Chapter 5

Love Takes Time

Panay ang txt at tawagan nilang dalawa habang hindi pa sila magkasama. Sa opisina ni Gerald hindi siya mapakali at gustong gusto ng makita si Kim, ngayon lang siya naging masaya ng ganito, kung pwede lang ipapacancel na  niya lahat ng meetings niya para makita na si Kim, pero hindi pwede yun, kailangan siya sa kompanya at kelangan din ni Kim ng panahon para trabaho niya, kaya wala siyang nagawa kundi mag-antay nalamang at tawagan si Kim para hindi siya mainip.

Kinahapunan, tumawag si Maja kay Kim.

Maja: hello mahfriend, nasa work ka?

Kim: yes, bakit?

Maja: madami ka bang ginagawa? Pwede ba kitang puntahan?

Kim: bakit? Wala ka bang ginagawa? Diba may work ka din ngayon?

Maja: naku wala, dumating kasi si ate, siya muna sa shop ngayon, wala kasi ako magawa, gusto ko makipagchikahan sayo

Kim: naku mahfriend madaming pasyente ngayon eh

Maja: edi mamaya nalang after work mo? Diba 6 ang tapos mo?

Kim: ha?...eh… kasi…

Hindi alam ni Kim kung sasabihin na ba niya na sila na ni Gerald.

Maja: ano? Mahfriend ha, diba sa bahay ka lang naman after work, sige na hindi naman kita guguluhin

Kim: oh sige, kita nalang tayo sa apartment ko mamaya

Maja: sunduin nalang kita diyan mamaya

Kim: ha? Naku wag nalang mahfriend

Maja: wag ka na umangal para bili na din tayo ng food, may sasabihin din kasi ako sayong importante

Wala naman nagawa si Kim kundi ang pumayag nalang

Kim: ok sige, antayin kita, bbye

Maja: thank you kimmy, bbye

Pagkaputol ng linya, agad namang nagring ulit ang kanyang cellphone at nakitang si Gerald ang tumatawag.

Gerald: Baby, bakit di ka sumasagot kanina? Madami ka bang ginagawa?

Kim: tumawag kasi si Maja, kamusta baby?

Gerald: eto namimiss na kita, pwede na nga kita puntahan diyan eh, wala na kasi akong ginagawa dito.

Kim: ah babe, ok lang bang bukas nalang tayo magkita?

Sumimangot bigla si Gerald sa narinig.

Gerald: bakit? May ngyari ba?

Kim: ah eh wala, si Maja kasi, magkikita kami mamaya

Gerald: eh ano naman ngayon? Edi magkita kau, sasamahan kita

Kim: sa apartment lang kami, susunduin niya daw kasi ako

Gerald: sana sinabi mo na sa apartment nalang kayo magkita, pwede namang dun lang ako, hindi naman ako  mangiistorbo sa inyong dalawa.

Kim: hindi ko pa kasi nasasabi ung nangyari sa atin

Gerald: kimmy…

Kim: sorry

Gerald: bakit ayaw mong sabihin?

Kim: hindi lang kasi ako sanay, sorry babe, pero promise sasabihin ko na sa kanya

Gerald: dapat lang babe, barkada natin sila, at wala akong balak itago ang tungkol satin

Ngumiti si Kim, mahal na mahal na talaga niya si Gerald.

Kim: alam ko naman yun babe, sige sasabihin ko na kay Maj, pagpunta niya dito, sige baby kailangan na ako, bbye, I love you

Gerald: ok, I love you, see you later.

Nagreready ng umalis si Kim ng dumating si Maja.

Maja: hello mahfriend! So tara na?

Kim: ah mahfriend, wait lang C.R lang ako

Maja: samahan na kita

Sa loob ng C.R, nagreretouch ang dalawa ng biglang may nasabi si Maja na ikinagulat ni Kim.

Maja: mahfriend may chika ako sayo! (habang naglalagay ng powder sa mukha)

Kim: ano nanaman yan Maja? Chumichismis ka nanaman

Maja: ano ka ba interesting to, yun nga lang baka hindi ka matuwa

Kim: ha? Ano ba yun? (nag aaply ito ng lipstick)

Maja: may na hear kasi ako kanina, wag ka mabibigla ha

Kim: sabihin mo na kasi, may suspence effect ka pa kasi diyan! sprayan kita ng pabango sa mukha eh

Maja: mahfriend owver! Violente ka talaga… ano kasi… SI GERALD NAKIKIPAGHALIKAN SA PARKING LOT!!!

Naisubsub ni Kim ang lipgloss sa mukha pagkarinig sa sinabi ni Maja

Maja: ui mahfriend! Sorry, sabi ko naman sayo wag ka mabibigla, naisubsub mo tuloy ung lipgloss sa mukha mo!

