Chapter 6

Love Takes Time

Nagcelebrate si Kim at Gerald, binabawi nila ang mga panahong hindi sila magkasama. Nanood sila ng sine at kumain sa labas,matapos kumain nagyaya na din umuwi si Kim dahil maaga pa siya bukas. Pagkadating nila sa apartment nag stay muna si Gerald ng kaunti at nagpaalam na din ito kay Kim, ayaw man niyang umuwi dahil nag-aalala siyang iwan mag-isa si Kim, alam niyang hindi siya papayagan nito.

Kim: Babe umuwi ka na, maaga ka pa bukas, hindi komut ikaw ang boss mag papaka late ka na, mali yun.

Gerald: Yes ma’am, sige na pinagtatabuyan mo na ako eh

Kim: sige na, magkikita naman tayo bukas, baka magsawa ka kaagad sakin

Gerald: oi yun ang hinding hindi mangyayari, baby dito nalang kasi ako matutulog

Kim:  Ge anong pinagusapan natin?

Gerald: sabi ko nga uuwi na ako, yung pinto I lock mo ha, wag kang basta basta lalabas pag may kumatok, tawagan mo agad ako kung may maramdaman ka man ditong kakaiba, wag mo I-off yung phone mo, tsaka I speed dial mo ako

Kim: oo na oo na! para namang may halimaw na kakain sakin dito mamaya eh

Gerald: worried lang kasi ako sayo dito…

Kim: kulit, sinabi ng okay lang ako eh, tsaka Ge di naman kuta ng mga magnanakaw tong lugar namin, no need to worry, alam ng mga kapitbahay kong mag-isa lang ako dito kaya kung may marinig man silang kakaiba dito siguradong tutulungan nila ako.

Gerald: kaya nga mas worried pa ako, kasi kapitbahay mo yung Simon na yun

Kim: ano ka ba! Ang bait nga nun, wag mo nga pag-initan yung tao, sige na uwi ka na.

Gerald: I love you

Kim: I love you too, ingat sa pagddrive (gave him a quick peck)

Gerald: tipid mo naman (nakasimangot na sabi nito)

Kim: tumigil ka nga, kita mo tong labi ko putok na gawa mo, di ko tuloy alam kung pano ko ito itatago bukas!

Gerald: di naman halata, tsaka pake ba nila, edi pahalik din sila sa mga boyfriends nila hahaha

Kim: he! Uwi na dali inaantok na ako

Hinatid ni Kim si Gerald sa sasakyan at inantay itong makaalis bago pumasok sa bahay.

Ala-una ng umaga ng magising si Kim sa kakaibang ingay sa kusina niya. Kinabahan siya dahil wala naman siyang alagang pusa para mag-ingay doon sa kusina.

Diyos ko dapat pala pumayag na akong patulugin yung kurimaw na yun dito, pano kung may magnanakaw nga sa labas, anong gagawin ko, Lord help me ayoko pang mamatay, ngayon palang ako nageenjoy sa life ko, ang dami ko pang gustong gawin. Hindi, Kim kaya mo to mag-isip ka, tira-tira.

Agad niyang kinuha ang kanyang cellphone at pinindot ang number ni Gerald. Hinayaan niya lang bukas ang linya habang kumukuha siya ng bagay na pwedeng ihampas kung sakaling may magnanakaw nga sa labas. Nakiramdam pa si Kim at ng marinig niyang may parang nagbubukas ng pintuan niya sa kwarto, lalong lumakas ang kabog ng dibdib niya, gusto na niyang umiyak sa nangyayari.

Samantala si Gerald naman ay hindi alam ang gagawin sa sobrang takot. Napatalon siya sa kama niya ng makitang tumatawag si Kim, alam niyang may emergency dahil hindi naman tatawag si Kim ng ganoong oras. Pero pagsagot niya sa telepono lalo siyang kinabahan ng walang sumasagot sa kabilang linya.

Gerald: Hello Babe? Anong nangyayari sayo? Baby? Please sumagot ka Babe????!!!

Puro kalampog lang ang naririnig niya, at parang pigil na iyak, kaya naman tumakbo agad siya palabas ng kwarto. Kinuha niya ang susi ng sasakyan at nagmamadaling pumunta kay Kim. Hindi niya pinapatay ang linya, feeling niya para siyang taong tinututukan ng baril sa ulo sa sobrang takot lalo ng marinig niya ang biglang irit ni Kim, binilisan niya pa lalo ang patakbo. Nagdadasal din si Gerald na sana hindi pa siya huli at sana okay lang si Kim.

Hawak hawak ni Kim ang lampshade habang pinakikiramdaman ang taong bumubukas sa kanyang pinto sa kwarto. Sa hindi niya inaasahan nabuksan agad ang kanyang pintuan, at napasigaw na lamang siya ng buksan ito ng taong naka maskara at may hawak pang baril. Hindi na niya naihataw ang lampshade sa magnanakaw dahil nahawakan agad nito ang kanyang kamay.

