Chapter 2

Unspoken Love

Masama ang tingin ni Minhee sa lalaking nakaupo sa tapat niya. Para gusto niyang mabulunan ang lalaki sa iniinom nitong kape.

“Are you going to eat or what?” sinabi nito habang nilalapag ang tasa ng kape. Kanina pa nakahain ang pagkain sa harap niya pero kahit konti ay di man lang ito nagalaw.

“I’m not hungry.” She lied. Ang totoo niyan, gutom na gutom na siya. Halos hindi na nga niya alam kung kailan siya  huling kumain at siguradong nagrarambulan na ang mga alaga niya sa tiyan ngayon. Konting tiis nalang Ahn Minhee.

“Fine with me. Manang Lita!” he called out loud at may isang babae na nakasuot ng isang maid’s dress ang lumapit. Nagulat siya na may iba ng tao sa mansion bukod sa kanilang dalawa. Binulungan muna iyon ng lalaki bago lumapit sa kanya at kinuha ang pagkaing nakahain sa harap niya. Pinagmasadan niya ang pagkain habang dinadala iyon ng babae sa isang kwarto na sa tingin niya ay ang kusina. Nagwala na naman ang sikmura niya. Kung di lang talaga galing sa lalaking ito ang pagkaing iyon ay baka nilantakan na niya iyon. Pag nakauwi  na ko kakain ako ng kakain hangang di ko na kaya! Hmp!  She promised to herself.

“I’m going ho-“ she was about to stand up pero naunahan siya ng lalaki. She watched the guy walked away from the dining table. Tinaasan niya iyon ng isang kilay. At anu nanamang pinaplanu niya. Nanatili siyang nakaupo ng ilang minuto. Inantay niyang bumalik ang lalaki pero sa halip ay ang babaeng naka-maid’s dress ang pumasok  sa dining room.

“Pagpasesyahan mo na sana si Sir Heechul. Sadyang mainitin lang talaga ang ulo niya.” inayos niya ang pinagkainan ng naiwan niyang amo habang kinakauasp siya. Heechul pala ang pangalan niya.Pinagduduhan nito ang pangalan ng lalaki, sa tingin niya'y sa pangalan palang ay hindi na sila magkakasundo. Malapit kasi sa pangalan nito ang naging mortal niyang kaaway noong highschool.

“Sige ayos lang ho. Tulungan ko na po kayo diyan.” Tumayo si Minhee, kukunin na sana niya ang mga pinggan sa kamay ni Manang Lita ngunit tumanggi itong magpatulong sa kanya.

“Hindi, wag na. Bisita ka dito. Di ka ba talaga nagugutom?” ani ni Manang Lita. Sinundan niya ito sa kusina. Ayaw niya kasing maiwan mag isa sa dining room at baka maabutan pa siya doon ng masungit na si Heechul. Nagulat siya sa nakita niya sa kusina. Hindi ang laki ng kusina ang ikinagulat niya kundi ang iba pang mga katulong na abala sa paglilinis at pagluluto. Nanatili siyang nakatayo sa pintuan ng kusina, pinagmamasdan ang mga katulong na hindi niya nakita nang dumating siya dito. Pinaglalaruan kaya siya ng mga ito kaya di sila nagpakita kahapon?

“Excuse me po.” isa sa mga maid na dumaan sa tabi niya ang nakapag pagising sa kanya. Magaganda ang mga maid sa bahay, halos lahat ay maibubuga. Nagataka tuloy siya kung bakit maid lang ang trabaho nila. Hindi kaya kinikidnap ng Heechul na yon ang mga babaeng ito at pinipilit magtrabaho para sa kanya? Sabi ko na nga ba may masamang balak yong lalaking iyon eh! Umasim ang mukha niya ng ma-imagine niya ang mukha ng lalaki at ang mapanlinlang na mga ngiti nito.Kailangan ko makaalis dito sa lalong madaling panahon!

Hija alika dito!” tawag ni Manang Lita sa kanya. Lumapit naman siya agad. Pinaupo siya nito sa isang mataas na upuan sa tapat ng counter table. Nanlaki ang mga mata niya ng inihain sa kanya ang pagkaing ayaw niyang kainin kanina.