Kim: eh pano ako hindi mabibigla! kulang nalang isubsub mo yan bunganga mo sa tenga ko sa pagkakasabi!

Tumahimik lang si Kim.

Maja: yan lang reaction mo? Di ka ba magseselos? Ung pinagnanasaan mong lalaki kung kani-kanino nakikipaghalikan sa parking lot pa! at take note! Parking lot pa dito! Naka uniform pa ung babae! At siguradong nurse yun dito! OWVER! OWVER! OWVER!

Kinuha ni Kim ang tissue na ginagamit niyang pangtanggal sa lipgloss sa mukha niya at isinalaksak sa bibig ni Maja.

Kim: sige isa pa isa pa! uubusin ko lahat ng tissue dito at isasalaksak ko diyan sa bunganga mo! Manahimik ka!

Maja: aray ko naman! Sobra ka na ha! Nagseselos ka lang kung makasuksok ka naman ng tissue sa bibig ko!

Kim: katabi mo lang ako, bakit kelangan mong sumigaw at talagang sa mukha ko pa, gusto mo talagang ipangalandakan na chismosa ka noh!

Maja: oh sige na hihinaan ko na po ang boses ko, so kamusta? Ano naman masasabi mo sa chismis ko (pabulong na sabi nito malapit sa tenga ni Kim)

Kim: ano ba! Ano bang kinain mo? Bat amoy alamang yang bibig mo? May dala ka bang toothbrush? Magtoothbrush ka nga!

Maja: wag mo ngang ibahin ang usapan! (inaamoy ang hininga) at wag mong pakeelaman ang hininga ko! Hindi naman tayo mag kikissing, si Gerald ang pinaguusapan natin dito at ang babaeng kahalikan niya kaninang umaga, owver, 6 in the morning agang kissing scene naman non.

Hindi makakibo si Kim, dahil kilalang kilala niya kung sino ang tinutukoy ni Maja na kahalikan ni Gerald kaninang umaga, nahihiya man siyang aminin, kailangan niyang sabihin. Grabe sino naman kayang chismosa ang nagsabi sa isa ko pang chismosang friend sa nangyari kanina, hindi ko naman  akalaing may makakakita sa amin, sabagay nasa parking lot kami, malamang may makakakita nga, hindi ko naman akalaing ichichismis pa yun. Kim thought.

Kim: sino namang makating dila ang nagkwento sayo niyan ha?

Maja: wala narinig ko lang sa shop, kasi kanina nung pumunta ako dun para kamustahin si ate, may malalanding customer dun, narinig kong pinaguusapan nila si Gerald

Kim: pano mo naman nasiguradong si Gerald ang tinutukoy nila? Si Gerald lang ba ang Gerald sa mundo?

Maja: Hello! Si Gerald Anderson lang naman ang, sikat at gwapong mayaman dito noh, tsaka namumukhaan ko yung dalawang babae, parang nakita ko na sila, ang alam ko sila yung panay ang flirt kay Ge, grabe sa mga party lagi silang nandun, sa company ata nila Gerald nagttrabaho yung mga yun, patay na patay ang mga yun kay Gerald noh. Sino kaya yung girl na ka kissing kissing ni Ge, swerte nun, mabait naman kasi si Ge tsaka hindi basta mag gigirlfriend si Ge kapag hindi niya siguradong mahal niya, kaya iritang irita yung mga girls na nakakita sa kanya kanina, syempre wapak! Tsugi beauty nila!

Ngumiti naman si Kim sa mga narinig niya

Maja: oh bakit ka nakangiti? Diba dapat nga ngumangawa ka na jan? siguro naka move on ka na nga, kasi parang masaya ka pa

Kim: alam mo mas brutal ka eh noh, pano kung hindi pa ako nakakamove on at pinagsasabi mo sakin yan, ano sa tingin mo mararamdaman ko?

Maja: ay sorry mahfriend, eh lagi mo naman kasi sinasabi sakin dati na naka move on ka na, kaya akala ko ok lang sayo, tsaka para pumayag ka ng makipagdate sa iba kung sakaling may girlfriend na talaga si Ge, ang ganda ganda mo kaya mahfriend, there are many fishes in the fish pond!

Kim: fish pond ka diyan! Eh kasi mahfriend may sasabihin ako sayo, ikaw ang wag mabibigla ha…
Kasi yung girl na tinutukoy mo ay…..

Hindi na naituloy ni Kim ang sasabihin ng biglang may pumasok sa C.R

Krisna: Oh Kim, andito ka lang pala, may lalaking kanina pa naghahanap sayo, ikaw Kim ha di mo sinasabi gwapo gwapo pala ng boyfriend mo, naku lumabas ka na bilis, kasi naglalaway na mga nurse sa station natin.

Napatingin naman si Maja kay Kim na nagtataka, kaya hinila nalang ni Kim si Maja palabas ng C.R

Kim: sige Krisna, salamat ha

Hila-hila ni Kim si Maja papunta sa nurse station.

