Chapter 1

Goodbye. . . My Love

 

Spencer’s POV

 Annyeong haseyo!! Ako po pala si Spencer Lee. 4th year Architeture student ako sa University of Seoul. Kung tatanungin niyo ko kung single pa ako, well, hindi na po. ^.^ May girlfriend ako, Architecture student din siya pa pero 3rd year pa. mamaya ay makikilala niyo siya. Hehe. Hmmm. Fresh na fresh pa sa aking alaala kung pano kami nagkakilala. . .

 

_FLASHBACK_

-Intrams Day-

 

“Spence!” lumingon ako. Si Vincent Shin, isa sa mga bestfriends ko.

 

“Oh Vince. Okay na ba ang plano natin?” tanong ko.

 

Ngumiti siya. “Oo naman. Si Aiden na ang pinahanap ko kay Gia.”

 

Last day na ng intrams namin at ang naatasang booth sa amin ay marriage booth.

Si Gia ay ang matagal ko ng crush. Kaya lang, di ko pa nasasabi ang nararamdaman ko dahil masakit mang aminin eh torpe ako. -.- Kaya ang dalawa na ang nagplano kng paano ako magko-confess sa kanya. ‘Kikidnapin’ ni Aiden si Gia at dadalhin sa marriage booth namin. Ako ang groom at siya ang bride. Naiisip ko pa lang ay nagba-blush nako. Haha. Ang gay ko ata! Tsk.

 

“Nasabi mo ba na naka Mickey Mouse t-shirt at ponytail si Gia?” pagsisigurado ko.

 

“Oo naman. Yakang-yaka na ni Aiden yun.” Pagsisigurado rin ni Vincent.

 

Nakahinga naman ako ng maluwag. “Sana okay na. Aish! Kinakabahan talaga ako, Vince. Paano kung—“

 

Naramdaman kong tinapik ako ni Vincent. “Ano ka ba pare? Wag kang kabahan. Sabihin mo lang ang tunay mong nararamdaman. Tsaka, diba naka piring naman kayo? Sa tingin ko mas makakatulong yan sayo kasi mas makakapag-concentrate ka pag di mo siya makikita.” Pagpapalakas niya ng loob ko.

 

Nginitian ko siya. Kahit kelan talaga eh maasahan ko sila.

 

My heart’s a stereo.

It beats for you so listen close.

Hear my thoughts and every note.

Oh oh!

 

Sabay kaming naghanap ng phone ni Vince. Parehas pala kami ng ringtone. Nauna siyang kumuha. Sa kanya ang may tumatawag. Tiningnan niya ang screen kung sino ang tumatawag, “Si Aiden pare.”

 

Make me a radio.

Turn me up—

 

“Oh! Hello, Aid. Ayos na ba?” tanong ni Vince. “Good. Sige magre-ready na rin kami. Bye.” At binaba na ni Vince ang phone niya.

 

“Oh. Ano daw, pare? Okay na?” kinakabahan kong tanong.

 

Nag thumbs-up siya. “Magbihis ka na ng suit, pre. Parating na daw si Gia.

 

“Talaga? Kailangan ko na palang magmadali!” patakbo akong pumunta sa booth namin para magbihis.

 

 

-5 min-

 

Nakabihis nako. Phew! This is it!

 

“Pre, ayusin mo to. Chance mo na to.” Si Vince.

 

Nginitian ko siya. “Siyempre naman, pre. Di ko sasayangin ang pagkakataong to.” Siya naman ang ngumiti.

 

“Magpipiring nako, pre. Baka pag makita ko siya, matorpe na naman ako, Hehe!” biro ko. Natawa naman si Vince at tinulungan ako na isuot ang blindfold.

 

Tumawag ulit si Aiden at sinabing bihis na si Gia, inalalayan ako ni Vince palabas.

 

Huminto kami at bumulong si Vince, “Hindi ka nagkamali ng pinili, pre.” Ngumiti ako at binulungan ko rin siya.

 

“Ako pa. Hehe.”

