Chapter 4

Unspoken Love

Chapter 4
Galit na galit na lumabas sa library si Minhee. Malakas pa niyang sinara ang pinto, halos masira na nga ito. Paulit ulit sa isipan niya ang lahat ng sinabi ni Heechul kanina, malinaw na malinaw.
 

“First of all, you’re not allowed to enter the room with the pink door. If you dare to enter that room, I’ll be forced to kick you out of this house.”

“Second, breakfast is at six A.M., and I want you to be up at 5 A.M. to fix the table.”

“Third, vices are strictly prohibited. That includes drinking alcohol, smoking cigarettes and so on.”

“You also can’t invite ANYONE. I don’t like people knowing my residence.”

“You need to inform me or anyone in this house if you’re going out.”

“Mind your own business.”

“Keep the house clean. Make sure your things are in place.”

“Don’t do anything ridiculous.”

“I don’t like noisy people.”

“And lastly, don’t break anything again. Everything in this house has a value .I bet you wouldn’t want to increase your debt, right? ”
Gusto niyang sumigaw. Isigaw sa buong mundo kung gaano kasama si Heechul.

Daig pa niya ang mama ko kung magbigay ng rules! Kulang nalang yata eh kontrolin niya buong buhay ko eh!

Nakasimangot pa rin siya naglakad patungo sa living room. Nag-make face siya, ginaya ang mga sinabi ni Heechul at ngumuso. Nagulat siya nang makita niya si Jaejoong papalapit sa kanya. Pinapaikot ikot nito ang susi sa daliri niya. Parang nawala tuloy  ang lahat ng inis niya kay Heechul. Nginitian siya nito at sinuklian niya din iyon ng ngiti.

“Looks like you’re in a bad mood.”Sinabi niya kay Minhee pagkalapit. Nakita siguro siya nito kanina habang nagma-make face. Sinagot niya ito ng isang buntong hininga. Mukhang naintndihan naman siya nito dahil nagawa pa nitong tumawa ng mahina.

“Why are you here anyway?” she changed the topic. Ayaw na niya  na kasing pag-usapan pa angdahilan kung bakit siya inis na inis.

“The meeting was canceled and I just thought you need some company.” Naks naman. Bumalik pa talaga siya para sa kanya. Hindi tuloy naiwasan ni Minhee ang mapangiti. Oh my god! Hindi tama to! May GF na siya! Keep that in mind Ahn Minhee!


“Thanks! I appreciate your effort.” Naglakad lakad sila habang nag uusap. Kinwentuhan siya ni Jaejoong ng ilang bagay tungkol sa kanya. Medyo di lang makasunod si Minhee dahil madalas ay tungkol sa business ang kwento ito. Natuwa siya sa mga nalaman dito. Tulad ng aksidenteng pagkakapasok nito sa business ng dad niya at ang mala-teleseryeng love story nila ng girlfriend nito ngayon. She was also surprised to know na magkababata pala si Jaejoong at Heechul. Who would have thought that two persons with opposite personality would be good friends?


Nagulat siya nang makita niya kung nasaan sila. She hasn’t seen this place yet. Hindi niya alam na meron pa lang backyard ang lugar na iyon. Gaano ba talaga kalaki ang bahay este mansion ng Heechul na ito? Parang wala pa ata sa kalahati ang mga nakita niya. Huminto sila sa isang parang terrace.Terrace nga ba? Wala naman kasi iyon sa taas. The view was exquisite. Breathe taking kung baga. Probinsiyang probinsiya. Kung gusto mong tumakas sa city life,ito na siguro ang pinaka magandang puntahan. Nilangahap niya ang sariwang hangin. Walang polusyon, walang usok, walang ingay ng mga sasakyan, it’s just her and nature.


“I like this place too.” Sinabi ni Jaejoong habang nakangiting inikot ang paningin sa mga bundok na makikita sa malayo. He walked towards the edge of the patio and she followed him.
“Do you know why I told you so much about myself?” sinabi ni Jae kay Minhee habang tinitignan siya. Hindi naman sumagot si Minhee, she just stared at his brown eyes, letting it read her mind.


“It’s because I want to know why you’re really here. I gave you my trust so I hope you would gave me yours too.” parang natunaw na nga si Minhee sa mga titig at sinasabi ng lalaking ito. She was amazed on how Jaejoong had read her. It’s true, she’s afraid of giving trust to people. She believed that a person has to earn her trust. And right now, she knew that Jaejoong is worthy of her trust.