Kim: bitawan mo ako! Tulong! Tulong!

Tinakpan ng magnanakaw ang bibig ni Kim, at itinulak ito sa kama.

“Manahimik ka diyan kung ayaw mong barilin kita!”

Wala namang nagawa si Kim kundi umiyak at magdasal. Nang makuha na ng magnanakaw ang natitirang pera ni Kim sa drawer, agad na nanakbo ito palabas sa apartment, narinig ni Kim ang tunog ng motor paalis sa kanyang apartment. Sumiksik nalamang siya sa gilid ng kanyang kama at isinubsob ang mukha sa kamay, hindi tumitigil ang iyak nito sa sobrang takot.

Nadatnan ni Gerald ang apartment na bukas, nagmamadali siyang pumasok sa loob.

Gerald: Kim!!! Kim??!!

Nakita niya si Kim na pawis na pawis at magang maga ang mata kakaiyak, lalong lumakas ang iyak nito ng makita si Gerald, para namang winawasak ang puso ni Gerald ng makita niya si Kim sa itsura nito, ang hindi pa niya matanggap nahuli siya para ipagtanggol ito. Tumakbo ito papunta kay Kim at walang nagawa kundi hilahin ang nanginginig nito katawan sa kanya.

Gerald: I’m sorry, I’m sorry

Panay pa din ang iyak ni Kim. Para namang gustong pumatay ni Gerald sa nangyari.

Gerald: Baby tahan na, nandito na ako, I promise hindi na ulit to mangyayari, (yakap yakap pa din si Kim)

Maya maya lang ay kumalma na din si Kim, sa sobrang pagod sa pag-iyak nakatulog ito sa may dibdib ni Gerald, binuhat nalamang niya si Kim at inihiga sa kama, tinabihan niya ito at yinakap. Hindi umalis si Gerald sa tabi ni Kim, habang natutulog ito nakapagdesisyon na siyang iuuwi niya si Kim sa bahay niya, hindi na niya ulit ito papayagang tumira mag-isa dito sa apartment.

Nagising si Kim sa sakit ng ulo, marahil na din sa pag-iyak niya, nakita niya si Gerald na natutulog sa tabi niya at yakap yakap siya, humarap siya dito at isiniksik ang katawan kay Gerald. Nagising naman si Gerald sa ginawa ni Kim, ngumiti ito dito. “Goodmorning” hinalikan niya ito sa labi. Bigla namang bumalik kay Kim ang mga nangyari kaninang madaling araw at napasimangot ito.

Gerald: Ssssshhh babe, wag ka na mag-alala, nandito na ako, I’m sorry hindi ako dumating ng maaga para iligtas ka

Kim: ligtas naman ako eh

Umalis si Kim sa yakap ni Gerald at tumayo.

Gerald: san ka pupunta?

Kim: maliligo, pwede pa akong pumasok, half day

Gerald: Hindi pwede, kinausap ko na ung head nurse niyo, sabi ko hindi ka papasok ngayon

Kim: Gerald bakit mo ginawa yun? Hindi pwde, bago palang ako dun, tsaka kailangan ko ng pera ngayon, natangay ng magnanakaw yung mga ipon ko, wala akong ipangbabayad dito sa renta (seryoso itong nakatingin kay Gerald)

Gerald: sa tingin mo ba, pababayaan nalang kita basta basta

Kim: alam ko naman yun, pero Ge, responsibilidad ko to

Gerald: girlfriend kita, responsibilidad kita, at ginagawa ko to hindi dahil obligado ako, ginagawa ko to kasi mahal kita.

Kim: Ge, diba sabi ko ok lang naman ako

Tumayo si Gerald sa kama at tinignan si Kim ng deretso

Gerald: anong okay! Tignan mo nga yung nangyari (tumaas na ang boses nito)

Kim: nangyari na, wala na tayong magagawa, ang importante ligtas naman ako, kaya ang tamang gawin ko ngayon, magtrabaho para maibalik ko yung nawala sa akin.

Gerald:  Hindi to mangyayari kung pumayag ka sa mga sinabi ko.