 

Nararamdaman ko na ang presensiya niya. Aaaaaaah! Kinikilig ako!! :D

 

“Sisimulan ko na ang kasal.” Aba! Si Aiden pala ang pari.

 

“Bago ko nga pala simulan ang seremonyas, may sasabihin muna ang lalakeng ito.”

 

Eto na! Huminga muna ako ng malalim tsaka nagsalita. “Gia, Aish! Pano ko ba to sisimulan?” Napakamot ako ng ulo. Huminga ulit ako ng malalim.

 

“Gia. . . MAHAL KITA! Matagal na! hindi ko masabi-sabi sayo ang nararamdaman ko kasi. . . uhm. . .torpe ako. Pero ngayon nagkalakas-loob akong sabihin sayo kasi. . . kasi. . . parang sasabog na ang dibdib ko sa matinding pagmamahal ko sayo!” Napangiwi ako. Ang corny ata ng dating nun ah! -.-

 

Naramdaman kong lumapit siya sa akin. Di ako makahinga! Aaaaah!

 

“Sinasagot na kita.”

 

“Huh?” tsaka kinuha niya ang piring ko. Nagulat ako!!

 

Naka Mickey Mouse t-shirt siya. Naka pony tail siya. Pero. . . pero. . . hindi siya si Gia!!!!

 

Aaaaaaaah! Pano to??!! Mali ang taong nasabihan ko ng nararamdaman ko????!!!

 

Teka!Teka!Ano ulit yung sabi niya??

 

Rewind. Rewind. Rewind.

 

Naramdaman kong lumapit siya sa akin. Di ako makahinga! Aaaaah!

 

“Sinasagot na kita.”

 

Ano raw? Sinasagot niya na ako?? Di pa ko nakakapag-isip ng maayos nang bigla niyang kinuha ang kamay ko at kinaladkad paalis. Naiwang nakatulala si Vincent at Aiden.

 

Tiningnan ko siya. Maganda siya, mas maganda nga siya kay Gia kung tutuusin pero. . . Aaaaargggh! Nagkamali ako ng nasabihan ng feelings ko! Ano ba to! Nakakahiya!!

 

Naramdaman kung tumigil kami sa isang playground. Nakalabas na pala kami ng school. Hawak niya pa rin ang kamay ko. Nagtitigan kaming dalawa tsaka binitawan niya ko.

 

“Uhm. . . Miss? Sorry huh? Pero nagkamali ako kanina. Pasensiya na talaga. Sige. Aalis na ako.” Akmang aalis nako nang bigla siyang nagsalita.

 

“Iiwan mo girlfriend mo?” Napahinto ako. Di ba siya nakakaintindi?

 

“Miss, sorry pero isa lang itong napakalaking pagkakamali.”

 

“Wala akong pakialam kung hindi para sa akin yung sinabi mo. Basta boyfriend na kita!” sabi niya,

 

Hala! May sayad ata tong babaeng to ah!

 

“Miss. . .” Napatigil ako. Humarap kasi siya sa akin at ngumiti. Ngiti na nagpahinto sa mundo ko. Napakaganda niya. Para siyang anghel na bumaba sa langit. Parang nawala bigla ang pagmamahal ko kay Gia. Parang. . . parang lumipat sa babaeng to! Alam kong weird pakinggan to pero totoo!

 

“Oh, bakit Spencer?”

 

Teka! Kilala niya ko?

 

“Sunny. . . Sunny kim. Oh, ayan. Kilala mo na ako. Official boyfriend-girlfriend na tayo. ^.^v”

 

Awtomatiko akong napatango. Hala! Bakit ko ginawa yun? May sayad na rin ata ako tulad ng babaeng to!

 

“Yay! Tara date na tayo!”

 

_END OF FLASHBACK_

 

 

Haha. Ang weird ng pagkikilala namin ni Sunny noh? Haha. Sinabi niya sakin na matagal niya na pala akong mahal pero tulad ko, nahihiya rin siyang umamin. Pero dahil dun sa nangyari, nagkaroon ng daan ang pag-iibigan namin. Ahahaha. Corny ko na talaga!! Pero nagpapasalamat nga ako sa katangahan ni Aiden kasi dahil sa kanya nagkakilala kami ni Sunny.