She sighed before opening up. Sigurado siyang mahihirapan siyang mag open up pero, she’ll try her best. Ok. Here it goes. Kinwento nga niya ang lahat lahat ng nangyari kung bakit siya nandoon. Ang tungkol kay Ryeojin, kay Sungmin at ang vase. Hindi nagsasalita si Jaejoong habang kinkwento niya ito. Para bang ina-analyze nito ang bawat detalye at pangyayari.
“So you’re in debt because of a vase?” tanong ni Jaejoong. Tinanguan lang siya ni Minhee. At last natapos na din ang mahabang paliwanagan.


“Yup! A vase that costs more than my life.” Hindi nakasagot si Jae. Para kasing hindi ito makapaniwala sa lahat ng nalaman.

“What a coincidence.” Jaejoong whispered to himself. Hindi naman iyon masyadong narinig ni Minhee.

“What did you say?”


“Nothing. Ahm. I’ll leave you for now. I need to talk to Heechul.” Sabi nito bago ngumiti at lumakad na paalis.

“Oh and I have a warning for you. Be careful not to mention Sungmin’s name in this house especially when you’re in front of Heechul.”  Huling habilin nito bago tuluyang naglaho. Nagtaka naman si Minhee sa inasal nito. Para kasing naging seryoso ito kanina pa.

GABING GABI na pero hindi pa rin makatulog si Minhee. Bumangon siya at lalong ginulo ang buhok. Tinignan niya ang oras sa cellphone niya. 12:30 palang ng gabi.  She decided to get some water. Dahan dahan niyang binukasan ang pinto ng kwarto at sumilip muna para tignan kung may tao. Nang masigurong wala ngang tao lumabas na siya at isinara ulit ang pinto. Madilim ang hallway dahil patay na ang mga ilaw. Tulog na kasi ang lahat ng nandoon, anong oras na kaya. Duh.

Ginamit niya ang ilaw ng cellphone niya para makita ang dinaraanan. Alerto siya sa paligid niya. Natatakot din kasi siya na baka may bigla na lang sumulpot sa tabi niya na kung ano. Takot pa din naman siya sa multo. And who knows baka may gumagala pala dung kung ano. Halos mapasigaw siya nang biglang may narinig siya kung anong tunog. She sighed when she realized it was just her stomach grumbling.Tinaggihan niya kasi ang dinner kanina. Baka kasi pati iyon ay ipabayad pa sa kanya ni Heechul. Nagpatuloy na siya sa paglakad sa kusina. Ngumiti siya pagdating niya sa harap ng kusina. Sa wakas ay magkakaroon na ng laman ang kumakalam niyang tiyan.

“Good Evening.” Halos mahulog at mapasigaw siya nang mabuksan niya ang pinto. Nakaupo si Heechul sa tapat ng counter, magkatiklop ang mga brsaong nakapatong dito. Huminga siya ng malalim ang akala niya kanina ay aatakehin na siya sa puso sa sobrang gulat.

“What are doing here in this time of the night?” tanong ni Heechul, hindi niya inaalis ang tingin niya kay Minhee.

“I’m thirsty.” Sinabi niya nalang para makatakas na sa nakaktunaw na titig ng lalaki. Dumeretso agad siya sa ref at kumuha ng isang baso ng tubig. She can see in the corner of her eyes that he’s still looking at her.

“Are you sure you only came here cause you’re thirsty or are you going to snatch away some food while were asleep?” he said accusingly.Tinignan siya bigla ni Minhee, nanlalaki ang mga mata.

“For your information, I’d rather starve than be accused as a thief!”  Ang pinaka ayaw niya sa lahat ay yung sinisisi siya sa mga bagay na di niya kayang gawin. Alam niyang gutom siya pero kaya niyang tiisin iyon kung ganoon lang din naman ang sasabihin sa kanya. Padabog niyang inilapag ang baso sa tabi ng ref at aalis na sana nang may marinig siyang tunog ng pinggan. Nilingon niya ito at may nakita siyang pagkaing nakahain sa counter.

“Eat up.” Tinignan niya lang si Heechul, nagtataka sa inaasal nito. At kailan pa naging concern si heechul sa kanya? Guguho naba ang mundo?

