Chapter 3

Love Takes Time

KINAUMAGAHAN, nagulat si Kim na pagkagising niya may mabigat na nakadagan sa hita at bewang niya. Naalimpungatan naman siya ng makita niyang si Gerald ang nakayakap sa kaniya. Nakatulog siya kagabi sa sobrang pagod sa kakadaldal, ang dami nilang napagkwentohan ni Gerald pero ni minsan walang nagbring up sa topic ng nararamdaman nila sa isa’t isa.

Haaaayyy sarap ng ganito, naku Kim wag mo nga bigyan ng malisya yang nangyayari ngayon, wala to, baka nakalimutan lang ni Gerald na nakatulog ka sa kama niya kaya nagawa ko tuloy unan, kim thought.

Si Gerald naman ay gising na gising, hindi siya nakatulog sa pagbabantay lang kay Kim, pinagmasdan niya lang ito buong gabi, hinihimas ang pisngi at buhok ni Kim, at ng hindi niya nga mapigilan ang sarili niya niyakap niya sa kim, at inamoy niya lang ang leeg nito.

Kahit kelan talaga ang bango ni Kim, nandito ka na, hindi kita hahayaan basta umalis nalang at hindi ko malalaman kung kelan ka ulit magpapakita, sisiguraduhin kong di na mauulit yung dati, konting time lang aaminin ko lahat sayo kimmy, mahal kita sobra, miss na miss na kita, Gerald thought.
Gising si Gerald buong gabi,natatakot siya na baka pag gising niya umalis nalang si Kim ng hindi nagpapaalam at hindi niya hahayaan yon, kahit barkada sila at madali lang malalaman ang address niya kung tutuusin, pero iba si Kim, hindi mo siya basta basta makikita nalang, mahirap hagilapin, at hindi man niya matanggap sa kanya pa naging mailap si Kim.

Naramdaman ni Gerald na gumalaw si Kim kaya naman nagtulog tulugan nalamang siya.
Si Kim naman sa sobrang takot na baka magising si Gerald at makitang ganun ang posisyon nila ay unti unti nalang umalis sa yakap. Nang makaalis sa yakap hinimas nito ang pisngi ni Gerald.

Kim: akala ko pag hindi na kita makikita, makaka move on na ako sayo, hindi pa din pala, mas lalo lang kitang minahal.

Tahimik na tumayo si Kim at lumabas ng kwarto.

Para namang nanalo sa lotto si Gerald sa narinig niya, hindi siya makapaniwala, grabe ang tagal niya palang manhid, hindi siya makagawa ng paraan para ligawan noon si Kim dahil sa takot na baka magalit si Kim sa kanya, pag dating sa babae kay Kim lang siya natorpe ng ganun. Pero ngayong nalaman na niya ang nararamdaman ni Kim, hindi niya ito palalampasin, gagawin niya lahat para makuha si Kim.

Tumayo siyang bigla at lumabas ng kwarto, nakalimutan niyang sinabi nga pala ni Kim sa kanya na aalis ito ng maaga, kaya nagmamadali siyang lumabas bago pa makaalis si Kim. Pag labas nito sumigaw na agad siya kaya naman nagulat ang mga kaibigan niya.

Gerald: Kim! Kim! Kim! Asan si Kim??

Kim:  Ge! Bakit ka ba nasigaw? Andito lang ako para ka namang batang naiwan ng nanay sa mall

Napangiti naman si Fred alam niya kasing doon sa kwarto ni Gerald nakatulog si Kim at umaasa siya na nagkaaminan na ang dalawa, matagal na niyang gustong mangyari yun para naman sumaya ang kanyang kaibigan, sa nakikita niya mukang malapit na ngang maging real ang reel barkada loveteam nila.

Fred: Bakit Ge? Lumuwag ba kama mo? (naughty look)

Bigla naman namula si Kim.

Maja: Araaaaaayyyyy aga aga ang ingay ingay  niyo, sakiiiiittt ng ulo ko mahfriend.

Nakasimangot na bumababa si Maja papuntang kusina.

Kim: ayan! Ikaw kasi, inom ka ng inom, sila Jake gising na ba?

Fred: oh eto, nagtimpla na kami ng kape para sa inyo, inumin mo to.