 

Oh! Tama na muna ang kwento. Susunduin ko pa kasi si Sunny. Narito ako ngayon sa classroom niya at hinihintay siya.

 

Nakita ko na siya. “Pangit!” tawag ko sa kanya. Lumingon naman siya kaagad at ngumiti. Ngiting lalong nagpapa inlab sa akin. Haha.

 

Lumapit siya sa akin at ki-niss ako sa cheeks. “Pangit, namiss mo ko?”

 

“Hindi noh! Ang pangit mo kasi.” Biro ko.

 

Nag-pout siya.Ang cute niya talaga. ^.^ kinabig ko siya at niyakap ng mahigpit.

 

“Ano ka ba? Siyempre na miss kita. Pupuntahan ba naman kita dito kung di kita namiss?”

 

Bigla namang umaliwalas ang mukha niya. “Hehe. Sabi ko na nga ba eh. ^.^”

 

Napangiti ako. Nakakahawa kasi ang ngiti nito. Hay! Mahal ko talaga si Sunny. :D

 

Teka. . . “Ba’t ang putla mo, Sun?” tanong ko.

 

“Huh? Aaaa.. Eh. Kasi di pa ako nakakain, Spence. Tara kain na tayo! Libre mo! Haha.” At nauna na siyang lumakad. Tsk. Tsk. Basta pagkain talaga oh.

 

 

 

 

 

_UWIAN_

 

Pauwi na kami ni Sunny. Hinahatid ko siya total magka-village lang naman kami. Naglalakad lang kami nang huminto siya at humarap sa akin. “Spence?”

 

“Hmmm?”

 

“Ano man ang mangyari, tandaan mo lang na lahat may dahilan huh?”

 

Tinitigan ko siya. Umiwas naman siya ng tingin.

 

“Ano bang ibig mong sabihin, Sun?” tinitigan niya ulit ako na para bang heto na ang hling beses na titingnan niya ko.

 

Ngumiti siya. “Haha. Wala. Nevermind. Tama na nga.” Hinila niya na ako pero alam ko may mali eh. Aish! Nagiging paranoid lang ata ako.

 

Nakarating na kami sa bahay nila. Niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan ako sa pisngi. Paalis na sana siya pero hinila ko sya ulit at hinalikan. Just a simple kiss to show her how much I love her. Pinutol ko ang halik at niyakap ulit siya ng mahigpit.

 

“Bye, Spence. I love you.”, ngumiti siya.

 

Pinisil ko ang ilong niya. “I love you too, pangit. Pasok na.” nag wave siya at pumasok na. hinintay ko munang makapasok siya bago ako umalis.

 

“Hay! Ang swerte ko talaga sa girlfriend ko. ^.^”

 

 

 

_KINABUKASAN_

 

Di kami sabay pumapasok ni Sunny. Iba kasi schedule ni Sunny. Tuwing break o lunch lang kami magkasama.

 

Ba’t ba di nag te-text si Pangit? Asan na ba kasi yun? Hinanap ko siya sa buong university pero wala siya. Um-absent ba siya? Sa kakalibot ko, nakita ko ang isa sa dalawang mokong.

 

“Vince!” tawag ko.

 

“Bakit pare?” di siya makatingin ng diretso sakin. Ano bang problema neto?

 

“Nakita mo ba si Sunny?”

 

“Huh? Hindi eh.” Umiwas kagad siya ng tingin. Iba atang kinikilos ng isang to ah. Para bang may nagawang napakalaking kasalanan. Ano na naman kayang kalokohan ang nagawa neto? Haha. Mamaya nako mag-usisa pag nakita ko na si Sunny.

 

“Ganun ba?” umiling-iling ako.

 

“San na kasi ang pangit na yun?” Bigla namang dumating si Aiden.

 

“Mga parekoy? Anong meron?, bati niya.