“Are you going to eat or what?” lumapit na siya agad kay Heechul. Pabababain niya muna ang pride niya. Gutom na talaga siya eh. Baka naman balak akong lasunin nito.

Tinignan niya muna ito ng masama bago umupo sa tabi nito. She took a glimpse on him. Hindi na ito nakatingin sa kanya, malayo ang tingin nito at parang may malalim na iniisip. Sinimulan na niya kumain, mabilis ang subo niya. Ngayon lang siya naging ganito kasabik sa pagkain.

“You eat like a pig.” Dahan dahan niyang tinignan si Heechul. Lumulobo ang pisngi nito dahil puno ng pagkain. He scoffed at her. Ngayon lang niya nakitang ngumiti ng ganun si Heechul. Ok n asana kung hindi lang dahil sa ugali mo!

“Hindi tatakbo yang pagkain.” Halos mabulunan si Minhee sa narinig niya. Nag tagalong nga ba ito?

“M-marunong kang magsalita ng Tagalog?” sinabi niya, tinuturo ang Heechul na bigla nalang nagsalita ng lenggwahe niya.

“You heard me, right?”

“Eh bakit ini-ingles mo ko nang ini-ingles?!” malakas na tanong nito. Naiinis siya, hirap na hirap siyang mag-english sa harap nito tapos nakakapag Tagalog naman pala ito.

“I just like seeing you suffer.” and there goes his smile again. Ang ngiting nagpapa-init ng dugo niya. Nawala na talaga ang magagandang impression nito sa lalaki kanina. Ngayon, gusto nalang niyang ingudngod sa lalaki ang pagkaing nasa harap niya, tutal nakakain naman na siya kahit paano. Control yourself Minhee! Makakabawi ka rin!  

Ipinikit niya ang mga mata niya at huminga ng malalim. Hindi siya pwedeng magalit dito dahil siguradong patatalsikin siya nito sa kwarto niya. Narinig niyang tumunog ang upuan sa tabi niya. Pagdilat niya ay nagalalakad na si Heechul palabas ng kusina. Sige umalis ka na ng matahimik na tong buhay ko!

“Oh I just want to ask you something. Are you already hearing voices?” tanong nito bago lumabas ng pinto. Tinaasan lang siya ng isang kilay. Hindi maintindihan ang sinasabi ng isa.


“According to the maids that stay up late, may mga naririnig daw silang boses. A kid and a woman’s voice. Both seemed to be asking for help. And one time, a maid saw a woman in white roaming around. Kaya kung ako sayo matutulog na ko.” Bago pa man makalayo si Heechul ay tumakbo na siya agad palabas ng kusina. Hunabol niya ang lalaki at hinawakan ang sleeve ng polo nito. Tinignan ni Heechul ang kamay niya bago tumingin sa mukha niya.

“A-ahm tapos naman na ko eh. Sabay na tayo. Hehe.” Pinilit niyang ngumiti pero walang nagawa iyon. Naglakad na si Heechul palayo pero pinigilan niya pa rin ito.

“Are you going to leave your mess in the kitchen?” tanong nito. Para siguro hindi makasabay si Minhee sa kanya.
“Bukas ko na aayusin yun.”

“What about the light?” Nakabukas pa nga ang ilaw sa kusina, nakalimutan niya kasing patayin sa sobrang pagmamadali.

“Ahm wait lang.”

“I’m sleepy.” Heechul said, passing by her. Hinawakan agad siya ni Minhee sa braso para di na makalayo. She was really persistent. Ayaw niyang maiwang mag isa dun matapos ang lahat ng kinwento ni Heechul. Takot siya sa mga multo, she admit it. Kahit na hindi pa siya nakakakita ay takot talaga siya sa mga ito.

“Please naman oh. Wag mo naman akong iwan dito oh.” Sabi niya dito nang nagmamakaawa. Titiisin niya talaga ang lahat ng pang aasar niya wag niya lang siyang iwan doon mag isa. Bumuntong hiniga muna si Heechul at tumingin sa ceiling.

“Fine. Now make it fast.” Ngumiti si Minhee sa sinabi nito at tumakbo na sa kusina para patayin ang ilaw. Kahit pano, nabawasan na naman ang negative views niya kay Heechul.

NAKATINGIN SA  lapag si Minhee. Parang ayaw niya pa kasing pumasok ng kwarto niya.Lalo pa’t alam niyang mag isa na naman siya doon.