Umupo si Maja at kinuha ang kape

Maja: mahfriend sorry ha, knockout ako kagabi, san ka natulog? Ang gulo ng entertainment room, siguradong wala ka ng natulugan dun

Kim: ah eh… sa ano…kay…

Gerald: sa kwarto ko! Nakatulog kasi siya kagabi, napagod ata yan kakadaldal, tinulugan ako habang nanonood ng DVD.

Maja: aaaaaaahhhh…. Okay (nakangiting sabi nito)

Kim: oo, sorry Ge ha, dun na ako nakatulog, baka nahirapan ka pang magpahinga nakisingit pa ako sa kama mo, sorry

Gerald: sarap nga ng higa ko nawala sakit ng ulo ko (pabulong na sabi nito)

Kim: ha?

Gerald: wala, ok lang, tsaka di na sin sumasakit ulo ko

Kim: ah mabuti naman, so pwede na akong umuwi, Maj ano uwi na tayo?

Gerald: Hinde!

Napatingin naman ang mga kaibigan niya sa kanya

Gerald: ahhh ang ibig kong sabihin, mamaya ka na umuwi Kim, breakfast muna tayo, intayin mo na sila Rayver magising

Kim: anong breakfast? Tanghali na po kaya, lunch time na, naku ang dami ko pa naman aayusin, sabi ko aalis ako ng maaga pero nalate na ako ng gising.

Sarap kasi ng tulog ko kagabi, Kim thought.

Fred: edi, lunch, ihahatid ka naman ni Ge pauwi Kim eh, dito ka na muna, ngayon ka nalang ulit naming makaksama tapos nagmamadali ka pang umuwi.

Tinulungan na ni Fred si Gerald dahil alam niyang ayaw pa talaga ng kaibigan umalis si Kim. Tumingin naman si Gerald sa kanya at ngumiti na parang nagpapasalamat.

Kim:  oo sige na nga, nangonsensya pa kayo.

Maja: tsaka masakit pa din ulo ko, gusto ko munang humiga, tama sila dito muna tayo Kimmy.

Nagstay sila Kim at ng kinahapunan, napapayag na ni Gerald si Kim na ihatid nalang ito sa apartment niya. Si Maja naman sumabay kina Mel  pauwi dahil may naiwan itong gamit sa bahay nito.

Sa loob ng sasakyan, naaalala pa din ni Kim ang nangyari kaninang umaga, di niya mapigilan mapangiti ganun din naman si Gerald.

Gerald: oh bakit ka naman natatawa?

Kim: ha? Wala, may naalala lang ako

Gerald: ano naman yun?

Kim: wala yun,  ah kamusta na nga pala yang noo mo?

Gerald: Ok na galing mo kasi mag-alaga, thank you ha

Kim: naku ok lang yun, ako naman may kasalanan

Gerald: aksidente naman yun, nagkasalubong kasi tayo. So san ka nga pala dito sa Makati

Kim: diyan, kanan mo nalang, sa Constancia St., diyan apartment ko.

Gerald: bakit hindi ka nalang dun kina Maja, magshare kayo dun sa condo niya.

Kim: naku masyadong mahal, eto lang kaya ng budget ko, tsaka ok naman to eh pati para mas malapit sa pinagttrabahuhan ko.

Gerald: ah, so anong sched mo?

Kim: ha?

Gerald: Anong sched mo?

Kim: bakit?

Gerald: Anong bakit? Hoy ikaw ha, bawal mo na gawin yung hindi ka magpaparamdam, kaya dapat alam ko sched mo para lagi kita mapupuntahan.

Natuwa naman si Kim sa kanyang narinig, nag mature na talaga sila, kasi dati never niya narinig yun kay Gerald, kinikilig siya sa mga nangyayari.

Kim: Monday to Friday, duty ako, pang-umaga naman ako kaya maganda sched ko, 6 to 6 ako everyday.

Gerald: Good, so pwede kita sunduin ha, malapit lang naman bahay ko dito.

Kim: sunduin? Bakit? Di mo na kailangan gawin yun, eh ang lapit lang naman ng bahay ko

Gerald: basta wag ka ng umangal, ang laki ng atraso mo sakin, ang tagal mong di nagpakita o nagparamdam man lang, kelangan mong bumawi.

Kim: aba, ako pa talaga ang may atraso, sige na po SIR!!!!

Gerald: hahahaha cute (sabay hila nito sa mukha at hinalikan ang pisngi ni Kim.)

Kim: oi ikaw ha, kala mo di ko nahahalata, kelan ka pa naging manyak!

Gerald: anong manyak? Friends tayo! Masama ba?