 

“Nakita mo ba si Sunny, pre?” tanong ko. Napansin kong nagkatingininan ang dalawang mokong.

 

“Ahh. Hindi,pre eh. Pasensiya na.” tinapik niya ang balikat ko. “Sige mauna na muna kami ni Vince, pre.”

 

Tumango ako.

 

Matagal na silang nakaalis pero ako ay naiwang nagtataka. Ba’t ganun? Parang sa ibang bagay nagso-sorry si Aiden? Aish! Umiling-iling ako. Wala to! Nagiging paranoid lang ulit ako at kung anu-ano na ang naiisip ko. Tss!

 

Hinahanap ko pa rin si Sunny. Wala naman siya sa klase niya at di niya sinasagot ang mga tawag at text ko.

 

“Ano bang nangyari dun? Nag-aalala na ako ah. Hmmm. Kung tawagan ko na lang kaya si tita Mariel?” kinha ko ang phone ko at di-nial ang number ni tita.

 

Nagri-ring na. pagkatapos ng anim na rings ay sa wakas sinagot na rin ni tita.

 

“Hello tita! Good morning po. Asan po si Sunny?” excited kong tanong.

 

“Uhmm. . . Spence, masama lang yung pakiramdam.” Sagot ni tita.

 

Hala! Masama pala ang pakiramdam ni Sunny. “Sige po. Pupuntahan ko na lang po siya diyan.”

 

“HUWAG!” Nailayo ko ang phone ko sa tenga ko. Parang nabingi ako dun ah.

 

“Bakit po?” takang tanong ko.

 

“Aaah. I mean, may dumating din kasi kaming bisita. Sa ibang araw ka na lang pumunta, Spence.” Paliwanag ni tita.

 

“Aahh. Ganun po ba? Sige po. Paki kumusta na lang po ako sa kanya tita.”

 

“Sige, iho. Bye.”

 

“Bye po.” At in-end na ni tita ang phone.

 

Napabuntung-hininga ako. Ano bang mero sa araw nato at napaka-werird. Tssss!

Una, di lang man tumawag si Sunny na masama palang pakiramdam niya.

Pangalawa, ang dalawang mokong na yun. Ang weird din ng kilos nila.

Pangatlo, si tita Mariel, iba rin ang kilos niya.

Para bang may alam sila na hindi ko alam? Aish! Tsk!

 

 

 

images?q=tbn:ANd9GcQtHi06v-B7gNi9iCi38UC just love her <3

images?q=tbn:ANd9GcSOeMssOrffmRQO6K-EdQRthe abssssssssssssssss buwahahahaah

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
briellamarie
thank you for reading :))

Comments

You must be logged in to comment
pjnn24
#1
Chapter 6: T^T <-- before the ending

:D <-- after the ending!! I love the way how it ends!! Next time, English na saeng, para mas madami pa maka-read ng story mo :))
dani_lo
#2
Chapter 6: meged!!! kahilak pud tag bildo ani uy!!! hahaha..
ExoExoish #3
Chapter 6: SRSLY :'( Why am i crying ? <//3 Oww , Thanks to gabby lol ~ Atlia nakahanap na rin si Spenceeeeee
ExoExoish #4
Chapter 4: AHAAA ~ I Knew it *-* Sabi na nga may sakit si Sunny ee >\\< :(
SuJulover101 #5
Chapter 6: Huhuhu naiyak ako. i really love your story. sobrang naiyak ako dun sa nag paalam na si sunny huhubㅠ.ㅠ
ilobyouexooppas
#6
Chapter 6: bwisit ka author-nim .... PINAIYAK MO AKO T.T
huhuhuhuhuhuhuhu
asdfghjkl asdfghjkl .....
briellamarie
#7
:D feel free
briellamarie
#8
Chapter 6: A/N: Bitin ba? Ahahah Do you want me to continue? Just say it and your wish is my command. LOL. Hope you enjoy this. :D
Vote lang po if nagustuhan. Salamat sa mga bumasa. ^.^v