“Ayan kumain ka na, hija. Alam kong gutom ka na. Hindi ka nakapag hapunan kagabi eh” malugod niyang kinain ang pagkain at napangiti. Para siyang kumakain ng breakfast sa isang five star hotel sa sobrang sarap ng pagkain. Pero bigla siyang nasamid nang marinig ang huling sinabi ng matanda.

“Kagabi?” she asked. Anong oras na ba? Tanong niya sa sarili.

“Oo. Mukhang pagod na pagod ka na kasi kagabi kaya hinayaan ka nalang ni Sir Heechul na matulog.” Sabi ni Manang Lita habang pinupunasan ang mga nahugasang pinggan. Hindi naman makapaniwala si Minhee sa mga narinig niya. Nakapag palipas na pala siya ng gabi rito. She then remembered the cold and the warmth she felt that night. Kahit paano ay natuwa naman siya kay Heechul dahil pinatuloy siya nito sa kanyang bahay. May puso din pala ang bruho. Pero naalala niya bigla ang magagandang maid nito sa bahay. Pano kung pakana niya lang yon para maidagdag ako sa mga maid niya?!  Mabilis siyang uminom ng isang baso ng tubig at tumayo na.

“Aalis na po ako.” nakita niyang gulat si Manang Lita sa mabilis na paglakad niya palabas ng kusina at nagtungo sa front door. Bubuksan na sana niya ang pintuan pero napigilan siya agad ni Manang Lita.

“Teka hija! Hindi ka pa pwede umalis!” tinignan niya ang matanda na mukhang takot na takot. Hindi kaya kasabwat siya ni Heechul sa pangunguha ng mga babae?

“Eh kailangan ko na po umalis eh. Hinahanap na po ako ng kaibigan ko tsaka may trabaho pa po akong-”

“Uuwi ka ng ganyan ang suot mo?” putol nito. Tinignan niya agad ang suot niya. Bakit nga ba hindi niya agad napansin na iba na pala ang suot niya. Isang malaking puting  long sleeve na polo ang suot niya. Sa sobrang laki nito ay umabot na ito sa hita niya na dahilan para magmukha itong dress sa kanya. Hindi siya makatingin sa matanda. She forced a smile. Pano nga naman siya uuwi ng ganoon lang ang suot niya.

“At ang payo ni Sir Heechul ay wag ka daw pauuwin-” Heto na nga! Kikidnapin na nga siguro ko! Ryeojin help!

“-hanggat di mo pa daw nababayaran ang vase na nabasag mo.” nawala ang dati niyang sigla. Parang mas malala pa iyon kesa sa pagkidnap sa kanya. At least pag nakidnap siya makakatakas siya ng walang binabayaran. Tumango-tango nalang siya at nagkamot ng ulo. Mukhang di pa rin pala niya ko palalampasin sa vase na iyon.

 

 

 

“ALIKA KA NA HIJA, magpalit ka na muna ng damit.” inalalayan siya ng matanda papunta sa isang kwarto. Pambabaeng-pambabae ang kwarto. With everything pink even the cabinets, she knew a girl probably owns the room. Umupo siya sa kanto ng kama at pinagmasdan si Manang Lita maghalungkat sa isang closet.

“Pwede ho ba ako magtanong?” Nagpasya siyang magtanong tanong dito para malaman ang misteryong bumabalot sa bahay na iyon.

“Sige lang hija.”

“Matagal na ho ba kayo dito?”

“Oo naman. Halos dito na din ako lumaki. Kalahati na yata ng haba ng buhay ko ang inilagi ko dito.” nagsalita ito nang hindi humaharap sa kanya.

“Eh kung ganon, bakit po wala akong nadatnan dito kahapon?” nagtanong ulit siya. Iyon talaga ang gusto niyang itanong sa simula pa lang.

“Aaah. Wala talagang tao dito ng Miyerkules. Day off ng lahat ng manggawa dito at walang maaaring manatili dito.” ngayon lang naging malinaw sa kanya ang lahat.

“Pero bakit po iniiwan niyo pong bukas ang gate at ang pinto ng mansion?”

“Eh kasi wala naman kayang magtangkang pumasok dito. Takot ang mga tao.” humarap na ito sa kanya, dala ang ilang damit.

“At ako naman ang magtatanong sa iyo. Bakit mo naman naisipang pumasok dito?” tanong nito nang nakangiti, parang sinasabi na 'Hindi mo ba alam na pwede kang makulong sa ginagawa mo?'