Kim: Ge! Girlfriend mo palang ako, hindi asawa na kay kailangan ibahay. Kaya nga ako nagttrabaho eh

Gerald: sinabi ko ba sayo na tumigil ka sa pagttrabaho at tumira nalang sa bahay ko, ang akin lang naman, wala ka kasing kasama dito, kahit roommate manlang wala, pano kung binaril ka ng magnanakaw, pano kong GAGO! Pa yun at kung ano pang gawin sayo! Kim intindihin mo naman ako, mahal kita kaya nag-aalala  ako ng ganito, 5 years Kim, 5 years kang nawala sa akin sa tingin mo papayag akong basta basta ka nalang mawawala, dahil ano? Sa katigasan ng ulo mong mag-solo!!  (pasigaw na pagsasabi nito)

Galit na galit si Gerald, hindi niya masisi si Kim, pero hindi niya naman kaya na iwan nalang ulit si Kim dito mag-isa. Hindi siya matatahimik hanggat nagsosolo lang si Kim.

Nagulat naman si Kim pagtataas ng boses sa kanya ni Gerald, nakikitang niyang galit nag alit ito at hindi ito susuko hanggat hindi siya napapayag na sumama sa kanya. Biglang tumulo ang luho niya, sobrang bigat na ng nararamdaman niya, dahil sa mga nagyayari, pakiramdam niya anytime mag cocollapse siya. Nakita naman ni Gerald na namutla si Kim kaya naguilty agad siya sa inasta niya, alam niyang sobrang bigat na ang nararamdaman ni Kim masyadong halong emosyon ang naramdaman nito ng mga nakaraang araw. Nilapitan niya agad si Kim at hinawakan ang magkabilang pisngi.

Gerald:  ok ka lang? ano bang nararamdaman mo? Sorry sinigawan kita (habang pinupunasan ang luha ni Kim)

Para namang batang umiyak si Kim at isinubsob ang mukha sa dibdib ni Gerald, tuloy tuloy lang ang iyak nito at nagsalita na parang batang nagsusumbong.

Kim: kasi naman, pagod na ako, ang sakit na ng ulo ko tapos sumigaw ka pa

Gerald: sorry na babe, sige na humiga ka nalang ulit, magpahinga ka muna.

Habang nagpapahinga si Kim, inayos ni Gerald ang mga gamit nito at pinag-impake na si Kim, matapos niyang mag-ayos ay tumawag siya sa bahay niya at sinabihan si Manang na magluto dahil dadating sila ni Kim, kinausap niya din sina Maja at Fred para sabihin ang mga nangyari, nag-alala ang barkada nila pero sinigurado naman ni Gerald na ok lang si Kim. Alam na din ng buong barkada niya ang tungkol sa kanila ni Kim. Nang magising si Kim nakita niyang nakaayos na lahat ng kanyang gamit at si Gerald nakaupo sa gilid ng kama niya hawak hawak pa din ang cellphone na parang tungkol sa opisina ang pinaguusapan. Naramdaman naman ni Gerald na gising na si Kim kaya ibinababa na agad ang telephone.

Gerald: kamusta na pakiramdam mo?

Kim: bakit nakaayos ang gamit ko? Tsaka bakit nandito ka pa? baka kelangan ka na sa opisina

Gerald: dun ka na muna sa bahay ko, at ayoko ng  marinig ang katwiran mong baluktot. Nagugutom ka na ba? Nagluto na si manang sa bahay, inaantay na nila tayo doon, papunta na din dun sila Maja

Kim: sige magbibihis lang ako

Tatayo na si Kim ng hawakan ni Gerald ang kanyang kamay

Gerald: babe?

Ngumiti si Kim at hinalikan lang ang labi ni Gerald

Kim: ok lang, pumapayag na ako, sorry kung naging matigas ang ulo ko. Thank you baby

Gerald : no need to thank me, I love you, sige na, ipapasok ko na sa sasakyan tong gamit mo, magbihis ka na muna, intayin nalang kita sa sasakyan.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
pink_sapphire #1
Chapter 12: sana mag update ka na dito..ang interesting kase ng story..
jcbel6523 #2
any update on this? This is really a great story. I hope you'll continue updating this. Thanks!
TheArvie99 #3
thanks ... please update
jinkx0820 #4
hello, nameless...i hope u can update soon..:-)
b1_nipahut #5
@nameless- super cute ur story,hope u cud update more.hahhaha but studies shud come first..next is being a kimerald addict or it cud be the other way around, hahahha joke only!!

@aram and darna!!pasaway... andito din kau?hahaha

halu tita tess!!
nameless #6
hello kimge4ever, dakilang lurker po ako sa pex at cbox hahaha :))))
kimge4ver #7
Nameless...........

Nasaan ang updates mo sa chapter 10......

waiting patiently......... school first before your FF....

taga CBOX & PEX ka rin ba.........
lykz_nicole04 #8
Hello po! Grbe kakilig :> Update napo. grbe excited nko :)) God bless!
aram_KG #9
BB! Nipa Hut! :D Gotcha! Haha :D

Please update soon, please. Or pwede Now na? Haha. Joke lang :D

Super Kilig, keep it Up *2thumbsup*
angela12kg #10
plss update soon super kilig ng story !!!