Kim: hinde, pero sumosobra ka na, kahapon ka pa eh

Gerald: sus, gusto mo din naman

Kim: ahhhh ganun, kahit kelan may kakapalan ka talaga ng mukha.

Gerald: tsk, syempre gwapo!

Nagkakatuwaan sila ng bigla siyang pahintuin ni Kim dahil nasa tapat na sila ng apartment nito.

Kim: oh dito na ako, ingat ka pauwi ha, salamat talaga

Gerald: bukas diba may pasok ka na, sunduin kita ha

Kim: oo sige na

Niyakap ni Gerald si Kim, at hinalikan ulit sa pisngi

Gerald: I miss you

Kim: Namiss din naman kita eh, sige baba na ako

Nang makababa na si Kim, biglang tinawag ito ni Gerald sa may binatana.

Gerald: Kim! Teka lang!

Kim: bakit nanaman?

Gerald: Number mo?

Kim: ay hindi mo alam?

Gerald: ikaw! Baka nakakalimutan mong 5 years kang hindi nagparamdam, malay ko ba kung yun pa din ang number mo

Kim: hahahaha ikaw lang naman ang hindi nakakaalam ng number ko

Gerald: sige ipamukha mo pa saakin na sa barkada, wala kang pakeelam saakin.

Kim: kung gusto mo talaga sana hiningi mo kina Fred

Gerald: tama na nga yang sisihan, akin na cellphone mo.

Kim: oh eto na, save mo nalang number mo ittxt kita.

Gerald: hinde, ibigay mo sakin number mo, tatawagan kita.

Kim: oo na, eto na!

Gerald: thank you bbye!

Kim: sige, magingat ka ha, salamat din.

Pagka uwi ni Gerald, sobrang saya niya dahil nagiging mas open na siya kay Kim, hindi na siya nahihiya ipakita ang pagkagusto niya dito. Ngayon palang sinisimulan na niya ang mag pa good shot kay Kim.

Nagaayos ng gamit si Kim ng tumunog ang cellphone niya, laking tuwa niya ng makita niya kung kanino galing ang message at natawa din siya sa pangalang naka save.

From: Gerald Pogi
Message 5:17 pm

Hi! Dito na ako bahay, lock mo pinto ha, wala kang kasama diyan, dapat pala nagstay muna ako sandali, hehe

So concern pala tong mokong na to, haaaayyy naku Ge baka masanay ako, Kim thought. Nagreply agad siya.

From: Kimmy
Message 5:20 pm

Hehehe opo sir, lock ko na pinto, ano ka ba ok lang noh, solo lang naman talaga ako lagi dito. Pahinga ka nalang ulit, mukang kulang yang tulog mo dahil kahapon.

From: Gerald
Message: 5:22 pm
Dun ka na kina Maja, ako nalang bahala sa bayad, hindi ako kampanteng mag-isa ka diyan, baka kung anong mangyari sayo, di bale sana kung lalaki ka.

Magrereply na sana ulit si Kim ng biglang tumawag na si Gerald.

Gerald: Kim! Ano payag ka ba?

Kim: Ge wag na, di mo naman kailangan gawin yun, sabi ko naman sayo ok lang ako

Gerald: eh pano kung may biglang pumasok na magnanakaw diyan, wala kang kasama

Kim: may kapitbahay naman po ako, tsaka takot lang ng magnanakaw sa akin.

Gerald: hay naku tigas talaga ng ulo mo kahit kelan, ano bang ginagawa mo ngayon?

Kim: wala nagaayos lang ng gamit, tapos bibili lang ng pagkain para mamaya.

Gerald: wala ka pang pagakain diyan? Dapat sinabi mo sakin kanina

Kim: ano para ibili mo ako? Ge ikaw ha, para kitang boyfriend kung umasta

Natahimik naman ang linya.

Kim: Ge?

Gerald: wag ka muna bibili ng pagkain ha, sige bbye.
Kim: uy Ge!

Naputol na ang linya.

Ano naman kaya ang binabalak ng kurimaw na yun.

Nagmamadaling lumabas ng bahay si Gerald at sumakay sa kanyang sasakyan, gusto niyang samahan si Kim at ibili ito ng pagkain kaya naman pumunta agad siya sa isang restaurant para bumili ng pagkain.

