Shhh. Tahan na. Tutulungan kita.”
“Salamat, Vince.”
_END OF FLASHBACK_
Comments