“I’m going.”

“Ah may ibibigay nga pala ko sayo.” Sinabi agad ni Minhee nang naglalakad na si Heechul palayo sa kanya. Mukhang mali ang nasabi niya, wala na kasi siyang ibang alam sabihin para lang mapigilan si Heechul. At anu naman ibibigay mo sa kanya huh Minhee!

“Do you also want me to sleep in your room?” Sagot nito. Parang ganun na nga ang gusting mangyari ni Minhee. Kahit siya na ang matulog sa lapag ok lang basta may kasama siya sa kwarto. Pero alam naman niyang hindi papayag si Heechul sa gusto niya. Asa pa siya!


“I’m going to sleep. Now goodnight!”

“Ahm sweetdreams! Hehe.” Pero hindi nun napigilan si Heechul. Tuloy tuloy itong naglakad palayo sa kanya. She pouted. Parang gusto na niyang umiyak.


“GOOD MORNING!” bati ni Heechul nang may ngiti. Hindi siya pinansin ni Minhee na nakaupo na hapag kainan. Mapungay ang mga mata nito at papikit pikit. Hindi kasi siya nakatulog ng maayos kagabi. Hindi kasi maalis sa isipan niya ang mga kwento ni Heechul. Para din siyang may naririrnig na boses pero alam niyang imahinasyon niya lang iyon.

“Magandang Umaga din po Sir Heechul!” bati ni manang Lita sa kanya habang naghahain ng pagkain. Tinignan ni Heechul si Minhee at umupo na din.

“Hey I don’t like seeing people with that face at this time of the day.” Wala iyon epekto kay Minhee,para nga siyang hindi narinig nito eh. Sinimangutan ni Heechul si Minhee, he doesn’t like people ignoring him, especially by her.

“What’s wrong with her?”binulungan niya si Manag Lita nang hinatid nito ang kape niya.

“Hindi ho yata nakatulog Sir. Eh mas nauna pa nga siya samin eh. Pagdating ko dito nandyan na siya.” Paliwanag ni Manang Lita. Hindi makapaniwala si Heechul na naniwala ito sa kwento niya. Gawa gawa niya lang iyon para hindi na ito tumakas sa gabi para kumain at para hindi na ito makatanggi ng hapunan.

“Tsk. Aalis na ko. I lost my appetite.” He wiped his mouth and stood up. Sa labas nalang siya kakain, ayaw niyang kumain dun lalonakung ang katapat niya ay isang tulalang babae. Hindi pa rin siya pinansin ni Minhee. Hindi rin siya nagugutom, ang gusto lang niya ay matulog pero hindi sanay ang mata niya na matulog ng ganoong oras kaya mukhang mahihirapan siya.
Ilang minuto na siyang nakaupo doon. Ilang maids na din ang dumaan sa harap niya hindi pa rin siya natitinag.

“Manang Lita. Could you help me out.” Tinignan niya ang may ari ng boses at nagulat kung kanino iyon. Si Jaejoong, madami siyang mga dalang bagahe. Parang may outing.

“Hey.” Nakita siya ni Jae at lumapit sa kanya. Tumayo siya para dito, kahit paano ay nagising siya sa nakita. Kahit may girlfriend na si Jae ay may kakaiba pa ring nagagawa ang itsura nito sa kanya.

“Why are you here? You’re early.” Nagtanong siya.  She was hoping na dahil ulit sa kanya kung bakit nandoon ang lalaki. Pero her hopes sank when..,

“Ah it’s because of Sunye, Heechul’s sister.” Sister? May kapatid pala yung sungit nayun.

“I didn’t know he has sister? How come I don’t see her here?”

“She’s studying in Manila. I just brought her here. She had been suspended, again.” He explained.

“Suspended?” the word hit her. Babae yun diba? Bakit naman ito masususpend? At bakit niya pa kailangan dalhin ito dito?

“Yeah, she had been causing a lot of troubles there lately.” Hindi ako makapaliwanag sa mga narinig ko. Kung sabagay, kapatid ni Heechul ang pinag uusapan natin dito diba?

“Jaejoong oppa! Can you take me HOME!? You know I hate this place!”

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
exquisite #1
Poster? Review? One-shot? Challenges? YES! We provide it all.<br />
http://e-xquisite.co.nr/