Maja: mahfriend ikaw ha! Kaya pala ayaw mo magpasundo kanina, may bo…

Naputol ang sasabihin ni Maja ng makita si Gerald papalapit sa kanila at natulala pa siya when Gerald hooked an arm around Kim’s waist, pulling her to him to bestow a brief, hard kiss on .
Nabigla naman si Kim sa ginawa ni Gerald, lalo na ngayong pulang pula siya, daig niya pa ang lasing.

Gerald: Baby, kanina pa kita inaantay (niyakap si Kim) I miss you

Tumingin naman si Maja kay Kim at parang nagtatanong ito kung totoo ba ang mga nakikita niya. Tumango lang si Kim at parang nagsosorry dahil hindi nasabi agad ang tungkol sa kanila ni Gerald.

Gerald: Maja! (nakangiting bati nito)

Maja: so kelan pa?

Kim: eh actually mahfriend, kanina lang, ah…. Yung ano…. Yung sinasabi mo kanina na babae… ano kasi….

Maja: naku gets ko na! sorry mahfriend sa pagkakakwento ko baka kung ano isipin mo, sorry sorry, baka exage yung pagkaka kwento ko

Kim: hindi, ok lang talaga mahfriend, ako nga yung nahihiya sa ginawa naming kanina, hindi yun ang tamang place, pero mahfriend maniwala ka, wala yun, alam mo na, hindi talaga

Maja: ano ba no need to explain, kilala ko kayo at lalong kilala kita

Gerald: ano ba yun?

Maja: ah wala, sa susunod kasi Ge, kung may balak kang gawin dito sa mahfriend ko, eh wag naman sa sasakyan, parking lot pa dito, alam mo namang madaming insecure na palaka dito, ayun naichismis na kayo…ay actually ako nagchismis, kasi narinig ko sa store, pero kay Kim ko lang naman sinabi, sorry

Gerald: hahaha ok lang yan Maja, at sorry, hindi na po mauulit, promise kung may balak ako dito, (inakbayan si Kim) deretso sa bahay ko (giving Kim a mischievous look)

Kim: (pulang pula na) ano ba itigil niyo nga yang pinaguusapan niyo, baka may makarinig pa sa inyo ano pang isipin, nakakahiya.

Maja: hay naku, ears ang drama hahahah oh siya sige na, mukang may date kayo, iistorbo pa ako

Kim: ah hinde, ok lang Maja, dun nalang tayo sa apartment, di naman kami aalis

Gerald: oo nga Maj, ok lang talaga saakin.

Maja:  wag na, dapat magcelebrate kayong dalawa, next time nalang mahfriend, so pano alis na ako

Kim: thank you mahfriend (yumakap kay Maja)

Maja: wala yun ano ba, oh mahfriend, behave ah! Ang bataan! Baka bukas mabalitaan ko bagsak na!

Kim: (namula ulit) ano ba Maja! Yang bibig mo tatapyasin ko na talaga! Sige na, umalis ka na nga hahaha

Maja: bye mahfriend, Gerald ha! Pigil pigil naman

Gerald: hahahaha pagdasal mo nalang Maja, di ko alam kung kaya ko magpigil

Narinig ni Kim yun kaya hinampas si Gerald sa braso.

Gerald: aray, bakit?

Kim: hoy Maja! Lumayas ka na nga, ang dudumi ng utak niyo

Maja: oo eto na nga diba, eto na, aalis na! bbye!

Natawa na lamang si Gerald at Maja.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
pink_sapphire #1
Chapter 12: sana mag update ka na dito..ang interesting kase ng story..
jcbel6523 #2
any update on this? This is really a great story. I hope you'll continue updating this. Thanks!
TheArvie99 #3
thanks ... please update
jinkx0820 #4
hello, nameless...i hope u can update soon..:-)
b1_nipahut #5
@nameless- super cute ur story,hope u cud update more.hahhaha but studies shud come first..next is being a kimerald addict or it cud be the other way around, hahahha joke only!!

@aram and darna!!pasaway... andito din kau?hahaha

halu tita tess!!
nameless #6
hello kimge4ever, dakilang lurker po ako sa pex at cbox hahaha :))))
kimge4ver #7
Nameless...........

Nasaan ang updates mo sa chapter 10......

waiting patiently......... school first before your FF....

taga CBOX & PEX ka rin ba.........
lykz_nicole04 #8
Hello po! Grbe kakilig :> Update napo. grbe excited nko :)) God bless!
aram_KG #9
BB! Nipa Hut! :D Gotcha! Haha :D

Please update soon, please. Or pwede Now na? Haha. Joke lang :D

Super Kilig, keep it Up *2thumbsup*
angela12kg #10
plss update soon super kilig ng story !!!