Himig Ng Aking Lahi
Poems and ProseVerse I:
Kami'y may sasabihin
Sana'y inyong dinggin
Isang himig na kailanma'y di maglalaho
Magin ito'y magbago isaalang-alang niyo
Mahlin at Ipagmalaki sa buong mundo
Verse II:
Isang buhay na patunay
Na ang dugong nalalaytay
Ay may dangal ng isang mandirigma
Yamn ng maharlika para sa bawat isa
Nagmula sa bayang tinubuan at kinalakhan
Chorus:
Bigyang kulay ang bawat salitang binibigkas
Iparating ang bawat damdaming nadarama
Bigyang sigla ang mundong dati ay kay gulo
Ang wikang ito ay susi sa ating pagkakaisa
Verse III:
Di man nila maunawaan
Akin paring pagsisigawan
Na ang wikang ito ang siyang kumakatawan
At siyang nagpapatunay
Sa'king pagkakakilanlan
Nagmua sa bayang tunubuan at kinalakhan
(Repeat Chorus)
Rap:
Bigyang kulay ang bawat salitang binibigkas
Pagmamahal sa wika sana't di na magwakas
Tara na't magkaisa
Lahat may magagawa
Mayaman man o dukha
Basta Pilipino ka!
Atin nang balikan ang ating nakaraan
Nung kalayaan pa'y pinagaagawan
Mga mata'y buksan
Atin nang pasalamatan
Mga bayaning ating naturingan
(Repeat Chorus)
Poem:
Atin nang ipagmalaki
Ang wikang tinatangi
Siyang ating ipagbunyi
Taas noong isigaw sa buong mundo
Tayo'y Pilipino
Comments