Sa apartment naman ni Kim papasok sana siya sa banyo para maligo ng biglang may kumatok. Ineexpect niya si Gerald dahil bigla nalang ito nag hang sa telepono kaya naman napangiti siya at nagmamadali buksan ang pinto.

Nagulat siya ng makita niya ang kumakatok pala ay si Simon, ang kapitbahay niya na panay ang tulong sa kanya nung naglilipat siya.

Kim: uy Simon, ikaw pala, bakit?

Simon: nakita ko kasing dumating ka na, sino nga pala naghatid sayo? Boyfriend mo?

Kim: ah hindi, si Gerald yun, barkada ko dati nung sa Ateneo pa ako nagaaral, houseblessing kasi niya kahapon, nagkatuwaan kaya kanina lang ako naka-uwi.

Simon: eto nga pala, nagdala ako ng pagakain, nagluto kasi si mommy

Kim: wow, salamat ha, bibili sana ako kanina ng pagkain.

Simon: oh tamang tama di mo na kailangan bumili, gusto mo araw araw dadalhan kita eh.

Kim: hahaha ano ka ba di mo kailangan gawin yun, pero salamat ha.

Simon: ok lang yun

Kim: ay pasok ka muna, ano ba tong dala mo?

Simon: Adobo

Kim: ui thank you talaga ha, ang dami naman, kumain ka nab a?

Simon: hindi pa, pero sige dinala ko talaga yan sayo

Kim: Sabay na tayo, ang dami naman nito eh, teka maghahain lang ako

Kumuha si Kim ng dalawang pinggan, at naghain, kumakain si Simon at Kim ng biglang may kumatok sa pinto, nagulat si Kim ng marinig si Gerald, nakalimutan niya ang napagusapan nila sa telepono.

Kumakatok si Gerald at tinatawag ang pangalan ni Kim.

Gerald: Kim! Kim! Si Gerald to

Binuksan agad ni Kim ang pintuan para papasukin si Gerald

Kim: Gerald, hindi mo sinabing babalik ka dito, bakit ka ba biglang nag hang sa phone?
Gerald: ah kasi ibini…

Simon: Kim

Uminit bigla ang ulo ni Gerald pagkakita sa lalaking kasama ni Kim.

Kim: ah Ge, si Simon nga pala kapitbahay ko, Simon si Gerald

Simon: Simon pare

Tumango lang si Gerald

Gerald: ibinili kita ng pagkain (inabot ang dalang pagkain)

Kim: ah kaya pala ayaw mo ako pabilhin ng pagkain, salamat ha, halika pasok ka, sabayan mo na kami kumain ni Simon nagdala din kasi siya ng pagkain.

Pumasok si Gerald at biglang hinila ang kamay ni Kim, nagulat man si Kim sa inaasta niya, pinabayaan na lamang niya ito.

Umupo si Gerald at kumuha na ng pinggan si Kim, inasikaso ni Kim si Gerald, at natuwa naman si Gerald sa ginagawa ni Kim, nawala ang inis na nararamdaman niya kay Simon.

Grrrr…kelan ba aalis tong lalaking to, istorbo, Gerald thought.

Para naman nakakabasa ng iniisip si Simon, dahil bigla siyang nagpaalam at sinabing baka kailangan na siya sa bahay.

Simon: ah Kim, ok ka lang ba dito? Kasi baka hinahanap na nila ako.

Gerald: ok lang siya dito, di mo ba nakikita kasama niya ako

Kim: ui ano ka ba Ge, oo naman Simon ok lang ako, salamat ulit s pagkain ha.

Simon: ok lang talaga yun, dadalhan kita lagi, sige bbye, goodnight na din.

Hinatid ni Kim si Simon hanggang pinto, at pagkasara niya ng pinto tinitigan siya ni Gerald.

Kim: oh bakit ganyan ka makatingin?

Gerald: wala, hindi ako tiwala sa lalaking yun, kaya dapat talaga dun ka nalang kina Maja

Kim: ang kulit mo naman eh! Sinabi ko ngang ang mahal doon, tsaka mas malapit dito

Gerald: eh hindi ka naman sisingilin ng mahal ni Maja eh, para may kasama ka, tsaka atleast dun kung mag-isa ka man may guard sa building.