“Aahh eeh kasi ho.” she can't say her motive. Baka kasi mapahiya lang siya pag nalamang hindi naman pala doon nakatira si Sungmin.

“Oh s'ya-s'ya. Magbihis ka na.” binigay sa kanya ang damit at agad nagbihis. Naiilang na rin kasi siyang isipin na damit ng Heechul na iyon ang suot niya ngayon.

 

 

PAGLABAS NIYA  ng banyo ay may narinig siyang mga boses. Nakilala niya ang isa, si Heechul yon. Sumimangot siya. At nakabalik na pala si sungit.

Pinuntahan niya ang pinanggagalingan ng boses. Nasa living room sila, nakaupo. Nagtago siya sa isang pader at sinilip ang kausap nito. Isang Koreano din ang kausap nito. Napangiti siya, may hitsura ang lalaki at mukha pang mabait. Nag uusap sila pero hindi siya maka relate mukha kasing tungkol sa business ang pinag uusapan ng dalawa. The other guy was explaining while Heechul was reading some papers.

Natigilan ang lalaki nang mapatingin sa kinaroroonan niya. She quickly hid herself on the wall pero mukhang nakita naman na siya nito.

“Don't you know it’s rude to listen to other people's business?” si Heechul iyon. She knew it! Iyang boses na iyan lang naman ang nakapagpapa-init sa ulo niya.

“Show yourself.” wala siyang nagawa, lumabas siya sa pinagtataguan niya.She noticed the other guy smiled at her nung tinignan siya nito. Damn his smile! And she smiled back.

 

“What are you doing there?” Heechul asked. Nawala nanaman ang good mood niya dahil sa boses ng Heechul na iyon.

“Probably hiding. Duh.” inirapan niya ito. Nakita niyang ngumiti ulit ung isang lalaki sa ginawa niya. Bahagya naman siyang natuwa rito.Heechul stood up and faced her. Mukhang nagulat ito nang makita siya.

“Why are you wearing that dress?” sinabi niya habang tinititigan ang damit na pinasuot sa kanya ni Manang Lita. Tumingin din siya sa damit niya and gave him a questioning look. Isang lightyellow dress na may mga design na mga puting  ribbon ang suot niya.

“Take that off.” mahinang sabi nito.

“ha?” nagpanggap siyang di niya narinig ang sinabi nito. Parang gusto niya pa kasi itong asarin. At isa pa, wala itong karapatang ipahubad sa kanya ang damit na iyon dahil pinasuot naman iyon ni Manang Lita sa kanya.

“I said take that off.” he now said through gritted teeth. Mukhang gumagana nga ang plano niya.

“I'm sorry?” patuloy pa rin niyang pagpapangap.

“Are you going to take that ing shirt off or do you want me to rip it off you!” he shouted. Nagulat si Minhee sa lakas ng boses nito. Di niya akalain na magagalit ito ng ganoon dahil lang sa simpleng dress.

“Hey Heechul calm down ok. She's a girl.” the other guy tried to calm him down. Tumayo ito at hinawakan si Heechul sa isa nitong balikat. Galit naman iyong tinanggal ni Heechul at padabog na naglakad paalis ng sala.

The guy looked at her. She was still surprised of the recent happening. Bumuntong hininga siya, akala niya'y katapusan na ng buhay niya. At matatapos lang ang buhay niya dahil sa isang dress!

“Hey are you ok?” Nilapitan siya ng lalaki. A worried face was the first thing that hit her when she looked at him. Napatango nalang siya. was useless. She didn't know what to say. Lalo na at ganoon ang hitsura ng lalaking kaharap niya.

“I’m sorry about Heechul. His patience is very poor.” he gave out a soft chuckle. The sound of it relaxed her. It was very pleasing to her ears. She joined him, parang nawala na lahat ng init ng ulo niya nang marinig ang boses at tawa niya.

“I know.”  Yes she knew it too well na napaikli talaga ng pasensya ng lalaking iyon. Sa loob ng mahigit isang araw niya dito, medyo nakikilala na niya ang lalaki. Lalo na ang pagka-impatient nito.

 

“Anyway, let me introduce myself to you,

 

I'm Kim Jaejoong.”

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
exquisite #1
Poster? Review? One-shot? Challenges? YES! We provide it all.<br />
http://e-xquisite.co.nr/