Kim: kahit na, nakakahiya kay Maja

Gerald: Tutulungan kita magbayad

Kim: Ge ano ba, di ko kailangan ng pera mo, may trabaho naman ako, ok na ako dito

Gerald: concern lang naman ako

Kim: di mo kailangan mag-alala, pag may mangyari man ikaw ang una kong tatawagan, okay

Gerald: dun ka nalang kaya sa bahay ko, ako lang naman dun, pwedeng pwede ka dun (nakangiting sabi nito)

Kim: tumigil ka nga, O.A na yang pagiging concern mo ha

Gerald: hay di ko na alam ang gagawin ko sayo, kahit kelan matigas ulo mo.

Kim: wala ka naman kasi kelangan gawin sakin, ok lang ako Ge, promise

Gerald: oo na , oo na

Tumayo si Gerald at iniligpit ang mga pinggan, dinala sa lababo.

Kim: ako na, di ka naman sanay maghugas ng pinggan

Gerald: ako na, tutulungan kita, ang aga pa ng pasok mo bukas, dapat nagpapahinga ka na eh

Kim: aga aga pa naman ok lang ako

Gerald: anong oras ka nga pala umaalis dito papunta sa trabaho?

Kim: mga 5:30, kahit kasi malapit lang traffic pa din
Natapos silang maghugas ng pinggan at nagpaalam na din si Gerald, ayaw man niyang umalis pero kailangan ng magpahinga ni Kim, ganun din siya dahil kelangan niyang gumising ng maaga dahil sa binabalak niyang gawin.

Gerald: sige Kim, uwi na ako ha, sigurado ka bang ok ka dito?

Kim: alam mo isang tanong pa hindi na kita papayagan pumunta dito! Kulit mo, para naman akong nakatira sa squaters kung mag-alala ka

Gerald: sorry naman, sige alis na ako bbye

Hinatid siya ni Kim hanggang sa kanyang sasakyan, bago pumasok si Gerald sa loob ng sasakyan, bigla niyang hinila si Kim at niyakap ito

Gerald: bango

Kim: hindi pa nga ako naliligo

Gerald: mabango ka pa din, pakiss nga, kakagigil ka eh (sabay halik sa pisngi)

Kim: nakakahalata na talaga ako sayo ah, over na yang pag ka miss mo sa akin ah, sina Fred di naman ganyan.

Gerald: subukan lang nila

Kim: ano?

Gerald: wala, sige na pasok ka na

Kim: sige salamat sa pagkain ah

Gerald:  no problem, bbye

Pag pasok ni Kim sa loob ng bahay, bigla nalang siya umirit dahil sa sobrang kilig, nagtatalon siya hanggang sa loob ng kwarto, tuwang tuwa siya sa mga nangayayari, kumakanta siya habang naliligo. Nagpasalamat din siya sa Diyos dahil sa mga nangyayari, matutulog na siya ng makarecieve ng text mula kay Gerald.

From: Gerald Pogi
Message 9:42 pm

Goodnight Kimmy, I had fun sobra, thank you, sweet dreams and I miss you hehehe ?

Niyapos bigla ni Kim ang kanyang cellphone at namilipit sa kama sa sobrang kilig.

From: Kimmy
Message: 9:48 pm

Ako din, sobrang saya, salamat, namiss din kita sobra, goodnight sir, sweetdreams ?)))

Natulog sila ng may malaking ngiti sa mga labi, exited pareho sa mangayayri kinabukasan.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
pink_sapphire #1
Chapter 12: sana mag update ka na dito..ang interesting kase ng story..
jcbel6523 #2
any update on this? This is really a great story. I hope you'll continue updating this. Thanks!
TheArvie99 #3
thanks ... please update
jinkx0820 #4
hello, nameless...i hope u can update soon..:-)
b1_nipahut #5
@nameless- super cute ur story,hope u cud update more.hahhaha but studies shud come first..next is being a kimerald addict or it cud be the other way around, hahahha joke only!!

@aram and darna!!pasaway... andito din kau?hahaha

halu tita tess!!
nameless #6
hello kimge4ever, dakilang lurker po ako sa pex at cbox hahaha :))))
kimge4ver #7
Nameless...........

Nasaan ang updates mo sa chapter 10......

waiting patiently......... school first before your FF....

taga CBOX & PEX ka rin ba.........
lykz_nicole04 #8
Hello po! Grbe kakilig :> Update napo. grbe excited nko :)) God bless!
aram_KG #9
BB! Nipa Hut! :D Gotcha! Haha :D

Please update soon, please. Or pwede Now na? Haha. Joke lang :D

Super Kilig, keep it Up *2thumbsup*
angela12kg #10
plss update soon super kilig ng story !!!